Share

Kabanata 10 Mapagmahal na Ama at Magalang na Anak

Saglit na napatigil ang nasa kabilang linya bago galit na sumagot si Benjamin, “Kailan ko ba sinabing matulog ka kasama siya? Kung hindi mo kayang hawakan ang project, ‘wag kang gumawa ng dahilan para iwasan ang responsibilidad mo!”

Napakunot ang noo ni Chloe at sumagot, “Hindi. Siya ang unang gumalaw sa akin—”

“Isang buong taon na naming ginagawa ang project na to at sinira mo lang sa huli. Dahil sa iresponsable mong ugali nagdulot ito nang malaking pagkalugi sa kumpanya.

“Hindi ko yun kasalanan! Kung ayaw mong kong paniwalaan, pwede mong tignan ang surveillance camera sa building.”

“Tama na! ‘Wag ka nang mag-dahilan. Either panagutan mo ang pagkalugi ng kumpanya o humingi ka ng pasensya kay Mr. Lionel at mag-makaawang i-sign ang kontrata. Huling pagkakataon mo na ito!”

At dahil don, ibinababa na ni Benjamin ang phone at nag-iwan lamang ng malamig na pakiramdam habang ang mechanical dial tone ang mga narinig sa tenga ni Chloe.

Napatingin si Chloe sa phone screen kung saan naka-display ang salitang “Dad” at natahimik. Napatigil siya sa kanyang kinatatayuan bago may bumusinang sasakyan sa kanyang likuran at bumalik sa reyalidad. Tahimik siyang gumilid para magbigay ng daan at nag-sorry.

Sa pagkakataong iyon, lumabas si Nathan at nakita si Chloe na nakatayo sa crossroad. Gamit ang rearview mirror, napansin niya si Joseph na naka-upo sa likod ng sasakyan na nakatingin sa direksyon ni Chloe.

Nagdalawang-isip siya bago magtanong, “Isakay ba natin siya?”

Kaswal na binaba ni Joseph ang window at pumasok ang malamig na hangin. Naghiwalay ang manipis niyang labi at bago pa siya magsalita, tumingin din si Chloe sa kanilang direksyon.

Nang makita ng babae na si Joseph iyon, ang kalungkutan at pagkadismaya sa kanyang mukha ay agad na nawala. Ang mala almond-shape niyang mga mata ay lumiwanag habang siya ay kumakaway at tinawag, “Jojo!”

“Pfft!” Napa-tapak si Nathan sa brake at napatawa. “Jojo?”

‘Sinabi pa niyang ‘di sila close.’

Nanlumo ang mukha ni Joseph habang binalaan si Chloe, “Huwag mo kong tawagin niyan.”

“Oo na.” Lumapit si Chloe, nilapag ang kanyang kamay sa window ng sasakyan at paawa niyang tinignan ito, “Pwede mo ba kong i-drive pa-uwi? Mahirap kumuha ng cab dito.”

Hindi siya nagsisinungaling. Lahat ng cab na dumadaan ay kailangang tumigil sa underground parking lot at ayaw niyang bumalik doon.

Tahimik na tinignan ni Joseph ang maluha-luhang mata nito at pagkatapos ng ilang sandali, kalmado niyang inalis ang kanyang tingin. “Pasok.”

Isang maliwanag na ngiti ang lumabas sa mukha ni Chloe. “Salamat!”

Nang makapasok ng sasakyan, napansin niya na ang taong naka-upo sa front seat ay ibang tao na ‘di tulad ng dati.

“Hello, Nathan Reese pala,” Pagpapakilala ni Nathan sa kanyang sarili.

Nanatiling tahimik si Joseph habang magalang na sinagot ni Chloe, “Hello, ako naman si Chloe Johnson.”

Ang dalawang naka-upo sa likod ay nanatiling tahimik at agad na tinikom ni Nathan ang kanyang bibig.

Mabilis ang byahe at komportable ang lamig sa loob ng sasakyan. Kalaunan ay nakarating na si Chloe sa kanyang destinasyon. Dahil hindi siya sigurado kung alam ni Nathan ang relasyon nila ni Joseph, pinili niyang bumaba sa tabi ng kalsada malapit sa villa.

Pinanuod siya ni Nathan umalis at nagtanong, “Joe, nakatira ka ba sa lugar na to? Mukhang magkalapit lang kayo sa isa’t-isa.”

“Masyado kang madaldal ngayon.”

“Narinig ko na lagi kang pinipilit mo na magpakasal. Nag-aalala lang ako sa kinabukasan mo. Sa tingin ko ay maganda ang sinasabi ng lolo mo.”

Ang manipis na labi ni Joseph ay kumunot na may panunuyang ngiti. “Kasi maganda siya?”

Para kay Nathan, kahit sinong babae na may magandang mukha ay kaakit-akit.

“Maganda talaga siya pero ang mas mahalaga ay kaya niyang ma-control ang kanyang emosyon nang maayos. Buti na lang hindi niya hinahayaang naapektuhan ng kanyang negatibong emosyon ang ibang tao.”

Nagulat si Joseph at kanyang inutos, “Pumunta tayong Fairlight.”

Wala siyang pagkakataong bumisita sa lugar na iyon mula ng siya’y bumalik, at ito na ang oras para gawin iyon.

*

Bumalik si Chloe sa villa at nakaramdam ng kakaiba nang makita ang hindi pamilyar na lugar.

Nakagawian niyang binuksan ang food delivery app para bumili ng pagkain, pero pagkatapos ibigay ang kanyang order, napagtanto niya na meron nalamang siyang $150 na natitira sa kanyang banko!

Bigla niyang naalala na hindi binayaran ni Benjamin ang kanyang sahod sa loob ng tatlong buwan. Hindi niya rin binigyan ng bonuses ito nang halos isang taon. Siya’y nag-text sa kanyang mga kakilala at sa kompanya at nalamang natanggap nila ang kanila sahod sa oras kada buwan maliban sa kanya.

Agad niyang tinawagan ang finance department at nakatanggap ng mayabang na sagot, “Ito ang desisyon ni Mr. Benjamin. Kung ikaw ay may katanungan, pwede mo itong i-akyat sa kanya nang direkta.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status