Maaga pa ay inaayos na nila Lola Anding at Devyn ang mga gamit ni Devyn. Discharged siya mamaya-maya. Pupuntahan na lang ni Lola Anding sa bills ang resibo na katunayang bayad na sila. Saka sila lalabas ng kuwarto ni Devyn.Nagpapasalamat sila kay Chairman Ryder Sable. Siya ang nagbayad ng lahat ng gastos ni Devyn sa ospital. Palagi pang may nagdadala ng prutas at pagkain sa dalaga. Sinisiguro na maayos ang kinakain ni Devyn."Good morning, Devyn." nag-angat ng ulo niya si Devyn nang marinig ang bati ni Oscar sa kanya. Ngumiti si Devyn sa kanya. "Tapos mo nang ihanda ang mga gamit mo?" tanong pa ni Oscar kay Devyn."Oo, Oscar. Kaunti lang naman ang gamit ko. At isang araw lang ako dito." sagot ni Devyn. Hindi niya kailangang ng maraming damit. Dahil halos andito na din ang ibang damit niya aa ospital. Ginagawa ba nga nilang parang bahay nila ang ospital. Sa tagal din naka-confine si Divina sa ospital ni Oscar. "Ah, Lola Anding. Tama na po muna 'yan. May dala po akong breakfast." aya
"Aba, late si Sir ngayong araw. Hindi pa siya dumadating. Nakapagtataka naman. Kadalasan maaga iyon pumapasok sa kompanya." Cassandra murmured. Mas maaga kasing pumapasok sa kompanya si Chairman Sable. Kesa sa kanya. Ito ang unang beses na nahuli ito sa pagpasok sa trabaho. "Baka po may nauna nang sched siya ngayon." sabi ni Devyn. Napaisip si Cassandra. "Baka nga. Halika na, Devyn. Tuturuan na kita ngayon ng pinaka-basic mong kailangan na gawin. Everytime na papasok ka dito sa opisina ni Sir Sable. And then, tomorrow si Sir Sable ang magtuturo sayo ng iba mo pang gawain. Dahil wala ako bukas. You just have one week para matuto. At alam kong kaya mo 'to." ani Cassandra. Namilog ang mata ni Devyn. Ang amo nila ang magtuturo sa kaniya bukas. Saka, one week lang siyang tuturuan. Sana makabisado niya ang lahat ng kanyang gagawin. "Pero, Miss Olivares--" "Mukha naman kayong magkakasundo ni Sir Sable." pinutol ni Cassandra ang sasabihin ni Devyn. Iginiya ni Cassandra si Devyn sa lame
Malalaki ang hakbang ng mga paa ni Ryder. Palapit sa kanyang kapatid. Nasa may parking lot na ito at pasakay sa kanyang magarang sasakyan. Hinawakan ni Ryder si Raleigh sa balikat. At iniharap ang kapatid niya sa kanya. Napaarko ang kilay ni Raleigh. "What is your plan to Devyn? Bakit ba kinukulit mo siya?" bungad na mga tanong ni Ryder. Inalisa ni Raleigh ang mga tanong ng kapatid niya sa kanyang utak. "Hindi ikaw ang unang nakakita sa kanya, Raleigh! Ako! Ako ang mas higit na una sa kanya. Dahil naging parte ako ng buhay niya nuon!" Hindi na napigilan ni Ryder na isawalat ang tungkol sa kanila ni Devyn. Baka kapag pinatagal pa niya ay tuluyan nang mawala si Devyn sa kanya. Makakaya ba niyang makita si Devyn na may bago ng lalaking minamahal? Sa isiping iyon. Baka masiraan siya ng bait. Nanlaki ang mga mata ni Raleigh. Hindi siya makapaniwala sa inamin ng kapatid niya sa kanya. Devyn is so perfect. Sa mukha nitong napakainosente at maamo. Kung paano niya dalhin ang sarili niya. B
Five Years AgoKinabukasan ay bumalik si Ryder sa park kung saan niya unang nakausap si Devyn. Nagbabakasakali na makita niya ulit ang dalagita. Hindi siya nakatulog sa sobrang pag-iisip.Nakaupo siya sa tanda niyang inupuan niya kagabi. Nagpalinga linga siya sa paligid. Hinahanap ng mata ang mukha ni Devyn sa mga taong nasa park.Laglag ang balikat na hindi niya nakita ang dalagita. Tumayo na siya at humingang malalim. Babalik na lang siya sa condo niya.Hahakbang palang siya nang may maramdaman siyang papalapit sa kanya."Magandang hapon po, Sir." pamilyar sa kanya ang boses. Kaagad na humarap si Ryder sa nagsalita.Isang matamis na ngiti ang nabugaran niya mula sa babaeng hinahanap ng puso niya kanina pa. Naka-cap at nakatali ang mahaba nitong buhok. T-shirt na pula ang ang suot nito sa pang-itaas at jeans na hapit. Natulala si Ryder. Parang slow-mo na nakikita niya lang ay si Devyn. Wala siyang pakialam sa paligid niya kundi si Devyn lamang. Nag-iba din bigla ang ritmo ng tibok n
Araw nang dalaw sa correctional. Dalawang buwan na hindi nadalaw ni Devyn ang Lola niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa sa matanda na hindi pa niya nakakausap ang binatang Sable. Hindi pa niya napapalousapan ang mga Sable na hayaang makalaya ang Lola niya. Sa tuwing dumadalaw siya ay nagtatanong ito kung ano ng balita sa kaso niya. Wala siyang ibang maisagot. Kundi ang maghintay. Nahahati ang puso niya sa dalawang tao na importante sa buhay niya. Sino ang pipiliin niya? Si Ryder ba na minahal na ng puso niya o ang Lola niya na siyang tanging naging kasama at karamay niya sa lahat?Simula noong isilang siya ay ang Lola Pacita niya ang nagpalaki at nag-alaga sa kanya. Ang Mama niya ay nag-iisang anak ni Lola Pacita. Wala siyang natatandaan na mukha ng kapatid niya. Pati ang mukha ng Mama niya ay hindi niya din maalala.Ayon sa Lola niya. Iniwan siya ng Mama niya sa kanya noong dalawang taong gulang pa lamang siya. Sakitin ang kanyang isa pang kapatid. Kaya nagpasya ang Mama ni
Agad na ipark ni Ryder ang kotse niya sa tapat ng bahay na tinutuluyan ng dalaga. Mabilis siyang lumabas mula sa driver seat. Pabalya na isinarado ang pinto ng kotse. Nakalikha ng ingay na ikinalingon na mga taong nagtatambay at mga dumadaan sa harap ng harap nina Devyn."Devyn—! Devyn—! Lumabas ka diyan! Mag-usap tayo!" mga sigaw ni Ryder. Habang malakas na kumakatok sa pinto ng bahay nina Devyn.Walang sumasagot. Lumapit siya sa bintana at sumilip. Mula sa labas ay ramdam niya na may tao. Muli siyang pumunta sa pinto at malalakas na hinampas ang pinto.Umiiyak na nakasandal si Devyn sa pinto ng kuwarto niya. Panay ang punas niya ng mga luha niya. Ang isang kamay ay nasa kanyang dibdib."Devyn, hindi kaba lalabas ng kuwarto mo?" dinig niyang tanong ng Tiya Teresa niya. Kumakatok na din ito sa pinto.Hinawakan ni Devyn ang seradura at pinihit pabukas ang pinto. Kaagad siyang hinawakan ng Tiya niya sa braso. Saka, hinila palabas ng kuwarto. Napasinghap si Devyn sa ginawa ng Tiya Teres
Umaga na. Katitilaok palang ng manok sa labas. Tulog pa din si Divina. Maagang gumising si Devyn para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Mag-isang taon na sila dito sa ospital. Kailan kaya makakaalis sila dito na malusog na si Divina? Malungkot na sumulyap si Devyn sa kapatid.Panibagong araw ito para kay Devyn. Excited na siyang simulan ang araw niya na masaya. Pangalawang araw na din niya sa trabaho. At sabik na siyang makita si Chairman Ryder Sable.May ngiti sa labi niya. 'Tsaka kinagat ni Devyn ang labi niya. Ano ba 'yan! Umagang-umaga pumapasok sa isip niya ang amo niya. Napatakip sa mukha niyang namumula ang pisngi.Dalawang beses palang silang nagkakasama. Iba na ang dating sa kanya ni Chairman Sable. Noong nakulong siya sa loob ng elevator ay hinanap siya nito. Hindi niya makalimutan ang matang iyon ni Chairman Sable. Lalo na noong yakapin siya ng binata. 'Di kaya ay nagkakagusto na talaga siya sa amo niya? "Huwag mo ngang pangarapin ang isang Ryder Sable, Devyn. Ang taas 'non
Nakabalik nang ospital si Devyn na nagdadalamhati sa kabiguan. Nawalan na siya ng trabaho. Hindi na din niya makikita pang muli si Sir Chairman. Simula bukas ay maghahanap siya ng bagong trabaho.ahirap maghanap ng trabaho na kagaya sa RSC. Huli na para manghinayang. Hindi din siya magtatagal doon. Kung ganoon ang trato ng ina ni Chairman sa kanya.Dumiretso siya sa loob ng banyo para ayusin ang sarili. Humarap siya sa salamin. Namumugto pa din ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Kinuha niya ang bag niya. At binuksan. Hinanap niya ang powder niya at lipstick. Pipilitin niyang matakpan ang pamumugto ng mata niya.Muli niyang tinignan ang mukha sa salamin. 'Di na masyadong halata. Ang hindi niya maitatago ay ang malulungkot na mga mata niya. Kung titigan mong maigi. Makikita ang pait doon. Sakit at pagdurusa."Matapang ka, Devyn. Makakalimutan mo din si Sir Chairman," usal niya. Huminga siya ng malalim. Naisukbit ang kanyang bag. 'Tsaka, lumabas na ng banyo.Naglakad papunta sa opisina ni
"LOLA!" nalalakas na tawag ng mga anak ni Ryder sa mommy niya. Tumatakbo ang apat na bata palapit sa kanilang lola.Napaawang ang labi ni Antonette nang makita ang kanyang mga apo. "Mga apo ko!" Agad na sinalubong ng yakap at halik ang apat niyang mga apo.Nang bumitaw si Antonette sa mga apo ay pinalis ni Antonette ang mga takas na luha sa kanyang mata. Nag-uumapaw ang saya sa puso niyang makita solang lahat. Ganito siguro ang tumatanda na, nagiging maramdamin."Namimiss niyo na ang mga bata. Kaya andirito kami ng mga apo niyo." Nilapitan ni Ryder ang ina at hinalikan ito sa ulo. Lumapit na rin sa kanila ang asawa niya at humalik sa noo ng biyenan."Huwag na kayong umiyak, mom. Dito kami sa bahay niyo isang buong araw. Sorry po dahil sa busy ako sa mga bata 'di na kita nadadalaw dito," taos sa pusong hingi ng paumanhin ni Diane sa ginang."Naiintindihan ko. Pasensiya na kayong mag-asawa. Pati ako ay kailangan ninyong alagaan." Muling pinunasan ni Antonette ang mga luha niya. "Doon ta
NASA kusina na si Diane nag-aasikaso ng pagkain ng mga anak na papasok sa eskwelahan. Hinayaan niyang matulog at makapagpahinga ang asawa."Mommy, may school program po kami sa school. Family day po. Puwede po ba kayo ni daddy?" tanong ng anak nilang si Junior."Tatanungin ko muna si daddy. Baka kasi maraming work. Pero kung hindi makakasama ang daddy mo. E, 'di si mommy na lang."Nalungkot naman si Junior sa tinuran ng ina. "Sana po, kasama natin si daddy. Masaya po kung kompleto. Palagi naman pong busy si daddy. Wala na po siyang time para sa atin." Nahimigan ni Diane ng tampo ang pangalawang anak nila.Hindi naman nagkukulang sa atensyon si Ryder sa kanila. Minsan nga ay ito ang nag-aasikaso sa kanilang mag-iina. Iyon lamang ay kapag kailangan siya sa kompanya ay hindi puwedeng 'di puntahan ng asawa. Masyadong babad sa trabaho si Ryder at alam niyang para iyon sa future ng mga anak nila."May work lang si daddy. Hayaan mo kakausapin ko siya. Kailan ba ang family day sa school mo, J
MAAGA pa ay nasa kompanya na si Ryder. Pinaiimbestigahan na niya ang pagkawala ng malaking pera sa RSC. Wala namang problema kung nasa libo lang siya, pero daan-daang libo ang nawawala.Kailangan na niyang mahuli ang kumuha para hindi mawalan ng gana ang kanyang mga investor na mag-invest sa RSC.Hawak-hawak ni Cassandra ang files. At lahat ng withdrawal ay pirmado. Pero nasaan ang pera? Tila naging palaisipan sa kanya ang matapang na kumukuha ng pera ng kompanya.Nanlaki ang mga mata niya sa handwritten na pirma sa isa sa mga cheque. Mabilis siyang tumayo, dala ang folder na naglalaman nang mga kopya ng withdrawal at ang detalye ng mga pumapasok na pera sa RSC.Paanong hindi sumagi sa isip niya? Sakay na siya ng kotse niya kakastiguhin niya. Gusto niyang marinig ang mga paliwanag nito.Ilang minuto lamang ang nagdaan ay narating ni Ryder ang bahay nila."Good morning, kuya. Anong mayroon, napasyal ka?" tanong ni Raleigh."Nasaan si Mommy?""Huh? Bakit, kuya?" Nagtataka si Raleigh sa
NAGISING ng maaga si Ryder. Napatingin siya sa katabi at matamis na ngumiti. Tiyak na napagod si Diane. Kaya siya ang mag aasikaso sa mga bata at magluluto ng kanilang almusal.Pupungas pungas si Wenna na lumapit sa ama. Nasa likuran lang din si Petra, ang yaya ng bata."Good morning, daddy," bungad na bati ni Wenna sa ama."Good morning, my princess." Malawak na ngumiti si Wenna. At yumakap sa ama. Kumalas ito sa yakap niya at hinarap siya ng anak."Ano pong niluluto niyo, daddy?" tanong ng anak niya. Inosenteng inosente ito. "Breakfast natin. And especially for mommy too."Napahagikhik ang anak niya. Hakatang kinikilig. "Ang sweet ni daddy. I hope someday makatagpo din po ako ng katulad niyo."Kumunot ang noo ni Ryder sa narinig mula sa anak. "Wait. You are only four years old, my princess. Bata ka pa. Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"May ngiti na kakaiba ang panganay niya."Dad, siyempre po sa inyo. Nakikita ko kayo everyday ni mom na sweet palagi. And you always makes her hap
NAGING sobrang maalaga ni Ryder sa kaniyang asawa. Maselan ang pagbubuntis ni Diane. Hind ito puwedeng mapagod o magkikilos. Bed rest siya at halos nasa loob lang ng kuwarto nilang mag-asawa.Nalulungkot ito na hindi na siya naaalagaan nito. Kaya ginagawa niya ang lahat para hindi ito makaramdam ng panghihina. Isa pa para ito sa anak nilang dalawa. Kailangan niyang magiging matatag para lumaban si Diane. "Love, gusto kong lumabas dito sa kuwarto natin. Ayoko na dito sa loob ng kuwarto lang. Naiinip na ako, e. Wala na akong ginagawa kundi ang humiga," reklamo nitong pangungumbinsi na lumabas ng kuwarto."I'm really sorry, love. Pero hindi puwede. Ginagawa namin ito para sa inyong dalawa ni baby. Ayokong mapahamak ka o kaya ang anak natin. Konting tiis lang. Three months lang naman."Advice ng doktor na manatiling bed rest si Diane dahil sa sobrang maselan ng pagbubuntis. Muntik muntikan na itong makunan. Kaya todo ang ingat nila.Nakasimangot na humalikipkip si Diane.Medyo natawa nam
Dalawang buwan ang naging honeymoon nina Ryder at Diane sa Japan. Kung saan-saan sila namasyal. Kahit na malayo silang mag-asawa ay halos araw-araw silang tumatawag sa Pilipinas, para kumustahin ang panganay nila."Are you happy, love?" tanong ni Ryder kay Diane. Katatapos lang nila ng mainit na pagniniig.Humarap ito sa kanya. "Sobra-sobra, 'yong saya halos umabot na sa langit. Hindi ko alam na ang sarap mo palang magmahal, love."Napaismid si Ryder. "Hindi nga? Baka naman ang alaga ko ang mahal mo? Are you satisfy, love?" Sunod-sunod na tango ang sagot ni Diane sa kanya."Hindi lang ang puso mo ang malaki ang pagmamahal. Pati iyang alaga mo sobrang laki ng pagmamahal sa akin. Kaya wala akong rason para hindi maging satisfy sa lahat. Sobra-sobra pa nga ibinibigay mo sa akin."Ginawaran ng halik ni Ryder sa noo ang asawa at niyakap."I love you, love. Ikaw lang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda natin. Kahit uugod-ugod na tayo at hindi na tumatayo ang alaga ko. Tayo pa din."Hi
NANG matapos ang kasal. Pagod na pagod ang mag-asawa sa buong maghapon na pakikipagkamay sa lahat ng bisita na nagpapaabot ng mga pagbati."Are you tired, love?" tanong ni Ryder sa asawang hinihilot ang sintido. Suot pa din ang wedding gown at nasa bagong bahay na nila. Marahan na tumango si Diane. Nilapitan ni Ryder ito at niyakap sa likuran. Ginawaran ng isang magaang halik sa batok. "Baka gusto mong alisin ko ang pagod mo? With a touch of full love and me."Humagikhik si Diane sa tinuran niya. Pagkatapos ay humarap sa kanya. Tumitig sa mga mata niya."Love, kailangan nating matulog ng maaga. Bukas na ang flight natin papuntang Japan."Trip to Japan ang regalo ng mommy niya sa kanilang kasal. Pati ang bagong bahay ay ito din ang nagbigay. Si Raleigh ay isang ducati at BMW ang niregalo sa kaniya. Habang si Owen ay private plane na sasakyan nila bukas ang regalo sa kanila. Sumimangot ang mukha ni Ryder. Akala niya lulusot ang pang-aakit niya sa asawa. Laglag ang balikat na bumitaw
HINGAL NA HINGAL si Ryder ng makarating sa lobby. Naghagdan na siya dahil baka hindi na niya maabutan si Diane."Palpak! Ngayon magtanda ka na! Dinadaan sa init ng ulo. 'Yan tuloy," pangsisisi ng sariling utak niya. Inaway pa niya ang sarili sa nagawa.Napabuga ng hangin si Ryder."Sir!" sigaw na tawag ng kung sino.Huminto siya sa pagtakbo at nilingon ang tumawag sa kanya."Yes, Cassandra, " iritado pa din ito na nakapameywang."Hinahanap niyo po ba si Diane?"Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya ng marinig ang pangalan ni Diane.Tumango lang siya bilang sagot dito."Nasa cafeteria po kami. Dating gawi," dagdag na sabi ni Cassandra sa kanya.He feel relieved. Saka ngumiti pagkatapos ay tumawa ng malakas.Nagtataka ang tingin ni Cassandra sa kanya. Pati ang mga ibang dumadaan ay napapatingin sa kanya. Natuto ng ngumiti at tumawa ang chairman nila."I thought iniwan na niya ako. F*ck it! Thank you, Cassandra! I will give you bonus. At dagdag sa sahod mo," biglang nasabi ni Ryde
MABILIS na tumatakbo si Diane papunta sa kuwarto kung saan dinala daw si Ryder. Hindi niya pa alam ang totoong nangyari sa binata. Pero sobrang kaba at takot ang namayani sa kanya.Paano kung huli na ang lahat para sa kanila ni Ryder? Iiwan na pala siya ng tuluyan ng binata. Hindi man lang siya nakabawi dito. Paano na lang siya kapag nagkagayon mawala ito?Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan na mga tanong. Paano kung magkatotoo ang lahat ng iyon?Agad na nilapitan niya ang isang nurse sa information. "Saan po ang kuwarto ni Mr. Sable?" Chineck 'nong nurse ang computer na nasa harapan niya."Room 108 po," magalang na sagot nito sa kanya."Salamat."Umalis din siya kaagad sa information. Saka hinanap ang sinasabi na room number kung saan andoon si Ryder."Room 108. Ito na nga," usal niya sa isip.Nag-alangan siya kumatok. Sari-sari kasi ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Sobrang takot dahil ayaw niyang makitang nakahiga si Ryder at walang malay. Maraming nakakabit na machine