Ang paghahanap ng bata at matatag na tao na may C2 certification sa Estrenian ay hindi madali sa mga panahong ito. Ito ay dahil maraming mga bata ang humihinto sa kanilang trabaho dahil lang sa kaunting hirap at mas pinahahalagahan ang kanilang kalayaan.Siguro ay pinapahalagahan lang ni Joseph ang talento?Banayad na iniinom ni William ang kanyang kape sa kanyang opisina nang matanggap niya ang abiso sa kanyang pag-alis. Nilapag ng HR manager ang termination letter sa kanyang harapan at matagal bago niyang mapagtanto kung ano ang nangyayari.“Binibiro mo ba ‘ko? labing-limang taon na ako dito sa Fairlight at tatanggalin ako nang ganun lang?!” Sigaw ni William.Matagal nang nagkikimkim ng sama ng loob ang HR manager kay William. Ngumisi ang HR manager na tila nasisiyahan ito sa nangyayari, “Hindi ako responsable sa desisyong ito. Desisyon ito ng CEO.”Nanghina si William habang kanyang sinasabi, “Pwede niyo akong i-dismiss pero kailangan ko ng paliwanag at kabayaran.”“Walang ibi
Alas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Joseph.Madilim at tahimik ang villa. Nagpalit siya ng kanyang pambahay na tsinelas sa entrance, naglakad at nilampasan ang kwarto ni Chloe, tumigil nang sandali bago itinaas ang kanyang kamay para kumatok nang ilang beses.Narinig niya ang paos na boses ni Chloe sa loob, “Sandali lang.”Nang siya ay magsalita, may liwanag na lumabas sa uwang sa ilalim ng pintuan. Makalipas ang ilang segundo, lumapit si Chloe sa pintuan. Maya-maya, inikot niya ang hawakan at matunog na bumukas ang pintuan. Gayunpaman, ang karaniwang maaliwalas niyang ekspresyon ay nawala, ito ay napalitan ng namumugto, mapulang mata at ilong, isang maliwanag na indikasyon na matagal na siyang umiiyak. Nakakapanibago para kay Joseph ang makita si Chloe nang ganito. Mukha siyang nawalan ng lakas ng loob tulad ng isang bulaklak na nahulog dahil sa malakas na bagyo.“Umiiyak ka ba?” Kaniyang tanong.Napasinghot si Chloe at inikot ang kanyang mukha sa gilid. “Hindi.”“Hindi ako
“Security guard?”Hindi nasabi ni Lucas kay Joseph na may sangkot rin na security guard.Tumango si Chloe, at inalala niya ang insidente, naramdaman niyang siya ay naaapi. Inangat niya ang kanyang manggas at pinakita ang kanyang mga gasgas.“Ito ang ginawa nila sa akin. Mayroon din akong sugat sa paa.”Ang dalawang sugat sa maganda niyang balat ay ay parang damage sa isang magandang artwork, at talagang nakakagigil sa paningin.Habang patuloy siyang nagrereklamo patungkol sa Fairlight, lalong nandidilim ang kanyang ekspresyon. Napansin lang ni Chloe na mayroong hindi tama sa ekspresyon ni Joseph pagkatapos niyang maglabas ng sama ng loob. Dahan-dahan niyang sinundot ito ng kanyang daliri at tinanong, “Anong problema?”‘Kaibigan ba siya ng CEO ng Fairlight?’“Wala,” sagot ni Joseph.“Okay…”Binaba ni Joseph ang kanyang tingin at pinigilan ang kanyang emosyon. “Bumalik ka na sa kwarto, at paki-hugasan ang mga pinggan.”“Sige,” handang sinabi ni Chloe. Walang isyu sa kanya ang p
Ang dating security guard ay napalitan na ng dalawang tapat at mabait na binata.Nang makita si Chloe na patingin-tingin, inakala nilang nawawala siya at nilapitan.“Hindi, hindi, ‘di ako nawawala. Nandito ako para sa interview,” kanyang paliwanag. Pagkatapos ang maikling paghinto, tinuloy niyang sinabi, “Hindi ko kayo nakitang dalawa kahapon nang pumunta ako para sa interview. Naka-shift system ba kayo?”“Ang warehouse ang inaasikaso ko kahapon at ngayong araw lang ako inilipat dito.” Sagot ng isa sa mga guard.“Paano naman ang guard na dating naka-talaga sa lugar na to?” Tanong ni Chloe dahil lamang sa gusto niyang malaman.Ang lalaking nasa kabilang tabi ay nag-alangan saglit, kinakamot ang kanyang ulo at nahihirapang maghanap ng sagot. Biglang napagtanto ni Chloe kung ano ang nangyari at bahagyang nagulat. Mukhang natanggal siya.Sa simula, ang mataas na sahod na inaalok ng Fairlight ang kanyang hinahabol pero ngayon na naramdaman niya na handa ang kumpanya na akuin ang kanil
Isang masayang ngiti ang lumabas sa mukha ni Ava nang ibaba niya ang kanyang phone.Sa ilallim nang turo ni Ava, agad na hinanap ni Melody ang paparazzo at kumuha pa ng grupo ng mga internet trolls.Sa hapon, nag-aaral si Chloe kung paano magluto habang sinusundan ang tutorial sa internet. Nang makauwi na si Joseph at nakita siyang nasa kusina na naka-suot ng apron, nakikinig sa panuto sa kanyang phone, at naglalagay ng iba’t-ibang pang-palasa sa palayok.Kanyang sinabi, “Kung hindi mo kayang magluto, itigil mo na ang pagkukunwari. Ang pagkain ay para kainin at hindi para sayangin.”Hindi niya gustong kumain ng takeout o ng palpak na luto nanaman.Lumingon si Chloe para tingnan siya, at mahiyaing ngiti ang lumabas sa kanyang mukha. “Huwag kang mag-alala. Sa tingin ko maayos ang ginawa ko ngayon.”Sumilip si Joseph sa pagkaing sinasabi niyang “maayos” at natawa, “Ikaw kumain niyan. Tandaan mong unahan mo nang tumawag ng ambulansya kung kakainin mo ‘yan.”“Sige na, subukan mo lang
Hindi na nag-abala pang ipaliwanag ni Joseph na wala talagang cook noong una palang.Pagkatapos ang saglitang pagmumuni-muni, umakyat siya sa taas para kunin ang kanyang bank card. Binigay niya ito kay Chloe. “Ito ang supplementary card ko. Pwede mong gamitin ito para sa mga gastusin sa bahay o kung gusto mong bumili ng damit o kahit ano pa man.”Sasabihin na sana ni Chloe na ang groceries ay hindi gaano kamahal, pero bigla niyang natandaan na kasalukuyan siyang walang trabaho, at hindi na niya gusto pang magmukhang matigas ang ulo kaya tinanggap niya ang card.“Okay.”“Pumunta ka ng Hola Mart kung gusto mong kumuha ng kung ano. Sariwa ang mga produkto nila doon.”“Pero international supermarket yun na nagbebenta ng mga imported na goods at ang mga bilihin doon ay medyo mahal. Ang isang ulo ng lettuce ay nagkakahalaga ng labinlimang dolyar, samantalang makakabili ka na ng mas murang item sa local market. At saka ang mga binebenta sa mga local market ay sariwang pitas na galing sa
Pagkatapos marinig ang kanilang pinag-uusapan ng mga taong nakapalibot sa kanila, tinignan nila si Chloe na may pagkasuklam sa kanilang mga mukha.Para bang siya ang ang dahilan ng gulo sa kaniyang ama patungkol sa ari-arian at pagiging hindi makatwiran.Nanlumo ang mukha ni Chloe habang kagat ang kanyang labi. “Pwede akong mag-set up ng appointment sa lawyer sa susunod.”“Hindi, wala silang sobrang libreng oras para maghintay pa para sayo,” Sagot ni Benjamin na may naiinip na tono. “Dahil sa wala kang oras, pansamantalang kong aayusin ito. Ibibigay ko nalang sayo ito kapag kinasal ka na.”“Hindi! Sasama ako sayo…” Agad niyang binago ang kanyang isip at sumunod kay Benjamin pababa ng bus.Kahit na importante ang trabaho, ang bagay na iniwan ng kanyang ina para sa kanya ang natatanging bagay sa mundong ito na hindi niya kayang pakawalan. Alam niyang binabantaan siya ni Benjamin. Kung hindi niya makuha ito ngayon, magiging mas mahirap ito sa susunod.Sandali siyang nag-isip at nag-
“Kaya nga, dahil alam ko ang kakayahan mo kaya sinasabi ko sayo na mag-resign ka. Paano mo ikukumpara ang maliit na kumpanya sa nangungunang enterprise tulad ng Fairlight? Sobra ang tingin mo sa sarili mo.”Nanigas si Chloe, pinipiga ang kanyang phone at hindi alam kung anong sasabihin. Kahit na sanay siya sa pagmamaltrato ni Benjamin, sa mga oras na ito na hinuhusgahan siya, hindi niya mapigilang maawa sa kanyang sarili nang pinili nitong pumanig sa mga online bullies. Buong kabataan niya, ang kanyang ama ay nagpakita lamang ng aruga at pagmamalasakit kay Ava, habang sa kanya, trinato niya na parang taong hindi siya kilala.Nakitang nanatili siyang tahimik, tumingin si Benjamin sa kanya na may paghamak at kinuha ang kanyang phone sa kanya. Sinubukan ni Chloe kunin ang kanyang phone pero pinigilan siya ng mga bodyguards.Sa gitna ng kanyang pagpupumiglas, nakita ni Benjamin ang contact information ng HR ng Fairlight sa kanyang phone, gumawa ng mensahe, pinadala ito, at pinatay ang