Share

Kabanata 6 Pakikipagrelasyon sa Matanda

Napansin ng driver na nag-aalala si Chloe at kanyang ipinaliwanag, “Kababalik lang ni Mr. Joseph ng bansa kamakailan lamang. Walang ibang lugar siyang pwedeng tirahan kundi itong ancestral mansion kaya panandalian niyang binili ito. Kung inyong mamarapatin, pwede ko siyang kausapin.”

“Hindi, hindi, ayos lang!” Nakalimutan niya na si Joseph ay tumira sa ibang bansa nang ilang taon. Normal sa kanya na walang bahay dito. Nang kanyang naisip, ang pagtira sa iisang bubong ay mas magandang option para mas mapalapit sa kanya.

Sa sandaling umalis ang driver, kinuha ni Chloe ang kanyang bagahe at tumungo sa kanyang kwarto na nasa tabi ng kwarto ni Joseph.

Lagpas na ng alas singko ng hapon nang natapos siyang mag-unpack. Pumunta siya sa sala at sinuri ang lugar. Kakaunti lamang ang dekorasyon ng villa, mayroon lamang itong mga kinakailangan para sa mga tititra at maraming libreng espasyo. Tulad ng sinabi ng driver, mukhang kamakailan lang talaga dumating dito si joseph.

Napatingin si Chloe sa refrigerator. Nang binuksan niya ito, nakita niya na puno nang mga sariwang ingredients ito. Nanliwanag ang kanyang mga mata at dali-daling naghanap ng online cooking tutorials. Kung tutuusin, bilang isang asawa, may obligasyon siyang pagsilbihan ng mainit at sariwang pagkain ang kanyang asawa pag-uwi.

Pagkatapos ng kalahating oras, nakauwi na si Joseph.

Pagkatapos marinig ang tunog na may papasok ng bahay, agad na sumulyap ng tingin si Chloe sa lalaking nagpapalit ng sapatos sa foyer. Mayroon siyang malapad na balikat, mahabang binti, at magandang katawan na sakto sa kanyang suot.

Tulad ng iba, mahirap din kay Chloe pigilan ang sarili laban sa magagandang bagay. Hindi niya napigilang magnakaw ng ilang tingin muli bago magsalita nang may ngiti sa mukha, “Mauna ka na at magpahinga. Tatawagin nalang kita kapag handa na ang pagkain.”

Itinaas ni Joseph ang kanyang ulo at tumingin kay Chloe na nakatayo sa kusina. Mayroong ngiti sa kanyang mukha at nakasuot ito ng apron. Pagkatapos ng ilang sandali, kanyang sinagot, “Okay.”

Akala niya na alam ni Chloe magluto, pero lingid sa kanyang kaalaman na ito ang unang beses na magluluto si Chloe kaya naman ay hindi ito naging maayos.

Napasimangot si Chloe nang makita ni Joseph ang sunog na pork chop sa kanyang harapan. Nag-alinlangan siya saglit bago kumuha ng kapiraso nito at kinain.

Napakunot ang kanyang buong mukha. “Pwede… pwede pa siguro ito. Medyo mapait lang.”

Gayunpaman, sigurado siya na ang katulad nito ay hindi kakainin ni Joseph. Kahit pa kainin niya ito, hindi niya kayang ipahiya ang sarili dahil sa inihain niyang ito.

Napatingin si Chloe sa oras at alam niya na wala na siyang oras para magluto pa nang iba. Kaya naman, napag-desisyonan niya na mag-order nalang ng takeouts.

Nag-order siya nang maraming putahe pero bago pa niya ilagay ang kanyang order, nakatanggap siya ng tawag sa phone galing kay Benjamin. Sa sandaling kinuha niya ito, pumasok sa kanyang tenga ang galit na boses na nagsabing. “Nasaan ka ngayon?”

Hindi ito ang tamang oras para sabihin niya sa kanyang ama ang patungkol sa kasal nila ni Joseph. Balisa ang kanyang mga mata para mag-isip nang sasabihin.

“Nakina-Em ako.”

Nang marinig niya ang kanyang sagot, lalong nagalit si Benjamin, halos hindi na niya mapigilang pagsabihan siya patungkol sa kanyang kasinungalingan pero pinigilan siya ni Karen.

“Kalma. Mag-focus tayo kung ano ang mas importante.”

“Tama si mommy, maddy. Kailangan nating ma-sign ang order kay Lionel Lynch ngayong buwan…” Dagdag ni Ava nang may pag-aalalang boses. “Pero sabi niya kailangan si Coco para mai-sign ito…”

Tumingin si Benjamin kay Karen at Ava. Pareho silang dedikado sa kompanya. Sa kabilang banda, hindi lang matigas ang ulo ni Chloe sa kanya, nakipagrelasyon pa siya sa isang matandang lalaki. Sa kanyang opinyon, kahihiyan siya ng pamilya.

Habang pinipigilan ang galit ay nag-utos si Benjamin, “Pumunta ka sa Cloudia Restaurant bukas ng gabi para i-sign ang kontrata kay Mr. Lionel.

“Napa-kunot si Chloe. “Hindi ba yun yung project na hina-handle ni Tommy?”

“Nagresign na si Tommy, ikaw na ngayon ang magta-take over.”

“Pero wala akong alam tungkol sa project,” Pagtatalo ni Chloe, napuno ng hinala ang kanyang mukha. “Kung nag-resign si Tommy, diba mas mabuting magpadala kayo ng taong nasa project team para pumirma ng contract kay Mr. Lionel?”

Naubos na ang pasensya ni Benjamin. “Wala akong pakialam! Kung gusto mo, pumunta ka! Kung ayaw mo o sinira mo yan wala ka nang babalikang bahay kahit kailan!”

Pagtapos nun, ibinaba na niya ang phone. Habang natulala si Chloe sa kanyang phone, nagpadala ng project’s data at progress sa email si Benjamin.

Pagkatapos basahin lahat ito, napagtanto niya na ito na ang final step ng signing ng contract tulad ng sinabi ni Benjamin, at malaki ang tutubuin dito. Kung pumalit siya dito, makakakuha siya nang maraming komisyon.

Hindi niya gustong bumalik ng bahay pero hindi ibig sabihin na ayaw niya sa pera.

Nang umalis si Chloe sa kanyang email, napagtanto niya na nakalimutan na niyang mag-place ng order at siya naguluhan. Ang malala, nakita niyang lumabas si Joseph ng study room.

Sumandal siya si Joseph sa door frame, kalmadong tumingin sa direksyon ng stovetop, at nagtanong, “Ready na ba yung pagkain?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status