Share

Into the Wishing Well
Into the Wishing Well
Author: KameyLeonard

Prologue

MABILIS kong binaba ang cellphone at kumaripas ng takbo palabas sabay hawak sa aking puso. Napaluhod ako, dahan-dahang isinandal ang ulo sa balon at hindi ko na napigilan ang pagbuhos muli ng aking mga luha.

"Wishing well, 'pag humiling ba ako sa'yo, matutupad mo ba 'yon? Pwede bang pumunta sina Mom at Dad kahit ngayong araw lang? Kasi ang lungkot ko, kasi masakit, kasi... gusto ko lang naman matupad ang wish ko—to be genuinely happy. It's not difficult, isn't it?"

Wala akong natanggap na tugon o kahit mga maliliit na liwanag mula sa balon na siyang nagdulot sa akin ng lungkot at pagkadismaya. 

I'm really used to it. They have been like this ever since but why is it still painful?

Halos napangiwi at napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang sakit na nararamdaman. Sa dahilang iyon ay 'di sinasadyang masagi ang favorite hairclip at ito'y mahulog. Mabilis kong sinalo ito ngunit sabay din nito ang pagkahulog ko sa balon. Naramdaman ko na ang sobrang lamig na tubig, sobrang dilim na lugar at sobrang lungkot na pakiramdam. Pinilit kong lumangoy paitaas pero patuloy rin akong lumulubog na para bang hinihila ako pababa.

Unti-unting nanghihina at nawawalan na ng hininga. All of my life's memories are flooding back in my mind on a sudden. Mula pagkabata hanggang ngayong 18 na ako.

Is this the end for me? Is this the sign that I really have no chance to live happily?

Minulat

ko ang aking mga mata. Simple kong pinagmasdan ang kapaligiran upang awtomatikong mapanganga sa sobrang mangha. Surrounded by lush trees, the whole area is covered with white flowers, many birds chirping and the weather is so clear.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at nasaan na ako pero it is indescribably beautiful!

Napatingin ako sa aking kasuotan at napangiti dahil ito pa rin ang bigay sa akin ni Lola, isang white boat neck gown.

Hindi ko mapigilang umikot-ikot sa sobrang ganda ng lugar. Mas lalo akong namangha nang nagsimulang lumakas ang ihip ng hangin at nag siliparan ang mga puting petals. Sumasayaw ang mga ito sa ere na para bang sinasabayan ang aking galaw. Napahiyaw ako sa sobrang saya, kahit papano ay naibsan ang aking lungkot.

Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng pagod sa kakaikot at kakaindak. Itinaas ang dalawang kamay at binagsak sa damuhan ang aking katawan. Parang nag slow-motion ang lahat kung kaya't napangiti ako ng malapad at ipikit ang mata.

Sa aking pagbagsak, napawi ang aking ngiti dahil parang nakatama ako sa kahoy—hindi ito kahoy!

Darn. Tila'y nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil parang nakapatong ako sa isang tao. Sa sobrang kaba, dahan-dahan kong kinapa ito. May nahawakan akong kamay, tiyan at paitaas naman ay mukha.

Napanganga ako, "What in the world--"

"Bakit ang bigat?"

Awtomatikong napasigaw ako at hindi nagdalawang isip na sampalin ang mukha kahit hindi ito nakikita! Umalingawngaw ang kanyang pag-aray sa buong paligid.

Ilang sandali mas nagulat ako nang nagsimulang... I don't know the exact term but it's like someone is appearing from nowhere!

Isang lalaking dahan-dahang inalis ang kanyang piring sa mata.

"Artemis?!"

"Yabang?!"

Sabay turo sa isa't isa.

Magsasalita pa sana kami nang bumagsak sa amin ang sandamakmak na petals mula sa ere. Mabilis akong umalis mula sa pagkakapatong sa kanya at umupo sa damuhan. Hindi ko na rin mapigilan mainis habang inaalis ang mga petals na sumabit sa aking buhok at mukha. Nang naalis ko na ang lahat, halos napatalon ako sa gulat dahil nasa harapan ko na ang lalaking ito!

"Bakit ka naririto?? At—bakit ka nakapatong sa akin?!" kunut-noo niyang hiyaw sa akin upang tumaas ang aking kilay at matapang na tumayo para harapin siya.

"Aba malay ko! Hindi ko alam ang nangyari...at kung paano ako napunta rito—why are you shouting me pala?!"

Mas lalo siyang napakunut-noo. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magsalita. "A-And nakapatong sa'yo?!" I did not hesitate to flip my golden hair.

"Binagsak ko lang naman yung katawan ko on these grasses without knowing you are there! You just popped up in front of me—wait!" Sigaw ko sabay turo sa kanya at bahagya siyang nagulat at napaatras dahil doon.

All of a sudden, I remembered something. I was crying next to the well and my hairclip fell then...I also fell to the well and after that, I am here na, on top of this arrogant guy!

Goodness gracious. Nagsisimula nang mag sink-in ang lahat sa akin.

Am I freaking dead?!

"Sandali, Binibini, ako ay naguguluhan na sa iyo. Ano ang mga pinagsasabi mo—" hindi ko na siya pinatapos at tumalikod sa kanya.

I accidentally fell into the well and afterward, here I am. To a place similar to heaven! Pero napailing-iling naman ako agad sa iniisip na iyon. This guy is also here with me. Is he dead too? Or baka part lang 'to ng mga hallucinations ko since patay na ako? May nabasa akong article na visual or auditory hallucinations daw are often part of the dying experience.

Confused and shocked, bakit sa lahat ng taong makikita ngayon ay siya pa?!

"Huwag mong sabihin na tumalon ka sa balon?!"

Mabilis akong lumingon sa kanya. I just noticed that he is wearing his usual outfit which is a three piece suit. The difference right now is that it is a bit torn and dirty.

Saan na naman kaya nagsususuot ang lalaking ito?

"Yes, tumalon ako and boom, I'm alone and dead," biro ko. Ayaw ko naman sabihin na dahil sa kabobohan ko kung kaya't nahulog ako. Napatingin naman ako sa itaas at narealize na patay na nga ako. Hindi ko man lang nagawang maging masaya at kuntento bago ako kinuha ni Lord. Magsasalita pa sana ako nang nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin. Tumigil ito nang dalawang talampakan na lamang ang layo namin sa isa't isa.

"B-Bakit ka umiyak?" Sincere na tanong niya para mapakunut-noo ako.

Sa lahat ng idinadaldal ko kanina ay mukhang ang mukha ko pa ang tanging napansin niya.

"H-Ha? U-Umi—"

Tila ay tumigil ang mundo ko nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking buhok. May petal pang natitira at marahan niyang inalis ito. Kinakabahan naman akong napatingala sa kanya at nagkita ang aming mga mata... nasilayan ko na naman ng malapitan ang kanyang grayish blue eyes sa pangalawang pagkakataon.

I should be protesting for what he did! One of the body parts that shouldn't be touched on me besides my stylists is my hair, but I just...let him. Artemis, why, why?

"Ako ay natutuwa dahil ligtas kang napunta rito ngunit ako ay nalulungkot din dahil sobrang maga ng iyong mga mata. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka umiyak at ngayon ay nabibigla ka pa sa mga nangyayari. Huwag kang mag-alala. Hindi ka pa patay and hindi ka nag-iisa. Nandito ako para gabayan at samahan ka."

Namilog ang aking mga mata sa sobrang gulat. This man just brought up light and shade of him. His voice is serious yet sounds assuring.

"Handa akong pakinggan ang mga sasabihin mo, lahat ng tanong na bumabagabag sa isipan mo ay sasagutin ko at bibigyan ng linaw. Sasamahan kita, binibini." Mga salitang lumabas sa bibig ni Stalwart na tumagos sa aking puso.

Nagtagpo muli ang aming mga mata.

"Bago tayo magsimula, gusto ko lang sana na batiin ka muna. Maligayang kaarawan, binibining Artemis."

For some incomprehensible reasons, the wishing well somehow fulfilled my wish, ang maging masaya sa kaarawan ko. 

KameyLeonard

Hi everyone! Just want to share with you that this is not supposedly joining Love by Mistake/CEO type stories contest here in Good Novel. I unfortunately clicked the joining button and I don't have any option to withdraw. Please be informed that this is a Tagalog Fantasy-Romance story. Thank you for your understanding! <3

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status