Share

The Accident

Author: IceFontana18
last update Last Updated: 2022-03-06 03:46:13

‘NASAAN NA ba si Caren?’

            Paikot-ikot si Karen sa labas ng private room ni Damien. Wala pa ring mala yang lalaki simula nang ma-operahan ito kahapon lamang. Simula rin ng araw na ‘yon ay hindi niya makontak ang kakambal.

            “Doc, ayos lang po ba kayo? Ba’t hindi po kayo pumasok?” tanong ng isang nurse nang siya ay mamataan nito na paikot-ikot lamang sa hallway ng ospital.

            Isang bahaw na ngiti ang kanyang isinagot sa nurse habang isang buti ng malamig na pawis ang tumulo mula sa kanyang leeg papunta sa kanyang likod.

            Nais niyang sagutin ang nurse na, ‘Aba malay ko!’ Dahil siya mismo hindi alam kung bakit tuwing break time ay dinadala siya ng kanyang mga paa sa harap mismo ng pribadong silid ng binata. Subalit hindi niya ito pwedeng sabihin sa nagmamalasakit lamang na nurse.

            “Hinihintay ko kasi ang kapatid ko para sabay kaming pumasok,” tanging sagot ni Karen.

            “Bakit po pala wala pa si Miss Caren, Doc? Hindi namin siya napansin simula nang maaksidente si Sir Damien.”

Puno nang pagtataka ang mukha at boses ng nurse na sinagot ni Karen ng isang bahaw na ngisi sabay tingin sa screen ng kanyang cellphone upang tingnan kung sumagot na ba ang kanyang kapatid. Napalagok na lamang si Karen nang makitang unattended ang kapatid.

“I am sorry. I have to go at mukhang hinahanap na nila ako.” Iwinagayway ni Karen ang cellphone sa harap ng nurse bago madaling tumalikod kahit na wala naman talagang naghahanap sa kaniya.

Nang makalayo sa nagtatakang nurse ay mabilis na sumandal sa dingding ng hallway si Karen. Napatingala na lamang siya sabay sabunot sa kanyang buhok dahil hindi niya alam ang gagawin.

“I will have to go and find her myself!”

Kahit suot niya pa ang kanyang doctor’s gown ay diridiritso si Karen papaunta ground floor kung saan nandoon ang kanyang sasakyan. Nag-take kasi ng leave si Sebastian dalawang araw na ang nakalipas kaya wala muna siyang driver ngayon.

NAKATAYO SA harap ng condo unit ni Caren si Karen. Hindi niya alam kung pang ilang beses na niyang pinindot ang doorbell button pero wala pa ring nagbubukas. Napudpod na yata ang kamay ni Karen subalit wala pa ring Caren na nagbukas ng pinto para sa kaniya. Wala rin naman siyang pwedeng matawagan sapagkat matagal nang pumanaw ang kanilang mga magulang. Tanging siya at si Caren na lamang ang magkapamilyang naiwan sa mundo ng mga buhay.

Napaupo sa harap ng pinto ni Caren si Karen habang ang kanyang likod ay nakaharap sa

“Aba ikaw ba ay kapatid ni Miss Caren Perez?”

Nang marinig ni Karen ang isang tinig ng matandang babae mula sa kaniyang harapan ay agad siyang nag-angat ng tingin. Bumungad naman sa kaniyang harapan ang matandang kapitbahay ng kapatid. Mabilis na tumayo si Karen.

“Opo. Hindi ko na kasi matawagan ang kapatid ko e. Nakita niyo ho ba siya?”

Napakunot noo si Karen nang mapansin niya ang pansamantalang gulat sa mukha ng matanda na tila ba ay nagulat ito nang malamang hindi niya alam kung nasaan ang kapatid.

Siguro dahil magkakambal sila kay awtomatikong dumagundong ang puso ni Karen. Agad kasing naglakbay sa worst possible scenario ang kanyang isipan kung bakit hindi siya tinatawagan ni Caren.

Nakita siguro ng matanda ang takot sa kanyang mukha kaya mabilis nitong inagapan ang kanyang braso nang akmang tatalikod na sana siya upang pumunta sa pinakamalapit na police station.

“Teka lang, Miss Perez,” gagad ng matanda, “Nakita kong umalis ang kapatid mo na may dalang malaking maleta.”

‘Maleta?’

Kahit na nakahinga siya nang maluwag dahil maayos ang lagay ng kapatid, napalitan naman ng inis ang kanyang nararamdaman sapagkat nahihinuha na niya ang takbo ng mga pangyayari.

‘Kailangan kong kausapin ang mga kaibigan at kakilala ni Caren! Panigurado, hindi pa ‘yon nakakalayo.’

“Maraming salamat ho. Ngayon ay alam ko na kung saan ako lalapit.” Binigyan ni Karen ng isang matamis na ngiti ang matanda. Hindi na niya ito hinintay na sumagot at agad na tumalikod papuntang elevator nang biglang siyang mapahinto sa sumunod na sinabi ng matanda.

“Ah! Oo nga pala, Miss Perez, may isang mistisong may tattoo ang sumundo sa kapatid mo. Akala ko may ibang nobyo ang kapatid mo, ‘yung mukhang mayaman ba? Pero hindi pala. Yung mala Robin Padilla pala.” Nilangkapan nito ng hagikgik ang sinabi subalit nanatiling bato si Karen sa narinig.

Hindi alam ni Karen kung paano siya nakapag-drive nang matiwasay habang hindi naaaksidente. Ang sumunod na lamang niyang alam ay nasa labas na naman siya ng apartment ni Sebastian.

“Ay Ma’am! Si kuya po ba ang pakay niyo?” Ang sampung taong gulang na nakababatang kapatid ni Sebastian ang bumungad sa akin pagtayo ko sa harap ng apartment nila.

Pinakatitigan ni Karen ang batang bungi na nakangisi habang nakatingala sa kanya. Napabuntonghininga na lamang si Karen  nang mapagtanto niyang tanging si Caren at Sebastian lamang ang makakasagot sa kanya.

Ginulo ni Karen ang buhok ng bata. “Wala ba diyan ang Kuya Sebastian mo?”

Umaksyong nag-iisip ito.

Sa pangalawang pagkakataon ay bumuntonghininga si Karen sabay kuha ng bente mula sa kanyang pitaka at inabot ito sa batang lalaki.

‘Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang bente ko sa batang ito.’

“Totoy, uulitin ko, nandiyan ba ang Kuya Sebastian mo?”

Mabilis na umiling ang bata bago tinangkang abutin ng mga maliliit na kamay nito ang benteng hawak ni Karen.

“Oops!” Itinaas ni Karen ang bente. Ngumiti siya nang matamis sa batang nakasimangot na. “Sagutin mo muna mga tanong ko.”

“Sige na nga, Ma’am,” maktol nito.

“Good. Alam mo ba kung saan papunta ang Kuya Sebastian mo?”

Nang makitang nagbukas-sara ang bibig ng nakababatang kapatid ni Sebastian, tumalim ang mga mata ni Karen.

“Okay. Here.” Dinagdagan ni Karen ng isandaan ang pera sa harap ng bata. Sa matamis na tinig ay dahan-dahang iwinagayway niya ito sa harap ng batang tila naglalaway sa nakikitang pera. “Gusto mo ito, ‘di ba? Pambili ng laruan, things like that. Ibibigay ko ito sa’yo basta sasabihin mo sa akin kung nasaan ang kuya mo.” Lumuhod si Karen upang magkapantay ang mga mata nila ng batang lalaki.

Ang ngiti ni Karen ay unti-unting naging ngisi nang makitang ibinuka ng bata ang bibig upang mapahinto nang suminghap ang batang lalaki habang nakatingala at nakapako ang tingin sa likod niya.

“Hindi mo na kailangan pang suhulan si Andrew, Ma’am Karen. Plano ko naman talagang kausapin ka ngayong araw kahit hindi mo ito nalaman.”

Karen could not help but scoffed upon hearing Sebastian’s words.

Mabilis na tumayo si Karen at nilingon ang nakatayong si Sebastian malapit lamang sa kinatatayuan niya.

“Andrew, pasok ko muna, boy,” utos ni Sebastian sa kapatid na agad namang sinunod ng huli.

Ngayon, sila na lamang dalawa ang naiwan sa labas ng apartment ng binata.

“Tell me, Sebastian. Where the fuck is my sister?” Dinuro niya ito sabay hakbang palapit dito. “I am warning you, I better like your explanation. Or else!”

DINALA NI KAREN si Sebastian sa loob ng kanyang sasakyan upang doon mag-usap. Sensitibo ang bagay na kanilang pag-uusap kaya hindi niya kayang magpakakampante. Nakaupo siya sa may driver’s seat habang nasa shotgun seat naman si Sebastian. Kalmado ito na siyang kabaligtaran niya na siyang lalong ipinagpuputok ng butsi ni Karen.

Si Sebastian ang unang bumasag sa katahimikan. “Kung ang iniisip mo na inakit ko si Caren kaya siya nag-ayang lumayas kasama ko, oo ang sagot ko, Miss Karen.”

Karen whipped her head towards Sebastian with her widened eyes and gaping mouth, a gasp escaped from her lips as well.

“Wow. You did not even drop some foreshadowing, huh. Diritso agad puntirya. At sa lahat ng oras, ngayon pa talaga!” Hindi makapaniwalang nakatitig lang si Karen kay Sebastian na nakatingin din sa kanya nang walang atrasan – na para bang pinapahiwatig ng kanyang tingin na ipaglalaban niya si Caren kahit na ang ibig sabihin nito ay kailangan siyang sakalin nito sa loob ng sasakyan niya. Ganiyan ka-intense ang tingin ni Sebastian sa kanya.

“Kung hindi ngayon, kailan? Kung naipakasal mo na si Caren sa lalaking ‘yon?”

Napaurong ang dila ni Karen dahil tama ito. Kung hindi lang missing si Caren ay baka kahapon pa siya pumayag sa sinasabi ng ina ni Damien noong nagkita sila sa hallway.

The Herrerra Clan needed someone to take care of their blind son, the perfect timing for them to penetrate the family’s weakness. But all of those chances went down the drain the moment Caren hesitated and took a step back.

Napakagat labi si Karen habang iniisip na trinaydor ng kakambal si Arin at ang kanilang pangako sa harap ng puntod nito. Napahigpit ang hawak ni Karen sa manibela ng kanyang sasakyan.

Through gritted teeth she spoke again as she refused to look at Sebastian’s direction. She was holding on to the fact that before he became her sister’s man, he was a good driver for her. For Karen, this was the last bit of respect she could give to him even when all she wanted right at this moment was to last out. “Get out. Get out now.”

Isang malalim na paghinga ang sumagot sa tinitimping galit ni Karen kasabay ang pagbukas ng pinto ng kotse.

“Kailangan mo ring malaman na nasa ospital si Caren. Ito ang rason kung bakit kahit hindi mo ako hinanap ay hahanapin pa rin kita. Dahil karapatan mo pa ring malaman na naaksidente siya kaninang umaga.”

IceFontana18

Do add this to your library and vote if you like the story so far! Thank you!

| Like

Related chapters

  • The Almost Bride   PROLOGO

    Dalawang dalagita ang nakayuko sa harap ng isang puntod. Makulimlim ang kalangitan kung kaya’t isa-isang nagsialisan na ang mga nakilibing habang nakayupyop dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Ang araw na kanina ay tirik na tirik ay unti-unting lumulubog habang tinatabunan ng makakapal na mga ulap. Subalit kahit na nagbabadya na ang ulan ay walang miisang gumalaw sa kanilang kinatatayuan.Nanatiling nakayuko ang dalawa. Ang kanilang kulay itim na mga bistida ay bumabagay sa kadilimang unti-unting bumabalot sa kanilang paligid.Yumuyugyog ang mga balikat ng isang dalagita habang ang basang panyo ay nakatabon sa mukha nito, pilit na kinukubli ang sakit na nakaukit sa kaniyang puso. “Karen… Hindi na natin maririnig ang mga patawa ni Arin. Hindi na natin mararanasan kung paano maligo nang sama-sama dahil kulang na tayo.” Lumingon siya sa kapatid na nanatiling walang imik. “Matatawag pa ba tayong triplets kung wala na ang isa sa atin?”

    Last Updated : 2022-01-23
  • The Almost Bride   Karen & Caren

    “Good job, everyone.” Umatras nang isang beses si Karen. Awtomatiko namang lumapit sa kaniya ang nurses sa loob ng operating room at tinanggal ang mask niyang may bahid na dugo.Ang kaniyang mga kasama sa operating room ay sabay-sabay na nagpasalamat sa kaniya.“Good job din po, professor,” saad ng mga nurse.“Good job, Professor Perez,” saad ng isang doktor na nasa team niya ang residency.Isang ngiti lamang ang kaniyang binigay sa mga ito at umalis na. Pagkalabas niya ng operating room ay mabilis niyang tinanggal ang duguan niyang surgical gloves at mabilis na nilinis ang kaniyang sarili. Hindi na siya makapaghintay na pumunta sa dresser kung saan nandoon ang kaniyang mga damit at cellular phone.One missed call and four unread messages ang bumungad kay Karen pagka-open niya sa kaniyang cellular phone. Sim 1 ang nakalagay. Iisang tao lang ang may apo na tumawag sa kanya kahit na malapit na maghating gabi.

    Last Updated : 2022-01-24
  • The Almost Bride   Momentary Lapse

    “What can I do for you…. Brother-in-law?” Muntik na niyang maidugtong ang salitang ‘darling’. Simula kasi nang magpalitan sila ni Caren bilang kasintahan ni Damien Herrerra ay ‘darling’ na ang palayaw ng magkasintahan. Ang malapad na balikat nito habang nakasuot ng three-piece Armani suit ang una niyang napansin. Pababa ang kanyang paningin sa maugat na brasong litaw na litaw dahil nakatupi hanggang siko ang business suit nito. Ang sapatos nitong gawa sa balat ng buwaya ay napakakintab sa kanyang paningin, sa sobrang kintab ay hinuha ni Karen ay kahit sa dilim ay iilaw ito. Nanatiling nasa baba nakapako ang tingin ni Karen sapagkat alam niyang kapag itataas niya ang kanyang titig ay mawawala na naman sa huwesyo ang kanyang isipan. Ito ang numero unong dahilan kung bakit sa una pa lamang ay si Caren ang pinakamainam na magiging asawa ni Damien, dahil ayaw ni Karen na mauwi sa wala ang ilang taong pinaghirapan nilang magkapatid. “Saan ka ba nakatingin? Hanggang

    Last Updated : 2022-01-27

Latest chapter

  • The Almost Bride   The Accident

    ‘NASAAN NA ba si Caren?’ Paikot-ikot si Karen sa labas ng private room ni Damien. Wala pa ring mala yang lalaki simula nang ma-operahan ito kahapon lamang. Simula rin ng araw na ‘yon ay hindi niya makontak ang kakambal. “Doc, ayos lang po ba kayo? Ba’t hindi po kayo pumasok?” tanong ng isang nurse nang siya ay mamataan nito na paikot-ikot lamang sa hallway ng ospital. Isang bahaw na ngiti ang kanyang isinagot sa nurse habang isang buti ng malamig na pawis ang tumulo mula sa kanyang leeg papunta sa kanyang likod. Nais niyang sagutin ang nurse na, ‘Aba malay ko!’ Dahil siya mismo hindi alam kung bakit tuwing break time ay dinadala siya ng kanyang mga paa sa harap mismo ng pribadong silid ng

  • The Almost Bride   Momentary Lapse

    “What can I do for you…. Brother-in-law?” Muntik na niyang maidugtong ang salitang ‘darling’. Simula kasi nang magpalitan sila ni Caren bilang kasintahan ni Damien Herrerra ay ‘darling’ na ang palayaw ng magkasintahan. Ang malapad na balikat nito habang nakasuot ng three-piece Armani suit ang una niyang napansin. Pababa ang kanyang paningin sa maugat na brasong litaw na litaw dahil nakatupi hanggang siko ang business suit nito. Ang sapatos nitong gawa sa balat ng buwaya ay napakakintab sa kanyang paningin, sa sobrang kintab ay hinuha ni Karen ay kahit sa dilim ay iilaw ito. Nanatiling nasa baba nakapako ang tingin ni Karen sapagkat alam niyang kapag itataas niya ang kanyang titig ay mawawala na naman sa huwesyo ang kanyang isipan. Ito ang numero unong dahilan kung bakit sa una pa lamang ay si Caren ang pinakamainam na magiging asawa ni Damien, dahil ayaw ni Karen na mauwi sa wala ang ilang taong pinaghirapan nilang magkapatid. “Saan ka ba nakatingin? Hanggang

  • The Almost Bride   Karen & Caren

    “Good job, everyone.” Umatras nang isang beses si Karen. Awtomatiko namang lumapit sa kaniya ang nurses sa loob ng operating room at tinanggal ang mask niyang may bahid na dugo.Ang kaniyang mga kasama sa operating room ay sabay-sabay na nagpasalamat sa kaniya.“Good job din po, professor,” saad ng mga nurse.“Good job, Professor Perez,” saad ng isang doktor na nasa team niya ang residency.Isang ngiti lamang ang kaniyang binigay sa mga ito at umalis na. Pagkalabas niya ng operating room ay mabilis niyang tinanggal ang duguan niyang surgical gloves at mabilis na nilinis ang kaniyang sarili. Hindi na siya makapaghintay na pumunta sa dresser kung saan nandoon ang kaniyang mga damit at cellular phone.One missed call and four unread messages ang bumungad kay Karen pagka-open niya sa kaniyang cellular phone. Sim 1 ang nakalagay. Iisang tao lang ang may apo na tumawag sa kanya kahit na malapit na maghating gabi.

  • The Almost Bride   PROLOGO

    Dalawang dalagita ang nakayuko sa harap ng isang puntod. Makulimlim ang kalangitan kung kaya’t isa-isang nagsialisan na ang mga nakilibing habang nakayupyop dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Ang araw na kanina ay tirik na tirik ay unti-unting lumulubog habang tinatabunan ng makakapal na mga ulap. Subalit kahit na nagbabadya na ang ulan ay walang miisang gumalaw sa kanilang kinatatayuan.Nanatiling nakayuko ang dalawa. Ang kanilang kulay itim na mga bistida ay bumabagay sa kadilimang unti-unting bumabalot sa kanilang paligid.Yumuyugyog ang mga balikat ng isang dalagita habang ang basang panyo ay nakatabon sa mukha nito, pilit na kinukubli ang sakit na nakaukit sa kaniyang puso. “Karen… Hindi na natin maririnig ang mga patawa ni Arin. Hindi na natin mararanasan kung paano maligo nang sama-sama dahil kulang na tayo.” Lumingon siya sa kapatid na nanatiling walang imik. “Matatawag pa ba tayong triplets kung wala na ang isa sa atin?”

DMCA.com Protection Status