Dalawang dalagita ang nakayuko sa harap ng isang puntod. Makulimlim ang kalangitan kung kaya’t isa-isang nagsialisan na ang mga nakilibing habang nakayupyop dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Ang araw na kanina ay tirik na tirik ay unti-unting lumulubog habang tinatabunan ng makakapal na mga ulap. Subalit kahit na nagbabadya na ang ulan ay walang miisang gumalaw sa kanilang kinatatayuan.
Nanatiling nakayuko ang dalawa. Ang kanilang kulay itim na mga bistida ay bumabagay sa kadilimang unti-unting bumabalot sa kanilang paligid.
Yumuyugyog ang mga balikat ng isang dalagita habang ang basang panyo ay nakatabon sa mukha nito, pilit na kinukubli ang sakit na nakaukit sa kaniyang puso. “Karen… Hindi na natin maririnig ang mga patawa ni Arin. Hindi na natin mararanasan kung paano maligo nang sama-sama dahil kulang na tayo.” Lumingon siya sa kapatid na nanatiling walang imik. “Matatawag pa ba tayong triplets kung wala na ang isa sa atin?”
Lumipat ang tuyong mga mata ni Karen sa ngumangawang si Caren. Ang malalim at misteryosong abuhing mga mata nito ay walang emosyong pinapakita. “Caren…. Ipaghihiganti ko ang kakambal natin.”
Kumunot ang noo ni Caren habang sumisinghot na nakatitig kay Karen. “A-Ano ang ibig mong sabihin, Karen? Namatay dahil nagkaroon ng cardiac arrest si Arin habang nasa operating table, ‘di ba?”
Ang kunot sa pagitan ng perpektong mga kilay ni Caren ay mas lalong lumalim nang biglang tumawa si Karen. Tumatawa ito habang nakatingala sa makulimlim na kalangitan subalit tahimik na naglandas ang mga luha nito sa magkabilang mga mata. “Cardiac arrest?” Lumingon sa kanya si Karen. Matatalim ang luhaan nitong mga mata. “Akala ko ba ay matalino ka, Caren? Maayos ang lagay ni Arin bago siya sumailalim sa pesteng operasyon na iyon! Sa ating tatlo, siya ang pinakamalusog! Kung ganoon, bakit siya biglang inatake ng lintek na cardiac arrest na ‘yan ha? That is all a lie, Caren.”
Realization dawned upon Caren’s somber face. Napatakip siya sa kaniyang nanginginig na labi habang nanlaki ang kanyang mga mata. At sa maputlang mukha, bumulong si Caren, “Medical malpractice.”
Nang tumango si Karen ay tila may bombang sumabog sa kaniyang paligid. Biglang nanghina si Caren kaya siya ay napaluhod sa damuhan habang ang mga butil ng luha niya ay patuloy sa pagbagsak. Nanginginig ang dalawa niyang mga kamay kaya ay kinuyom niya ang mga ito.
“Tama ka, Caren. Malaki ang posibilidad na may kagaguhang ginawa ang doktor na iyon. Hindi ako titigil hanggat hindi ko malalaman ang katotohanan.” Matigas ang boses ni Karen habang nakatitig sa pangalan ng kakambal na nakaukit sa lapida nito.
“Kung ganoon ay sabihan natin sila mama at papa, Karen! Ipakulong natin ang may sala sa pagkamatay ng kakambal natin!” Sa unang pagkakataon mula nang pumanaw si Arin ay tumigil sa pag-iyak si Caren. Kapalit ng kaniyang mga luha ay ang mga nagbabagang abuhing mga mata nito.
Karen ruffled Caren’s hair as the latter continued to slump down the grown. Kahit malumanay ang kaniyang haplos sa kakambal ay malamig ang boses ni Karen. “Sa tingin mo ba ay may mapapala tayo kung wala tayong ebidensya?”
“P-Pero paano? Kinse anyos pa lamang tayo, Karen. Paano natin makukuha ‘yang ebidensyang sinasabi mo?” Puno ng pag-aalinlangan ang mukha ni Caren habang nakatingala sa kakambal.
The corner of Keren’s lips curled up into one sinister grin. Kahit nakangiti ay walang buhay ang kulay abong mga mata nito. “You don’t need to go down with me, Caren. Tama nang isa sa ating dalawa ang babagsak sa pinakamalalim na parte ng impyerno. Tama ka. Bata pa tayo. Subalit kahit ang mga bagong punla ay tutubo rin. Ang mga matatayog na puno ngayon ay maaaring wala na bukas kaya marami pa tayong tsansa. Marami pa akong tsansa,” saad ni Karen, “Sa daan na aking lalakbayin, hindi ko gustong madungisan ka at ang pagiging puro mo, Caren. Kahit si Arin, kung nandito lamang siya, ay ‘yan din ang sasabihin.”
After all, Arin and Karen were overprotective with the youngest of the triplets, Caren. Noong bata pa kasi ang huli ay ito ang madaling magkasakit sa kanilang tatlo. Kaya si Arin na siyang pinakamatanda sa kanilang tatlo ay talagang alagang-alaga kay Caren, ganoon din naman si Karen.
Naputol ang daloy ng isipan ni Karen nang hawakan ni Caren ang kaniyang kanang kamay.
Mahigpit ang kapit ni Caren na tila doon lamang ito kumukuha ng lakas. “I am also Arin’s sister. Please, hayaan mong samahan kita sa kung ano man itong plano mo, Karen. I can’t lose you too, you know.” Tumayo si Caren at kinuha na pati kaliwang kamay Karen at sabay na dinala ang mga ito sa may bandang dibdib nito. “Losing a twin is like losing a part of our soul, I know that. Sa pagkawala ni Arin, habangbuhay na magkakaroon ng puwang ang aking puso. Pero Karen, hindi ka nag-iisa. Dalawa tayong iniwan ni Arin kaya karapatdapat lamang na tayo ring dalawa ang magsimula nito. Hindi lamang ikaw ang kapatid na naiwan, Karen. Kapatid din naman ako ni Arin kaya pakiusap… Don’t leave me in the dark.”
Sa sinabi ni Caren ay hindi na nakapagpigil si Karen. Hinablot niya ito at ikinulong sa kaniyang yakap.
At sa unang pagkakataon para kay Karen ay humagulgol siya. Pinakawalan niya ang emosyon na dahilan kung bakit naninikip ang kaniyang dibdib.
Ang kaniyang mga kamay ay nakapulupot sa kapatid habang humahagulgol. “Patawad, Caren… Patawad. Nais ko lamang na ipagpatuloy ang nais ni Arin na ilayo ka mula sa mga masasamang elemento ng mundo. The world we are living in is a world full of terror.” Pinagdikit ni Karen ang kanilang mga noo habang ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa magkabilang pisngi ni Caren na umiiyak nang tahimik. “I thought that if I could at least save you from that world then maybe, just maybe, I will be able to redeem myself for the path that I will take.”
Umiling si Caren, ang kanyang nanginginig na kamay ay ipinatong niya sa mga kamay ni Karen. Kahit namumula na ang kanyang mukha mula sa labis na pag-iyak ay nakuha niyang bigyan ng ngiti ang kapatid. “I will be at your disposal, Karen. Kung totoo ngang may foul play sa pagkamatay ng kapatid natin, kahit ang anghel ay nahuhulog pa rin sa impyerno. I’m a big girl now, Karen. Just as I have your back, you will have mine. Always.”
Walang nagawa si Karen kung hindi ay tumango sa kapatid. Sakto namang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagdilim ng kalangitan. Isa-isang umilaw ang mga poste ng sementeryo.
Nang mahimasmasan ay lumayo si Karen upang lingunin ang puntod ng yumaong kakambal.
Arin L. Perez
1992 – 2007
Beloved daughter, Beloved Sister, Beloved Friend
Lumuhod si Karen at inabot ang lapida nito. Sa nanginginig na kamay ay hinaplos niya ang pangalan ng kapatid na tila ba ay isang babasaging kristal ang kaniyang hawak. Tumulo ang isang butil ng luha mula sa kaniyang kanang mata nang ipikit niya ang kaniyang mga mata bago huminga nang malalim.
“I promise you, Arin.” Bumagsak ang kaniyang itim na buhok mula sa pagkakapusod nang hinila niya ang stick na gumagapos sa kaniyang mahaba at tuwid na buhok. Sa isang mabilis na kumpas ng kamay niya ay itinusok niya ang dulo ng stick sa likuran ng kaniyang palad na nakahawak sa lapida ng kanyang kapatid.
“Karen! Anong ginagawa mo?” Napaluhod na rin si Caren sa tabi ni Karen.
Hindi sumagot ang kakambal at nanatili lamang itong nakatingin sa lapida ni Arin. Inaanod ng malakas na ulan ang dugong dumadaloy mula sa kamay nito. Subalit tila walang iniinda at patuloy na nagsalita si Karen. “I promise you, Arin. So long as the moon draws the tides of the sea and the sun sets to the west, I will never stop.”
“We will never stop,” segunda ni Caren. She reached out her palm to the tomb stone and caressed it like what Karen was doing. She continued, “Kahit anong mangyari. Hindi kami titigil sa pagtuklas sa katotohanan ng iyong biglaang paglisan.”
Sa gitna ng rumaragasang ulan, sa gitna ng kadiliman kung saan ang ilaw mula sa mga poste at mga kidlat ang nagbibigay liwanag sa kanila, isang sumpa na pinagbigkis ng kamatayan at dugo ang naganap.
Isang sumpa na huhubog sa kapalaran ng dalawang natirang kambal.
“Good job, everyone.” Umatras nang isang beses si Karen. Awtomatiko namang lumapit sa kaniya ang nurses sa loob ng operating room at tinanggal ang mask niyang may bahid na dugo.Ang kaniyang mga kasama sa operating room ay sabay-sabay na nagpasalamat sa kaniya.“Good job din po, professor,” saad ng mga nurse.“Good job, Professor Perez,” saad ng isang doktor na nasa team niya ang residency.Isang ngiti lamang ang kaniyang binigay sa mga ito at umalis na. Pagkalabas niya ng operating room ay mabilis niyang tinanggal ang duguan niyang surgical gloves at mabilis na nilinis ang kaniyang sarili. Hindi na siya makapaghintay na pumunta sa dresser kung saan nandoon ang kaniyang mga damit at cellular phone.One missed call and four unread messages ang bumungad kay Karen pagka-open niya sa kaniyang cellular phone. Sim 1 ang nakalagay. Iisang tao lang ang may apo na tumawag sa kanya kahit na malapit na maghating gabi.
“What can I do for you…. Brother-in-law?” Muntik na niyang maidugtong ang salitang ‘darling’. Simula kasi nang magpalitan sila ni Caren bilang kasintahan ni Damien Herrerra ay ‘darling’ na ang palayaw ng magkasintahan. Ang malapad na balikat nito habang nakasuot ng three-piece Armani suit ang una niyang napansin. Pababa ang kanyang paningin sa maugat na brasong litaw na litaw dahil nakatupi hanggang siko ang business suit nito. Ang sapatos nitong gawa sa balat ng buwaya ay napakakintab sa kanyang paningin, sa sobrang kintab ay hinuha ni Karen ay kahit sa dilim ay iilaw ito. Nanatiling nasa baba nakapako ang tingin ni Karen sapagkat alam niyang kapag itataas niya ang kanyang titig ay mawawala na naman sa huwesyo ang kanyang isipan. Ito ang numero unong dahilan kung bakit sa una pa lamang ay si Caren ang pinakamainam na magiging asawa ni Damien, dahil ayaw ni Karen na mauwi sa wala ang ilang taong pinaghirapan nilang magkapatid. “Saan ka ba nakatingin? Hanggang
‘NASAAN NA ba si Caren?’ Paikot-ikot si Karen sa labas ng private room ni Damien. Wala pa ring mala yang lalaki simula nang ma-operahan ito kahapon lamang. Simula rin ng araw na ‘yon ay hindi niya makontak ang kakambal. “Doc, ayos lang po ba kayo? Ba’t hindi po kayo pumasok?” tanong ng isang nurse nang siya ay mamataan nito na paikot-ikot lamang sa hallway ng ospital. Isang bahaw na ngiti ang kanyang isinagot sa nurse habang isang buti ng malamig na pawis ang tumulo mula sa kanyang leeg papunta sa kanyang likod. Nais niyang sagutin ang nurse na, ‘Aba malay ko!’ Dahil siya mismo hindi alam kung bakit tuwing break time ay dinadala siya ng kanyang mga paa sa harap mismo ng pribadong silid ng

Dalawang dalagita ang nakayuko sa harap ng isang puntod. Makulimlim ang kalangitan kung kaya’t isa-isang nagsialisan na ang mga nakilibing habang nakayupyop dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Ang araw na kanina ay tirik na tirik ay unti-unting lumulubog habang tinatabunan ng makakapal na mga ulap. Subalit kahit na nagbabadya na ang ulan ay walang miisang gumalaw sa kanilang kinatatayuan.Nanatiling nakayuko ang dalawa. Ang kanilang kulay itim na mga bistida ay bumabagay sa kadilimang unti-unting bumabalot sa kanilang paligid.Yumuyugyog ang mga balikat ng isang dalagita habang ang basang panyo ay nakatabon sa mukha nito, pilit na kinukubli ang sakit na nakaukit sa kaniyang puso. “Karen… Hindi na natin maririnig ang mga patawa ni Arin. Hindi na natin mararanasan kung paano maligo nang sama-sama dahil kulang na tayo.” Lumingon siya sa kapatid na nanatiling walang imik. “Matatawag pa ba tayong triplets kung wala na ang isa sa atin?”