Share

Kabanata 13 Misteryosong Tao

Bumagsak ang mga balikat ni Emily nang kanyang sinabi, “I’m sorry, Coco. Isang posisyon lang ang pwede para sayo at mayroon nang nakakuha ng slot na iyon.

“Pero ang headquarters ng Fairlight ay lumipat sa bansa natin at hindi ito malayo dito. Nabasa ko sa online na naghahanap sila ng Estrenian translation specialist. Maganda ang Estrenian mo at mayroon kang certification. Siguradong pasok ka para doon. Bakit hindi mo subukan?

“Ibig mo bang sabihin yung Fairlight group na nag-comeback ilang taon nang nakalipas?” Tanong ni Chloe habang nakatutok ang kanyang tingin kay Emily.

“Oo! Yun nga!” Wika ni Emily habang tinuturo ang mataas na building sa hilaga. “Andun ‘yon. Hindi iyon malayo dito. Narinig ko na nag-aalok sila nang magandang benepisyo. Kung makuha mo ang trabaho, pwede tayong lumabas para kumain araw-araw pagkatapos ng trabaho!”

Sinundan ni Chloe ang itinuturo no Emily at tinignan ang gitna ng lungsod kung nasaan ang pinakamataas na commercial building na nagbago kasama ang dalawang prominentang salita—Fairlight Group— na itim at ginto ang nakasulat sa itaas nito.

Kumurap ang mga mata ni Chloe. Limang taon na ang nakakalipas, ang Fairlight Group ay nasa bingit ng bankruptcy pagkatapos pumalya ang kanilang investments. Pagkatapos, isang misteryosong lalaki ang tumayo para pamunuan ang kumpanya at nakatanggap ng paghamak ng iba’t-ibang leader ng industriya na nagsabing siguradong malaki ang matatalo ng kumpanya kung siya ang namumuno. Naging mainit na paksa ito noong mga panahong iyon.

Ikinagulat ng lahat dahil pagkatapos ng ilang taon, ang misteryosong lalaki na namuno sa kumpanya ay nabalik ang dating lakas ng kumpanyang ito. Hindi lamang niya nagawang madaig ang nakaraang kalugian ng kumpanya, nakatanggap din siya nang ‘di mabilang na parangal na nagtaguyod sa kanyang sarili bilang nangungunang financial genius.

Naniniwala si Chloe na kung makakakuha siya ng trabaho sa ilalim ng gabay ng isang matalino at may kakayahang namumuno, ang kanyang kinabukasan ay magiging tulad ng siya pa ay nasa Artron.

Gayunpaman…

“Hindi ako major ng finance,” pag-aalalang wika ni Chloe, “Sa tingin mo ba bibigyan nila ako nang pagkakataon?”

“Well, paano mo malalaman kung ‘di mo susubukan?” Sagot ni Emily.

Napa-isip si Chloe ukol dito at nag-umpisang magdalawang-isip nang kanyang maalala ang laman ng kanyang bank account. Pagkatapos ng ilang sandali, tumango siya, “Sige! Magpapasa ako ng aking resume ngayong gabi!”

Pagkatapos kumain kasama ni Emily, sumakay ng bus si Chloe pabalik ng villa ni Joseph. Sa sandaling pumasok siya, tinanggap siya nang mabangong amoy galing sa masarap na pagkain.

Naka-upo si Joseph sa lamesa suot ang gray casual outfit habang malugod siyang kumakain. Mukhang katakam-takam ang pagkain na nasa lamesa. Sumulyap siya sa kanya at doon lamang niya napagtanto na ang pagkain ay para sa dalawang tao.

Hinimas niya ang puno niyang tiyan na may kaunting paghihinayang. “Kahit na gusto kong umupo at kumain kasama ka, hindi na kaya ng sikmura kong kumain pa.”

“Tumigil ka na sa kakakain sa labas dahil mahina ang iyong sikmura. Maaaring masira na naman ang iyong sikmura kung aksidenteng makakain ka nanaman ng pagkaing niluto gamit ang mumurahing mantika,” wika ni Joseph.

Hindi napigilan ni Chloe na magtaas ng mata. “Hindi ba kaya ng lalaking ‘to magsabi ng maganda?”

“Kumain na ako ng malaking bowl ng chicken soup ngayong araw,” kanyang sinabi. Gayunpaman, bilang ordinaryong tao, paano niya ma-ikukumpara ang sarili niya sa lalaki na nasa harapan niya na lumaki sa mayamang pamilya? Maliwanag na may mayamang panlasa ito pagdating sa pagkain. Hindi siya masyadong kumain ng takeout kahapon dahil siguro hindi ito masarap. Tiwala siyang kumuha ito ng chef para magluto para sa kanya ngayong araw.

Siguro kailangan na talaga ni Chloe na mag-enroll sa mga cooking classes sa lalong madaling panahon dahil ang daan para sa puso ng lalaki ay sa pamamagitan ng pagkain. Kung tutuusin, wala na siyang trabaho. Kung hindi niya sasamantalahin ang pagkakataon, maaaring pulitin siya sa kalsada.

Hindi na nag-abala pang magsabi ng kung ano pa man si Joseph o ipaalala sa kanya na ang chicken soup na iyon ay walang magandang dulot sa kanyang sikmura.

Bumalik si Chloe sa kanyang kwarto at tumingin sa opisyal na website ng Fairlight. Nahanap niya ang recruitment section at nalaman na naghahanap sila ng Estrenian translator. Maganda ang benepisyo, at ang pinakamahalaga, kalahating oras lamang ang layo ng opisina gamit ang bus.

Ginugol niya ang buong gabi para ayusin ang kanyang resume at nilabanan ang kanyang kaantukan. Sa wakas, na-ipasa na niya ito sa email ng kumpanya at bumagsak sa kanyang desk dahil sa sobrang pagod pagkatapos makita ang successful submission notification.

Pagkatapos ng hapunan, pumunta ng study area si Joseph at nilaan ang iilang oras para suriin ang financial reports. Minasahe niya ang kanyang ulo bago tumayo para pumunta ng garden para lumanghap nang sariwang-hangin. Nang napadaan siya ng guest bedroom, napansin niya ang mahinang liwanag sa ilalim ng pintuan na naiwang nakabukas. Napakunot ang kanyang kilay at lumapit para similip sa loob.

Doon, nakita niya si Chloe na nakahiga sa tabi nang lilac at low-cut na nightgown. Mukha siyang mahina. Ang lampara sa tabi ng kanyang lamesa ay nagpakita ng anino sa kanyang maputing leeg na umabot pababa na bahagyang natakpan at pinakita ang kanyang kagandahan.

Nandilim ang mga mata ni Joseph at inabot ang pintuan para isara.

Nang marinig ang malakas na “Click,” agad na nagising si Chloe sa kanyang pagtulog. Narinig niya ang mga yapak sa labas ng pintuan na unti-unting nawawala at ang kanyang isip ay bumalik sa realidad.

Nang pumunta si Chloe sa garden, nakita niya si Joseph at nagtataka itong tinanong, “Kumatok ka ba sa pintuan ko ngayon lang?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status