Sandaling napatigil si Joseph at pagkatapos ay nagbigay siya ng iilang mga dapat gawin sa taong nasa kabilang dulo ng video call at tinapos ang meeting.Habang nakalapat ang binti nito sa isa pang binti ay nagtanong ito, “Anong rason?”“Hindi ko alam. Sabi ng HR ay nagpadala sa kanila ng mensahe si Chloe na hindi ito makakapasok ngayong araw.”Inalala ni Joseph kung gaano kasaya si Chloe sa harap ng salamin nung umagang iyon. Nakapatong ang kanyang baba sa isa niyang kamay. “Tinawagan na ba nila siya?”“Oo, pero nakapatay ang kanyang phone.”Kumunot ang noo ni Joseph nang bahagya, malinaw na hindi niya gusto ang mga nangyayari. Siya mismo ang kumuha ng trabahong ito ngunit siya din ang hindi sumipot sa trabaho.Hindi maunawaan ni Lucas ang iniisip ng kanyang boss base sa ekspresyon nito. Nilabas niya ang kanyang phone at ipinakita ang top trending news kay Joseph. “Isa pa. Mukhang si William na sinisante natin ay hindi masaya sa nangyari kaya gumagawa siya ng skandalo sa online.”
Nanatiling walang ekspresyon si Chloe at sinabing, “Homewrecker ang nanay mo at nagagawa pa niyang itaas ang ulo niya sa harap ng lahat.”Sumagot si Ava nang nakangiti. Malumanay niyang tinignan ang wardrobe at sumagot, “Natatandaan mo ba? Sa akin dati ito pero naisip ko na mas maganda ang wardrobe mo kaya hiningi ko ‘to kay Daddy. Kahit anong gusto ko sa pamilyang ito nakukuha ko. Kahit na homewrecker ang nanay ko ako pa rin ang masusunod dito.”Maaaring umangat sa buhay at magkaroon ng magandang buhay ang isang tao kahit na galing sa hirap. ‘Di tulad ng nanay ni Chloe na pinalaking maayos at nilabanan ang kanyang mga magulang at pinutol ang kanilang relasyon para lamang makasama si Benjamin. Gayunpaman, hindi siya nagtagumpay na mapanatili ang kanyang lalaki sa dulo.“Isang sirang wardrobe lang, naramdaman mo na kaagad na mas mataas ka?” Ngumisi na may panghihinayang ni Chloe at sinabi ang mga salitang. “Dahil sa inumpisahan mo nang pag-usapan ang patungkol sa wardrobe, dapat ako
“Isipin mo kung anong gusto mong isipin.”Nakaramdam ng init sa loob si Chloe at mahinhin niyang binulong, “Hindi ko inaasahan na isa kang mabait na tao dahil sa karaniwan mong mahigpit na ekspresyon…”“Anong sinabi mo?”“Wala!”Sumulyap si Joseph sa kanya at may paghihinalang tinanong, “Ang dalawang humahabol ba sa iyo ay ang iyong mga magulang?”“Well, hindi talaga.”Sandaling nanigas si Joseph. Nabasa niya ang personal na impormasyon ni Chloe noon at alam niya na ang ina nito ay pumanaw na, kaya ang dalawang tao siguro ang kanyang ama at stepmother. Kahit na mukhang may pinagdadaanang pagsubok si Chloe sa kanyang tahanan, mahirap para kay Joseph na manghusga sa mga nangyayari sa kanyang pamilya at alamin kung ano ang tama at mali.Tumahimik sa loob ng sasakyan. Tahimik na umupo si Chloe na parang iniwan na hayop, pinipilit pigilan ang kanyang pighati nang walang ginagawang ingay. Kumunot ang noo ni Joseph at bahagyang naawa sa kanya. Pinalitan niya ang topic at tinanong, “Bak
Nagising si Chloe at mabilis na hinila ang kumot palibot sa kanyang sarili.“Saglit lang, lalabas na ako!”Kahit na medyo namamaga ang kanyang paa dahil sa kanyang pagkahulog kagabi, hindi nito naapektuhan ang kanyang pag-lakad.Pagkatapos ng mabilis na pagligo, lumabas sa harap ni Joseph si Chloe na nakasuot ng maselang damit. Inihagis niya ang kanyang buhok at tinanong, "Kumusta ang damit ko? Maganda ba?”Nagliwanag ang mga mata ni Joseph. Hindi niya maiwasang humanga kay Chloe na nakasuot ng milky white dress na magara pero hindi sobrang bongga. Ang kakaunting makeup niya ay nagbigay sa kanya nang maaliwalas na anyo, at ang kanyang labi—pinaganda ng peach-colored na lip gloss—ginawa itong sobrang tambok at parang isang jelly, kahit sino ay gugustuhing tikman ito. Gayunpaman, isa itong mumurahing damit. Kapag nakita ng kanyang lolo ang suot nito, aakalain niya na minamaltrato ito ni Joseph. Wala siyang sinabi sa suot niya, sa halip ay hinatak niya ito pabalik ng dressing room.
Makalipas ang sampung minuto, hindi na kinaya ni Chloe ang lamig at mahinang hinatak ang manggas ni Joseph at tuyong tumatawa. “Giniginaw na ako ngayon. Pwede bang isarado na ang bintana?”Bilang isang maginoo, sumagot si Joseph, “Syempre naman.”Agad niyang pinasara ang bintana ng sasakyan kay Patrick.Hindi nakaligtas sa pansin ni Chloe ang pagkislap ng saya na bumungad sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na pinaglalaruan lang siya nito, pero wala siyang iba pang pagpipilian kundi magtimpi si Joseph ang bumili ng kaniyang suot na damit.Naghihintay si Harold sa labas ng bahay na may tungkod sa kanyang kamay, kinakabahang hinahanap sila. Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking mansyon na kasing enggrande ng kastilyo, at may naramdamang hindi tama si Chloe nang nakita niya ito.Kahit na mayaman ang tyuhin ni Jake, ang kanyang pamilya ay hindi nabibilang sa isa sa mga pinakamayaman sa Aesper. Paano sila nakabili ng bonggang ari-arian na nagkakahalaga ng bilyon kung isa lamang si
“Tsk…” umupo si Joseph, at tamad na sumandal sa kanyang upuan, nilapag ang mahaba niyang binti sa coffee table at nagsalita ito nang may pangungutyang tono. “Kung talagang may kakayahan ka, bakit hindi ka maging doktor? Ang mga doktor na ‘yun ay siguradong sasambahin ka dahil sa abilidad mong kontrolin ang reproductive cycle ng mga babae.”“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Matanda ka na, masama ba para sa akin na humiling na magkaroon ng apo ko sa tuhod?” Naging galit ang ekspresyon ni Harold. “At saka, nanguna ka at nagparehistro ng kasal mo kay Coco nang hindi man lang nagpapakasal o nagbigay ng kahit anong regalo sa kanya. Ano sa tingin mo ang iisipin ng mga tao sa kanya?"Dahil sa kanyang sinabi may naramdamang init na namulaklak sa dibdib ni Chloe. Nagsalin siya ng isang tasa ng tsaa para kay Harold at pinaliwanag na may malumanay na boses, “Grandpa, hindi mo ito kasalanan. Desisyon ko na hindi magpakasal dahil sa pareho kaming abala sa trabaho. At saka, hanggang sa mahal nam
"Kunin mo ang card na ibinigay ko kanina bilang sahod mo.""Tinuon ni Chloe ang kanyang tingin nang hindi makapaniwala sa dokumento na nasa mesa at ang kaniyang isipan ay na-blangko.""Pagkatapos ay dahan-dahang itong napangiti ang nagningning ang kaniyang mga mata.”"Maraming salamat, Jojo," sabi niya.'Ngayon ay maaari ko nang gamitin ang iyong card nang walang kaba!'"Inaakala ni Chloe na ayaw ni Jojo na gastusin ang kaniyang pera kaya't binigyan na lang siya ng trabaho nito."‘Mukhang maaari siyang maging sweet at maunawain minsan.'"Ang mga kilay ni Joseph ay umangat nang kaunti, at nawala ang pagiging seryoso ng mukha nito nang siya ay matawa nang bahagya.""Kung gusto mong pasalamatan ako, itigil mo lang ang pagluluto ng masamang pagkain.""Mag-eenroll ako sa cooking class!" sabi niya.'Pero gamit ang iyong pera!'"Nahirapan si Chloe sa mga dokumento na ibinigay ni Joseph dahil sa lahat ng mga terminolohiyang pinansiyal na nakasulat dito.""Pagkatapos intindihin nang
"Makalipas ang kalahating oras, lumitaw si Chloe sa harap ng lahat na hawak ang kamay ni Ginny.""Napakurap ang mata ni Joseph sa pagkagulat. Si Ginny ay isang batang taong-bahay. Kahit na hindi malikot, siya'y mailap, lalo na sa mga di-kilala. Sa tingin ni Joseph ay may mga magagandang katangian si Chloe na naging dahilan para mapalapit kay Ginny.""Buti naman at kahit papaano ay alam niya kung paano tratuhin ang mga bata.""Inikot ni Ginny ang paligid, ipinagyabang sa lahat ang kanyang bagong hairstyle. Itinali ito na parang pares ng symmetrical buns, isa sa bawat side ng kanyang ulo. Ipinapakita nito ang kanyang kaakit-akit na mga feature, na nagpapakita ng itsura ng isang munting diwata.""Maganda ang hairstyle na ito sa'yo, Ginny. Nakakatuwang isipin na ang aking granddaughter-in-law ay magaling sa ganiyan," paghanga sa kaniya ni Harold.""Tama 'yan. Parang may magic ang kanyang mga kamay.""Ang isang taong magaling sa ganiyan ay siguradong magaling din magluto.""Swerteng-