THE COLD HEARTED CHAIRMAN

THE COLD HEARTED CHAIRMAN

last updateLast Updated : 2025-04-20
By:  RIDA WritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
49Chapters
6.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Ryder Sable ang chairman na tinaguriang the cold hearted. Isang insidente sa buhay niya ang naging dahilan nang pagiging malamig niya. Umibig siya sa isang babae na may kaugnayan pala sa kanyang nakaraan. Nakipaghiwalay siya at kinalimutan ito. Pero muli itong magbabalik, ngunit tuluyan ng nawala ang nararamdaman niya para dito. Bagkus ay minahal niya ang kapatid nito. Tunghayan ang kuwento ng buhay pag ibig ni Chairman Ryder Sable.

View More

Chapter 1

Panimula

"Ider!" malakas na sigaw ni Aling Pacita. "Nasaan ka bang bata ka? Kapag nakita kita lagot ka talaga sa aking bata ka." naggagalaiting bulalas niya.

Tumatakbo ang isang sampung taong gulang na batang lalaki palapit sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Pacita sa itsurang bumungad sa kanya. Ang alaga niyang si Ider. Puro putik ang damit. Sampung taon na ito ngunit parang bata pa ding kumilos.

"Y-Yaya, tawag n-niyo po ako?" nauutal na tanong nito. Pilit itinatago ang damit niyang puro putik. Nabanaag ang takot sa mga mata ni Ider nang makitang kumuha ng pamalong kahoy si Yaya Pacita. "Ya, ano po 'yan?" nanginginig ang boses niya sa matinding takot na nagtanong.

Nag igting ang panga ni Pacita. Nakaamba na ang pamalong hawak sa batang si Ider.

"Anong oras na hindi ka pa kumakain?! Tingnan mo ang damit mo. Punong puno ng putik! Kanina pa kita hinahanap na bata ka!" isang palo sa likod ang pinakawalan niya sa kawawang si Ider. Napadaing ang bata at halos mamilipit sa sakit. "Subukan mo lang abutan ka ng Mama at Papa mo mamaya na ganyan ang itsura mo. Hindi lang latay sa likod ang abutin mo sa akin, Ider! Letse kang bata ka!" sigaw pang banta niya sa paslit.

Panay ang iyak ni Ider. Napaluhod siya sa sobrang sakit na naramdaman sa malakas na hataw sa kanyang likod. 

Limang taon nang naninilbihan si Pacita sa pamilya Sable. Bilang tagapag-alaga ni Ider. 

Mabait si Pacita kapag kaharap ang amo. At kapag wala sa bahay ang mga magulang ay si Ider ang kaniyang pinagmamalupitan.

"Yaya" iyak na tawag ni Ider sa kanya.

"Tigilan mo akong bata ka sa drama mo! Baka maihampas ko ulit itong pamalo ko sayo. Pumasok ka na sa kuwarto mo at magbihis. Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi! Ako ay magluluto ng para sa hapunan ninyong mag anak na walang kwenta!" saad ni Pacita sa alaga niya. "Huwag mong sasabihin sa Mama mo na pinalo kita. Kapag sinabi mo puputulin ko ang dila mo. Maliwanag ba?" pananakot na pahabol ni Pacita kay Ider. 

Natatakot na tumango tango ng ulo si Ider. Walang lakas na ipagtanggol ang sarili sa pagmamalupit ng kanyang Yaya Pacita. Marahang siyang naglakad papasok sa loob ng bahay. Naiwan si Pacita sa labas. Itinago ang hawak na kahoy.

Ang kawawang si Ider. Walang araw na hindi pinagbubuhatan ng kamay ng kanyang Yaya Pacita. Kung hindi palo ay kurot na pinong pino sa kanyang tagiliran. May minsan pang sinasampal siya ng matanda. Hindi din siya pinapakain ng maayos. Ang mga pasa sa kanyang katawan ay pilit niyang itinatago upang hindi makita ng kanyang Mama at Papa. Malalagot siya sa matandang tagapag-alaga niya.

Mabait at matalino si Ider. Tahimik din ito. Walang masyadong kaibigan. Dahil sa takot na baka saktan din siya katulad ng Yaya Pacita niya. Ayaw na niya muling masaktan pa. Masakit na ang katawan niya sa bugbog ng Yaya niya. Kaya nai-distanya niya ang kanyang sarili sa mga kaklase.

"Ider, how's school?" tanong ng Papa niyang si Richard Sable.

Napaangat ng ulo si Ider.

"Okay naman po." maikling sagot niya. Saka itinuloy niya ang pagsubo ng pagkain.

Nagkatinginan ang mag asawa. Si Mr. Richard Sable ay isang negosyante. Habang ang Misis nitong si Antonette ay isang empleyada sa isang bangko sa bayan nila. Parehong abala ang mag asawa sa kani kanilang trabaho at naiiwan si Ider sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaan nilang si Pacita.

"Ider, may problema ka ba? Palagi kang matamlay." punang tanong ni Antonette sa anak.

"Ma, wala po." tipid na sagot ni Ider. Muling itinuloy ang pagkain. Pinagmasdan lang ng mag asawa ang inikilos ng kanilang anak.

"Yaya, kayo ang naiwan ni Ider sa bahay. May napapansin ka bang kakaiba sa anak namin?" mga tanong ni Richard sa kanilang katiwala sa bahay.

"Sir, wala po. Pagkagising niyan sa umaga pagluluto ko ng pagkain. Kakain muna bago pumasok sa eskwelahan. Pagkauwi galing sa eskwelahan ay magmemeryenda. Tapos ay tataas na para gumawa ng assignment niya. Ganoon lang po kami araw araw." kuwentong sagot ni Pacita. Tila kay amo ang mukhang nakatingin sa mag asawang nasa harapan niya. 

Nasa sala sila ngayong tatlo. Pagkatapos kumain, nang masigurado nilang mag asawa na nakataas na si Ider sa kuwarto niya. Lihim nilang kinausap ng sarilinan ang nag iisang palaging kasama ng anak nila.

Ipinatong ni Antonette ang kamay sa kamay ng asawa. Nag aalala sila para kay Ider. Hindi ganito ang anak nila. Magiliw at masigla ang kanilang anak. Napapansin nila ang unti unting pagbabago ni Ider.

Nanlilisik na mga mata at nakakuyom ang kamao habang nakatanaw sa tatlong tao sa sala.

After 15 Years 

"What is this?!" umalingawngaw na sigaw ni Ryder. Malakas na hinampas niya ang kanyang lamesa. 

Napapikit ng kanyang mata ang kanyang sekretarya na si Elena. Nanginginig sa takot habang nakatayo sa harapan ng kanyang among si Chairman Ryder Sable.

He is the most successful and the youngest Chairman. Kapag nadinig mo na ang pangalang Ryder Sable. Malulula ka sa napakadaming achievement nito sa edad na beinte singko. Siya din ang nangunguna sa bachelor list na pinakamayanan na buong mundo.

Ang sabi nila si Ryder daw ang pinakamabagsik na Chairman. Dahil sa kanyang aroganteng ugali sa kanyang mga empleyado. Gayunman, marami pa din ang gustong mapasok sa kanyang kompanya. Ang R. Sable Company.

Naipamana ito kay Ryder ng kanyang namayapang ama. Si Ryder ang nag iisang namamahala ng R.S.C. Habang ang kapatid niyang si Raleigh ay patapos palang ng kanyang masteral ngayong taon. Ibinigay kay Raleigh ang Sable Trading Company. Ang kanilang ina na si Antonette ay nasa bahay na lamang.

"Dude, nasa labas pa lang ako ng opisina mo naririnig ko na ang boses mo." napalingon si Ryder sa bigla na lang na pumasok sa opisina niya.

"What are you doing here? Busy ako ngayon. Wala akong panahon mag-aksaya ng salita sayo." inaayos niya ang mga papel na nagkalat sa ibabaw ng lamesa niya. Habang si Elena ay namumungay ang mata na nakatingin sa kaibigan ng amo niya.

Si Owen ang bestfriend ni Ryder. Magkaklase sila nuong college sa Amerika. Kapitbahay din nila ang pamilya ni Owen. Kaya naging malapit sila sa isa't isa. 

"Hindi ako empleyado mo dito para tratuhin mo ng ganyan, Ryder." prenteng naupo ito sa harap ng lamesa ni Ryder.

"Owen, can you shut up?" kunot noong sabi ni Ryder. Sinenyasan si Elena na lumabas ng opisina niya. 

"Huh? D*mn, Dude. Ako lang ang nagtitiyagang kaibigan mo. Ganyan ka pa kagaspang sa akin. Sinaktan mo ang puso ko do'n." inilagay ni Owen ang isang kamay sa dibdib niya. Nag arteng masakit ang puso.

Tinapunan ni Ryder ng ballpen niya ang kaibigan. Nasaloi ito ni Owen at tumawa ng malakas. Si Owen ang isa sa pinakamalapit kay Ryder. Bukod sa kapatid at sa Mama niya. Wala siyang naging kaibigan kundi si Owen lang. Halos kadikit bituka na niya ang kaibigan. Ito lang ang nakakaintindi sa isang Ryder Sable.

Seryosong umupo si Ryder sa kanyang swivel chair. Ganito siya kaseryoso sa kahit na sino. Kahit pa sa kaibigan niya. At sa pamilya niya.

"What are you doing here? Wala ka bang trabaho? At na andito ka sa kompanya ko." nakakunot noo pa din na tanong niya kay Owen.

"I want to asked you kung pupunta ka sa Party mamaya. Alam mo na, ikaw lang naman ang kilala ko doon. Siyempre para mahawa na din ng kasikatan mo. Kahit na ang pangit ng ugali mo." biro ni Owen sa huli kay Ryder. Siya lang ang nakakapag salita ng ganoon kay Ryder. Dahil sa hindi pinapayagan ni Ryder ang kahit na sino na may sabihin sa kanya na hindi niya magugustuhan. Kalat ang pagiging cold niya sa lahat. Even to his own mother and brother. Ganito siya kalamig.

"Still, I'm not sure. Kung pupunta ako. I'm a very busy person. At alam mo 'yan, Owen."

"Yeah, I know. Busy magpayaman. Ano ba ang ginagawa mo sa pera mo?" tanong ng kaibigan niya.

"Money can do everything. Sinasamba ng lahat ng tao. Kapag marami kang pera, maraming naghahabol sayo." rasong sagot niya. 

"Really? Ryder Sable, still need more money. Dude, do you have s*x life? Ni wala ka nga palang girlfriend. Paano ka magkakaroon niyon?"

Napataas ang kilay ni Ryder. 

"Hindi ako tigang. Kung iyan ang iniisip mo. Babae na ang lumalapit sa akin." pagmamayabang niyang aniya.

"Sinabi mo 'yan. I bet na virgin ka pa. Wala ngang ginagawa buong maghapon. Kundi ubusin ang lahat ng oras sa swivel chair mo. At sa meeting sa loob ng conference room mo." paghahamon ni Owen.

Napailing ng ulo si Ryder.

"Me? Virgin? No!" matigas na tanggi ni Ryder.

Natawa nang mahina si Owen. "Patunayan mo. Date your secretary." 

"What? No way! Hindi siya ang tipo ko. Iba na lang." mariing tanggi niya.

"Okay. 'Di sa akin na lang ang sekretarya mo." may ngising nakakaloko ito sa labi. 

"Go and take it. Wala akong pakialam."

Ryder is a simple playboy and heartbreaker man. Walang nakakaalam ng kaniyang papalit palit ng babae. Kundi siya lamang. No one can get to know his private life. Kahit ang mga babaeng kanyang nakakasiping ay hindi din basta basta na ipagkakalat na minsan nilang nakaniig ang isang Ryder Sable.

"""""""

Nagmamadali si Devyn sa pagpasok sa loob ng kuwarto. Nabugaran niya ang kanyang kapatid na nakaratay sa higaan ng ospital.

"Ano pong nangyari sa kapatid ko?" naiiyak na tanong ni Devyn sa kanyang Lola. Haplos niya ang buhok ng maputlang kapatid.

"Apo, malala na si Divina. Natatakot ako para sa kapatid mo. Wala na tayong pera pampagamot sa kanya." mangiyak iyak na sagot ng Lola ni Devyn. Saka napayuko. 

Hinawkan ni Devyn ang kamay ng Lola niya.

"Hayaan niyo po. Gagawa po ako ng paraan. Gagaling po si Divina. Hindi ko po hahayaan din siyang mawala sa atin." tuluyan nang umagos ang luha ni Devyn. Nasira ang kanyang katatagan nang marinig ang kalagayan ng kapatid.

Pabalik balik ang kapatid niya sa ospital. May lukemia ang kapatid niya. Kinse anyos pa lamang ito at nakakaranas na nang hagupit ng buhay. Si Devyn lang ang nag iisang tumataguyod sa kanyang kapatid na si Divina. Maaga silang naulila sa magulang at si Lola Anding ang kumukupkop sa kanilang magkapatid. Hindi nila tunay na Lola si Lola Anding. Nakituloy lang sila nuon sa kanya. Nuong pinalayas sila sa bahay nila. Dahil wala na silang perang pambayad. Na palapit na din ang magkapatid sa matanda. Kaya itinuring na din silang parang tunay na app niya.

Kung ano ano nang trabaho ang pinasok niya para lamang magkaroon ng pangtustos sa pampa-ospital ng kapatid. Gusto nang sumuko ng kanyang katawan. Ngunit sa kanyang puso. Hinding hindi siya mapapagod. Gagawin niya ang lahat para lamang gumaling ang kapatid.

"Lola, kayo na po muna ang bahala kay Divina." sabi niya at dumukot ng pera sa bulsa ng pantalon niya. Saka kinuha ang kamay ng Lola Anding niya. Inilagay ang kaunti niyang pera.

"Saan ka pupunta, Devyn?" malungkot na tumingin sa mukha ng Apo.

"Maghahanap po ako ng puwedeng mapagkakitaan 'yung malaki po ang kita. Hindi ko po kayang hayaan na ganyan si Divina. Kailangan ko pong humanap ng mas malaking pera para sa pampagamoy niya." desidido na siyang pasukin ang kahit na anong trabaho. Basta para sa kapatid niya.

Nuong nawala ang magulang nila ay nangako siya sa puntod nila na aalagaan niya at iingatan ang nag iisang kapatid niya. Ngayon na may sakit si Divina. Nahihiya siya sa magulang nila na hindi niya matutupad ang pangako niya. Napakasakit na sunod sunod ang dagok sa pamilya nila. Ni wala man lang siyang magawa.

Nawalan sila ng magulang. Pagkaisang taon ay nagkasakit ang kapatid niya. Naratay sa ospital ng ilang buwan. Kaya napalayas sila sa bahay na tinitirhan nila.

Napakadaming alaala ang naiwan sa bahay na iyon. Doon sila ipinanganak at lumaki na magkapatid. Naiwan doon ang alaala ng magulang nila. Wala silang naisalbang gamit. Hindi na ibinigay ng may ari ng bahay ang mga gamit nila sa loob. Pambayad daw iyon sa ilang buwan nilang pagtira doon.

Naglalakad si Devyn papunta sa hindi malamang lugar. Hind niya alam kung saan siya maghahanap ng bagong trabaho. Pero, iisa lang ang hangarin niya ang gawin ang lahat para gumaling ang kapatid niyang si Divina.

Abangan....

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
riss
Nice story
2023-01-05 22:41:56
0
49 Chapters
Panimula
"Ider!" malakas na sigaw ni Aling Pacita. "Nasaan ka bang bata ka? Kapag nakita kita lagot ka talaga sa aking bata ka." naggagalaiting bulalas niya.Tumatakbo ang isang sampung taong gulang na batang lalaki palapit sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Pacita sa itsurang bumungad sa kanya. Ang alaga niyang si Ider. Puro putik ang damit. Sampung taon na ito ngunit parang bata pa ding kumilos."Y-Yaya, tawag n-niyo po ako?" nauutal na tanong nito. Pilit itinatago ang damit niyang puro putik. Nabanaag ang takot sa mga mata ni Ider nang makitang kumuha ng pamalong kahoy si Yaya Pacita. "Ya, ano po 'yan?" nanginginig ang boses niya sa matinding takot na nagtanong.Nag igting ang panga ni Pacita. Nakaamba na ang pamalong hawak sa batang si Ider."Anong oras na hindi ka pa kumakain?! Tingnan mo ang damit mo. Punong puno ng putik! Kanina pa kita hinahanap na bata ka!" isang palo sa likod ang pinakawalan niya sa kawawang si Ider. Napadaing ang bata at halos mamilipit sa sakit. "Subukan mo lang a
last updateLast Updated : 2022-12-25
Read more
Kabanata 1
Naunang lumabas ng limousine si Owen. Inayos niya ang kanyang tuxedo. Hinawi ang buhok na tumatabing sa kanyang mata. Marami ang natuon ang atensyon sa kanila. Nang mahulaan na ang sakay ng magarang limo ay si Ryder Sable. Nag unahan ang mga reporter na kumuha ng picture sa sikat na negosyanteng si Ryder. Binuksan ni Ryder ang pinto ng limo. Saka ibinaba ang paa. Pagkatapos ay lumabas ng limo. Dahan dahan siyang humarap sa maraming taong naghihintay sa kanya. Panay ang flash ng maraming camera sa kanya. Ang ilang reporter ay pilit na gustong makalapit kay Ryder para magtanong. Inuunahan ito ng mga civilian niyang bodyguard na nakapalibot sa kaniyang sasakyan. Naglakad si Ryder sa red carpet. Kasabay ang kaibigan niyang si Owen. Nagmamayabang ang gandang lalaki ni Ryder ngayong gabi. Nakadepina ang tangos ng ilong nito. Ang mga matang kulay brown na animo'y isang banyaga. Ngunit, purong Pilipino ang kanyang mga magulang. May manipis na mapulang labi na kay sarap halikan. At ang kan
last updateLast Updated : 2022-12-25
Read more
Kabanata 2
"Lola, umuwi na po muna kayo. Ako na po muna ang bahalang magbantay kay Divina." bungad na sabi ni Devyn sa Lola Anding niya. Inilapag niya ang dala-dalang supot ng pagkain na galing sa party. "Galing ka ng trabaho, Devyn. Alam kong pagod ka pa at kailangan mo ding magpahinga. Nakakatulog ako ng maayos dito sa ospital. At hindi nakakapagod na bantayan si Divina." tanggi ni Anding. Nakikita niya ang pagod sa mga mata ni Devyn. Ang laki ng sakripisyo ni Devyn sa pamilya nila. Nakita niya ang paghihirap ng kalooban ng kanyang itinuring na apo. At kanyang kadugo."Okay lang po ako. Sabi niyo nga puwede kayong matulog dito. So, dito na din po ako matutulog. Mababantayan ko pa po si Divina." aniya. May katandaan na din si Lola Anding. At sa edad niyang iyon hindi na maganda kung mapapagod ito. Baka ito pa ang magkasakit."Ikaw talagang bata ka. Napakabait mong kapatid kay Divina. Maswerte si Divina sayo. Sayang lamang at iniwan kayo agad ng mga magulang niyo. Pero, masaya ako na ako ang L
last updateLast Updated : 2022-12-25
Read more
Kabanata 3
Nakatanga lang si Ryder kay Devyn. Habang pumipili si Devyn ng pagkaing gustong orderin. Para matapos na ang usapan nila. Tutal, si Ryder ang may kasalanan. Babayaran niya ang lahat ng pagkain na gustong bilhin ng babaeng muntikan na niyang masagasaan.Naasiwa si Devyn sa mga titig ng lalaki sa kanya. Kahit hindi niya nakikita ay nararamdaman niya ang tagos sa katawan niyang titig sa kanya. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya. Tumatambol ang puso niya sa bilis ng tibok nito. Tila may namuong butil ng pawis sa kanyang noo."Ale, gusto ko po nuong kaldereta, tapa at pork chop. Samahan niyo ng tatlong kanin. At softdrinks. Paki bigyan na din po ako ng libreng sabaw." sabi ni Devyn sa serbedora. Ngayon lang ito. Kaya sasamantalahin na niya.Napaawang ang labi ni Ryder sa dami ng biniling mga pagkain nang dalagang kasama niya. Ang mga customer at serbedora sa karinderia ay nakatitig at nakatulala sa kanya. Mga kinikilig na ngayon lang siya nakita ng personal.Habang kay Devyn ay para
last updateLast Updated : 2022-12-28
Read more
Kabanata 4
Nilapitan ni Antonette ang anak at sinampal. Napasinghap si Raleigh. Tumayo ito at nilapitan ang ina."Mom." awat ni Raleigh sa ina."Don't stop me, Raleigh!" bulyaw ni Antonette sa bunsong anak. Matalim na tinapunan niya ng tingin si Ryder. "Wala ka ng galang sa akin, Ryder! Iyo man ang condo na ito. I am still your Mom! Kailangan mo pa ding igalang.""I'm sorry, Mom." nausal ni Ryder. Nang makita niyang nagsisimula nang pumatak ang luha ng kanilang ina. Hindi niya kayang umiiyak sa harapan niya ang Mommy niya. Kahit na maging sa sarili niyang pamilya ay malamig niya. Mahal pa din niya ang mga ito.Pinunasan ni Antonette ang mga luha niya at niyakap siya ni Raleigh. Inalo ni Raleigh ang inang patuloy na umiiyak. Kusang bumitaw si Antonette sa yakap ng anak. Saka humarap kay Ryder."I am sorry, Ryden. I know, kung bakit naging bato ang puso mo. Alam ko at naiintindihan ko ang lahat ng mga pinagdaanan mo nuon. Pero, huwag mong kalimutan mo na may ina ka pa. I am your mother. Hindi ko g
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more
Kabanata 5
"Give me your resume." maawtoridad na sabi ni Ryder."Huh? Bakit?" nagtataka si Devyn na hinihingi ng lalaki ang kanyang resume. Alam ba nito na nag-aapply siya ng trabaho?"Ang dami pang tanong. Just give it to me." iritadong sagot ni Ryder na mukhang naiinis na kay Devyn dahil hindi nito sinunod agad ang sinabi niya. Kumunot ang noo niyang tiningnan si Devyn. Hindi pa din nito ibinibigay ang resume niya sa kanya.Natatarantang binuksan ni Devyn ang bag niya. Napangiwi siya nang makita ang resume niya sa loob ng kanyang bag. Nahihiyang kinuha niya ito at itinago sa kanyang likod. Napaatras siya sa pinaka gilid nang elevator.Napataas ang kilay ni Ryder."Why you're hiding it? Give it to me.. Now!" tumaas na ang boses niya. Nawawalan na siya ng pasensiya sa ginagawa ni Devyn."E, nakakahiya po. Nagusot na po kasi ang resume ko. Gawa po nuong inihampas ko doon sa lalaking bastos sa loob ng jeep. Puwede po bang pagagawa ako ulit ng bago?" napakagat ng labi si Devyn. Hindi niya kayang tu
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more
Kabanata 6
Araw ng Lunes. Handa na sa pagpasok si Devyn sa kanyang bagong trabaho. Siya ang nagbantay kay Divina kagabi. Kaya andito pa siya sa ospital. At hinihintay niya ang Lola Anding niya na dumating na siyang papalit sa kanya na magbantay kay Divina."Ate, okay lang po na ako lang mag-isa dito. Marami pong mga Nurses dito sa loob ng ospital. Hindi nila ako pinababayaan." aniya. Ayaw na niyang maging pabigat sa Ate niya.Malungkot na tiningnan ni Devyn ang kapatid. Nilapitan niya ito. Hinaplos-haplos ang buhok nito."Tibayan mo pa ang loob mo. Andito lang si Ate. Sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo diyan sa loob mo. Kahit na maging abala ako sa trabaho. Hindi ako mawawalan ng oras para sayo." inihilig ni Devyn ang ulo niya sa ulo ni Divina. Saka hinawakan ni Divina ang kamay ng Ate niya.Sa oras na ganito siya lamang ang masasandalan ni Divina. Ramdam niya ang panghihina ng kalooban nito dahil sa sakit. Nakaka-stress ang palagi ka na lang nakahiga. Dahil sa sakit. May mga gusto
last updateLast Updated : 2023-01-02
Read more
Kabanata 7
Nagulat si Devyn ng mawalan ng kuryente. Wala na siyang makita. Ang dilim sa loob ng lift. Nagsisimula na siyang kapusan ng kanyang hininga."T-Tulong! T-Tulong!" mga sigaw niyang humihingi ng tulong. Nabanaag ang sobrang takot sa kanyang mukha. Napaiyak na siya at napaupo sa sahig. Yakap ang kanyang tuhod. "Mama, Papa. Tulungan niyo po akong makalabas dito." umiiyak na usal ni Devyn. Saka nagyuko siya ng ulo.**********"Sh*t!" mura ni Ryder. Wala pa din siyang balita kay Devyn. Hindi pa din nagrereport sa kanya si Cassandra.Biglang nagkaroon ng blackout sa buong building. Namatay ang mga ilaw sa loob ng kanyang opisina. Kinabahan na siya nang maalala ulit si Devyn. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Cassandra sa personal phone nito."What happen? There is no power. Bakit nagkabrown out?""Sir, may ginagawa pong nasira ng poste sa labas. And all the buildings and establishment are affected. Even us." sagot ni Cassandra sa kabilang linya."Sabihin mong buksan ang generator. H
last updateLast Updated : 2023-01-02
Read more
Kabanata 8
Papunta si Ryder sa ospital para tignan ang kalagayan ni Devyn. Naging abala na siya kanina at alas diyes na ng gabi ay pauwi pa lamang siya galing RSC.Nadaan siya kanina sa stall ng flower shop. Bumili siya ng isang bouqet ng white tulips para kay Devyn. Napapangiti si Ryder habang iniisip na bibigyan niya kaagad ng bulaklak si Devyn. Supposedly, first day of work ng dalaga today. Dapat ang turing niya kay Devyn is employee. Papagalitan niya dapat si Devyn dahil late ito sa pagpasok. Pero, bakit may pa-bulaklak? Nagpabili din siya ng bagong phone para kay Devyn. Bakit parang tila nanlalambot na naman siya kapag naalala si Devyn? Hanggang ngayon ba, mahal pa din ba niya si Devyn?Naglalakad si Ryder sa pasilyo ng ospital. Malapit na siya sa kuwarto na inuokopa ni Devyn. Napansin niya na lumabas ng kuwarto ni Devyn si Oscar.Mataman niyang tinignan si Doc. Oscar Marasigan."Good evening, Mr. Sable." seryoso ang tingin na bati ni Oscar sa amo ni Devyn. Tumango lang ito ng ulo sa kanya
last updateLast Updated : 2023-01-02
Read more
Kabanata 9
Maaga pa ay inaayos na nila Lola Anding at Devyn ang mga gamit ni Devyn. Discharged siya mamaya-maya. Pupuntahan na lang ni Lola Anding sa bills ang resibo na katunayang bayad na sila. Saka sila lalabas ng kuwarto ni Devyn.Nagpapasalamat sila kay Chairman Ryder Sable. Siya ang nagbayad ng lahat ng gastos ni Devyn sa ospital. Palagi pang may nagdadala ng prutas at pagkain sa dalaga. Sinisiguro na maayos ang kinakain ni Devyn."Good morning, Devyn." nag-angat ng ulo niya si Devyn nang marinig ang bati ni Oscar sa kanya. Ngumiti si Devyn sa kanya. "Tapos mo nang ihanda ang mga gamit mo?" tanong pa ni Oscar kay Devyn."Oo, Oscar. Kaunti lang naman ang gamit ko. At isang araw lang ako dito." sagot ni Devyn. Hindi niya kailangang ng maraming damit. Dahil halos andito na din ang ibang damit niya aa ospital. Ginagawa ba nga nilang parang bahay nila ang ospital. Sa tagal din naka-confine si Divina sa ospital ni Oscar. "Ah, Lola Anding. Tama na po muna 'yan. May dala po akong breakfast." aya
last updateLast Updated : 2023-01-05
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status