When Damien, a ruthless CEO, lost his eyesight from an accident, Karen, an eccentric woman, must be her twin sister’s substitute in marrying the temperamental and blind billionaire to accomplish her long-awaited revenge before her sister regains her consciousness.
View More‘NASAAN NA ba si Caren?’ Paikot-ikot si Karen sa labas ng private room ni Damien. Wala pa ring mala yang lalaki simula nang ma-operahan ito kahapon lamang. Simula rin ng araw na ‘yon ay hindi niya makontak ang kakambal. “Doc, ayos lang po ba kayo? Ba’t hindi po kayo pumasok?” tanong ng isang nurse nang siya ay mamataan nito na paikot-ikot lamang sa hallway ng ospital. Isang bahaw na ngiti ang kanyang isinagot sa nurse habang isang buti ng malamig na pawis ang tumulo mula sa kanyang leeg papunta sa kanyang likod. Nais niyang sagutin ang nurse na, ‘Aba malay ko!’ Dahil siya mismo hindi alam kung bakit tuwing break time ay dinadala siya ng kanyang mga paa sa harap mismo ng pribadong silid ng
“What can I do for you…. Brother-in-law?” Muntik na niyang maidugtong ang salitang ‘darling’. Simula kasi nang magpalitan sila ni Caren bilang kasintahan ni Damien Herrerra ay ‘darling’ na ang palayaw ng magkasintahan. Ang malapad na balikat nito habang nakasuot ng three-piece Armani suit ang una niyang napansin. Pababa ang kanyang paningin sa maugat na brasong litaw na litaw dahil nakatupi hanggang siko ang business suit nito. Ang sapatos nitong gawa sa balat ng buwaya ay napakakintab sa kanyang paningin, sa sobrang kintab ay hinuha ni Karen ay kahit sa dilim ay iilaw ito. Nanatiling nasa baba nakapako ang tingin ni Karen sapagkat alam niyang kapag itataas niya ang kanyang titig ay mawawala na naman sa huwesyo ang kanyang isipan. Ito ang numero unong dahilan kung bakit sa una pa lamang ay si Caren ang pinakamainam na magiging asawa ni Damien, dahil ayaw ni Karen na mauwi sa wala ang ilang taong pinaghirapan nilang magkapatid. “Saan ka ba nakatingin? Hanggang
“Good job, everyone.” Umatras nang isang beses si Karen. Awtomatiko namang lumapit sa kaniya ang nurses sa loob ng operating room at tinanggal ang mask niyang may bahid na dugo.Ang kaniyang mga kasama sa operating room ay sabay-sabay na nagpasalamat sa kaniya.“Good job din po, professor,” saad ng mga nurse.“Good job, Professor Perez,” saad ng isang doktor na nasa team niya ang residency.Isang ngiti lamang ang kaniyang binigay sa mga ito at umalis na. Pagkalabas niya ng operating room ay mabilis niyang tinanggal ang duguan niyang surgical gloves at mabilis na nilinis ang kaniyang sarili. Hindi na siya makapaghintay na pumunta sa dresser kung saan nandoon ang kaniyang mga damit at cellular phone.One missed call and four unread messages ang bumungad kay Karen pagka-open niya sa kaniyang cellular phone. Sim 1 ang nakalagay. Iisang tao lang ang may apo na tumawag sa kanya kahit na malapit na maghating gabi.
Dalawang dalagita ang nakayuko sa harap ng isang puntod. Makulimlim ang kalangitan kung kaya’t isa-isang nagsialisan na ang mga nakilibing habang nakayupyop dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Ang araw na kanina ay tirik na tirik ay unti-unting lumulubog habang tinatabunan ng makakapal na mga ulap. Subalit kahit na nagbabadya na ang ulan ay walang miisang gumalaw sa kanilang kinatatayuan.Nanatiling nakayuko ang dalawa. Ang kanilang kulay itim na mga bistida ay bumabagay sa kadilimang unti-unting bumabalot sa kanilang paligid.Yumuyugyog ang mga balikat ng isang dalagita habang ang basang panyo ay nakatabon sa mukha nito, pilit na kinukubli ang sakit na nakaukit sa kaniyang puso. “Karen… Hindi na natin maririnig ang mga patawa ni Arin. Hindi na natin mararanasan kung paano maligo nang sama-sama dahil kulang na tayo.” Lumingon siya sa kapatid na nanatiling walang imik. “Matatawag pa ba tayong triplets kung wala na ang isa sa atin?”
Dalawang dalagita ang nakayuko sa harap ng isang puntod. Makulimlim ang kalangitan kung kaya’t isa-isang nagsialisan na ang mga nakilibing habang nakayupyop dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Ang araw na kanina ay tirik na tirik ay unti-unting lumulubog habang tinatabunan ng makakapal na mga ulap. Subalit kahit na nagbabadya na ang ulan ay walang miisang gumalaw sa kanilang kinatatayuan.Nanatiling nakayuko ang dalawa. Ang kanilang kulay itim na mga bistida ay bumabagay sa kadilimang unti-unting bumabalot sa kanilang paligid.Yumuyugyog ang mga balikat ng isang dalagita habang ang basang panyo ay nakatabon sa mukha nito, pilit na kinukubli ang sakit na nakaukit sa kaniyang puso. “Karen… Hindi na natin maririnig ang mga patawa ni Arin. Hindi na natin mararanasan kung paano maligo nang sama-sama dahil kulang na tayo.” Lumingon siya sa kapatid na nanatiling walang imik. “Matatawag pa ba tayong triplets kung wala na ang isa sa atin?”...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments