Share

CHAPTER 4

Elaidia's POV

Naalimpungatan ako nang may maamoy na kung ano. Amoy pagkain, sobrang bango. Bigla tuloy kumulo tiyan ko. Gutom na ako. Dahan-dahan akong umupo at humawak sa ulo. Medyo masakit pa at nahihilo pa ako ng kaunti.

"Gising ka na pala." Napatingin ako nang may biglang magsalita. Si Xaito nasa labas ng pinto. "D'yan ka lang. Ipaghahanda kita ng pagkain mo," dugtong niya pa.

Umalis din siya agad. Hindi naman nagtagal ay bumalik na siya. Bitbit ang isang tray. Inilapag niya muna ito sa side table at inayos ang maliit na lamesa para ro'n ilagay ang pagkain. Adobong baboy at kanin. Lalo akong nakaramdam ng gutom.

"Mainit ka pa ba?" Hinipo niya ang noo ko at leeg para masigurado kung mainit pa. "Mainit ka pa. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.

"Medyo masakit ang ulo at nahihilo pa."

"Bakit naman kasi naisipan mong magpaulan?" inis na tanong niya. "'Wag ka gagalaw. Susubuan nalang kita." Aangal sana ako ngunit inambahan niya ako ng pitik.

Hinayaan ko siyang subuan niya ako. Ang sarap ng luto niya. Lalo na yung adobo. Ito ang paborito ko. Inalalayan niya rin ako uminom ng tinimpla niyang orange juice.

"Ano masasabi mo?" malapad ang ngiti niya nang magtanong.

"Masarap."

"Tapos?"

"Anong tapos?"

"Ano pa masasabi mo?"

"Mas masarap ka," biro ko at natawa.

"Loko ka talaga,"

Lumipas ang dalawang araw nandito pa rin ako sakaniya. Magaling na ako at nakakakilos na.

"Xaito! Please, payag ka na magjogging tayo bukas," pangungulit ko sakaniya. Alas-nuebe na ng gabi at inaayos na niya ang higaan ko para tulugan.

"Magaling ka na ba?" tanong niya.

"Ano ka ba? Kita mo naman e." Umakyat ako sa kama at tumalon-talon at kumembot nang kumembot.

Tawang-tawa naman siya sa kalokohang ginagawa ko. "Magaling ka na nga," sabi niya at napailing.

Napangiti naman ako at umupo sa kama. Pinagpag ko ang tabi ko at niyaya siyang umupo. Umupo naman siya at hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako dahil sa pakiramdam na 'yon.

"Xaito," banggit ko sa pangalan niya. "Salamat."

Napabuntong-hininga naman siya. "You don't have to say thank you. Kahit kailan mo gusto, pwede ka rito. Basta kasama kita," sabi niya habang hinahagod ang buhok ko.

"Feel ko kasi nakakaabala ako e. Mayroon lang kami 'di pagkakaintindihan ni dad."

"Don't worry, magiging maayos din kayo. Palamigin mo muna ulo niya," pangungumbinsi niya. "How about tita Edalyn? Hinayaan ka lang niya umalis?"

"Hindi. Humabol pa nga siya e. Kapag pinigilan niya ako mag-aaway lang sila ni dad," sabi ko. "Alam ko namang mahal ako ni mommy."

"Buti naisipan mo na dito pumunta. Sabagay, ako lang naman talaga matatakbuhan mo," pilyo niyang sabi. "Paano ba 'yan araw-araw akong may kiss."

"Loko ka." Hinampas ko siya sa balikat at sabay na tumawa. "Pwede magrequest?"

"Sure."

"Tabi tayo."

Gulat siyang napatingin sa akin at kalauna'y napangisi. "Tingnan mo, tumatanggi ka pa gusto mo rin naman ako mahalikan."

"Hoy! Ang sabi ko tabi tayo matulog. Hindi halikan. Bastos ka talaga."

"Joke lang. Ikaw naman pikon agad." Ginulo niya ang buhok ko at lumapit ng kaunti. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang yumakap. "Mahal na mahal kita Elaidia."

Matagal bago ako makasagot. "Xaito, mas mahal kita." At ginantihan siya ng yakap.

"Huwag mo ako iwan ah," sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Hinding-hindi."

Hinawi niya ang hibla ng buhok ko at inilagay ito sa likod ng aking tenga. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Parang titigil ang paghinga ko at sunod-sunod na napalunok. Isang lapit nalang niya mahahalikan na ako.

"I love you Elaidia. Kahit ilang beses ko pa sabihin sa 'yo, hinding-hindi ako magsasawa," bulong niya habang diretsong nakatingin sa mata ko.

"G-Gano'n din ako Xaito," utal kong sabi.

Ngumiti siya at pumikit. "Gusto kong sabihin mo rin na mahal mo ako."

"M-Mahal---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan. Magaan at dahan-dahan. Ramdam ko ang pag-iingat at respeto sa ginagawa niya. Mahigpit ako napakapit sa damit niya at ginantihan siya ng halik. Lumipat naman ang mga kamay niya sa likod ko para alalayan ako. Habang tumatagal ay lumalalim din ang pag-iisa ng aming mga labi. Dahan-dahan niya akong inihiga at pumwesto sa ibabaw ko. Ramdam ko ang kaniyang bigat lalo na ang kaniyang p*********i.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko, pataas sa aking tainga. 'Di ko napigilang mapaungol sa pakiramdam na 'yon. Bumalik siya sa labi ko. Kumalas siya at seryosong tumingin sa akin.

"You're beautiful," he whispered and kisses me again.

Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay niya sa loob ng damit ko. Kumapit ako sa batok niya para magpaubayang matanggal ang hook ng bra ko.

"Xaito," tawag ko sakaniya nang muli niyang halikan ang leeg ko. Lumayo siya ng kaunti sa akin para hubarin ang pang-itaas niyang damit.

"Ser-- Ay diyos ko ginoo!"

Napabalikwas kami ng tayo nang marinig ang sigaw ni Manang Caring.

"Haynako, mga bata kayo. Sa susunod nga ay maglock kayo ng pinto," sermon niya habang nakasapo sa noo. "Xaito, darating daw ang mama mo bukas. Bababa na ako ulit. Jusmiyo!" Bumaba na si Manang at naiwan kaming naiilang sa isa't isa.

"Namumula ka babe," tawang sabi sa akin ni Xaito.

"Sino ba namang hindi? Nakakahiya kaya," sabi ko.

Inayos niya ang buhok ko pati na rin ang aking damit. Inalalayan niya akong tumayo at inayos ang kama.

"Higa ka na."

"'Di ba tabi tayo?" Lumapit siya sa akin at biglang pinitik ang noo ko. "Aray! Bakit?" nakanguso kong reklamo sa kaniya. Lakas ng trip!

"Alam ko na 'yan. Sasabihin mo na namang tinetest mo ako kung papayag ako makatabi ka matulog," sabi niya habang tumatawa pa. Napanguso naman ako. "Gusto ko syempre, pero hindi magandang tingnan 'yon babe. I respect you. Kanina 'di ko napigilan. I'm sorry."

"Ginusto ko rin naman 'yon e." Lumapit ako sa kaniya at yumakap. "Mahal kita Xaito."

"Mas mahal kita." Hinalikan niya ako sa noo. Inalalayan niya ako pabalik sa kama at inihiga. Kinumutan at hinalikan ulit. "Goodnight babe," sabi niya kasabay ng matamis na ngiti.

"Goodnight," bati ko rin sakaniya. "Jogging tayo bukas ah." Tumawa naman siya at tuluyan nang lumabas.

Darating bukas si tita. I'm sure matutuwa siyang nandito ako. Namiss ko rin siya. Almost 5 months umalis family niya papuntang America for business trip. Napangiti naman ako dahil sa aking naisip.

Kumusta na kaya sina mom and dad? Namimiss kaya nila ako? Miss ko na kasi sila.

Tiningnan ko ang nakapower off kong phone sa ibabaw ng side table. Napabuntong hininga nalang ako at pumikit.

•~•~•~•~•

"Xaito!" habol hininga ang pagtawag ko sakaniya. Parang wala siyang naririnig. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo. "Xaito!" Napahinto naman siya at patakbong bumalik.

"Pagod ka na agad?" pang-aasar niya.

"Tawa-tawa ka pa r'yan. Nagugutom na ako.

"Agad? Wala pa tayong 30-minutes sa pagjojogging," sabi niya.

"Please," pagkumbinsi ko sakaniya.

"Fine, tara!" Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad na para maghanap ng kainan.

Nakangiti naman ako habang palihim na sinusulyapan siya. May tumutulo pang pawis sa sintido niya. Feel ko tuloy lalong nadagdagan ang kagwapuhan niya. Ang hot niya kasi hihihihi.

Huminto kami sa harap ng isang kubo-kubo. Pumasok kami at naghanap ng mauupuan. Medyo maraming tao rito. Malamang masarap ang luto.

"Anong tinitinda nila rito Xaito?" tanong ko sakaniya.

"Lomi at Pares."

"Lomi? Pares? Ano 'yon?"

"Yung lomi, 'yon 'yung may matabang noodles. 'Yung pares naman beef 'yon."

"Aah, I choose pares nalang."

"'Yon sayo?" Tumango naman ako. "Okay, gano'n na rin sa akin."

Pumunta na siya ro'n sa ale para kunin ang order namin. Pinagmasdan ko ang paligid. Maraming tao, maingay at mainit. Sa ibang restaurant may airconditioner at pili lang ang mga pinapapasok. Dito kahit puno na tuloy-tuloy pa rin.

'Di rin nagtagal dumating si Xaito. Inilapag niya sa table namin ang dalawang plato ng kanin.

"Is it yellow rice?" tanong ko habang turo ang dala niyang kanin.

"Nope, that's fried rice. May margarine lang."

"Fried rice? Kapag nagluluto si mommy ng fried rice 'di ganito ka-boring."

Maya-maya lang ay dumating na ang sinasabi niyang pares.

"Bakit ang lapot?" inosente kong tanong.

Nakita ko pa siyang nilagyan ito ng onion leaves, fried garlic at calamansi.

"Gusto mo ng sili?" Tumango naman ako. "Ganiyan talaga 'yan. You should try it. Masarap 'yan," sabi niya. Kumuha siya ng kutsara at sumandok ng isang beef with sabaw. "Try it." Inilapit niya sa akin 'to para isubo sa akin.

Medyo alinlangan ako lumapit at dahan-dahan itong tinikman. Medyo nilasahan ko ito.

"What do you think?" tanong ng gwapo sa harap ko.

Kumuha ako ng kutsara at hinalo ang pares sa kanin at agad itong sinubo.

"Ang sarap!" sigaw ko at sunod-sunod na kumain. Tumawa naman siya at inabutan nalang ako ng tubig.

Isang oras ang nakalipas tsaka lang kami natapos.

"Ang sakit ng t'yan ko Xaito. Nabusog ako," sabi ko at dumighay.

Ang dami ko nakain. Nakalimang kanin ako samantalang si Xaito nakadalawa lang.

"Ang takaw mo kasi e," sabi niya. Nagpahinga muna kami saglit at tumayo na.

Tanghali na ng dumating kami sa bahay nila. Medyo tahimik. May tao kaya sa loob? Baka umalis si Manang.

"Xaito, ang tahimik."

Bigla naman ngumiti. "She's here," sabi niya at tumuloy na kami sa loob.

Nadatnan namin ang mama niya na nakaupo. Nakapustora ito at seryosong nakatingin sa amin. Lumapit sakaniya si Xaito at h*****k sa pisngi.

"Hello po tita, Goodafternoon," bati ko. Medyo nahiya naman ako dahil 'di niya ako pinansin.

"What are you doing here, iha?" biglang tanong nito.

"A-Ah tita, naki-stay po ako rito," medyo nahihiya kong sabi.

"Is that so?" Tumingin siya kay Xaito. "Manang, maayos na ba ang kwarto ko? Dito muna ako," sabi pa nito.

"Mom?" nagtatakang tanong ni Xaito.

"Why? As if I don't have the rights to stay here," taas kilay nitong sabi. 'Di na sumagot pa si Xaito. "I'm tired. I'll just talk to you later." Umakyat na ito sa taas.

"Xaito? Galit ba mama mo?" tanong ko.

"No, she's not. Pagod lang siguro sa byahe."

Ngayon lang naging ganiyan si tita. Ramdam ko ang paglamig at pagnginig ng aking mga kamay. Nararamdaman ko rin ang butil na pawis na tutulo sa sintido ko. 'Di ko alam kung anong problema. Pero 'wag naman sana magkaroon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status