Elaidia
Ano nga ba ang kahalagahan ng pagpapakasal? Para sa akin, ginagawa lang ito ng dalawang mag-kasintahan na totoong nag-mamahalan. 'Yung alam na nila na sila na ang mag-sasama hanggang tumanda.
Pero, 'di ko alam na ang pagpapakasal ay ginagawa rin bilang kasunduan. Sa ngalan lang ng pera o mana. Paano nalang kung mag-kaanak? Matatawag pa bang happy family 'yon? Kahit hindi niyo naman talaga mahal ang isa't isa simula umpisa.
"Mamsh, tulala ka r'yan?" bumalik ako sa katinuan nang bigla ako kalabitin ng katabi ko.
"H-Ha?"
"Ha? Lutang ka?" pabirong tanong ni Tyche. Bestfriend ko.
Mas matanda siya sa akin ng 3 years. Na-late raw siya sa pag-aaral dahil sa kawalan ng pinansiyal. Nakilala ko noong nasa college pa ako. Naging scholar siya sa school namin at nag-tapos ng nursing. Ngayon, happy married siya at may isa nang anak.
Papunta kami ngayon sa office raw ng kaibigan niya. Balak ko kasi mag-apply for work. Actually, hate ko 'tong ganito. May sarili kaming company pero palugi na. Kaya kailangan ko gumawa ng paraan para 'di na nila ako ipakasal.
I'm nervous!
Bawat hakbang papasok sa building ay parang mabigat para sa akin. Bakit ba kasi kailangan pa umabot sa ganito? Nakakainis!
Pumasok kami sa elevator at pumunta sa 20th floor.
"Dito na tayo," biglang sabi ni Tyche. "Naku Elai, ang daming pila," dugtong niya pa.
"Ang yaman niyan diba?"
"Mag-aapply?"
"Obvious naman. Balita ko kasi na nalulugi raw ang kompanya nila."
Bigla naman akong napatingin kay Tyche nang marinig ang mga bulungan na 'yon. Napataas ito nang kilay at maarteng inayos ang buhok.
"Haynako! Iba talaga kapag anak ni Marites! Kung saan-saan nakaka-sagap nang chismis! Oh, may lamok! Mmm! Chismosa ka ah. Bagay sayo 'yan," parinig nito.
Natawa naman ako sakanya. Sinenyasan ko siya na 'wag na maingay. Nakaupo lang siya sa isang chair 'di kalayuan sa pila. Salamat naman at wala na akong narinig na bulungan.
Nag-umpisa nang gumalaw ang pila. Medyo mabilis lang sila. Bakit kaya? Natanggap ba sila? Nakakakaba pala talaga ang ganito.
Maya-maya lang ay may lumabas na isang babae. Humihikbi ito at nagmamadali. Bigla naman siyang hinawakan ng isang babaeng nakapila medyo sa unahan.
"Ano nangyari?" nag-aalala nitong tanong.
"H-Hindi ako pasok e. Ang sabi pa niya mas bagay ako maging janitress," umiiyak nitong paliwanag.
"Huh? 'Di niya ba tiningnan background mo? Marami ka naman nang experience ah. Halos lahat ng in-applyan mo ay 'di ka tinanggihan."
"P-Pero ayaw niya. S-Sige na mauna na ako," huling sabi nito at tumakbo paalis.
Halos lahat ay sinundan siya ng tingin hanggang mawala. Napapikit ako at sinabi sa sariling 'I can do it!' tanggal kaba lang.
"YOU'RE NOT QUALIFIED!!! Wala sayo ang hinahanap ko. Kaya labas! Next!"
Malakas ang kabog ng d****b ko nang marinig ang sigaw na 'yon. Nakayukong lumabas ang babae at dire-diretso lang ang lakad.
"NEXT!"
Napaigtad naman ako nang malamang ako na pala ang kasunod. Natataranta kong inayos ang aking mga documents pati na rin ang buhok ko. Pumasok na ako sa loob ng malamig na office. Pero kahit na gano'n nararamdaman ko ang pagtulo ng pawis ko sa sintido.
Nakita ko ang babaeng nakaupo sa swivel chair. Mahaba ang buhok nito, bilugan ang mata at nakaarko ang kilay. Ang sama ng titig nito sa akin. Nanatili lang akong nakatayo sa harap niya at nakatitig lang sa marmol niyang sahig.
"What are you doing, Miss?" Napatingin ako sakaniya nang sabihin niya 'yon.
"I-I'm here to a-appl--"
"I know!" sigaw niya na ikinagulat ko. "I know you're applying. That's why you're here infront of me, looks like an idiot," pang-iinsulto niya.
"E-Excuse me Ma'am?"
"Whatever Miss, kung wala kang gagawin dito pwede ka na umalis. Marami pang tao."
"N-No, I'm sorry." Lumapit ako sa desk niya at inilapag ang mga requirements ko. "I'm really sorry Ma'am. Please hayaan niyo po ako mag-apply. I really need this job," pagmamakaawa ko.
"Okay, tell me about yourself," walang gana niyang sabi.
"My name is Elaidia Valleja, I am 23 years old. I've worked hard in my education under the office administration," I explained. "Actually, this is my first time to find a job. My parents are businessman. But, because of personal problem, I really. Really need to apply."
Her mouth formed as she gave me a serious look. She averted her gaze from me and laughed softly in the air.
"That's all?" parang 'di pa siya makapaniwala sa sinabi ko. Bilang tugon ay tumango nalang ako. Tumango-tango rin siya at tinignan ang bio-data ko. "Oh, I knew it. So it's you?"
I pointed myself and looked at her with astonishment.
"Daughter of Edalyn and Chris Valleja? Am I right?" paninigurado niya. Tumango naman ako. "Then why are you here?" tanong niya.
"We're having a personal problem, as of now. So, I need money." Napayuko naman ako. Bakit ba ang dami niya pang tanong.
"Para saan? Para pambayad utang?" Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Nakita ako ang nakangisi niyang labi. Parang tumaas lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo nang mapansing nakakainsulto ang way ng pagtingin niya sa akin. "I pity you and your family," dugtong niya at humagikhik.
Bumagsak ang dalawa kong balikat. Parang may mabigat na bagay ang dumagan sa akin. Sino siya para sabihin 'yon?
"Wala kang alam. H-Hindi mo kailangang sabihin 'yan," mahinahon ngunit inis kong sabi.
"Why? Hahaha, totoo naman ang sinasabi ko. Nalulugi na kayo at lubog na kayo sa utang."
Wala na ako masabi. Nanatili lang akong nakatingin sakaniya. Nararamdaman ko ang pag-init ng mga mata ko.
"Ang dating prinsesa, ngayon magiging pulubi na ba? Nako, kawawa naman," pang-aasar niya. Sumeryoso siya nang mapansing nakatingin lang ako sakaniya. "Wala ka bang sasabihin man lang?"
"Sino ka ba!? Sino ka para sabihin 'yan? 'Di mo kami kilala," parang nauubusan na ako ng boses nang sinabi ko 'yon.
"Kilalang-kilala kita at ang pamilya mo," mahina niyang sabi at pinanliitan ako ng mata. "Muntik na rin malugi ang business namin dahil sa pamilya mo. Dahil 'di kayo marunong mag-bayad." Umirap siya at sumandal sa kaniyang swivel chair.
"What do you mean?"
"What I mean is, My name is Serenity Evañez. I'm the daughter of Mrs. Selene Evañez. Ang may-ari ng lupang pinagtatayuan niyo ng inyong kompanya at inutangan lang naman ng father mo pang-suporta sa sugal," paliwanag niya. "So, I decided na puwiin ka na. Dahil wala kang mapapala sa akin. Aside from that, you're not qualified. Base on your resume, you don't have any experience or skill in this job. You are just a brat na humihingi lang ng pera sa magulang pambili ng luho," ngisi niyang sabi at sumenyas na lumabas na ako. Nilukot pa niya ang lahat ng requirements ko at itinapon ito sa trash can katabi ng desk niya. "Now, leave. See you! But, I don't want to see you."
Tumalikod na ako agad at lumabas. Nagmadali akong naglakad at nakita Si Tyche.
"Mamsh, ano nangyari?" tanong niya at sinundan ako papasok ng elevator.
Pinunasan ko ang luha ko at niyakap siya. Doon ko nilabas lahat. 'Di ko matanggap ang insultong narinig ko. Ayos lang sana sa akin na sabihan niyang pulubi. Pero ang sabihin niyang nagsusugal si dad ay iba na.
"Elai, tahan na," pag-aalo sa akin ng kaibigan ko. Umiyak lang ako nang umiyak. "H-Hindi ko alam na sila pala ang owner ng lupang pinagtatayuan ninyo. Sana pala 'di nalang kita dinala rito. I'm sorry."
"Okay lang 'no. 'Di mo kasalanan. Marami pang iba r'yan," ngiti kong sabi sakaniya at nginitian niya rin ako.
NANG makauwi ako sa bahay, agad-agad akong pumasok sa loob.
"Elaidia!" Sinalubong ako ni mommy ng yakap. Inalalayan niya ako papasok.
Pagkarating namin sa sala nakita ko si dad na may kausap. Sa tingin ko ay mag-asawa sila. Medyo may edad na sila. Pero mukhang mga disente. Nakita ko naman ang isa pang lalaking kasama nila.
Mukha rin itong disente. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at prenteng nakaupo. Matangos ang ilong, may makapal ngunit magandang hugis ng kilay, kulay kapeng mga mata at kah***k-h***k na labi.
Wait? Did I say 'kah***k-h***k'? Omg, Elaidia, may masarap pa i-kiss si Xaito.
"Elaidia, nariyan ka na pala," nakangiting sabi ni daddy. Pinaupo ako ni mommy sa tabi nila. "This is my daughter, Elaidia Valleja. Elaidia, they are the Lincoln family. Mrs Vanessa and Mr. Andrew. Right there is their son, Vincent," pakilala ni dad sa akin sa mga bisita.
Lincoln? 'Yon pala ang surname nila. Surname ng kalaban nila. Tss! Funny.
Nginitian ko naman sila at tinanguan. "Nice to meet you po," bati ko.
"I don't know what to say hija. Your mom was right. You're so beautiful," magiliw na sabi sa akin ng babae. Si Mrs. Vanessa. Maganda ang ngiti nito. Kitang-kita ang kaniyang kagandahan kahit may edad na.
"T-Thank you Ma'am."
"So, what's the plan Edalyn?" biglang baling nito kay mommy.
"A-Actually, si Elaidia lang ang makakapagdesisyon," sabi ni mommy pero ang kaniyang mga mata ay parang malungkot.
"Edalyn, tayo ang magdedesisyon. Matigas ang ulo niyang anak mo," biglang sabat ni daddy.
Napatingin naman ako sakaniya. Pero umiwas lang siya.
"Chris, paano naman ang bata? Ayokong magkaroon siya ng sama ng loob sa atin," si mom.
"Hindi na problema 'yon,"
"Mommy? Ano pong mayro'n?" sabat ko na rin.
"Do you forget it, do you?" sarkastikong tanong ni dad. "That's impossible. Hinding-hindi mo makakalimutan ang sinabi namin no'ng nakaraan lang."
"Mom? Please tell me," harap ko kay mommy. 'Di ko na pinansin si dad.
"Sakanila ka namin ipagkakasundo," sabi niya ngunit 'di nakatingin sa akin. Kun'di sa nasa harapan namin. "Sakaniya ka namin ipapakasal." Sabay turo niya sa lalaking prenteng nakaupo at seryosong nakatingin sa akin.
S-Sakaniya?
"M-Mom, I don't know him."
"Sa ngayon!" sabat na naman ni dad. "Kapag nagsimula na kayong magsama, ay doon na kayo magkakakilala. Sinabi ko na sayo, sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka," otoridad na sabi niya pa.
Paano naman ang desisyon ko? Bawal ba ako tumanggi? Ang hirap,
"Mom?" halos maiyak na tawag ko kay mommy.
"Baby, we're doing this for you," mahinahon niyang sabi habang hawak ang kamay ko.
"Here." Napatingin kami nang biglang may inilapag ang babae. Isang kapirasong papel na may nakasulat. "Kasunduan 'yan. Just sign it and you two are officially married," nakangiting sabi pa nito.
Gano'n kabilis? Takha akong tumingin sakaniya.
"Excuse me Misis? I don't even know you," inis na sabi ko sakaniya.
"Elaidia!" sigaw ni dad.
"What dad? Papairalin mo na naman ang pagkaselfish mo? Sasabihin mo na naman na wala ako magagawa? Tapos ano pa? Na para sa akin 'to? No dad, this is all for your needs! For the sake of your company! For the sake of yourself!"
"Chris!"
Sarkastiko akong tumawa. Ramdam ko pa rin ang pag-init ng pisngi ko dahil sa palad ni dad. Kita ko ang reaksyon ng mga bisita nila. Sakanila ba naman ako napaharap e.
"Chris, enough please! Elaidia, come here." Nilapitan ako ni mommy at akmang hahawakan ngunit iniwas ko ang sarili ko.
Masama akong tumingin kay dad. "Kung gusto mo, ikaw ang pumirma r'yan at ikaw ang magpakasal. Tutal kasalanan mo rin naman kasi sinusugal mo lang ang pera," ngisi kong sabi sakaniya.
"Bastos!" sigaw ni dad at akma na naman akong sasampalin. Ngunit pinigilan siya ni mommy.
"Sawang-sawa na ako sa ganitong eksena dad. I'm done for this," pigil na emosyon kong sabi at umakyat papunta sa kwarto ko.
Inihiga ko ang sarili ko sa kama at hinayaang dumaloy ang likido sa mga mata ko.
Kahit kailan hindi niyo 'ko mapipilit. Hindi siya ang taong mahal ko para pakasalan. Si Xaito lang. Si Xaito.
ElaidiaNapadilat ako nang biglang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw. Pupungas-pungas akong bumangon. Pagtingin ko sa side table, napataas ako ng kilay nang makitang 9a.m na ng umaga. Seryoso? Gano'n ako katagal nakatulog? 'Di ko rin namalayan na nakatulog ako. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang may message si Xaito. Agad-agad ko itong binasa.From: Xaito Goodmorning beautiful.Simpleng text pero nakakakilig. Isurprise ko kaya siya? Hehe. I'm sure tulog na naman 'yon.PAGKABABA ko, nadatnan kong kumakain si mommy sa dining. Nilapitan ko it
Vincent"If you want to help us, sign this contract." I looked at Vanessa. She genuinely smile infront of me. That fake smile."What was that for?" I asked. I focus my gaze on the fuc**n paper that she dropped in the table."I said, If you want to help us just sign it," she said again. I sarcastically laugh. "Vincent? Sundin mo nalang." She turned in serious mode.Wala naman ako magagawa. Kinuha ko ang pen na nilapag niya kanina at pinirmahan nalang ang dapat pirmahan. Walang gana kong binigay ito sa kaniya."Thank you son," sabi niya at nginitian na naman ako.
Elaidia's POVNaalimpungatan ako nang may maamoy na kung ano. Amoy pagkain, sobrang bango. Bigla tuloy kumulo tiyan ko. Gutom na ako. Dahan-dahan akong umupo at humawak sa ulo. Medyo masakit pa at nahihilo pa ako ng kaunti."Gising ka na pala." Napatingin ako nang may biglang magsalita. Si Xaito nasa labas ng pinto. "D'yan ka lang. Ipaghahanda kita ng pagkain mo," dugtong niya pa.Umalis din siya agad. Hindi naman nagtagal ay bumalik na siya. Bitbit ang isang tray. Inilapag niya muna ito sa side table at inayos ang maliit na lamesa para ro'n ilagay ang pagkain. Adobong baboy at kanin. Lalo akong nakaramdam ng gutom."Mainit ka pa ba?" Hinipo niya ang noo ko at leeg para ma
Elaidia"Just wait for my call, if you're hired okay? You may now leave," sabi ng babaeng interviewer sa akin.Bagsak-balikat akong lumabas sa office. Hindi ko na aasahan yung sinasabi niyang tatawagan ako. Wala na talagang pag-asa. Wala sa sarili akong umupo sa hagdan palabas ng building. Napasapo ako sa noo ko at mariing napapunas sa mukha."AAAAH!" pwersa kong sigaw. "NAKAKABWISIT!" Pumadyak-padyak ako at kunwaring naiiyak."Tss! Crazy." Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nakatayo 'to sa harap ko habang inaayos ang kaniyang necktie."At sino ka naman?" Tumayo ako at hinarap siya. "You already forgot me, don't you?" nakangisi nitong sabi.Tiningnan ko siya ng maigi. Deretso lang itong nakatingin sa akin. Ano ba naman 'tong lalaking 'to, kanina pa ayos nang ayos ng necktie."I'm Vincent.""Who cares if you're Vincent? Wala akong kilalang Vincent, Vince--" naputol ko ang sasabihin ko at n
ElaidiaNagpaalam na ako kay Mommy na babalik na kina Xaito. Mahirap na baka maabutan pa ako ni Dad. Siguradong mag-aaway na naman kami no'n."Are you sure? Babalik ka pa sakanila?" malungkot na tanong ni Mommy."Yes po Mommy. Ayoko pong maabutan ni Dad dito.""Don't mind him. Ako ang bahala sayo. Please, don't leave anak," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mom."Mom, don't worry po. Babalik po ako kapag maayos na. Ayoko rin po na mag-away kayo dahil sa akin," sabi ko at tumayo na. "Kaya ko po maghintay kung kailan mawawala ang galit ni Dad." Nginitian ko si Mom at siya naman ay alinlangang umiling."Eladia...""Mom, I will be fine po. Don't worry about me. You know Xaito, 'di po niya ako pababayaan," sabi ko at niyakap si Mom.Labag man din sa loob ko ang umalis, ginawa ko pa rin. Hindi ko na tiningnan si Mom. Baka kasi 'di ko na kayanin lalo na kapag nakikita ko siyang malungkot.Hindi muna ako dumeretso kin
ElaidiaKinabukasan, maagang umalis si tita. Kasalukuyan akong nakaupo sa sala habang hinihintay makababa si Xaito."Ihahatid na kita," bungad niya. Tumango lang ako bilang sagot at tumayo na.Habang nasa byahe, tahimik lang kami. Parang ang lalim ng iniisip niya. Tutok na tutok siya sa kalsada at bigla rin kukunot ang noo. Galit nga ata siya. Pero kahit ano atang gawin ko ay 'di niya ako pakikinggan.Hindi ko ba alam. Inuunahan ako ng kaba. Sa tingin ko wala nang saysay lahat ng paliwanag ko. Nakakaramdam din ako ng inis dahil wala namang mali sa ginawa ko e. Siya pa nga ang pinili ko. Malapit na kami sa bahay nang mapansin ko ang isang pamilyar na sasakyan sa tapat ng bahay. 'Di lang 'yon, mayro'n din isang truck at ipinapasok dito ang gamit namin. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa amin 'yon."X-Xaito, bilisan mo," taranta kong pakiusap sa kaniya. Hindi pa nakarating ang sasakyan sa tapat ng bahay namin ay pinahinto ko na ito. Sumunod nam
Elaidia's POV"Nakakahiya naman kay Xaito," biglang sabi ni Mommy. "Pagtapos ng nangyari, nagawa niya pa rin 'to.""Aba'y dapat lang na tumulong siya. Matagal siyang nakinabang sa anak mo," biglang sabat ni Dad."Ano kamo Chris? Why are you like that? Bakit ganiyan ka makapagsalita?""Dahil kahit kailan, hinding-hindi mawawala ang galit ko r'yan sa anak mo!""Ano bang ginawa ng anak ko? 'Di mo ba maintindihan na kailangan din ng desisyon niya? Sarili mo lang ang iniisip mo!""Pamilya natin ang iniisip ko Edalyn! Para sa atin! Ngayon? Saan na tayo pupulutin?""Mom, Dad? Tama na po. 'Wag na po kayo mag-away," awat ko sakanila. "Mag-usap po tayo ng mahinahon. 'Di rin po mabuti sa inyo ang magalit ng sobra." Sinamaan lang ako ng tingin ni Dad. "Mom?" Ngumiti naman siya sa akin.Makalipas ang tatlong araw, gano'n pa rin ang sitwasyon namin. Laging wala si Dad. Inaasikaso lagi ang business niya. Kahit malabo na 'tong umangat pinipilit niya pa rin. Uuwi siya ng galit at mag-aaway sila ni Mom.
Elaidia"D'yan nalang po ilagay." Utos ko kay manong na may dalang mga plastic bags. "Maraming salamat po."Galing kasi akong grocery. Bumili ng mga stocks para rito sa bahay. Walang time si mom pagdating sa gan'to dahil puro lang siya bantay sa kilos ni dad. And si dad? As usual nasa office na naman niya."Elai, next time mag-shopping naman tayo," sabi ni Tyche. "Like, clothes, shoes and bags," masayang dugtong niya."Tyche, alam mo namang tapos na ako sa mga ganiyan 'di ba? Inuuna ko 'yung mga importante.""Bakit? 'Di ba importante 'yung damit?""Saka nalang 'yung mga ganiyan. Kapag may maganda na akong trabaho."After ko ilagay lahat ng groceries sa pantry at refrigerator, ay lumapit ako kay mom na kasalukuyang pababa ng hagdan."Hi, Mom," sabi ko matapos siyang halikan sa pisngi."Hi tita," bati rin ni Tyche."Hi hija. Buti nalang dinalaw mo 'to si Elaidia," sabi ni Mom. "Kahit papaano may nakakausap pang iba 'yan.""Ofcourse tita, alam ko naman po 'yon. Actually no'ng nakaraan ko