Hindi na nag-abala pang ipaliwanag ni Joseph na wala talagang cook noong una palang.Pagkatapos ang saglitang pagmumuni-muni, umakyat siya sa taas para kunin ang kanyang bank card. Binigay niya ito kay Chloe. “Ito ang supplementary card ko. Pwede mong gamitin ito para sa mga gastusin sa bahay o kung gusto mong bumili ng damit o kahit ano pa man.”Sasabihin na sana ni Chloe na ang groceries ay hindi gaano kamahal, pero bigla niyang natandaan na kasalukuyan siyang walang trabaho, at hindi na niya gusto pang magmukhang matigas ang ulo kaya tinanggap niya ang card.“Okay.”“Pumunta ka ng Hola Mart kung gusto mong kumuha ng kung ano. Sariwa ang mga produkto nila doon.”“Pero international supermarket yun na nagbebenta ng mga imported na goods at ang mga bilihin doon ay medyo mahal. Ang isang ulo ng lettuce ay nagkakahalaga ng labinlimang dolyar, samantalang makakabili ka na ng mas murang item sa local market. At saka ang mga binebenta sa mga local market ay sariwang pitas na galing sa
Pagkatapos marinig ang kanilang pinag-uusapan ng mga taong nakapalibot sa kanila, tinignan nila si Chloe na may pagkasuklam sa kanilang mga mukha.Para bang siya ang ang dahilan ng gulo sa kaniyang ama patungkol sa ari-arian at pagiging hindi makatwiran.Nanlumo ang mukha ni Chloe habang kagat ang kanyang labi. “Pwede akong mag-set up ng appointment sa lawyer sa susunod.”“Hindi, wala silang sobrang libreng oras para maghintay pa para sayo,” Sagot ni Benjamin na may naiinip na tono. “Dahil sa wala kang oras, pansamantalang kong aayusin ito. Ibibigay ko nalang sayo ito kapag kinasal ka na.”“Hindi! Sasama ako sayo…” Agad niyang binago ang kanyang isip at sumunod kay Benjamin pababa ng bus.Kahit na importante ang trabaho, ang bagay na iniwan ng kanyang ina para sa kanya ang natatanging bagay sa mundong ito na hindi niya kayang pakawalan. Alam niyang binabantaan siya ni Benjamin. Kung hindi niya makuha ito ngayon, magiging mas mahirap ito sa susunod.Sandali siyang nag-isip at nag-
“Kaya nga, dahil alam ko ang kakayahan mo kaya sinasabi ko sayo na mag-resign ka. Paano mo ikukumpara ang maliit na kumpanya sa nangungunang enterprise tulad ng Fairlight? Sobra ang tingin mo sa sarili mo.”Nanigas si Chloe, pinipiga ang kanyang phone at hindi alam kung anong sasabihin. Kahit na sanay siya sa pagmamaltrato ni Benjamin, sa mga oras na ito na hinuhusgahan siya, hindi niya mapigilang maawa sa kanyang sarili nang pinili nitong pumanig sa mga online bullies. Buong kabataan niya, ang kanyang ama ay nagpakita lamang ng aruga at pagmamalasakit kay Ava, habang sa kanya, trinato niya na parang taong hindi siya kilala.Nakitang nanatili siyang tahimik, tumingin si Benjamin sa kanya na may paghamak at kinuha ang kanyang phone sa kanya. Sinubukan ni Chloe kunin ang kanyang phone pero pinigilan siya ng mga bodyguards.Sa gitna ng kanyang pagpupumiglas, nakita ni Benjamin ang contact information ng HR ng Fairlight sa kanyang phone, gumawa ng mensahe, pinadala ito, at pinatay ang
Sandaling napatigil si Joseph at pagkatapos ay nagbigay siya ng iilang mga dapat gawin sa taong nasa kabilang dulo ng video call at tinapos ang meeting.Habang nakalapat ang binti nito sa isa pang binti ay nagtanong ito, “Anong rason?”“Hindi ko alam. Sabi ng HR ay nagpadala sa kanila ng mensahe si Chloe na hindi ito makakapasok ngayong araw.”Inalala ni Joseph kung gaano kasaya si Chloe sa harap ng salamin nung umagang iyon. Nakapatong ang kanyang baba sa isa niyang kamay. “Tinawagan na ba nila siya?”“Oo, pero nakapatay ang kanyang phone.”Kumunot ang noo ni Joseph nang bahagya, malinaw na hindi niya gusto ang mga nangyayari. Siya mismo ang kumuha ng trabahong ito ngunit siya din ang hindi sumipot sa trabaho.Hindi maunawaan ni Lucas ang iniisip ng kanyang boss base sa ekspresyon nito. Nilabas niya ang kanyang phone at ipinakita ang top trending news kay Joseph. “Isa pa. Mukhang si William na sinisante natin ay hindi masaya sa nangyari kaya gumagawa siya ng skandalo sa online.”
Nanatiling walang ekspresyon si Chloe at sinabing, “Homewrecker ang nanay mo at nagagawa pa niyang itaas ang ulo niya sa harap ng lahat.”Sumagot si Ava nang nakangiti. Malumanay niyang tinignan ang wardrobe at sumagot, “Natatandaan mo ba? Sa akin dati ito pero naisip ko na mas maganda ang wardrobe mo kaya hiningi ko ‘to kay Daddy. Kahit anong gusto ko sa pamilyang ito nakukuha ko. Kahit na homewrecker ang nanay ko ako pa rin ang masusunod dito.”Maaaring umangat sa buhay at magkaroon ng magandang buhay ang isang tao kahit na galing sa hirap. ‘Di tulad ng nanay ni Chloe na pinalaking maayos at nilabanan ang kanyang mga magulang at pinutol ang kanilang relasyon para lamang makasama si Benjamin. Gayunpaman, hindi siya nagtagumpay na mapanatili ang kanyang lalaki sa dulo.“Isang sirang wardrobe lang, naramdaman mo na kaagad na mas mataas ka?” Ngumisi na may panghihinayang ni Chloe at sinabi ang mga salitang. “Dahil sa inumpisahan mo nang pag-usapan ang patungkol sa wardrobe, dapat ako
“Isipin mo kung anong gusto mong isipin.”Nakaramdam ng init sa loob si Chloe at mahinhin niyang binulong, “Hindi ko inaasahan na isa kang mabait na tao dahil sa karaniwan mong mahigpit na ekspresyon…”“Anong sinabi mo?”“Wala!”Sumulyap si Joseph sa kanya at may paghihinalang tinanong, “Ang dalawang humahabol ba sa iyo ay ang iyong mga magulang?”“Well, hindi talaga.”Sandaling nanigas si Joseph. Nabasa niya ang personal na impormasyon ni Chloe noon at alam niya na ang ina nito ay pumanaw na, kaya ang dalawang tao siguro ang kanyang ama at stepmother. Kahit na mukhang may pinagdadaanang pagsubok si Chloe sa kanyang tahanan, mahirap para kay Joseph na manghusga sa mga nangyayari sa kanyang pamilya at alamin kung ano ang tama at mali.Tumahimik sa loob ng sasakyan. Tahimik na umupo si Chloe na parang iniwan na hayop, pinipilit pigilan ang kanyang pighati nang walang ginagawang ingay. Kumunot ang noo ni Joseph at bahagyang naawa sa kanya. Pinalitan niya ang topic at tinanong, “Bak
Nagising si Chloe at mabilis na hinila ang kumot palibot sa kanyang sarili.“Saglit lang, lalabas na ako!”Kahit na medyo namamaga ang kanyang paa dahil sa kanyang pagkahulog kagabi, hindi nito naapektuhan ang kanyang pag-lakad.Pagkatapos ng mabilis na pagligo, lumabas sa harap ni Joseph si Chloe na nakasuot ng maselang damit. Inihagis niya ang kanyang buhok at tinanong, "Kumusta ang damit ko? Maganda ba?”Nagliwanag ang mga mata ni Joseph. Hindi niya maiwasang humanga kay Chloe na nakasuot ng milky white dress na magara pero hindi sobrang bongga. Ang kakaunting makeup niya ay nagbigay sa kanya nang maaliwalas na anyo, at ang kanyang labi—pinaganda ng peach-colored na lip gloss—ginawa itong sobrang tambok at parang isang jelly, kahit sino ay gugustuhing tikman ito. Gayunpaman, isa itong mumurahing damit. Kapag nakita ng kanyang lolo ang suot nito, aakalain niya na minamaltrato ito ni Joseph. Wala siyang sinabi sa suot niya, sa halip ay hinatak niya ito pabalik ng dressing room.
Makalipas ang sampung minuto, hindi na kinaya ni Chloe ang lamig at mahinang hinatak ang manggas ni Joseph at tuyong tumatawa. “Giniginaw na ako ngayon. Pwede bang isarado na ang bintana?”Bilang isang maginoo, sumagot si Joseph, “Syempre naman.”Agad niyang pinasara ang bintana ng sasakyan kay Patrick.Hindi nakaligtas sa pansin ni Chloe ang pagkislap ng saya na bumungad sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na pinaglalaruan lang siya nito, pero wala siyang iba pang pagpipilian kundi magtimpi si Joseph ang bumili ng kaniyang suot na damit.Naghihintay si Harold sa labas ng bahay na may tungkod sa kanyang kamay, kinakabahang hinahanap sila. Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking mansyon na kasing enggrande ng kastilyo, at may naramdamang hindi tama si Chloe nang nakita niya ito.Kahit na mayaman ang tyuhin ni Jake, ang kanyang pamilya ay hindi nabibilang sa isa sa mga pinakamayaman sa Aesper. Paano sila nakabili ng bonggang ari-arian na nagkakahalaga ng bilyon kung isa lamang si
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti