Share

Kabanata 12 Kahapon lang Nakuha ang Marriage Certificate

Labis na nanlaki ang mga mata ni Ava nang marinig ang mga sinabi ni Chloe.

Gayunpaman, pinigilan niya ang kanyang tuwa at humarap para pigilan siya. “Coco, ‘wag kang padalos-dalos. Tahanan mo to. Saan ka pupunta kung aalis ka?”

“Mayroon akong ipon kahit papaano. Ibibigay ko ang bank card ko kapag naka-uwi na tayo ng bahay ngayong gabi. Isipin mo nalang na sahod mo yun, okay?”

“Bakit mo pa ba gusto siyang tulungan? Kung gusto niyang umalis, pabayaan mo siyang umalis. Tutal wala namang gustong manatili pa siya dito,” wika ni Benjamin.

Nakaramdam si Benjamin ng pagkadismaya dahil sa nawalang deal kay Lionel, pero ngayon ito ay nawala na sa kaniyang isip, dahil kailangan na niyang hawakan ang problemang ginawa ni Chloe. Alam niyang hindi hihingi ng tawad si Chloe kay Lionel at ayaw na niya sana itong pansinin. Tumawag siya ng security guard at sinamahan si Ava papuntang office.

Hindi naglaon, nagmadaling pumasok ang mga guards at sinubukang hatakin si Chloe palabas.

“Huwag mo kong hawakan! Kaya kong maglakad mag-isa!”

Huminga siya nang malalim, tinuwid ang kanyang likod, at naglakad palabas ng Artron nang may malalaking hakbang. Gayunpaman, hindi niya inaasahang makakasalubong niya si Jake na nandoon para makita si Ava.

Nang makita ni Jake ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Chloe, umiling ito at taimtim na iminungkahi, “Bakit hindi mo kayang maging tulad ni Ava? Imbes na suwayin mo ang iyong ama, dapat sumunod ka sa kanya. Kung tutuusin, mas gusto nang mga lalaki ang mga babaeng masunurin. Hinayaan mo ang emosyon mo na pangunahan ka kaya hindi ka makapag-isip nang mabuti.”

Kahit na maayos at maaasahan si Chloe, wala siya kung wala ang suporta ng kanyang pamilya. Kahit na magtrabaho siya habambuhay, malabong makabili siya ng bahay. At ang gusto ni Jake ay ang makapangyarihan, ma-impluwensya, at tulad niya na kayang siyang tulungan sa kanyang career. Wala siyang balak tumulong sa mga nangangailangan.

“Tapos ka na ba magsalita?” Nandiri si Chloe sa basurang ito at wala siyang balak tingnan ito kahit isang segundo. “Kung tapos ka na, umalis ka sa daan ko.”

“‘How dare you!” Inis sa ugaling pinakita sa kanya. “Taos-puso kong gustong tulungan ka, at ito ang ipapakita mo sa akin?”

“Humingi ba ko ng tulong sayo? Atupagin mo nalang ang sarili mo.”

Pagkatapos niyang magsalita. Tumalikod si Chloe at umalis. Galit si Jake at kanyang inangal, “Sa tingin mo ba talaga na malinis kang babae? Gusto lang kitang tulungan bilang kaibigan dahil hindi tayo pwede maging magkasintahan. Kung hindi, bakit ko sasayangin ang oras ko para kausapin ka ngayon?”

Nang marinig ang mga salitang iyon, tumigil si Chloe sa kanyang daan at umikot para tingnan siya. Inaamin niya na gwapo si Jake, at isa sa itinuturing na pinaka popular na lalaking estudyante noong college. Tinanggap ni Chloe ang kaniyang damdamin dahil sa kagustuhan niya sa mga kaakit-akit na lalaki at ang pagpapakita ni Jake ng pagmamahal sa kanya. Bukod sa malapit na magkaibigan sila simula pa noong bata pa sila, natural lang na sila ang magkatuloyan sa dulo. Pero ngayong tapos na ang kanilang relasyon, nakikita na niya ito bilang ibang tao at napagtanto na hindi siya maiku-kumpara kay Joseph pagdating sa itsura o business skills.

“Mr. Jake, may mungkahi ako. Tutal galit ka sa mahirap at gustong-gustong makuha ang pabor ng mayaman, sa tingin ko, hindi tayo pwedeng maging magkaibigan,” wika ni Chloe na may malamig na pag-ngisi. Pagkatapos noon, tumalikod siya at iniwan si Jake na galit na galit.

Hindi umuwi si Chloe. 5 o’clock na ng gabi pagkatapos niyang sinagot ang message ni Emily kaya pumunta siya sa workplace ni Emily para hanapin siya. Nang lumabas si Emily, agad niyang tinanong nang makita si Chloe, “Anong nangyari? Bakit naging sobrang sama na kinailangan mong mag-resign?”

Nang mabasa niya ang sagot ni Chloe kanina nagulat siya na halos nakiusap siya sa kanyang supervisor para maagang umuwi.

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Chloe at maikling ikinuwento kay Emily ang storya. Nang malaman ang katotohanan, nanggagalaiting sinigaw ni Emily, “Paano nagawa ng ama mo yun?! Paano siya nabulag nang ganun na halos hindi niya malaman kung ano ang tama o mali?!”

Masyadong nakatuon sa project si Benjamin na hindi niya napansin ang katotohanang halos gahasain ang kanyang anak.

Hindi makapaniwala si Emily. Kung hindi siya best friend ni Chloe naisip niya siguro na ampon lang si Chloe.

“Hindi ako uuwi kahit kailan, at ayoko na ding bumalik ng Artron. Masaya ako na naputol ko na lahat ng pangit sa buhay ko,” wika ni Chloe na may magaan na tono.

Alam ni Emily na pilit na tinatago ni Chloe ang kanyang pagkadismaya sa likod nang pinapakita niyang kalmadong sarili.

“Okay lang, edi huwag kang umuwi. Sa akin ka nalang umuwi,” mungkahi ni Emily.

“Hindi na. Mayroon na akong nahanap na lugar na uuwian.”

“Huh? May nahanap ka ng bagong lugar?”

“Hindi…” Wika ni Chloe na mukhang nahihiya sa hindi maipaliwanag na rason. “Pinakasalan ko ang tiyuhin ni Jake. Nangyari lang na kailangan niya ng marriage partner, at kumuha kami ng marriage certificate kahapon. May sobra siyang kwarto sa bahay niya.”

Natigilan si Emily nang ilang segundo at nanlaki ang kanyang mata.

“Seryoso ka ba?!” Sigaw niya, “Nagpakasal ka sa kanya pagkatapos mong siyang makilala ng isang araw lang?!”

“Chloe, okay lang kung gusto mo siya, pero dapat siguro mas maging maingat tayo pagdating sa kasal?”

Sa mga tanong nito, masasabing nagulat talaga si Emily.

“Well… Medyo lasing ako nung oras na iyon pero sinisigurado ko sa iyo na pinag-isipan ko iyon bago tanggapin ang pagpapakasal. Ma-iba tayo, ‘di ba sinabi mo sa akin kanina na yung kumpanya niyo ay kumukuha ng bagong empleyado? Mayroon bang posisyon diyan na sakto sa akin? Tanong ni Chloe para maibaling ang paksa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status