“Tsk…” umupo si Joseph, at tamad na sumandal sa kanyang upuan, nilapag ang mahaba niyang binti sa coffee table at nagsalita ito nang may pangungutyang tono. “Kung talagang may kakayahan ka, bakit hindi ka maging doktor? Ang mga doktor na ‘yun ay siguradong sasambahin ka dahil sa abilidad mong kontrolin ang reproductive cycle ng mga babae.”“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Matanda ka na, masama ba para sa akin na humiling na magkaroon ng apo ko sa tuhod?” Naging galit ang ekspresyon ni Harold. “At saka, nanguna ka at nagparehistro ng kasal mo kay Coco nang hindi man lang nagpapakasal o nagbigay ng kahit anong regalo sa kanya. Ano sa tingin mo ang iisipin ng mga tao sa kanya?"Dahil sa kanyang sinabi may naramdamang init na namulaklak sa dibdib ni Chloe. Nagsalin siya ng isang tasa ng tsaa para kay Harold at pinaliwanag na may malumanay na boses, “Grandpa, hindi mo ito kasalanan. Desisyon ko na hindi magpakasal dahil sa pareho kaming abala sa trabaho. At saka, hanggang sa mahal nam
"Kunin mo ang card na ibinigay ko kanina bilang sahod mo.""Tinuon ni Chloe ang kanyang tingin nang hindi makapaniwala sa dokumento na nasa mesa at ang kaniyang isipan ay na-blangko.""Pagkatapos ay dahan-dahang itong napangiti ang nagningning ang kaniyang mga mata.”"Maraming salamat, Jojo," sabi niya.'Ngayon ay maaari ko nang gamitin ang iyong card nang walang kaba!'"Inaakala ni Chloe na ayaw ni Jojo na gastusin ang kaniyang pera kaya't binigyan na lang siya ng trabaho nito."‘Mukhang maaari siyang maging sweet at maunawain minsan.'"Ang mga kilay ni Joseph ay umangat nang kaunti, at nawala ang pagiging seryoso ng mukha nito nang siya ay matawa nang bahagya.""Kung gusto mong pasalamatan ako, itigil mo lang ang pagluluto ng masamang pagkain.""Mag-eenroll ako sa cooking class!" sabi niya.'Pero gamit ang iyong pera!'"Nahirapan si Chloe sa mga dokumento na ibinigay ni Joseph dahil sa lahat ng mga terminolohiyang pinansiyal na nakasulat dito.""Pagkatapos intindihin nang
"Makalipas ang kalahating oras, lumitaw si Chloe sa harap ng lahat na hawak ang kamay ni Ginny.""Napakurap ang mata ni Joseph sa pagkagulat. Si Ginny ay isang batang taong-bahay. Kahit na hindi malikot, siya'y mailap, lalo na sa mga di-kilala. Sa tingin ni Joseph ay may mga magagandang katangian si Chloe na naging dahilan para mapalapit kay Ginny.""Buti naman at kahit papaano ay alam niya kung paano tratuhin ang mga bata.""Inikot ni Ginny ang paligid, ipinagyabang sa lahat ang kanyang bagong hairstyle. Itinali ito na parang pares ng symmetrical buns, isa sa bawat side ng kanyang ulo. Ipinapakita nito ang kanyang kaakit-akit na mga feature, na nagpapakita ng itsura ng isang munting diwata.""Maganda ang hairstyle na ito sa'yo, Ginny. Nakakatuwang isipin na ang aking granddaughter-in-law ay magaling sa ganiyan," paghanga sa kaniya ni Harold.""Tama 'yan. Parang may magic ang kanyang mga kamay.""Ang isang taong magaling sa ganiyan ay siguradong magaling din magluto.""Swerteng-
"Hindi na. Mag-aabang na lang ako ng taxi," sabi ni Chloe at ngumiti sa kanya."Okay," sagot ni Icarus habang kumaway. "Kitakits na lang sa Miyerkules."Pagkatapos umalis ni Icarus, kinuha ni Chloe ang kanyang cellphone at tumawag ng taxi.Habang papasok si Icarus sa ilalim ng parking lot, nakatanggap siya ng tawag mula sa pamangkin niyang si Jake."Tito Icarus, i-e-engage na kami ni Ava sa susunod na buwan. Kailangan mong pumunta!""Si Ava ba yung girlfriend mo nung college?"May tahimik na sandali sa kabilang linya ng telepono, at unti-unti na sumagot si Jake, "Hindi, Tito Icarus. Matagal na kaming hiwalay ng ex ko."Hindi masyadong nagsalita si Icarus, alam niyang normal lang sa mga kabataan ang magmahal at maghiwalay. Pumayag siyang dumalo sa engagement at ipinangako na darating siya sa araw na iyon.Iniwan ni Jake ang telepono at tumingin kay Ava. "Sabi ni Tito Icarus pupunta siya. Ituturo ko siya sa'yo sa araw na yun. Maimpluwensiyang tao siya pagdating sa financial indus
Nang makabalik si Joseph galing sa trabaho, nakita niya si Chloe sa kusina. Nagmukha siyang galit na galit sa mga patatas, parang may matinding sama ng loob siya sa mga ito dahil dinudurog niya ang mga ito kaysa sa hiwain lang.“Sinong kaaway mo?”Tumigil si Chloe at lumingon sa kanya, hawak ang kanyang kutsilyo."Isang g*go," sabi niya nang may pag-aalab.'Oo, isang g*go. At ang baliw na g*go na iyon ay ang pamangkin mo!'Matapos ang isang ekspresyong gulat, umakyat si Joseph para mag-ayos.Para sa hapunan ngayong gabi, may beef potato stew, oven-roasted na gulay, at Greek salad."Kumuha ako ng crash course sa pagluluto ngayon. Gusto mo subukan ang bunga ng aking natutunan?" tanong ni Chloe.Kumagat si Joseph ng laman ng baka at sinabi, "Eh, parang katulad pa rin noong mga nakaraang araw.""Unang araw ko pa lang kasi, okay?" sagot ni Chloe. "Bigyan mo ako ng isang buwan at ikaw ay magugulat.""Tingnan natin," sabi ni Joseph.Bagaman sinabi niyang hindi masyado masarap ang p
Sa oras na bumalik si Joseph na may dalang susi ng kotse, parang naglalakbay pa rin ang utak ni Chloe."Hmm?" Itinaas niya ang kanyang kilay. "Anong problema? Tara na."Si Chloe ay nag-aadjust ng mga butones ng kanyang coat at maingat na sinabi, "Hindi ba’t masyado abala sa'yo na dalhin mo ako ng gabi na?"Kahit na hindi pa siya emotionally ready na aminin kay Jake, ang ideya na makita siya nito kasama ang kanyang tiyo at mawalan ito ng kumpiyansa ay napakalaking tukso para hindi pagtuunan. Ang pag-iisip lamang sa eksena na iyon ay nagdudulot sa kanya ng saya.Sa kasamaang palad, mali ang hinala ni Joseph sa kanyang intensyon at naging maasim ang kanyang mukha habang sinasabi, "Wag ka nang mag-alala. Sa totoo lang, papunta ako ng opisina at along the way rin naman. Hindi kita aabalahin sa iyong lihim na pagkikita sa iyong manliligaw.""Anong manliligaw?" Nagulat si Chloe, at hindi hanggang sa ilang sandali pa niya na-realize ang kahulugan sa likod ng kakaibang tono niya. Lumapit s
Mukhang bihasa pa rin si Ava sa pambibilog ng katotohanan.Hindi niya pinansin si Ava at inilagay ni Chloe ang isang bag sa mesa at nagsabi sa malamlam na boses, "Ito ang lahat ng alahas at damit na binigay mo sa akin. Ang mga laruan at ganyan ay nasa Johnsons'."Hinawakan ni Ava ang kamay ni Chloe at nagtanong nang may pangamba, "Saan ka pumalagi nitong mga nakaraang araw?""May kinalaman ba 'yon?""Kinulit ko si Em at sinabi niyang hindi ka bumibisita sa kanila." Ngumuso si Ava at tila siya nagmamalasakit. "Dapat bumalik ka. Hindi ligtas para sa isang babae na mag-isa sa labas."Alam ni Jake ang ilang bagay tungkol sa pakikipagrelasyon ni Chloe sa mas matanda, at puno ng pagkasuklam at panghihinayang ang kanyang puso. Sa isang banda, nararamdaman niyang siya ang may kasalanan sa pagbagsak niya, ngunit sa kabilang banda, sa tingin niya ay hindi dapat sirain ni Chloe ang kaniyang sarili dahil lang sa hindi sila nagkatuluyan."Tama si Ava. Hindi ligtas ang babaeng mag-isa. Umuwi k
Medyo nagulat si Chloe at nagtanong, "Nakita mo lahat?"Gayunpaman, nagmaang-maangan lang si Joseph, "Ano ang nakita ko?""Yung tao na nakita ko sa cafe..."'Yung walanghiyang iyon ay ang pamangkin mo!'Saglit na tumahimik si Joseph bago magsalita, "Hindi. Wala akong nakitang kahit ano."Nakita lang niya itong nakatayo sa kalsada, para bang nawawala at malungkot.Tinignan ni Chloe nang mabuti ang mata ni Joseph at napagtanto na hindi siya nagsisinungaling. Hindi niya talaga nakita si Jake o si Ava, dahilan upang siya bahagyang madismaya.Akala ni Joseph ay ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito kaya hindi na siya nagtanong pa. Tahimik ang biyahe pauwi. Matapos magpaalam si Chloe ng magandang gabi, pumunta siya sa kanyang kwarto para matulog.Habang tinitingnan ni Joseph si Chloe na umakyat ay nagsalita siya nang mariin, "Goodnight..."Si Chloe, na tila galit pa rin, hindi napansin ang sinabi ni Joseph at diretsong pumasok sa kanyang kwarto.Pagbaba ni Joseph kinabukasan, nag
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti