Share

Kabanata 5 Paano Kung Mauna Kang Mahulog sa Akin

Kinabukasan ng hapon.

Pagkatapos umalis nina Benjamin ng bahay, nag-impake si Chloe ng kanyang mga gamit kasama ang kanyang identity card at dinala ito papunta sa pinagkasunduan nilang lokasyon. Nang makita ni Joseph ang mga bagahe sa kanyang mga kamay, kanyang tinanong, “Naglayas ka ba?”

Hindi sinagot ni Chloe ang kanyang tanong at sa halip ay sinabing, “Pwede kitang pakasalan pero kailangan ko nang pansamantalang matutuluyan.”

“Tapos?”

“Yun lang.”

Kinuyom ni Joseph ang kaniyang kamao at malamig niyang sinabi, “Huwag kang umasa na bibigyan kita ng higit pa sa pera.”

Hindi niya magawang hindi mapansin ang katotohanang ang kasal ay isang bagay na para sa mga babae ay maganda at sagradong bagay. Itong babaeng ‘to siguro ay gusto nang ibang pang mapapakinabangan kapalit nito. Hindi siya naniniwala na wala na siyang gusto pang-iba.

Para bang kaya niyang basahin ang kanyang isip, Binigyan ni Chloe ng matamis na ngiti at panukso niyang sinabi, “Mr. Joseph, walang tiyak sa mundong ito. Paano kung ikaw ang unang ma-inlove sa akin?

Hindi porket nagkaroon siya ng basurang ex-boyfriend ay walang ng lalaki ang magiging interesado sa kanya. Sikat siya sa mga lalaki at maraming manliligaw noong kabataan niya.

Napasingkit ang mga mata ni Joseph at tinuon ang tingin sa babae sa kanyang tabi. Maganda ang kanyang balat at kumikinang sa ilalim ng araw.

“Magandang bagay ang maging confident.” Kanyang pangutyang sinabi.

Dalawampung minuto ang lumipas, tahimik na tinitigan ni Chloe ang certificate sa kanyang kamay. Noong isang araw, di niya lubos maisip na ikakasal siya sa lalaking hindi niya man lang nakilala ng isang araw. Isa itong ‘di kapani-paniwalang pangyayari.

Sinabi ni Joseph kay Chloe na halos ‘di niya ito tignan, “ Kung kailangan mo pa nang iba, tumawag ka lang sa number ko na nasa card.”

“Okay,” sagot ni Chloe, na nakaramdam nang kahihiyan, “Um, saan ako pwede tumuloy?”

“Dadalhin ka ng driver duon.”

Mabilis na tiningnan ni Joseph ang kaniyang relo at sumakay sa panibagong sasakyan at kumaripas paalis.

“Ms. Chloe, tulungan na kita sa mga bagahe mo,” sabi ng isang middle-aged na lalaking may malaking na mukha.

Nakilala siya ni Chloe bilang driver ng Rolls-Royce nuong isang gabi. Tumango siya at sinabi, “Salamat.”

Nagmaneho nang maayos ang driver at ang loob ng sasakyan ay sobrang komportable. Si Chloe na walang tulog kagabi ay ‘di na kinaya ang pagod at nakatulog.

Nang tumigil ang sasakyan dahil sa traffic light, saktong tumigil sa tabi ang sasakyan ni Jake. Nakasakay sa passenger seat, agad na nakita ni Ava si Chloe na natutulog sa back seat ng Rolls-Royce.

“Diba si Coco yun?” Napasigaw siya sa gulat, napuno nang inggit ang kanyang mga mata.

Sinundan ni Jake ang kanyang tingin at nakita ang emblem ng sasakyan. Pagkatapos nuon, tumingin siya at nakita ang middle-aged na lalaking nagmamaneho sa harap at napakunot ng kilay dahil sa pagkasuya. “Lalo siyang nawalan ng hiya. Kahit na wala na ko sa kanya, kailangan ba talaga niyang sumama sa lalaking kasing tanda na ng ama mo?”

“Sigurado ako hindi ganung tao si Coco,” wika ni Ava, habang nginunguya ang kanyang labi. “Siguro nasali siya sa isang gulo kagabi o dahil sa nangyari kahapon na gumulo sa isipan niya kaya ‘di na siya makapag-isip nang tama…”

“Sigurado ako na nagpapaka-walanghiya lang siya. Ava, alam kong may mabuting loob ka pero mas maganda kung sasabihin mo sa ama niyo ang tungkol dito. Kung tutuusin, hindi ito makakabuti sa reputasyon ng inyong pamilya kung may ibang makakita nito.

Binaba ni Ava ang kanyang ulo para hindi makita ni Jake ang ngisi sa kanyang mukha at mahinhing niyang sinagot, “Sige, sasabihin ko kay papa.”

*

Nang imulat ni Chloe ang kanyang mga mata, nalaman nalang niya na tumigil ang sasakyan sa harap ng villa.

Habang dinadala ng driver ang kanyang mga maleta papasok, sinabi nito, “Ms. Chloe, pwede niyong gamitin kahit anong kwarto sa second floor pwera lang yung nasa gitna.”

“Pwera yung kwarto sa gitna?”

“Opo, kwarto po kasi ni Mr, Joseph iyon.”

Bahagyang natigilan si Chloe, akala niya na bibigyan lang siya ni Joseph nang kahit anong lugar para manatili. ‘Di niya lubos akalain na papatirahin siya sa kanyang bahay.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku jake sige lang magpadala ka sa kunwaring kabaitan ni ava
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status