Share

Kabanata 4 See you sa City Hall

Nang makalapit si Karen kay Chloe, kanyang tinapik ang likod ng kanyang anak at kinausap ito, “Huwag ka nang magalit, Coco. Pinagsabihan ko na si Ava.”

“Siya ang iyong nakababatang kapatid. Syempre, gusto niya lamang ang makakabuti sayo.”

“I’m sorry, Coco. Ipapatigil ko na ang engagement bukas,” wika ni Ava, ang kanyang mga mata ay kumikinang sa luha. Nagmukha siyang biktima sa mga akusasyon ni Chloe sa kanya.

“Kahit na ‘di natin kayang pilitin ang iba na mahalin tayo at tutal gusto mo siya, bilang nakakatandang kapatid, hindi na dapat ako naging malapit sa kanya…”

Ang pakikipaghiwalay ni Jake sa kanya ay masakit, pero ang mga salita ni Ava ay parang asin sa sugat. Nang-gagalaiti na sinabi ni Chloe, “ Masyadong malapit? Baka ibig mong sabihin ay natulog kasama siya?”

“Tama na!” ‘Di napigilan ni Benjamin at sumigaw sa galit. “Matutuloy ang engagement ayon sa plano. Nabigay na ang mga invitations. Hindi ko kayang maging katatawanan tulad mo!”

“Pero nagsasabi lang naman ako nang totoo!”

Namula ang mga mata ni Chloe habang tinuturo si Karen, nililinaw ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. “Siya at si Ava ang mga tipo ng tao na gustong mang-agaw ng asawa ng iba. Bakit ka naniniwala sa mga sinasabi nila?”

Sa sandaling lumabas ang mga salitang ito sa bibig niya, tinaas ni Benjamin ang kanyang kamay at buong lakas na sinampal si Chloe, nadala sa lakas ng sampal ang ulo nito sa gilid at nagpanting ang tenga nito.

Bakas sa mata ni Karen ang kasiyahan. Gayunpaman, nagkunwari siyang natataranta at pumagitna para pigilan si Benjamin. "Anong ginagawa mo Ben? Bakit mo sinampal si Coco?"

“Spoiled brat tong bata na ‘to, at gusto mo pa rin siyang kampihan? Manatili ka sa bahay na ito kung kaya mo, at kung hindi mo kaya, umalis ka. Katulad ka ng nanay mong namatay nang maaga, nagdadala ng malas kung saan mapunta." Galit na galit at naiinis na tinitigan ni Benjamin si Chloe.

Hindi parang isang ama ang tingin niya sa kanya. Sa halip, nakatingin ito na parang isang kaaway.

“Normal sa mga batang ganyan ang edad na ma-initin ang ulo. Kailangan mong gumising nang maaga bukas. Pumunta na tayo ng kwarto,” wika ni Karen bago sumenyas kay Ava. “Dito ka at samahan mo si Coco.”

“Nagtatrabaho ka nang sobra-sobra araw-araw. Sorry kung pinag-alala kita, Dad,” Dagdag ni Ava.

Natigilan si Chloe pagkatapos na sampalin siya ng kanyang ama at ang kanyang katawan ay nanigas dahill sa emosyon.

Si Karen ang nagpasok ng kanyang sarili sa pamilya ni Chloe. Pagkatapos mamatay ng nanay ni Chloe dahil sa sakit, dumating si Karen para palitan siya. Dinala niya pa ang kanyang anak na si Ava na mas matanda ng isang taon kay Chloe.

At ngayon, si Chloe naman ang tinutulak palabas.

Gayunpaman, lahat nang iyon ay nawalan ng kabuluhan ng sinampal siya ni Benjamin. Sa sandaling iyon, naunawaan ni Chloe ang totoong kulay ng kanyang ama. Hindi niya talaga pinahalagahan si Chloe at ang kanyang nanay kahit anong pilit nilang pasayahin siya.

Nang mawala si Benjamin at Karen sa kanyang kwarto, nakita ni Chloe ang malumanay na ekspresyon ni Ava na naging panguyang ngisi. Nilapitan niya si Chloe at sinimulang insultohin ito nang pabulong na silang dalawa lamang ang nakakarinig. “Akala ko mahihirapan ako kay Jake, pero sa isang senyas lang ng daliri ko, handa agad siyang maging akin at makipaghiwalay sayo. Hindi man lang ako nahirapan. Siya mismo ang nagsabi na pagod na siya sayo.”

Walang ekspresyong tumingin si Chloe kay Ava at sinabing, “Kasi isa siyang aso mahilig sa tae.”

Nabulunan si Ava at galit na napatingin. “Mag-ingat ka sa bibig mo!”

Tumalikod na si Chloe at pumunta sa kwarto niya. Nakaupo sa gilid nang kanyang kama, nilabas niya ang business card sa kanyang purse. May laman itong pangalan at phone number. Dahan niyang binulong, “Joseph Whitman…”

“Sandali lang,” napaisip siya, “hindi ba ang nanay ni Jake ay may ibang apilyedo?”

Ngunit sa susunod na segundo, pakiramdam ni Chloe hindi ito mahalaga. Siya, pagkatapos ng lahat, ay laging naiisip ang ina ni Jake bilang Cooper. Siguro ay na-maling alala lang niya ang lahat.

Pinagkibit-balikat niya lang ang mga ‘di importanteng bagay sa likod ng kanyang isipan. Nilabas ni Chloe ang kanyang phone at tinawagan ang number na nasa card.

“Mr. Joseph, nakapagdesisyon na ako. Magkita tayo sa City Hall bukas ng hapon.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status