Tumingin ang lalaki kay Chloe nang panandalian bago niya nilihis ang kanyang tingin.Tila siya’y astig at malamig.Tinignan ni Chloe ang kanyang likod at bumulong kay Emily, “ Ma-una ka na. Tatanungin ko lang ang number niya.”Nanlaki ang mga mata ni Emily at kanyang tinanong, “Irereklamo mo ba si Jake sa kaniya?”“Ang paghihiganti gamit ang sarili mong mga kamay ay mas masayang gawin kaysa sa ibang tao ang gumawa nito para sayo,” wika ni Chloe na may mapaglarong at malasalamin nitong mga mata.‘Di alam ni Emily kung ano ang kanyang mga pinagsasabi. Kanya lamang napagtanto ang gustong gawin ni Chloe pagkatapos nitong bumalik sa kanilang booth. Ngunit, hindi niya tinanggi ang katotohanang napakagandang lalaki ng tiyuhin ni Jake.Napagtanto ni Emily na handang dumaan si pinaka-sukdulan si Chloe para lamang makapag-higanti ito kay Jake.Nang siya ay tamaan na ng alak, ibinaba ni Chloe ang nakapusod niyang buhok, kumuha ng baso ng alak, and naglakad papalapit sa lalaki. Sa di inaasa
Hinala ni Chloe na nagha-hallucinate lang siya at walang malay niyang kiniskis ang kanyang mga tenga bago muling itinuon ang tingin sa lalaki.Gayunpaman, nanatiling hindi nagbabago ang expresiyon ng kanyang mukha habang kalmadong pinagmamasdan siya.Lalong tumindi ang determinasyon ni Chloe nang may pag kislap sa kanyang mga mata. “Magiging pranka ako, Hindi ako interesado sa sex.”Pagkatapos niyang masaksihan ang mga pangyayari sa umagang iyon, nagkaroon siya nang emotional scars pagdating sa aspetong iyon.Bahagyang nakakunot ang noo ng lalaki habang pinagmamasdan ang mukha ni Chloe nang may nanlalamig na titig. Gayunpaman, tumayo nang matuwid si Chloe habang tinitingnan pa rin ito ng lalaki. Iniwas na ng lalaki ang kaniyang tingin kay Chloe at sinabing, “Pumasok ka sa kotse.”Nang pumasok na sa kotse, ‘di mapigilan ni Chloe ang kanyang pananabik at kanyang tinext si Emily.[Chloe: Em, wag mo na kong hintayin. Papunta na ko sa mga magulang ng tiyuhin ni Jake!][Emily: ‘Di mo
Nang makalapit si Karen kay Chloe, kanyang tinapik ang likod ng kanyang anak at kinausap ito, “Huwag ka nang magalit, Coco. Pinagsabihan ko na si Ava.”“Siya ang iyong nakababatang kapatid. Syempre, gusto niya lamang ang makakabuti sayo.”“I’m sorry, Coco. Ipapatigil ko na ang engagement bukas,” wika ni Ava, ang kanyang mga mata ay kumikinang sa luha. Nagmukha siyang biktima sa mga akusasyon ni Chloe sa kanya.“Kahit na ‘di natin kayang pilitin ang iba na mahalin tayo at tutal gusto mo siya, bilang nakakatandang kapatid, hindi na dapat ako naging malapit sa kanya…”Ang pakikipaghiwalay ni Jake sa kanya ay masakit, pero ang mga salita ni Ava ay parang asin sa sugat. Nang-gagalaiti na sinabi ni Chloe, “ Masyadong malapit? Baka ibig mong sabihin ay natulog kasama siya?”“Tama na!” ‘Di napigilan ni Benjamin at sumigaw sa galit. “Matutuloy ang engagement ayon sa plano. Nabigay na ang mga invitations. Hindi ko kayang maging katatawanan tulad mo!”“Pero nagsasabi lang naman ako nang tot
Kinabukasan ng hapon.Pagkatapos umalis nina Benjamin ng bahay, nag-impake si Chloe ng kanyang mga gamit kasama ang kanyang identity card at dinala ito papunta sa pinagkasunduan nilang lokasyon. Nang makita ni Joseph ang mga bagahe sa kanyang mga kamay, kanyang tinanong, “Naglayas ka ba?”Hindi sinagot ni Chloe ang kanyang tanong at sa halip ay sinabing, “Pwede kitang pakasalan pero kailangan ko nang pansamantalang matutuluyan.”“Tapos?”“Yun lang.”Kinuyom ni Joseph ang kaniyang kamao at malamig niyang sinabi, “Huwag kang umasa na bibigyan kita ng higit pa sa pera.”Hindi niya magawang hindi mapansin ang katotohanang ang kasal ay isang bagay na para sa mga babae ay maganda at sagradong bagay. Itong babaeng ‘to siguro ay gusto nang ibang pang mapapakinabangan kapalit nito. Hindi siya naniniwala na wala na siyang gusto pang-iba.Para bang kaya niyang basahin ang kanyang isip, Binigyan ni Chloe ng matamis na ngiti at panukso niyang sinabi, “Mr. Joseph, walang tiyak sa mundong ito.
Napansin ng driver na nag-aalala si Chloe at kanyang ipinaliwanag, “Kababalik lang ni Mr. Joseph ng bansa kamakailan lamang. Walang ibang lugar siyang pwedeng tirahan kundi itong ancestral mansion kaya panandalian niyang binili ito. Kung inyong mamarapatin, pwede ko siyang kausapin.”“Hindi, hindi, ayos lang!” Nakalimutan niya na si Joseph ay tumira sa ibang bansa nang ilang taon. Normal sa kanya na walang bahay dito. Nang kanyang naisip, ang pagtira sa iisang bubong ay mas magandang option para mas mapalapit sa kanya.Sa sandaling umalis ang driver, kinuha ni Chloe ang kanyang bagahe at tumungo sa kanyang kwarto na nasa tabi ng kwarto ni Joseph.Lagpas na ng alas singko ng hapon nang natapos siyang mag-unpack. Pumunta siya sa sala at sinuri ang lugar. Kakaunti lamang ang dekorasyon ng villa, mayroon lamang itong mga kinakailangan para sa mga tititra at maraming libreng espasyo. Tulad ng sinabi ng driver, mukhang kamakailan lang talaga dumating dito si joseph.Napatingin si Chloe s
Nataranta si Chloe at agad na umalis sa food delivery app upang maghiwa ng gulay.“Malapit na! Patience is a virtue pagdating sa masasarap na putahe!”Hindi na nagsalita pa si Joseph at bumalik ng study room na may dalang tubig. Kung hindi niya nakita ang sunog na broccoli sa lamesa ay baka naniwala siya sa kanya.Inaamin ni Chloe na ang food delivery app ay isa sa pinakamagandang imbensyon ngayong 21st century. Inilagay niya lahat ng pagkain galing sa takeout container sa mga plato at inayos nang mabuti. Pagkatapos, itinago niya ang containers at ang bag para hindi makita ni Joseph.Pagkatapos maihanda ang lahat, sumigaw siya, “Handa na ang hapunan. Kain na tayo!”Umupo ang dalawa na magkaharap sa dining table. Kinakabahang pinanuod ni Chloe si Joseph, at palihim na nag buntong-hininga nang hindi niya nakitang kumunot ang makisig na mukha nito.Kahit gaano kaganda ang food delivery app, ang katotohanan ay hindi niya ito maitatago habambuhay. Alam niya na kailangan niyang magbiga
Pinanuod ni Joseph kung paano gumawa ng dahilan si Chloe sa kabila nang sakit na nararamdaman niya. Ang kanyang tingin ay lalong nanlalim, pero wala ni-isang tao ang makapag-sabi kung ano ang kanyang iniisip.Nang marinig niya ito, napatingin nang may halong di pagsang-ayon ang doktor kay Chloe at sinabing, “Anong mas importante? Trabaho o ang kalusugan mo? ‘Di mo ba alam na health is wealth?”“Tama ka dok. Pinapangako kong kakain ako ng nasa oras sa susunod, “Nahihiya niyang sinabi, “So, anong gagawin natin ngayon?”“Mag-a-administer ako sayo ng IV drip treatment. May nurse na dadating at dadalhin ka sa ward,” sabi ng doktor bago balikan si Joseph at ibinigay ang medical bill. “Ikaw naman, ayusin mo na ang bill.”Wala ng sinabi pa si Joseph at kinuha ang bill sa doktor at umalis papuntang first floor. Nakatingin sa kanyang matangkad na pangangatawan, napabuntong-hininga si Chloe. ‘Di lang sa hindi niya napaghandaan ng pagkain si Joseph ng araw na iyon, pero dinala din siya nito ng
Hinaplos ni Nathan ang kanyang baba at sumulyap kay Joseph sa kanyang tabi.“Kilala mo ba siya?” Tanong niya.“Oo,” Sagot ni Joseph nang walang pag-aalinlangan.“So, ano pang hinihintay mo? Maging bayani ka at iligtas mo ang babaeng nangangailangan,” pangutyang sinabi ni Nathan, “Kaya mo bang tiisin na makita ang isang mahinang babae na hinaharap ang isang maruming basura nang mag-isa?”“Kilala ko siya pero hindi kami close.”Ibig sabihin, hindi niya ito tutulungan.Para naman sa “mahinang babae” na sinasabi ni Nathan, natandaan ni Joseph kung gaano nito walang kahirap-hirap buhatin ang mabigat na bagahe gamit ang isang kamay noong isang araw nang kinuha nila ang kanilang marriage certificate.Ang reaksyon ni Joseph ay ayon pa rin sa inaasahan ni Nathan. Kung tutuusin, hindi kailanman nakikialam si Joseph sa problema ng ibang tao o maging mabait at mahina sa babae.Sadyang nakaramdam lang si Nathan nang pagkadismaya. Ang babaeng nakatayo sa malayo ay napakaganda. May mahabang b