Share

Kabanata 11 Mabuting Umalis na Lamang

Kumukulo ang ulo ni Chloe sa galit.

Ang kanyang emosyon ay umabot na sa puntong puputok na ito pagkatapos ang ilang araw na pagpigil nito at ang nakatagong pagkadismaya sa kanyang dibdib ay naging dahilan upang mahirapan siyang huminga. Nagtrabaho siya nang walang kapaguran sa ibang bansa, naglaan ng mahabang oras at negosasyon deal after deal, ngunit hindi lang siya dinaya sa huli pero hindi pa niya kayang makabili ng pagkain ngayon.

‘Paano nila ito nagawa sa akin!’

Puno ng galit, tumawag siya ng cab at pumunta diresto sa Artron Enterprise, kung saan pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Nang siya ay dumating, nakita niya ang lahat na umalis ng meeting. Nakasunod si Ava kay Benjamin, nagtatanong patungkol sa kanyang trabaho. Maayos at matiyaga niya itong sinagot sa kanyang mga katanungan at nag-mukha silang mag-ama na mahal na mahal ang isa’t-isa.

Panibago ito sa paningin ni Chloe, sapagkat hindi niya naramdaman ang maayos at mainit na pagmamahal noon. Nakakuyom ang kanyang mga kamay ng mahigpit kaya namuti ang kanyang mga daliri. Halos maluha ang kanyang mga mata, pero pinanatili niya ang kanyang ekspresyon na walang emosyon.

Napatingin si Ava at nakita si Chloe na nakatayo sa kanyang harapan. Tumigil siya saglit, pagkatapos ay masayang sumigaw, “Coco, sa wakas bumalik ka na! Nasaan ka ba nitong mga nakaraang araw?”

Hindi pinansin ni Chloe ang huwad niyang pag-aalala at direktang tinanong si Benjamin, “Bakit hindi pa rin ako pinapasahod sa loob ng tatlong buwan?”

Nanlumo ang mukha ni Benjamin nang makita si Chloe. Ayaw niyang tumingin sa kaniya at sinabing, “Huwag kang magtanong kung bakit. Isipin mo kung ano ang ginawa mo.”

“Sinabi ko sayo na hindi ako ang dapat sisihin para sa pagtanggi ni Mr. Lionel sa kontrata,” sabi ni Chloe, “Ni-review ko lahat ng project materials kahapon para siguraduhin na wala pagkakamali sa trabaho ko. Siya ang nambastos sa akin.”

Nanatili si Chloe buong gabi noong isang araw para aralin ang project material habang tumatanggap ng kanyang IV drip. Kailanman hindi siya naging tamad sa kanyang trabaho.

“Paano mo nasabi yan kung kagabi ay naghahanap ka ng ligaya? Hindi ka man lang umuwi. Bilang babae, mahiya ka sana sa sarili mo!” Sagot ni Benjamin na may nakatagong insulto.

Sa sandaling natapos siyang magsalita, ang iba nilang kasamahan ay tumingin kay Chloe na may panghahamak.

Namutla ang kanyang mukha at kanyang biglang sinabi, “Nasa ospital ako!”

Gayunpaman, walang naniniwala sa kanya. Pigil ang kanyang ngiti, humarap si Ava at kinuha ang kamay ni Chloe. “Wag kang mag-alala Coco. Hindi talaga mean ni Daddy ‘yun. Magkano ba kailangan mo? Ibibigay ko sayo.”

“Lumayo ka sa akin!” Galit na sinabi ni Chloe habang tinulak niya papalayo si Ava. “Wag mo kong hawakan, p*ta ka!”

Nakatayo naman nang matatag si Ava pero biglang nawalan siya nang balanse at natumba sa harapan ng lahat. Lahat ng kanyang ka-trabaho ay agad na lumapit para tulungan siya habang nanlilisik sa galit ang tingin ni Benjamin kay Chloe. “Bakit mo tinulak si Ava? Gusto ka lang niyang tulungan!”

“Tama. Hindi ka dapat gumamit ng mapanlinlang na pamamaraan dahil lang na mas gusto ni Mr. Jake si Ava at hindi ikaw. ‘Wag mong kalimutan na kapatid mo siya.”

“Hindi mo pwede ipilit ang iba na gustuhin ka.”

“Imbes na mag-plano ng ‘di maganda, bakit hindi ka mag-focus ayusin ang sarili mo?” Tugon ng isa pang ka-trabaho nila.

“Kaya talagang bilugin ng selos ang utak ng tao.”

Noon, mabait ang mga katrabaho ni Chloe sa kanya, pero ngayon iniiwasan nila siya na para bang gumawa siya ng ‘di makataong kasalanan. Sinuri niya ang kanilang mga mukha isa-isa at sinabing, “Anong nagbigay sa inyo ng karapatan para husgahan ako?”

Ngumisi ang mga ito at umalis pabalik sa kanilang mga upuan nang walang sinasabing salita.

Bumalik si Chloe kay Benjamin at tinanong, “Kailan ko matatanggap ang annual bonus ko noong nakaraang taon at ang sahod ko ngayong buwan at ‘yung quarterly bonus?”

“Sinaktan mo si Mr. Lionel at sinira mo ang project kaya kinuha ko ang sahod mo para bayaran ang medical expenses niya. Ang tanging option mo lang dito ay humingi ng tawad kay Mr. Lionel, makuha ang kapatawaran niya, at i-finalize ang kontrata.” sagot ni Benjamin.

“Paano kung ayokong humingi ng tawad?” Tanong ni Chloe.

“Pinipilit kong bigyan ka ng pangalawang pagkakataon pero hindi ka man lang natutuwa,” malamig na sagot ni Benjamin, “Mas mabuting huwag kang gumawa ng kahit anong makakasira sa reputasyon ng ating pamilya para sa pera. Kung hindi, huwag kang lalapit nang umiiyak kapag itinakwil kita!”

Sa kabila ng matinding emosyon, hindi na nakapagsalita si Chloe. May namuo sa kanyang lalamunan at hindi niya masabi ang lalim ng kanyang pagka-dismaya.

Ang kanyang sariling ama ay hindi nag-abalang itanong kung naka-uwi ba siya nang ligtas pagkatapos niyang mawala buong gabi. Ang tanging inaalala niya lang ay huwag sana gumawa si Chloe ng mga bagay na magpapababa sa kanilang pangalan. Sa mata ni Benjamin, mahalaga lamang siya kung siya ay magagamit. Kung hindi, pabigat lamang siya.

Walang rason si Chloe para manatili at magtrabaho para sa wala. Pagkatapos ng mahabang katahimikan, nagsalita siya muli, “Kung sobra kang takot na masira ko ang reputasyon ng ating pamilya, mas mabuti pang umalis na lang ako.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status