Share

Kabanata 8 Health is Wealth

Pinanuod ni Joseph kung paano gumawa ng dahilan si Chloe sa kabila nang sakit na nararamdaman niya. Ang kanyang tingin ay lalong nanlalim, pero wala ni-isang tao ang makapag-sabi kung ano ang kanyang iniisip.

Nang marinig niya ito, napatingin nang may halong di pagsang-ayon ang doktor kay Chloe at sinabing, “Anong mas importante? Trabaho o ang kalusugan mo? ‘Di mo ba alam na health is wealth?”

“Tama ka dok. Pinapangako kong kakain ako ng nasa oras sa susunod, “Nahihiya niyang sinabi, “So, anong gagawin natin ngayon?”

“Mag-a-administer ako sayo ng IV drip treatment. May nurse na dadating at dadalhin ka sa ward,” sabi ng doktor bago balikan si Joseph at ibinigay ang medical bill. “Ikaw naman, ayusin mo na ang bill.”

Wala ng sinabi pa si Joseph at kinuha ang bill sa doktor at umalis papuntang first floor. Nakatingin sa kanyang matangkad na pangangatawan, napabuntong-hininga si Chloe. ‘Di lang sa hindi niya napaghandaan ng pagkain si Joseph ng araw na iyon, pero dinala din siya nito ng ospital.

Maraming tao sa ospital, at si Chloe ay dinala galing sa emergency room papuntang regular ward pagkatapos ay gumanda na ang kanyang pakiramdam.

Pagkatapos bayaran ang bill, Nakatanggap ng tawag si Joseph. Nakitang abala siya, pinanatag ni Chloe ang kanyang palagay at kaya niya ito nang magisa. Napakunot ang lalaki pero humanap ng panandaliang caretaker bago ito umalis.

Madaling-araw ng panahong iyon bago matapos ang treatment. Pagod si Chloe kaya nagpasya siya na manatili sa ospital sa gabing iyon. Nang siya’y magising kinabukasan, nakita niya na nakatanggap siya ng text galing sa kanyang ama.

[Benjamin: ‘Wag mong kalimutan ang contract signing kay Mr. Lionel ngayong hapon.]

Hinamak ni Chloe kung papaano alalahanin ng kanyang ama ang kanilang kompanya at ni minsan lang siya kung alalahanin. Gayunpaman, nasanay na siya sa ganitong trato sa kanya simula pa ng kabataan niya.

Pagkatapos umupo sa kama nang ilang saglit, tumayo siya at umalis na ng ospital. Tumawag siya nang cab at bumalik sa lugar ni Joseph. Dahil mayroon pang dalawa oras na natitira, nagdesisyon siya na saglitang maligo. Pagkatapos noon, naglagay siya ng makeup at pumunta na ng Cloudia.

Lucerna Building.

Sa ika-limang palapag, sa isang maliit na private kitchen, masayang ibinaba ni Nathan Reese ang kanyang tinidor at tinapik ang kanyang tiyan. “Nagca-crave talaga ako sa pagkain ng lugar na ito simula pa nung nasa abroad ako. Sa wakas, makakakain na ko dito. Ang sarap sa pakiramdam.”

Sa tapat niya, kumain si Joseph nang higit pa sa kadalasan niyang kinakain at mukhang masaya.

Napataas ang kilay ni Nathan dahil sa kanya at tinanong, “So, anong tingin mo sa pagkain namin?”

“Okay lang. Siguro six out of ten,” sagot ni Joseph na may kaakit-akit na boses habang dahan-dahan niyang nginuya ang karne sa kanyang bibig.

“Ang dami mong kinain tapos bibigyan mo lang ‘to ng six out of ten?” Tanong ni Nathan.

“Nag-takeout ako kagabi at ‘di ako masyadong kumain,” paliwanag ni Joseph, at agad na naintindihan ni Nathan.

May napaka-taas na standard simula pa ng una si Joseph pagdating sa buhay at pagkain. Kailanman ‘di siya nakipag-kompromiso kaya gulat si Nathan na nag-order ng takeout si Joseph.

“Anong nangyayari? Umangat ba yung araw sa kanluran? Kaya ba gusto niya sumubok ng bago?”

Pagkatapos maubos ang kanilang pagkain, umalis na sila sa private kitchen at tumungo ng underground parking lot. Habang papalapit na sila ng sasakyan, isang middle-aged na lalaki na may katabaan na pangangatawan na galit na tumakbo at aksidenteng nabangga nito si Nathan na halos matumba silang dalawa.

Galit ang lalaki, pero nang makita ang maayos na pananamit nina Nathan at Joseph—lalo na ang natatanging itsura ni Joseph—Ang galit na lalaki ay napatigil sa mga sasabihin sana nitong insulto, at sa halip ay kanya itong nilunok.

“Bulag ka ba?” Pabulong na sinabi ng naiinis na si Nathan.

Walang sinabi si Joseph at napako ang tingin sa di-kalayuan. Sinundan ni Nathan ang tingin nito at nakita ang parehong middle-aged na lalaki na sinisigawan ang isang matangkad at payat na babae.

“Magpasalamat ka sa lucky star mo na ikaw ang pinili ko para mag-sign ng kontrata. Ang lakas ng loob mo para umasal nang napaka-yabang kung ang tatay mo mismo ang nagsabing i-entertain mo ko? Isa ka lang mumurahing p*ta!”

Biglang lumingon si Chloe na may nagliliyab na tingin sa galit.

“Anong sinabi mo?” Kanyang hirit.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay grabe ang bunganga sampulan mo chloe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status