"Hindi, nandito ako para sa isang job interview," sagot ni Chloe."May job interview ka sa Baxons?""Oo," sagot ni Chloe."Kumusta naman? Maayos ba?" tanong ni Icarus."Hindi." Napabuntong-hininga si Chloe. "Mahirap humanap ng trabaho ngayon.""Maaari bang tingnan ko ang iyong resume?" sabi ni Icarus."Sige," sagot niya at ibinigay ang resume.Pagkatapos basahin ang kanyang resume, sinabi ni Icarus, "Sa obhetibong pananaw, talagang kakaiba ka sa iyong mga kasabayan.""At sa personal mong pananaw?" tanong ni Chloe habang nakatutok ang kanyang mata kay Icarus."Sa personal kong pananaw, sa aking opinyon, ikaw ay talagang ekstraordinaryo" sagot ni Icarus.Kitang-kita na siya ay isang espesyal na candidate, apat na taon siyang scholar habang siya ay nasa unibersidad, pag-attend ng internships sa dalawang malalaking kumpanya noong kanyang ikalawang taon, at mayroong mahusay na resulta sa lahat ng kanyang proyekto. Pagtatapos ng kanyang kurso, siya pa ang namuno sa kanyang kopona
"Hindi, kahit kaunti," saad ni Joseph nang tapat.Kung hindi habol ni Chloe ang kaniyang pera, ibig sabihin ay walang abilidad si Joseph na kontrolin si Chloe gamit ang pera.Hindi nakapagsalita si Chloe.'Paano siya naging ganito? Naisip niya, 'Ang anumang normal na lalaki ay matutuwa sa ganitong mga salita, kaya bakit ganyan ang kanyang tugon, manhid ba siya?'Itinaas ni Chloe ang kanyang tingin sa salamin, binabantayan ang kanyang repleksyon. Kamakailan ay sinasanay niya ang kaniyang cooking skills at ang kaniyang prinsipyong bawasan ang pagsasayang ay naging dahilan upang kainin niya ang mga natitirang pagkain. Bilang resulta, nadagdagan ang kanyang timbang—lalo na sa kanyang pisngi—at hindi na ito nagmumukhang kasing payat noon.Nakatayo na may mga kamay sa baywang ay sinabi ni Chloe, "Nagdesisyon na ako. Simula ngayon, tatakbo ako kasama mo tuwing umaga! Siguruhin mong gigisingin mo ako!"Lumiit ang dilat ng mga mata ni Joseph at tila ito ay nagdududa. "Ano nanaman ba ang p
Diniinan ni Chloe ang hawak sa railing at siya ay nagtanong, "Pwedeng malaman kung paano mo nakuha ang aking contact information?"'Binigay ba ng HR ng Baxon ang aking numero sa taong ito?'"Hindi na iyon ang mahalaga. Ang mahalaga ay kung interesado ka pa rin sa aming kumpanya. Gayunpaman, puno na ang posisyon ng Estrenian translator na gusto mo. Hindi sinasadyang gawing mahirap ang sitwasyon para sa'yo ni Janice noon."Sa kabilang banda, ang tanging posisyon na bukas ngayon na may sahod at trabahong tugma sa iyong kakayahan ay ang posisyon ng project leader. Kung interesado ka, maaari tayong magtakda ng meeting sa personal para pag-usapan ito nang mas mabuti.""Pag-uusapan ito kasama ka o kay Janice na nag-interview sa akin noon?"Siya ay labis na nainis sa insidente iyon dati at ayaw na niyang kitain ang HR personnel na tumatawag sa kahit na sino para magtakda ng interview para mapataas ang performance goals.“Ako ang direktang kakausap sa iyo.”"Sige, pag-usapan na natin kun
Natigilan si Joseph at parang robot na nagsalita, "Oo."Ang mga salita ni Chloe ay napakabanayad na parang nabalot si Harold ng isang jacket na yari sa cotton. Napakalaki ng ngiti sa kaniyang mukha, "Oo, oo. Susundin ko ang sinasabi mo, Chloe."Nilasap nila ang kanilang hapunan sa isang mapayapang atmosphere, at bago umalis si Harold sakay ng kanyang sasakyan, naalala niya na hindi pa nagkakakilala ang dalawang pamilya. Gayunpaman, iniwasan niyang banggitin ang impormasyon na natuklasan niya tungkol sa pamilya ni Chloe.'Kung ganon,' aniya, 'pwede namang mag-isa ko silang puntahan.'Pagkatapos magpaalam kay Harold, tinanggal ni Chloe ang mga sticker sa ref at maingat na nilinis ang natirang glue gamit ang tela. Habang iniipit ito, sinabi niya kay Joseph, "Gagawin ko itong makinis at malinis. Aalisin ko rin ang mga halaman sa balkonahe. Huwag kang mag-alala. Babalik ang bahay mo sa dati."Nakaramdam ng kaunting hiya si Joseph sa sinabi ni Chloe. Para bang siya ang hindi makatarunga
May dalawang maaaring kahulugan ang pangungusap na ito, pero alinman man, ito'y isang insulto kay Benjamin.Sa pagkakarinig ng salita ng kanyang butler, nag-atubiling saglit si Benjamin, hindi tiyak kung kailangan niyang bawiin ang kanyang kamay o hindi. Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, ngumiti siya ng pilit at sumang-ayon, "Tama ka. Ang tubig sa mga restaurant ay maaaring marumi, at hindi natin ito nakikita."Hindi siya pinansin ni Harold.Nilakasan ni Ava ang kaniyang loob upang lapitan si Harold at nagsalita, "Lolo Harold, nabanggit ng aking ama na plano mo dalhin ang iyong apo. May regalo ako para sa kanya, ngunit hindi ako sigurado kung magugustuhan niya."Inilagay niya ang isang set ng skincare products na nagkakahalagang limang digit sa mesa, nang may pag-asang maibigan ito ni Harold."May mga bagay ang aking apo na kailangang asikasuhin kaya't hindi siya makakadalo," sagot ni Harold.Nagmukhang nadismaya si Ava at nagsabi, "Sana'y nagkaroon ako ng pagkakataon na
Ayaw ni Benjamin na aminin ang kaniyang kasalanan, kaya't ibinato niya ang sisi sa kanyang anak.Sinabi niya, "Syempre, kasalanan mo 'yan. Kung hindi, kanino pa nga ba? Sa akin ba?"Naging pula ang mukha ni Ava sa inis, ngunit hindi siya naglakas-loob na sumagot. Tinandaan niya lang ang pangyayaring ito, at kasalanan naman ni Benjamin dahil ginamit niya ang skandalo ni Chloe sa pakikipag-usap sa mga investor.Ano nga ba ang koneksyon nito sa kanya?Dahil pareho silang matatagpuan sa downtown, hindi malayo ang layo ng Fairlight at Baxon sa isa't isa.Sa kanyang unang araw ng trabaho sa Baxon, natagpuan ni Chloe ang sarili na dumadalo sa isang company-wide meeting. Habang sinusundan niya ang kanyang mga kasamahan papasok sa conference room, binati siya ng isang lalaki na tila nasa edad na 30, "Hello, kumusta?"Tiningnan ni Chloe ang hindi pamilyar na lalaki, pagkatapos ay sumulyap sa ID badge na nakasabit sa kanyang dibdib na may nakasulat na "Harry Smith, Director of Operations."
Habang nakaupo sa kainan at naghihintay na matapos si Chloe magluto ng hapunan, si Joseph ay nag-browse sa internal chat group ng kumpanya kung saan lahat ay nagchichismisan.[Breaking news! Ang executive ng Baxon ay nagkaanak sa isang empleyado. May nakakita na dinala siya ang empleyado sa ospital para sa abortion!][Ito bang executive ay si Maurice Oberden?][Oo! Paano mo nalaman?][Ang kanyang mga eskandalo ay kumakalat sa financial world. May tsismis na nalaman ito ng kanyang asawa at pinuntahan siya sa kanyang opisina noong nakaraang taon. Hindi ko alam kung bakit hindi pa sila hiwalay.][Ang asawa niya ay isang full-time housewife. Hindi madali ang mag-divorce sa sitwasyon niya.]Nag-scroll si Joseph pababa, at doon nagtapos ang chismis tungkol sa executive ng Baxon. Sinara niya ang kanyang phone ng oras na matapos ni Chloe ang pagluluto ng pasta."Ta-da, nandito na ang iyong carbonara! Gumawa rin ako ng omelet para sa'yo!"Joseph ay tumingin sa plato niya, na walang lama
Nakaramdam si Nathan na may mali kay Joseph.Nang makita si Chloe sa ibaba, lumiit ang dilat ng mga mata ni Nathan. Agad niyang naintindihan kung bakit gusto na kaagad umalis ni Joseph kahit kararating palang nila. Isang ngiti ang masisilayan sa labi ni Nathan.‘Kaya naman pala gusto agad niyang umuwi. Tila ba’y may inlove ngayon.’Hindi naman malayo ang mart mula dito, at pinlano ni Chloe na siya ang magbubuhat ng mga bag pauwi. Matamis ang ngiti ni Chloe nang siya ay nagtanong, “Anong ginagawa mo rito?”"Tumatambay lang kasama ang kaibigan ko," ani Joseph, na maingat na kinuha ang mga bag mula sa kanyang kamay."Ah ganun ba." Sinundan ni Chloe si Joseph patungo sa parking lot. "Nagbigay yung cooking class ng mga sangkap para sa cake ngayon. Gagawin ko para sa'yo pagbalik natin.""Okay." Habang naglalakad sila na magkasama sa ilalim ng palubog na araw, nag-overlap ang kanilang mga katawan at bumubuo ng magkahalong anino sa lupa. Mukhang silang magkasintahan na nagmamahalan.Mak
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti