Share

Kabanata 9 Gusto Mo Akong Matulog Kasama Ka?

Hinaplos ni Nathan ang kanyang baba at sumulyap kay Joseph sa kanyang tabi.

“Kilala mo ba siya?” Tanong niya.

“Oo,” Sagot ni Joseph nang walang pag-aalinlangan.

“So, ano pang hinihintay mo? Maging bayani ka at iligtas mo ang babaeng nangangailangan,” pangutyang sinabi ni Nathan, “Kaya mo bang tiisin na makita ang isang mahinang babae na hinaharap ang isang maruming basura nang mag-isa?”

“Kilala ko siya pero hindi kami close.”

Ibig sabihin, hindi niya ito tutulungan.

Para naman sa “mahinang babae” na sinasabi ni Nathan, natandaan ni Joseph kung gaano nito walang kahirap-hirap buhatin ang mabigat na bagahe gamit ang isang kamay noong isang araw nang kinuha nila ang kanilang marriage certificate.

Ang reaksyon ni Joseph ay ayon pa rin sa inaasahan ni Nathan. Kung tutuusin, hindi kailanman nakikialam si Joseph sa problema ng ibang tao o maging mabait at mahina sa babae.

Sadyang nakaramdam lang si Nathan nang pagkadismaya. Ang babaeng nakatayo sa malayo ay napakaganda. May mahabang binti, balingkinitang katawan at makinig na balat, ang simpleng disenyo ng kanyang business suit ay sakto sa kanyang pangangatawan. Ang nakalabas niyang balat ay parang malambot na itlog, na may makinis at mala-gatas na kutis.

Ang kanyang ganda ay bibihira at mas nakakaakit pa sa maraming A-list na babaeng celebrity.

‘Di mapigilan ni Nathan na makita ang magandang dilag na ma-bully pa kaya kanyang iminungkahi, “Dahil ‘di naman kayo close, bakit hindi ko siya lapitan at tulungan?”

Napasulyap nang may malamig na tingin si Joseph sa kanya. “Anong sinabi mo?”

Ang kanyang tingin ay naging dahilan upang lumamig ang likod ni Nathan at agad niyang winasiwas ang kanyang kamay na nagsasabing nagbibiro lamang siya.

“Sige, sige. Wala ‘kong gagawin,” kanyang sinabi.

Mahinahong inilipat ni Joseph ang kanyang tingin pabalik kay Chloe. Ang middle-aged na lalaki sa harap niya ay matapang, at ang mga salitang lumalabas sa kanyang labi ay mas bastos kaysa nauna.

“Itigil mo ang pag-asta mo na mas importante kang tao!”

Para bang nakarinig siya nang pinaka nakakatawang biro sa buong mundo, ang middle-aged na lalaki ay napatawa at sinabi habang tumatalsik ang kanyang laway sa hangin, “Bibigyan kita ng second chance. Kung hihingi ka ng tawad sa akin at sumunod ka sa akin sa taas, lahat ng ito ay maaayos na. Nagpa-reserve na ko ng kwarto sa sixth floor. Pipirmahan ko na ang kontrata pagkatapos natin. Huwag kang umarte na para bang spoiled princess.”

“Gusto mo kong matulog kasama ka? Bakit ‘di mo tignan nang maayos ang sarili mo sa salamin, baboy ka!” Sigaw ni Chloe. Nanginginig ang kanyang mga daliri ngunit wala siyang planong umurong.

Ang underground parking lot ay maugong at ang kanilang boses ay umaalingawngaw nang malakas. Ang mga nanonood ay tumitigil para pagmasdan sila. Nawawalan na ng pasensya ang middle-aged na lalaki at biglang sinunggaban niya ito at hinatak papuntang elevator.

Nakatayo parin si Joseph habang nakapako ang tingin niya kay Chloe. At sa kabutihang-palad, hindi binigo ni Chloe si Joseph.

Kahit na mas mahina siya sa middle-aged na lalaki, matalino siya at alam kung paano puntiryahin ang kahinaan niya. Sinamantala niya ang pagkakataon, sinipa niya ito nang napakalakas, at ang mga sumunod na nangyari, isang tunog na para bang baboy ang kinakatay ang umalingawngaw sa buong parking lot. Namula ang mukha nito habang nakahawak sa kanyang crotch sa sakit.

Sinamantala ni Chloe nang ‘di makagalaw ang lalaki para kumaripas papaalis. Sa kabila nang init ng araw ng Marso sa Aesper City, nanginginig mula ulo hanggang paa ito na para bang wala siyang init sa katawan.

Nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanan na kahit na hindi siya gusto ni Benjamin, hindi naman siguro niya hahayaan ang kanyang sariling anak na bastusin para lamang mapirmahan ang kontrata. Siguro ang lalaking matabang ito ang nag-request ng ganito…

Hindi na ito muling inisip ni Chloe, wala din siyang lakas ng loob para harapin ang katotohanan. Binaba niya ang kanyang tingin at pinanood ang mga dumaraang sasakyan sa kalsada, pakiramdam niya ay hindi na niya alam kung anong dapat niyang gawin.

Pagkatapos, nag-ring ang kanyang phone. Si Benjamin ang tumawag.

Nanahimik nang ilang segundo si Chloe bago sagutin ang tawag.

“You have one job! Gusto ko lang na i-sign mo ang kontrata kasama si Mr. Lionel, pero sinira mo! Hindi lang iyon, sinaktan mo pa siya!” Ang galit na boses ni Benjamin na lumabas sa earpiece na pumasok sa tenga ni Chloe.

Tinigasan ni Chloe ang kanyang kamay na nakahawak sa kanyang phone, umigting ang kanyang boses at kanyang sinagot, “Pumunta ako doon para mag-sign ng kontrata at pag-usapan ang negosyo. Hindi para matulog kasama siya.”
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ganyan nga chloe huwag kang maging sunod sunuran sa iyong walang kwentang ama gantan lumaban ka kapag alam mong nasa tama. ka chloe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status