Share

Kabanata 3 Kailangan ko ng Marriage Partner

Hinala ni Chloe na nagha-hallucinate lang siya at walang malay niyang kiniskis ang kanyang mga tenga bago muling itinuon ang tingin sa lalaki.

Gayunpaman, nanatiling hindi nagbabago ang expresiyon ng kanyang mukha habang kalmadong pinagmamasdan siya.

Lalong tumindi ang determinasyon ni Chloe nang may pag kislap sa kanyang mga mata. “Magiging pranka ako, Hindi ako interesado sa sex.”

Pagkatapos niyang masaksihan ang mga pangyayari sa umagang iyon, nagkaroon siya nang emotional scars pagdating sa aspetong iyon.

Bahagyang nakakunot ang noo ng lalaki habang pinagmamasdan ang mukha ni Chloe nang may nanlalamig na titig. Gayunpaman, tumayo nang matuwid si Chloe habang tinitingnan pa rin ito ng lalaki. Iniwas na ng lalaki ang kaniyang tingin kay Chloe at sinabing, “Pumasok ka sa kotse.”

Nang pumasok na sa kotse, ‘di mapigilan ni Chloe ang kanyang pananabik at kanyang tinext si Emily.

[Chloe: Em, wag mo na kong hintayin. Papunta na ko sa mga magulang ng tiyuhin ni Jake!]

[Emily: ‘Di mo talaga ko binibigong supresahin Coco. Mas mabilis pa sa rocket yung relasyon mo!]

Sa high-end VIP ward ng ospital, si Harold Whitman ay nakahiga sa kama at excited na tinitignan si Chloe mula ulo hanggang paa.

“Pwede ko bang matanong kung sino itong dilag na to?” Kanyang tanong.

Bago pa makapagsalita ng kung ano ang lalaki, kompyansang humarap si Chloe at sumagot nang may ngiti, “Grandpa, girlfriend po ako ng inyong apo. Sa sobrang pagmamadali ko po ay nakalimutan kong magdala ng regalo. Sana po ay mapatawad niyo ako.”

Umupo si Harold, nanginginig ang kanyang boses na may matinding emosyon at kanyang tinanong ulit, “Ikaw ba talaga ang girlfriend niya? Bakit hindi ka niya nabanggit sa akin nuon?”

“Well, naging kami lang kamakailan lang, at kailangan kong mag travel dahil sa busy work schedule ko kaya ‘di ako nakahanap ng tamang opportunity para makita po kayo,” matamis at kaaya-ayang pakinggan sa tenga na sagot ni Chloe.

“Kumakain po kami kanina nang marinig namin na nagkasakit po kayo kaya nag-decide kami na pumunta at bumisita ,” Kaniyang dagdag.

Nakasuot ng Chanel-style suit si Chloe. Meron siyang kahanga hangang features at may inosente at pihikang tingin kaya’t mukha siyang approachable. Ang kanyang mga paa na naka high heels, kung saan exposed ang mala snow-white, at balingkinitang binti. Lumilitaw na para siyang anak ng isang mayamang pamilya.

“Wonderful! Damating narin sa wakas ang batang ito!” Pasigaw na wika ni Harold, malinaw na natutuwa kay Chloe. Di niya mapigilang ngumiti at mukhang taong walang kondisyon sa puso. Mainit niya pa nga itong inimbita na manatili para sa late-night snack.

Halos madaling-araw na nang umalis sila sa ward.

Tumingin ang lalaki sa kanyang relo at nagtanong sa maayos at malinaw na boses, “Saan ka nakatira?”

Nag-alangan si Chloe, hindi sigurado kung uuwi ba siya o hindi. Alam ni Ava na nakauwi na siya ng bansa, gayunpaman, hindi nag-abalang tumawag ang kanyang ama na tawagan siya. Nakaramdam ng pagkalungkot si Chloe, pero wala siyang iba pang pupuntahan kaya malumanay niyang sinagot, “Laguna Villas, thank you.”

Napansin ng lalaki ang ‘di mapakaling mukha ni Chloe at tinaas ang kanyang kilay.

Dahil walang traffic sa gabing iyon ay maaga sila nakarating. Nang pababa na siya ng sasakyan, binigyan ng lalaki si Chloe ng black business card na may gold trimming.

“Kailangan ko ng asawa. Pwera lang sa pag-ibig, pwede kang humiling ng kahit anong gusto mo.” Kanyang sinabi.

Gulat na tumingin si Chloe sa kanya, pero pinanatili niya ang malamig at kalmado niyang kilos na para bang nagsasagawa siya nang negosyo. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, kinuha niya ang card at tinanong, “Pwede ko bang pag-isipan ito muna?”

“Syempre,” mabilis na pagsang-ayon ng lalaki, “Gusto kong marinig ang sagot mo bukas ng umaga dahil available lang ako ng isang oras sa hapon. Kung maayos ang lahat, pwede na tayong dumeretso ng City Hall.”

Bahagyang tumango si Chloe at pinanood siyang umalis. Kanya namang pinuslit ang card sa kanyang bag at pumasok ng villa.

Nakita niya si Benjamin na naka-upo sa sofa sa sala at natutuwang nagulat na makita siya. “Dad, hinihintay mo ba ko?”

Tinignan siya ni Benjamin at hirap na ikubli ang sama ng loob nito. Kanyang inutos, “Umakyat ka at humingi ng tawad sa kapatid mo.”

Napatigil si Chloe sa kanyang kinatatayuan, “Dad, ‘di mo ba naiintindihan kung anong nangyari?”

“Ano bang kailangang maintindihan? Si Jake at yung kapatid mo ay engage na. Ang lakas ng loob mong mamagitan sa kanilang dalawa.”

“Pumagitan sa kanilang dalawa?” Kanyang tanong, nanghihina ang kanyang boses. “Di mo ba alam na kami ni Jake simula nung high…”

Bago pa matapos ang kanyang sasabihin, bumaba si Ava at ang kaniyang nanay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status