“Good job, everyone.” Umatras nang isang beses si Karen. Awtomatiko namang lumapit sa kaniya ang nurses sa loob ng operating room at tinanggal ang mask niyang may bahid na dugo.
Ang kaniyang mga kasama sa operating room ay sabay-sabay na nagpasalamat sa kaniya.
“Good job din po, professor,” saad ng mga nurse.
“Good job, Professor Perez,” saad ng isang doktor na nasa team niya ang residency.
Isang ngiti lamang ang kaniyang binigay sa mga ito at umalis na. Pagkalabas niya ng operating room ay mabilis niyang tinanggal ang duguan niyang surgical gloves at mabilis na nilinis ang kaniyang sarili. Hindi na siya makapaghintay na pumunta sa dresser kung saan nandoon ang kaniyang mga damit at cellular phone.
One missed call and four unread messages ang bumungad kay Karen pagka-open niya sa kaniyang cellular phone. Sim 1 ang nakalagay. Iisang tao lang ang may apo na tumawag sa kanya kahit na malapit na maghating gabi.
“Caren,” bulong ni Karen bago mabilis na tinahak ang daan papunta sa kanyang opisina kung saan masisiguro niyang mayroon siyang privacy.
Ang tunog ng mga sirena ng mga ambulansya na walang tigil sa paghatid at pagsundo ng mga pasyente ang sumalubong sa kaniya habang binabagtas niya ang open hallway ng second floor ng ospital na pinagtatrabahuan.
Pagdaan niya sa main staircase kung saan matatanaw ang first floor ay rinig na rinig niya ang tunog ng gurney na walang humpay sa pagtunog dahil sa mga pasyenteng nililipat at dumadating mula sa mga ambulansya.
Nang siya ay paliko naman, dinig na dinig ni Karen ang tunog ng pulse monitor at mga tunog ng mga nurses na nagpa-page sa triage ng first floor. Mga iyak ng mga bata at mga palahaw ng mga kasama ng mga pasyente, unti-unti ay tumatahimik ang paligid habang lumalayo sa main staircase ang kaniyang mga hakbang.
Pagkapasok ni Karen ay mabilis na kinuha niya ang kanyang cellular phone mula sa kanang bulsa ng doctor’s coat niya at agad na tinawagan ang kapatid. Hindi na niya kinailangan pang maghintay ng ilang minuto nang agad itong sumagot.
“What did you do? Gosh!” bungad ni Caren mula sa kabilang linya na agad na ikinataas ng mga kilay ni Karen.
“What? What did I do? Bakit? Nakatunog ba siya?” Habang tinatanggal ang kanyang coat at mga butones sa kanyang long sleeves ay hindi maiwasan ni Karen ang maging alerto.
Tumatawag lang sa kanya ang kakambal kapag may napakahalagang bagay ang nakasalalay. Kung wala lang siyang nakasunod na operation ngayon ay baka pinuntahan na niya ito sa townhouse nito.
“Ano ang mga pinaggagawa mo kasama si Damien at agad niya akong sinunggaban pagkadating ko pa lang sa opisina niya?” May halong diin ang bawat bigkas ng salita ni Caren kaya nahihinuha ni Karen ang nanggagaliiting mukha ng kakambal na kilala sa pagiging mahinahon.
‘Kung alam lang nila,’ saad ni Karen sa kanyang isipan. Ang kanyang labi ay nakangiti subalit ang kanyang abuhing mga mata ay nakatanga lamang sa dingding ng kanyang opisina habang nakasandal sa kanyang office chair, nasa kaliwang kamay niya ang isang champagne glass.
Sumandal siya at tumingala at sa mababang tono ay sinagot ang pagmamaktol ng kakambal. “Alam mo naman kung paano ako kapag kasama ko ‘yang fiancé mo. Anyway, may balita ka bang dala tungkol sa h*******k na ama ni darling Damien?”
Damien Herrerra, graduate with highest honor sa Oxford University at namayagpag nang ilang taon sa larangan ng medisina hanggang sa nagkasakit ang ina nitong CEO ng pharmaceutical company nila. Dahil dito ay imbis na siya ang humalili sa kanyang ama na si Dr. Iñego Herrerra sa pagiging susunod na director ng ospital na Herrerra Group Hospital, tinigil ni Damien ang pagiging doktor at naging CEO sa Herrerra Group Pharmaceutical Company.
Dr. Iñego Herrerra, ang surgeon na nag-opera kay Arin fifteen years ago sa Herrerra Group Hospital mismo. Ang ama ng lalaking pakakasalan ng kakambal niyang si Caren.
“Hello, still there, Kar? Please don’t tell me na nakatulog ka na diyan.” Caren groaned.
“Sorry. Kagagaling ko pa lang kasi sa isang thirteen-hour surgery.” Napahilamos si Karen bago umayos ng upo. “Ano nga ulit ‘yong sinabi mo?”
Narinig ni Karen ang pagbuntong-hininga ng kapatid mula sa kabilang linya. “Sabi ko, hangga’t hindi pa kami kasal ni Damien ay hindi niya pa ako sinasali sa mga family meetings nila about business. Sinasali niya lang ako kapag kain-kain lang, gosh! How cheap! At saka nga pala, Kar, since kaka-engaged lang namin, gusto ni Damien na kumain tayong tatlo bukas for breakfast an –”
“You know that I am busy, Ren. Baka tulog na ako niyan or nasa meeting kasama mga residents under me.”
“Hep hep hep! Alam na raw ni Damien na sasabihin mo ‘yan kaya pinapasabi na niya sa’yo na diyan sa cafeteria ng ospital kami kakain para wala kang takas. Are you in or are you in?”
‘Breakfast with Damien? Ang anak ng taong kumitil kay Arin? No way!’
“I can practically hear your gears turning from here, Car. Come on. This is your idea. Marrying him to our family is your idea so you better get used to the idea of being his sister-in-law. Because I am doing everything I can to be the perfect fiancé when everything I ever wanted is to fuck your driver at the backseat of his rover.”
Hindi maiwasang mapaikot ng kanyang mga mata si Karen dahil sa huling sinabi ng kapatid. Through the years, Caren, who was once an angel, had definitely turned into a she-devil and fifteen years later, no one knew how she had changed except for Karen.
“Leave Sebastian alone, Ren. That poor motherfucker is traumatized with you, I tell you.” Bumuntong-hininga si Karen at napahilot sa sentido.
“What about the dinner with my fiancé, I mean, our fiancé. Since ikaw naman ang niluhuran niya, duh.”
Damien Herrerra, her classmate since high school until they graduated at Oxford, her first boyfriend, her first kiss, and her first lover.
Upang maputol na ang daloy ng pag-uusap nila ni Caren ay mabilis niyang ibinigay ang kung ano ang gusto nito. “Fine. Be here by eight. And remember, eight is late so you should –”
“Be there before eight, I know, I know.” Napatawa si Caren sa kabilang linya bago huminga nang malalim. “You and I need a serious talk, Kar. You know that I always have your back, right?”
“I know, Ren. Thank you.”
“Love you, Kar!”
“See you tomorrow, Ren.” Agad nang pinutol ni Karen ang tawag at napasandal sa kanyang upuan kasabay nang pagpikit ng kanyang mga mata.
Sa sinabi ng kakambal ay hindi maiwasang mapangiti ni Karen, ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa dalawang batang babaeng magkamukha na nasa picture frame sa ibabaw ng mesa niya. Akala ng iba ay siya at si Caren ito. Ang hindi alam ng nakakarami maliban kay Caren na ang dalawang batang babae sa larawan ay si Caren at si Arin, nakatupi sa likod ng picture frame ang mukha niya upang walang magtatanong kung may pangatlo pa sila.
Simula nang pumasok sila sa mundo ng mga Herrerra ay inilibing ni Karen at Caren si Arin sa limot. Sa katunayan ay fourteen years nang lumipas simula nang sila ay nakabisita sa puntod ni Arin.
Makapangyarihan ang mga Herrerra kung kaya ay mas mabuti nang putulin ang ano mang maaaring maging dahilan ng kapalpakan ng plano nila, ang plano na sampung taong inayos at pinaghandaan nilang magkapatid.
At ngayon, sa araw ng kasal nila Caren at Damien, matutupad ang isa sa mga malalaking hakbang na plano ni Karen at Caren.
Awtomatikong gumalaw ang kanyang kanang kamay papunta sa mouse habang ang kanyang kaliwang kamay ay pumwesto sa keyboard. Katulad ng nakagawian niya simula nang maging doktor siya ng Herrerra Group Hospital, pumunta siya Patient’s Record Year 2007. Nang makapasok dahil sa kanyang access ID bilang professor ng naturang ospital, agad niyang tinipa ang pangalan ni Arin.
Arin Lacsamana Perez
Loading…
‘Access Denied’
At tulad ng palaging sagot, access denied na naman. Sa lahat ng mga naging pasyente ni Dr. Iñego Herrerra sa taong 2007, ang record lang ng kapatid niya ang hindi kaya ng access ID niya. Ibig sabihin ay iisang tao lang ang may access ng record, ang direktor ng Herrerra Group Hospital, si Dr. Iñego Herrerra.
Napakuyom si Karen at napatiim bagang. “Ano nga ba ang tinatago mo, Dr. Iñego Herrerra?”
Ang repleksyon ng kaniyang mga mata sa monitor ay matalim. Dahil sa poot na gustong kumawala sa kanyang dibdib, tila nagdilim ang kanyang paningin at hinampas niya ng nakakuyom niya kamao ang keyboard.
Loading…
‘No Result Found’
“Motherfucker,” bulong ni Karen bago tinanggal lahat ng bakas niya sa database. Nasa ganitong sitwasyon siya nang biglang may kumatok.
Agad na pinindot niya ang power off ng computer. Awtomatikong humawak sa ilalim ng mesa si Karen. Ang kaniyang mga daliri ay hinaplos ang malamig at matigas na baril na nakadikit sa ilalim ng kanyang mesa. Hindi niya alam kung sino ang bibisita sa kanya sa gitna ng gabi pero mabuti nang sigurado. Hanngang hindi niya nasisigurong mabubulok sa kulungan si Dr. Iñego Herrerra, hindi pa siya pwedeng mamatay.
“Sino ‘yan?” Tila balewalang tanong ni Karen subalit pigil niya ang kanyang hininga.
“It’s Damien. We need to talk.”
Sa narinig ay dumagundong ang kaba niya habang tila naging tuyo ang kanyang lalamunan, ang mga epekto ni Damien sa kanya na pilit na inilalagay ni Karen sa likod ng kanyang isipan.
Bago sumagot ay binuksan niya muna ang drawer ng kanyang mesa at tumambad sa kanya ang tuyot na rosas, ang bulaklak na ibinigay ni Damien nang nag-propose ito kay ‘Caren’.
Hindi niya ito ipinakita kay Caren noong binigay niya ang engagement ring sa kakambal. Ayaw niyang analisahin ang mga rason kung bakit niya iyon ginawa, ayaw niya.
Dahil hindi maaari.
“Karen?” Pukaw ni Damien sa kanya mula sa kabilang bahagi ng pinto dahilan upang maisara niya agad ang drawer.
Tiningnan niya muna ang nakangiting anyo ng mga batang babae bago sumagot. “Come in.”
“What can I do for you…. Brother-in-law?” Muntik na niyang maidugtong ang salitang ‘darling’. Simula kasi nang magpalitan sila ni Caren bilang kasintahan ni Damien Herrerra ay ‘darling’ na ang palayaw ng magkasintahan. Ang malapad na balikat nito habang nakasuot ng three-piece Armani suit ang una niyang napansin. Pababa ang kanyang paningin sa maugat na brasong litaw na litaw dahil nakatupi hanggang siko ang business suit nito. Ang sapatos nitong gawa sa balat ng buwaya ay napakakintab sa kanyang paningin, sa sobrang kintab ay hinuha ni Karen ay kahit sa dilim ay iilaw ito. Nanatiling nasa baba nakapako ang tingin ni Karen sapagkat alam niyang kapag itataas niya ang kanyang titig ay mawawala na naman sa huwesyo ang kanyang isipan. Ito ang numero unong dahilan kung bakit sa una pa lamang ay si Caren ang pinakamainam na magiging asawa ni Damien, dahil ayaw ni Karen na mauwi sa wala ang ilang taong pinaghirapan nilang magkapatid. “Saan ka ba nakatingin? Hanggang
‘NASAAN NA ba si Caren?’ Paikot-ikot si Karen sa labas ng private room ni Damien. Wala pa ring mala yang lalaki simula nang ma-operahan ito kahapon lamang. Simula rin ng araw na ‘yon ay hindi niya makontak ang kakambal. “Doc, ayos lang po ba kayo? Ba’t hindi po kayo pumasok?” tanong ng isang nurse nang siya ay mamataan nito na paikot-ikot lamang sa hallway ng ospital. Isang bahaw na ngiti ang kanyang isinagot sa nurse habang isang buti ng malamig na pawis ang tumulo mula sa kanyang leeg papunta sa kanyang likod. Nais niyang sagutin ang nurse na, ‘Aba malay ko!’ Dahil siya mismo hindi alam kung bakit tuwing break time ay dinadala siya ng kanyang mga paa sa harap mismo ng pribadong silid ng
Dalawang dalagita ang nakayuko sa harap ng isang puntod. Makulimlim ang kalangitan kung kaya’t isa-isang nagsialisan na ang mga nakilibing habang nakayupyop dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Ang araw na kanina ay tirik na tirik ay unti-unting lumulubog habang tinatabunan ng makakapal na mga ulap. Subalit kahit na nagbabadya na ang ulan ay walang miisang gumalaw sa kanilang kinatatayuan.Nanatiling nakayuko ang dalawa. Ang kanilang kulay itim na mga bistida ay bumabagay sa kadilimang unti-unting bumabalot sa kanilang paligid.Yumuyugyog ang mga balikat ng isang dalagita habang ang basang panyo ay nakatabon sa mukha nito, pilit na kinukubli ang sakit na nakaukit sa kaniyang puso. “Karen… Hindi na natin maririnig ang mga patawa ni Arin. Hindi na natin mararanasan kung paano maligo nang sama-sama dahil kulang na tayo.” Lumingon siya sa kapatid na nanatiling walang imik. “Matatawag pa ba tayong triplets kung wala na ang isa sa atin?”

“Good job, everyone.” Umatras nang isang beses si Karen. Awtomatiko namang lumapit sa kaniya ang nurses sa loob ng operating room at tinanggal ang mask niyang may bahid na dugo.Ang kaniyang mga kasama sa operating room ay sabay-sabay na nagpasalamat sa kaniya.“Good job din po, professor,” saad ng mga nurse.“Good job, Professor Perez,” saad ng isang doktor na nasa team niya ang residency.Isang ngiti lamang ang kaniyang binigay sa mga ito at umalis na. Pagkalabas niya ng operating room ay mabilis niyang tinanggal ang duguan niyang surgical gloves at mabilis na nilinis ang kaniyang sarili. Hindi na siya makapaghintay na pumunta sa dresser kung saan nandoon ang kaniyang mga damit at cellular phone.One missed call and four unread messages ang bumungad kay Karen pagka-open niya sa kaniyang cellular phone. Sim 1 ang nakalagay. Iisang tao lang ang may apo na tumawag sa kanya kahit na malapit na maghating gabi.