Share

Kabanata 2 Baog

Tumingin ang lalaki kay Chloe nang panandalian bago niya nilihis ang kanyang tingin.

Tila siya’y astig at malamig.

Tinignan ni Chloe ang kanyang likod at bumulong kay Emily, “ Ma-una ka na. Tatanungin ko lang ang number niya.”

Nanlaki ang mga mata ni Emily at kanyang tinanong, “Irereklamo mo ba si Jake sa kaniya?”

“Ang paghihiganti gamit ang sarili mong mga kamay ay mas masayang gawin kaysa sa ibang tao ang gumawa nito para sayo,” wika ni Chloe na may mapaglarong at malasalamin nitong mga mata.

‘Di alam ni Emily kung ano ang kanyang mga pinagsasabi. Kanya lamang napagtanto ang gustong gawin ni Chloe pagkatapos nitong bumalik sa kanilang booth. Ngunit, hindi niya tinanggi ang katotohanang napakagandang lalaki ng tiyuhin ni Jake.

Napagtanto ni Emily na handang dumaan si pinaka-sukdulan si Chloe para lamang makapag-higanti ito kay Jake.

Nang siya ay tamaan na ng alak, ibinaba ni Chloe ang nakapusod niyang buhok, kumuha ng baso ng alak, and naglakad papalapit sa lalaki. Sa di inaasahan, biglang nag-ring ang phone na nasa lamesa. Kanyang sinagot ito, tumayo, naglakad, at nilampasan si Chloe palabas.

Nanigas si Chloe. Hindi niya in-expect na umalis agad-agad ang lalaki. Hindi man lamang niya ito nakausap!

Pagkatapos mag-alinlangan nang ilang segundo, bumalik muli sa kanyang isipan ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Jake, nang may walang kakaba-kabang paglakad, sinundan niya ang lalaki.

Sa pag-alis ng bar, sumakay ito sa kanyang Rolls-Royce. Lumapit si Chloe sa sasakyan, pinakita ang akala niyang best pose niya, at tinaas ang kamay para kumatok sa bintana ng sasakyan.

Bumaba ang bintana at nakita niya ang lalaking naka-upo sa backseat ng sasakyan. Nagtaas ito ng kilay at tumingin kay Chloe sa mapagmataas na paraan. Pagkatapos lumabas sa madilim na bar, lumitaw ang mas kapansin-pansin at marangal na itsura nito. Ang walang kapintasang itsura nito ay para bang karakter sa fairytale na muling nabuhay na naglalabas ng kakaibang alindog.

“Oh gosh, mas pogi pa siya kay Jake!” Pasigaw na sabi sa sarili ni Chloe.

Nagtanong ni Chloe, “Excuse me, sir, pwede bang mahiram yung phone para tumawag? Patay na kasi phone ko.”

Umangat lalo ang kilay ng lalaki nang marinig ang request. Mukha siyang nagulat, mabuti nalang ay hindi niya ito harap-harapang ni-reject.

Kinakabahang hawak-hawak ni Chloe ang kanyang mga kamay na may kumikinang na mga mata.

Nanatili ang tingin ng lalaki sa kanya nang ilang segundo bago niya pinindot ang power button para isara ang bintana. Pero, bago niya pa ito mapindot muli ay tumunog ang kanyang phone. Napa-kunot ang kaniyang noo at nag-aatubiling sinagot ang kanyang phone.

“Kung gusto mo ang mga babaeng ‘yon, kunin mo. Wala akong pakialam kung isa sa kanila ang maging bago kong lola.”

“Ikaw walang hiya ka! Gusto mo ba talagang tumigil ang lahi natin sayo?!”

Kahit na malayo, malinaw na narinig ni Chloe ang galit na boses na kausap nito. In-assume niya ito na isang masiglang matanda, pero hindi iyon ang punto niya. Sa tingin ni Chloe ay pilit na ipinapakasal ang lalaking ito sa iba.

“Hindi ba chance ko na to?”

Bahagyang umangat ang baba ng lalaki habang nangkukutya sa tonong nababagot, “Kaya nga pakasalan mo ang isa sa kanila kung gusto mo.”

“Ikaw walang utang na loob na bata ka! Paano mo ko napagsasalitaan nang ganyan?!”

Pagkatapos masabi ang mga salitang iyon ay narinig ang pagbagsak sa sahig sa kabilang linya ng phone, na sinundan ng paghingal.

“Sir! Ayos ka lang ba?!”

“Bilis! Tumawag kayo ng ambulansya!”

“Sir, may sakit sa puso ang iyong lolo. Ayos lang ba talaga ito?”

Minasahe ng lalaki ang kanyang ulo dahil sa pagka-dismaya, kita ang inis na sinasabing hindi ito ang unang beses na nangyari ito.

Nakuha ni Chloe ang gustong iparating ng usapan na iyon. Nilakasan niya ang kanyang loob at sinabi, “Sir, single ako.”

Lumingon ang lalaki at tinanong na para bang walang pakialam, “And?”

Siguro ay matagal na siyang nasa labas o ang boses ng lalaki ay walang emosyon, dahil unti-unting nawala na ang kalasingan ni Chloe. Kanyang napagtanto ang kanyang nasabi at siya ay nahiya.

Ngunit, mas nakakahiya kung ngayon pa siya aatras.

Nagpanggap na kalmado si Chloe at sinabing, “Actually, dinala ko ang phone ko at lumapit sayo para makipag-usap. Sa narinig ko, pilit kang pine-pressure ng pamilya mo para makasal. Ganun din ginagawa ng pamilya ko sa akin. Siguro… matutulungan natin ang isa’t isa?

“Sigurado ka ba?” Tanong ng lalaki, ang itim niyang mga mata ay tila kumikislap ngunit hindi masaya. “Baog ako, at ayokong sabihin sa pamilya ko dahil ayoko silang masaktan.”
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh kaya ayaw mag asawa ng tiyuhin ni jake fahil baog daw
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status