Share

Kabanata 15 Hindi ako Natatakot Sa’yo

Nag-umpisa ang interview sa isang written test na sinundan ng face-to-face interview.

Nangingibabaw si Chloe pagdating sa written test at kumpyansa siyang naipasa niya ang mga testl. At nang siya ay paalis na, napansin niya na maraming blanko sa papel ni Melody. Gayunpaman, kalmado lamang si Melody habang pinagmamasdan at hinahangaan ang mga bagong pinturang kuko niya at walang bakas ng pag-aalala.

Biglang naramdaman ni Chloe na ang pagpasa sa interview ay magiging mahirap para sa kanya.

At nangyari ngang ng lumabas na ang resulta ng written test, hindi napili si Chloe at nakakuha nang pinakamababang puntos sa lahat ng mga kandidato.

“Imposible ito. Sigurado akong hindi ako makakakuha ng ganitong kababang puntos!” Hinarap ni Chloe ang interviewer. “Gusto kong makita ang aking test paper at gusto ko ring malaman ang malinaw na paliwanag kung saan nabawasan ang puntos ko.”

Ang interviewer na si William Grace, tumayo at mapagmataas niyang sinagot, “Bawat interviewer ay mayroong sariling pamantayan, pero isa lang ang hindi nag-bago: Ang mababang marka ay nangangahulugang bumagsak ka. Pakiusap ko sayo ay huwag kang gumawa ng eksena dito at umalis ka na. Mahalaga ang aming oras at hindi namin kayang sayangin pa ito sa iyo.”

“Humihingi lamang ako ng katarungan. Mahalaga nga ang iyong oras at ako din naman. Hindi ko ito palalampasin nang walang maayos na paliwanag,” Pilit ni Chloe na nakatayo nang tuwid at nakaharap sa matatag na tingin ni William.

Ang ibang kandidato ay nakatingin at naguguluhan sa matinding reaksyon ni Chloe. Masayang ngumiti si Melody, naghihintay sa drama na mangyayari at nire-record ang buong pangyayari para ipakita kay Ava.

Alam ni Chloe na si Melody ang nasa likod nito at pinag-suspetsahan na ang interviewer na nagsabing umalis na siya ay siya ring nag-check sa kanyang test paper. Kung binigyan lamang siya nito ng wastong rason o sinabi ang kanyang mga mali, kahit na mabilisan lamang, tatanggapin niya ito.

Kung tutuusin, dalawang taon ang ginugol niya sa Estre at napasa niya ang C2 language test.

Ang Fairlight ay kumpanyang puno ng talentadong tao, at kahit na hindi siya napili para sa interview, ang pagbigay sa kanya nang pinakamababang marka ay labis kahihiyan. Hindi maintindihan ni Chloe kung bakit ang interviewer na ito trip siya. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niyang mali.

Naisip ba talaga nilang kaya nilang mapahiya siya nang ganito? Hindi, hindi siya papayag.

Hindi takot na gumawa ng eksena si Chloe, kung kinakailangan, gagawin niya itong malaking bagay. Hindi niya pinaniwalaan na ang malaking kumpanya na tulad ng Fairlight ay hahayaan ang bagay na ito.

“Kung kini-kwestyon mo ang integridad ng Fairlight, pwes, wala akong rason para maging magalang pa sa iyo,” depensang tugon ni William ng mapagtanto na may alam si Chloe na hindi dapat niyang malaman. Agad niyang iniba ang usapan at pasigaw na tinawag ang security para alisin siya sa lugar na iyon. “Ginugulo niya ang aming trabaho.”

Ang mga security guard dito ay mas mahigpit kumpara sa Artron. Sa kabila ng tangkang pag-iwas ni Chloe sa kanya, hinatak siya palabas at nagtamo ng maraming hiwa at pasa sa kanyang braso at hita sa proseso.

Hiningal siya sa sakit habang hinabol ang kanyang hininga niya. Tinignan niya ang gusot na resume sa kanyang kamay, ramdam ang parehong poot at galit. Sa sobrang galit, binilog niya ito at itinapon sa basurahan pero hindi niya ito naipasok at nahulog palabas.

Wala nang pakialam si Chloe sa puntong iyon. Wala na siyang pagnanais na manatiling kalmado. May mga nabasa siyang balita patungkol sa mga kilalang korporasyon na nang-aapi ng mga bagong empleyado pero nagkikibit-balikat lamang siya. Naniniwala din siya na nasa sibilisadong lipunan na tayo at ang mga bagay na ito ay hindi mangyayari pero namulat ang mga mata niya ngayon.

Kung alam lang niya na magiging ganito ang mga mangyayari, hindi na sana siya nag-abala pang manatiling gising buong gabi para maghanda para sa interview. Sinuri niya ang kanyang sugat at nalaman niya na ang gasgas sa kanyang siko ay malalim at dumudugo pa rin. Nang makita ang pharmacy sa kabila ng kalsada, inihanda niya ang kanyang sarili at paika-ikang lumapit sa zebra crossing at tiniis ang sakit.

“Nahulog ka ba, miss? Dumudugo yung binti mo,” sabi ng isang batang babae naghihintay din sa zebra crossing kasama ang kanyang ina na inosenteng nakatingin kay Chloe.

Nabigla siya, ang galit sa kanyang mukha ay napalitan ng kahihiyan.

“Oo, natisod lang ako at nahulog,” sagot niya.

“Bakit hindi sumama yung mommy mo para samahan ka? Nung nadapa ako nag-aalala yung mommy ko. Hindi lang niya ako sinamahan sa ospital, pinakain niya pa ako,” sabi ng batang babae.

“Huwag kang makialam sa buhay ng iba. Natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo? Gusto ng mga tao ang kanilang sariling privacy,” mahinahong sinabi ng babae sa batang babae.

Nilabas ng batang babae ang kanyang dila at palarong sinabi, “Hindi na ako magtatanong ulit sa susunod. Gusto ko lang malaman.”

“Well, kahit na, hindi ka dapat nagtatanong ng ganung tanong. Sa susunod na makalimutan mo hindi kita papayagang kumain ng ice cream ng isang linggo…”

Nang naglakad paalis ang mag-ina, umalingawngaw sa tenga ni Chloe ang kanilang naging usapan. At ng sandaling iyon, bigla niyang na-miss ang kanyang ina at nag-umpisang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.

Wala pang sampung minutong nakakalipas pagkatapos umalis ni Chloe, isang Rolls-Royce ang tumigil sa harapan ng Fairlight. Lumabas si Joseph ng sasakyan at may bugso ng hangin ang umihip sa isang gusot na papel papunta sa kanyang mga paa.

Ang kanyang katulong na si Lucas Anderson ay hindi makapaniwala. “Sinong tao ang nagtapon ng basura sa sahig? At nasaan ang mga janitors? Hindi ba nila alam na dadating si Mr. Joseph ngayon?”

Yumuko si Lucas para pulutin ito at buksan para lamang malaman na isa itong resume.

“Chloe?” Kanyang binulong.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status