Share

CHAPTER 2

Elaidia

Napadilat ako nang biglang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw. Pupungas-pungas akong bumangon. Pagtingin ko sa side table, napataas ako ng kilay nang makitang 9a.m na ng umaga. Seryoso? Gano'n ako katagal nakatulog? 'Di ko rin namalayan na nakatulog ako.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang may message si Xaito. Agad-agad ko itong binasa.

From: Xaito

Goodmorning beautiful.

Simpleng text pero nakakakilig. Isurprise ko kaya siya? Hehe. I'm sure tulog na naman 'yon.

PAGKABABA ko, nadatnan kong kumakain si mommy sa dining. Nilapitan ko ito at binati.

"Elaidia, upo ka," yaya nito. Umupo rin naman ako sa tabi niya. "Kumain ka. Kahapon 'di ka nag-dinner," dugtong niya.

"Sorry mom, 'di ko po namalayan na nakatulog ho ako. By the way, where's dad?"

"Nasa office na siya. Ang aga niya nga umalis e," sabi niya sabay inom ng kape. "Hindi ko makausap nang maayos ang dad mo. Napapansin ko rin ay 'di siya natutulog sa gabi. Nag-aalala ako baka mag-kasakit siya." Nakalaylay ang dalawang balikat ni mommy habang nakatingin kung saan.

Kasalanan ko ba talaga? Masyado na ba akong nagiging makasarili? Makasarili kasi ang gusto ko lang ay 'yung gusto ko. Ako pa may ganang magsabi kay dad ng selfish. Ako rin naman pala.

"Mom?" tawag ko sakaniya. Tumingin din naman siya sa akin at matipid na ngumiti. "I'm sorry kung ayaw ko sundin ang gusto niyo."

"Ano ka ba naman Elaidia, I respect your decision okay? If that's what you want, sino ba naman ako para pigilan ka?" Lumapit siya sa akin at hinagod ang nakalugay kong buhok. "I love you baby," bulong niya sa akin. Parang piniga ang puso ko nang sabihin niya 'yon.

"I love you, mom," sagot ko at niyakap siya.

Gusto ko sana umiyak kaso 'di ito oras ng drama. Ang sarap sa feeling na ramdam mo ang pag-mamahal ng isang ina. I swear to God, she's the best mom ever. Sa kalagitnaan ng kain at pag-uusap namin, nakarinig kami ng kalabog sa sala. Agad napatayo si mommy at nagmadaling lumakad. Sinundan ko naman siya.

"Chris! What happened!?" alalang tanong ni mom. Kitang-kita namin ang mga basag na vase sa sahig. "Chris!" tawag niya ulit kay dad. Hindi siya nito pinapansin at nakatuon lang ito sa sahig. "Chris, please tell me. What happened?" malumanay ulit na sabi ni mom.

"Wala nang pag-asa," malungkot na sabi ni dad. Kitang-kita ang pag-bagsak ng dalawang balikat niya. "Ang mga investors natin ay gusto bawiin ang pera nila. Ano naman ang ibibigay natin?" problemadong sabi pa ni dad. Umiiling-iling pa ito na tila'y nadidismaya.

Nakita ko namang niyakap siya ni mommy at inalo. Para akong estatwa sa pwesto ko. Kasi simula kanina ay di man lang ako gumalaw. Kitang-kita ko ang nakakunot na noo ni dad at ang kaniyang sama na tingin.

"Why are you still doing here?" takhang tanong nito sa akin.

"D-Dad?"

"Don't call me dad!" Napaigtad ako nang bigla siyang sumigaw.

"Chris, ano ba!!!" singit ni mommy.

"What is the meaning of this Edalyn? Hindi ba't sinabi ko sayong ayoko na makita pa 'tong batang 'to simula ngayon?" asik ni dad habang nakaduro sa akin.

"Chris, 'di ko siya pwedeng paalisin dito. Anak pa rin natin siya!"

"Wala akong pakialam! Hindi na sana lalala pa ang problema natin kung sumunod lang siya!"

"I-I'm sorry dad," sinsero kong sabi. Yumuko nalang ako para di ako makatingin sa mata niya. Para itong nag-aapoy at kahit ilang oras ay pwede ako sunugin.

"Sorry? 'Yan nalang ba ang masasabi mo Elaidia? Kung alam mo lang, wala kang natutulong sa pamilyang 'to! Dagdag ka lang sa problema!"

"Chris!!" pagmamakaawa ni mom. Kitang-kita ko na rin ang paghikbi niya at awang tingin sa akin. Gusto niya akong lapitan pero parang 'di niya magawa. "Tama na Chris, please? Tama na."

"Paalisin mo na lang 'yan Edalyn. Dahil baka kung ano pa ang magawa ko r'yan," galit na sabi ni daddy.

Nag-iinit ang mga mata ko at wala man lang masabi. Nakatingin sa akin si mommy habang umiiling.

"Bakit nandiyan ka pa!? Layas!" sigaw na naman ni dad.

Wala na akong nagawa, para akong mauubusan ng hangin kakahikbi at walang tigil ang luha ko sa pagtulo. Tiningnan ko lang si mom at tinalikuran na sila.

"Elaidia, no!!" rinig kong sigaw ni mommy. "Elaidia, anak ko! 'Wag kang umalis." Parang tinusok ang puso ko ng marinig ang pag-iyak ni mom.

Hindi ko na sila pinansin. Patuloy lang ako hanggang makalabas ng bahay. Sobrang lakas ng ulan. Pero 'di ako nagpatinag dito. Patuloy pa rin ako sa paglakad. Kasabay ng luha ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Basang-basa ang damit ko at nakakaramdam na rin ako ng lamig.

Halos isang oras ako naglakad bago makarating sa bahay ni Xaito. Nanginginig kong pinindot ang doorbell. Ilang beses ko pa itong inulit. Wala ba siya? O tulog lang? Umupo ako sa labas ng pintuan nila. Kahit papaano ay may silong. Pero basang-basa pa rin ako. Niyakap ko ang sarili ko at hinayaan ang sarili umiyak. Siguro kapag nakita akong ganito ni mom papagalitan ako no'n. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit. Nakakaramdam din ako ng antok.

MAYA-MAYA lang ay may naramdaman akong haplos sa aking mukha. Dahan-dahan akong dumilat at direkta sa kulay puting kisame ang piningin ko.

"X-Xaito?" Nakita ko siyang nakaupos sa gilid ko. "Paano ako napunta rito? At b-bakit iba na ang suot ko?"

Bumuntong hininga muna siya at lumapit sa akin. Hinipo niya ang noo at leeg ko.

"Kumusta pakiramdam mo?" tanong niya. "Buti nalang tinawagan ako ni Manang. Sabi niya nasa labas ka natutulog at basang-basa."

Hindi naman ako nakapagsalita agad. Para akong napipi at naging estatwa. Tumitig ako sakaniya at lumunok.

"P-Pinalayas ako ni dad," nahihiya kong sabi at tumingin kung saan habang pinipigilan ang luha.

"Bakit? Ano nangyari?" nag-aalala niyang tanong.

"Mayroon lang kaming 'di pagkakaintindihan. Palagi naman kaming gano'n hindi ba? Grabe lang ngayon," pagsisinungaling ko.

Hindi ko alam kung naniwala siya o hindi. Matagal muna siyang tumitig sa akin bago tumango.

"Kumusta na nga pakiramdam mo? Sobrang init mo kanina. Binihisan ka nalang ni Manang, kasi nanginginig ka na sa lamig," pag-iiba niya ng usapan.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin niyang si Manang ang nagbihis sa akin.

"Why?" natatawa niyang tanong. "Akala mo ako nag-bihis sayo 'no? Pwede naman kung pipilitin mo ako. Aray!!"

Hinampas ko sa braso niya. "Kalokohan mo talaga." Natawa nalang din ako sakaniya. "Gusto ko ng sopas," nakanguso kong sabi sakaniya. Hinaplos naman niya ang pisngi ko at hinawakan ang baba. Napangiti naman ako nang bigla niyang halikan ang tungki ng ilong ko.

"Sure! Hintayin mo ako rito. Pahinga ka muna r'yan lulutuan kita."

Ang gwapo niya talaga, lalo na kapag ngumingiti. Nawawala kasi yung cute niyang mata. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Pipikit na sana ako nang bumukas muli ito at tumakbo sa akin si Xaito. Mabilis niyang hinalikan ang labi ko.

"I love you!" sigaw niya at tumakbo na ulit palabas.

'Di ko napigilan mamula. Kahit kailan ka talaga. Sabay nakangiting pumikit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status