Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Nang maagang natapos ang tatlong buwang business trip, excited na dumiretso si Chloe Johnson sa apartment ni Jake Cooper upang sorpresahin siya.Ngunit sa paglagay niya ng fingerprint at pagbukas ng pinto, nawala ang kanyang ngiti at nanlumo ang kanyang puso. May mga damit na nagkalat magmula sa entrance hangang sala, at may mga ingay pa na nagmumula sa kwarto.Siya ay niloloko na!Nang kanyang na-realize, nanlamig ang dugo ni Chloe habang paunti-unti siyang lumalakad patungo sa pinagmumulan ng tunog.Nagulat ang mga tao sa kwarto nang malaman nilang mayroong taong nakatayo sa pintuan ng kwarto at dali-dali nilang kinuha ang kalapit na kumot para takpan ang kanilang sarili.Nang makitang nagpa-panic ang dalawa, nablanko ang isip ni Chloe. Kumulo ang kanyang tiyan at nakaramdam ng pagkahilo. Naisip niya na ang lahat ng mga masasamang maaaring mangyari, ngunit ‘di niya akalain na lolokohin siya ni Jake at ng kaniyang half-sister!Pinilit niya ang kanyang sarili na huminahon and sin
Tumingin ang lalaki kay Chloe nang panandalian bago niya nilihis ang kanyang tingin.Tila siya’y astig at malamig.Tinignan ni Chloe ang kanyang likod at bumulong kay Emily, “ Ma-una ka na. Tatanungin ko lang ang number niya.”Nanlaki ang mga mata ni Emily at kanyang tinanong, “Irereklamo mo ba si Jake sa kaniya?”“Ang paghihiganti gamit ang sarili mong mga kamay ay mas masayang gawin kaysa sa ibang tao ang gumawa nito para sayo,” wika ni Chloe na may mapaglarong at malasalamin nitong mga mata.‘Di alam ni Emily kung ano ang kanyang mga pinagsasabi. Kanya lamang napagtanto ang gustong gawin ni Chloe pagkatapos nitong bumalik sa kanilang booth. Ngunit, hindi niya tinanggi ang katotohanang napakagandang lalaki ng tiyuhin ni Jake.Napagtanto ni Emily na handang dumaan si pinaka-sukdulan si Chloe para lamang makapag-higanti ito kay Jake.Nang siya ay tamaan na ng alak, ibinaba ni Chloe ang nakapusod niyang buhok, kumuha ng baso ng alak, and naglakad papalapit sa lalaki. Sa di inaasa
Hinala ni Chloe na nagha-hallucinate lang siya at walang malay niyang kiniskis ang kanyang mga tenga bago muling itinuon ang tingin sa lalaki.Gayunpaman, nanatiling hindi nagbabago ang expresiyon ng kanyang mukha habang kalmadong pinagmamasdan siya.Lalong tumindi ang determinasyon ni Chloe nang may pag kislap sa kanyang mga mata. “Magiging pranka ako, Hindi ako interesado sa sex.”Pagkatapos niyang masaksihan ang mga pangyayari sa umagang iyon, nagkaroon siya nang emotional scars pagdating sa aspetong iyon.Bahagyang nakakunot ang noo ng lalaki habang pinagmamasdan ang mukha ni Chloe nang may nanlalamig na titig. Gayunpaman, tumayo nang matuwid si Chloe habang tinitingnan pa rin ito ng lalaki. Iniwas na ng lalaki ang kaniyang tingin kay Chloe at sinabing, “Pumasok ka sa kotse.”Nang pumasok na sa kotse, ‘di mapigilan ni Chloe ang kanyang pananabik at kanyang tinext si Emily.[Chloe: Em, wag mo na kong hintayin. Papunta na ko sa mga magulang ng tiyuhin ni Jake!][Emily: ‘Di mo
Nang makalapit si Karen kay Chloe, kanyang tinapik ang likod ng kanyang anak at kinausap ito, “Huwag ka nang magalit, Coco. Pinagsabihan ko na si Ava.”“Siya ang iyong nakababatang kapatid. Syempre, gusto niya lamang ang makakabuti sayo.”“I’m sorry, Coco. Ipapatigil ko na ang engagement bukas,” wika ni Ava, ang kanyang mga mata ay kumikinang sa luha. Nagmukha siyang biktima sa mga akusasyon ni Chloe sa kanya.“Kahit na ‘di natin kayang pilitin ang iba na mahalin tayo at tutal gusto mo siya, bilang nakakatandang kapatid, hindi na dapat ako naging malapit sa kanya…”Ang pakikipaghiwalay ni Jake sa kanya ay masakit, pero ang mga salita ni Ava ay parang asin sa sugat. Nang-gagalaiti na sinabi ni Chloe, “ Masyadong malapit? Baka ibig mong sabihin ay natulog kasama siya?”“Tama na!” ‘Di napigilan ni Benjamin at sumigaw sa galit. “Matutuloy ang engagement ayon sa plano. Nabigay na ang mga invitations. Hindi ko kayang maging katatawanan tulad mo!”“Pero nagsasabi lang naman ako nang tot
Kinabukasan ng hapon.Pagkatapos umalis nina Benjamin ng bahay, nag-impake si Chloe ng kanyang mga gamit kasama ang kanyang identity card at dinala ito papunta sa pinagkasunduan nilang lokasyon. Nang makita ni Joseph ang mga bagahe sa kanyang mga kamay, kanyang tinanong, “Naglayas ka ba?”Hindi sinagot ni Chloe ang kanyang tanong at sa halip ay sinabing, “Pwede kitang pakasalan pero kailangan ko nang pansamantalang matutuluyan.”“Tapos?”“Yun lang.”Kinuyom ni Joseph ang kaniyang kamao at malamig niyang sinabi, “Huwag kang umasa na bibigyan kita ng higit pa sa pera.”Hindi niya magawang hindi mapansin ang katotohanang ang kasal ay isang bagay na para sa mga babae ay maganda at sagradong bagay. Itong babaeng ‘to siguro ay gusto nang ibang pang mapapakinabangan kapalit nito. Hindi siya naniniwala na wala na siyang gusto pang-iba.Para bang kaya niyang basahin ang kanyang isip, Binigyan ni Chloe ng matamis na ngiti at panukso niyang sinabi, “Mr. Joseph, walang tiyak sa mundong ito.