Home / Fantasy / Into the Wishing Well / Chapter 2: A Well and the Stranger

Share

Chapter 2: A Well and the Stranger

AS SOON as I felt the sunlight from the window, I instantly opened my eyes. Slowly sat down on the bed, starts to stretch my upper body, and looked around.

Lahat ng furniture ay halatang ginawa at ginamit pa ng mga ninuno namin noong 1900's. This will be my room for the upcoming months anyway. 

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Napataas ako ng kilay dahil 7 am pa lang ng umaga pero rinig na rinig na busy agad ang mga tao rito sa hacienda.

Lumapit ako sa terrace ng aking kwarto at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang paraiso este isang napakagandang hardin. Sakto lang ang laki ng lugar, pinalilibutan ng mga puno, at nakatanim ang iba't ibang halaman at mga bulaklak. Sabayan mo pa ng magandang panahon. Gusto kong kuhanan ng picture ang nakikita ko ngayon kaso wala nga pala akong phone kaya walang nagawa kundi ngumuso sa inis.

"Kay ganda ng panahon ngayon ngunit ang iyong mukha ay parang makulimlim na?"

Nakita kong humihigop ng kape sa ibabang gilid si Lola Athena este Lola Tinay. Oo, Lola Tinay na raw dapat ang tawag ko sa kanya.

"Wala lang, Lola Tinay. Medyo nagugutom na rin yata ako," I pouted.

"Ikaw talagang bata ka. Kanina ka pa hinihintay ng pagkain sa ibaba! Halika na't kumain ng almusal. Niluto namin yung request mo, Mising." Ngiti ni Lola para mapangiti rin ako at mabilis na bumaba.

Speaking of Mising thing, buong hacienda ay tawag sa akin ay Mising. They are really pointing out that Mising is really my nickname ever since. Mga desisyon!

Nang natapos na kaming mag-almusal, bigla na akong kinabahan. Magsisimula ngayong araw ang pagtuturo nila sa akin ng mga gawaing bahay. Yes, mga gawaing bahay. I am the one who insisted. Aside from these are survival skills, there is a part of me na I wanted to look good to Lola Tinay.

Nagsimula kaming maglinis ng mga portraits ng mga ninuno rito sa living room. Sa unang tingin ay malinis at maayos na nakasabit pero paulit-ulit akong nabahing sa sobrang alikabok nang ibinaba ni Ate Maria ang mga ito! Hindi naman mapigil ni Lola Tinay ang pagtawa sa akin. Halatang first time ko raw.

Sa sobrang hiya ay mabilis kong tinapos ang mga naka-assign sa akin na siyang nagpabilib sa kanila.

"Not bad para sa isang first timer, Mising." Puri sa akin ni Ate Maria, hindi ko alam kung dapat ba akong ma-offend or matuwa sa sinabi niya. Hindi na rin ako nakapag-isip ng kung anu-ano nang pumunta naman kami kusina. Napalunok ako nang sinabi nila na maghuhugas kami ng pinggan.

My precious hands will be rough eventually. I cannot!

Inakbayan ako ni Ate Maria at may inabot sa akin. "Heto, Mising. Napansin kong palagi kang naglalagay ng hand moisturizer. Halatang ayaw mong maging magaspang ang kamay mo kaya bumili kami ng gloves!" ngiti sa akin ni Ate Maria, napatingin naman ako sa hawak kong dishwashing gloves. Napabuga naman ako ng hininga, I am saved!

Together with their instructions, nagsimula na akong maghugas ng pinggan and realized this is not a joke. Halos hingalin na ako at basa na ang aking damit no'ng naka-kalahati na ako ng mga hugasin.

"Apo, naririto tayo para maghugas hindi magswimming," biro ni Lola Athena habang nakatingin sa damit ko habang si Ate Maria ay natatawang napapailing-iling. Wala naman akong nagawa kundi mapanguso at ipagpatuloy ang paghuhugas.

Nang natapos ako ay pumunta naman kami sa garden kung saan ay tuturuan nila ako ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga bulaklak at halaman. Halos mapatalon ako sa tuwa dahil doon. Finally, something gorgeous to deal with!

Namilog ang aking mga mata nang inilatag ni Lola Tinay ang mga gamit sa pagtatanim. "Paalala ko lang apo. Kung gaano kaganda ang hardin, ay siya ring kahirap itong panatilihin." Wika ni Lola habang nakatingin sa mga halaman.

"So, how did you make this land so beautiful?"

Humarap siya sa akin at napangiti. "Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan!" Aniya sabay hagis sa akin ng pala at buti na lang ay nasalo ko ito. Nagsimula nang magbigay sa akin ng instructions si Lola Athena. Awtomatikong nanigas ang aking katawan ng mga marinig ang mga iyon.

Sabi pa niya, I have to indulge the art of gardening pero knowing my hands will be getting so much dirt and my back might get hurt, it's not an art for me. This is uglier than washing plates!

Napakamot ako sa aking ulo. "L-Lola, w-wala na bang ibang pwedeng gawin? Y-You know, cleaning the house, maybe?"

She smiled. "Ganyan din ako noong una pero pramis, apo, sulit ang paghihirap mo." Pag momotivate niya sa akin at wala naman akong nagawa kundi sundin ang mga bilin niya. While doing it, nagsisisi tuloy ako kung bakit nagrequest ako na turuan nila ako ng mga gawaing bahay. Ang hirap pala!

Halos magdadalawang oras ang lumipas nang matapos ko ang pagtatanim. Pasunod-sunod ang aking paghingal at pagpunas ng pawis sa mukha. Sa sobrang pagod, humiga na ako sa damuhan nang walang paki sa dumi at lupa. I am already filled with it anyway.

Somehow, I didn't feel any difference when I finished. All I did is to make myself exhausted and filthy. Sorry, Lola, it's not worth it!

Narinig ko naman ang pagpalakpak sa akin ni Lola Tinay. "Mahusay, apo! Isa ka ng ganap na hardinera! Dahil diyan, tumayo ka na at mag-ayos." Ngiti ni Lola Tinay. Napapikit ako sa sobrang pagod.

"Kumain tayo ng kakanin na binili namin sa sentro!" sigaw naman ni Ate Maria mula sa loob upang mamilog ang aking mata sa tuwa at hindi nagdalawang isip na pumasok.

Habang masayang kumakain, napatingin ako sa kanila at naabutang natatawa sa akin dahil nakarami na raw ako ng biko.

Wala na akong paki kahit nawala na ang poise ko basta't makakain ako.

"Doing household chores is a pain in the ass!" I snorted.

They both laughed so hard.

"Kung alam mo lang Mising. Noong bata ka pa, palagi ka namin pinapalinis sa hardin at gustong gusto mo naman ito!" si Ate Maria.

"Really?! Baka inuuto niyo lang ako non ng kendi kaya ginawa ko naman." Tawa ko na siyang nagpatawa ulit sa kanila dahil legit daw. I knew it. I just find myself smiling too, but a bitter one.

"Ano kaya si Mom? Is she willing to teach me chores? I guess, not. Minsan lang kami magkita-kita ever since."

Malungkot naman silang nakatingin sa akin sa sinabi kong iyon. Napahalakhak naman ako ng sobra dahil 'yan na naman sila pagiging empathetic sa akin. Yes, it's true na kulang ako attention ng magulang ko pero ayaw ko naman kinakawaan ako.

"You two talaga! I already told you na ayaw kong nalulungkot kayo dahil sa akin. I'm okay na because you reprimand Mom so much before she goes back to Manila!" Tawa ko nang maalala ang nangyari last time. Mag-iisang week na rin ang nakalipas mula noong dumating kami rito.

"May pagkukulang ba ako sa'yo, Tisay? Mali ba ang pagpapalaki ko sa'yo para lungkot at poot ang nararamdaman ng apo ko ngayon? Hindi ko alam ang buong kwento pero malinaw na sobrang nangungulila sainyo si Artemis."

That is the first time I heard Lola saying my name. Bago bumalik si Mom sa Manila ay hinarap siya ni Lola sa labas ng bahay. Nakita kong nakatayo rin sa gilid nila si Ate Maria habang ako naman ay sa living room, nakikinig sa usapan nila.

"You did nothing w-wrong, Mama. Medyo busy lang talaga kami ni Roger for the past years. I admit na lately wala na kaming time for Artemis. I am sorry na nadadamay ka, Mama."

Napapikit ako sa inis nang marinig ang sinabi niya. Lately? All of my life!

"Dapat lang akong madamay. Ang apo ko ang pinag-uusapan natin dito. May problema ba kayo, Tisay?"

Narinig kong huminga ng malalim si Mom. "W-We're okay, Mama. Marami lang talaga kaming ginagawa and unexpectedly, Artemis started to be rebellious and w-we can't handle it anymore kaya we decided to bring her here."

"Hindi ko akalain... Mukhang hindi na kita kilala, Tisay. Bakit ganito ang pagtrato niyo sa anak niyo? Pinaparamdam

ninyo na hindi siya importante at prayoridadTila'y

nawawala kayo kung kailan na kailangan niya kayo."

"Y-You don't understand, everything, Mama! We love her so mu---"

"Edi iparamdam

ninyoIparamdam

ninyo na mahal ninyo siya! Hindi obligasyon ng anak na maging uhaw sa pagmamahal at atensyon ng kanyang

magulangKusa niya dapat itong maramdaman."

Tahimik na nakikinigTahimik na humihikbiTahimik na nasasaktan.

"Tama ang desisyon

ninyo na ipagbakasyon muna rito si Artemis. Ayusin niyo muna ang buhay niyong mag-asawa. Hindi ko hahayaan na mamuhay ng ganito ang aking apo."

Sa sandaling

iyon, sobrang saya ng puso ko. Sobrang swerte ko na may Lola Athena ako.

"May kasalanan din kami sa iyo, apo. Ni-hindi man lang kami nagtaka kung bakit natigil na ang pagbisita niyo rito tuwing bakasyon at madalang lang ang pagkamusta namin sainyo. Kaya gusto namin na bumawi sa'yo, Mising!" magiliw na ani Lola sabay abot ng isang business card. Binasa ko ang nilalaman at isa itong event organizer/services. Binigyan ko naman sila ng isang naguguluhan na tingin.

Ate Maria smiled. "Malapit na ang debut mo 'di ba? Kami na bahala. Nag-inquire na kami riyan at kakausapin ka nila kung ano ang iyong tipo sa magiging party mo." 

"B-But Mom and Dad prohibited me to have a d-debut."

Napanguso naman si Lola Tinay. "Hayaan mo sila! Kung ayaw nila, tayo na lang. Hindi naman sila ang magdedebut. Sumosobra na talaga ang iyong magulang, apo. Malilintikan talaga sa akin si Tisay at Roger."

Suddenly, I started crying. When I was younger, I really wanted to have a grand debut celebration. When my parents decided not to, that dream was crushed. But it appears that it will happen now. These people want to make my dream come true.

Pagkatapos ng araw na iyon ay naging busy ang lahat. Pumunta ang event team kinaugmahan at kinausap ako tungkol sa debut. Lahat ng naiimagine ko sa aking debut ay sinabi ko, mula sa motif, designs at theme. Nag-offer naman sila ng kanilang mga naglalakihang venue halls pero tumanggi ako. Mas pinili kong ganapin ang debut ko rito sa Hacienda de Fuertemente. Tamang tama lang ang laki ng bahay para maging venue saka kaunti lang talaga ang iinvite ko from Manila. Yung mga closest relatives and friends ko mula elementary hanggang senior high. I already picked people for my 18 candles, 18 gifts, except for 18 roses. The list is completed but I am not sure that the last person will be happy for this.

It's Dad. I want Dad. I want him to be my last dance.

MABILIS na dumaan ang mga araw. It's April 25, 2019, 3 days bago ang aking birthday. Lahat ng ni-invite ko sa Manila will be coming. Kaya ngayon ay hindi ako naghesitate na tawagan sina Mom at Dad about my debut. Sadly, with or without them ay itutuloy ko ito. I don't to waste the supports and efforts ni Lola Tinay and Ate Maria for me.

I let out a deep sigh. "Hello, M-Mom. This is Artemis. Humiram ako ng phone kay Lola."

"A-Artemis... About what happened last time" hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil I am already okay with that.

"I am calling because I want to invite you two on my birthday party."

"Birthday party?"

"Y-Yes. Lola Tinay and Ate Maria prepared a debut celebration for me. I hope you can com—"

"O-Of course, anak, we will come! We will make sure of it."

Because of that confirmation, it makes my heart filled with joy! Mabilis ko naman itong sinabi kay Lola at Ate Maria and they are so happy for me. This is the first time I can't wait to my birthday!

 It was eight o'clock in the evening, humiga na ako at naisip na hindi pa pala ako nakakapaglibot sa buong lugar. Gusto kong magpaalam bukas na maglibot-libot muna habang hinihintay ang aking big day. Bumaba ako, aking pinailawan ang buong living room at pumunta sa kwarto ni Lola. Kakatok na sana ako nang may ingay akong narinig mula sa kusina. Dahan-dahan akong pumunta roon at nakitang lumabas si Ate Maria.

I frowned because where would Ate Maria go at this time?

Sinundan ko siya at hindi ko alam pero bigla akong natakot dahil sobrang dilim. Tanging mga alitaptap na lamang ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.

"Ate Maria?" Tawag ko ngunit walang sumagot. Dahan-dahan akong naglakad at nagbabakasaling nandoon si Ate Maria.

"Darn it!"

May natapakan akong kung anong matalim. I had forgotten to put on some slippers!

Napatigil ako sa pag-inda ng sakit dahil ngayon ko lang napagtanto na mayroong malaking puno ng Acacia rito at sa likod nito ay isang well. I am staying in this hacienda for weeks pero ngayon ko lang ito nakita.

Namilog ang aking mata dahil nakatayo roon si Ate Maria sa well na para bang tatalon siya.

"Ate Maria! Ano'ng ginagawa mo riyan?!" Binabalot na ng pawis, kaba at takot ang aking katawan habang minamasdan siya. Mas kumalabog ang puso ko nang humarap sa akin si Ate Maria.

Pero natigilan ako dahil hindi si Ate Maria ang humarap.

Bahagya rin itong nagulat nang makita ako. A woman wearing a black, knee-length uniform, with a ribbon tied on her chest and a small dragon embroidered on the left side. Magulo rin ang buhok nito na para bang hinahabol ng kung ano at ang babaeng iyon ay kamukhang-kamukha ko!

Bumaba ito mula sa well at dahan-dahang lumapit sa akin. Awtomatikong napaatras ako dahil sa sobrang takot. Patuloy pa rin siyang lumalapit at may kung anong lumiliwanag sa kanyang kanang kamay.

"W-Who are you?! Stop!" natatarantang banta ko sa kanya ngunit sa sobrang pag-atras ay natumba ako sa damuhan. Umatras pa ako nang umatras dahil papalapit na siya ngunit sa isang iglap ay nakatayo na siya sa harap ko. Bumilis ang aking paghinga dahil hindi ako nagkakamali.

I really look like the woman in front of me right now!

"Pasaway talaga!" she groaned.

We also have the same voice! What in the world is happening?!

"D-Doppelgang-ger?" nauutal na tanong ko, ngumiti siya sa akin.

"Hecho en... droomus.." mga linyang binitawan niya at lumiwanag ang buong paligid.

Napabangon ako sa aking kama at napagtanto na isang panaginip ang lahat. Hinawakan ko ang aking noo at pilit na inalala kung ano ito. It's annoying because I don't even remember any!

Tinignan ko yung oras and it is 7 am again in the morning. Ang aga ko na magising these days.

Biglang nakaramdam ako ng hapdi at napatingin sa aking kaliwang paa. Napakunut-noo ako dahil isa itong sugat.

"Saan galing ito? Paano ako nagkaroon ng ganito?"

Nang matapos na akong mag-ayos ay mabilis akong bumaba at napagtantong mag-isa lang pala ako sa bahay. Pumunta raw sa flower shop si Lola and Ate Maria as part of our preparations sa aking debut. Wala naman akong nagawa kundi ngumiti. Nalaman ko iyon sa isa sa mga katulong dito sa Hacienda.

Napatingin naman ako sa kusina. Ngayon ko lang narealize na may malaking puno ng Acacia sa garden, may swing na nakasabit, at may kung anong bagay sa likod nito. Pinuntahan ko iyon at namangha na makita ang isang well. Pabilog ito at may mataas na bubong na maaaring tumayo ang isang tao. I peeked and saw the water so clear that you can bathe in it, but it looks deep down there.

Ilang sandali, napakunut-noo ako nang may maliliit na liwanag mula sa balon. Napalunok ako sa sobrang takot. What is that thing?!

"Kung tatalon ka, maaari bang iyong bilisan Binibini dahil ako'y susunod? Hinahanap na ako ng Konseho."

Napatalon ako sa sobrang gulat dahil sa nagsalita mula sa likod.

Napaharap ako sa nagsalita at mas nagulat ako sa aking nakikita. A tall, meztiso, slightly brown-haired man, and his gaze is so captivating. He also got a pointed nose, with thin lips and a beautifully shaped jaw. And he is wearing an old-fashioned three piece suit with a tie.

In short, an old-fashioned yet very attractive guy.

Bumalik na ako sa aking senses na marealize kung sino ang lalaking ito at bakit siya nandito?!

"Sino ka?!"

Ngunit imbes na sumagot itong lalaki, dahan-dahan pa itong lumapit sa akin.

"I am asking you! Who are you and what are you doing here?!" 

Hindi pa rin siya tumitigil sa paglapit sa akin kaya umatras din ako nang umatras at namilog ang aking mata nang nakatama na ang aking bewang sa well. I was about to scream but I couldn't because this man suddenly sat in front of me and slowly grabbed my left foot. Sisipain ko na sana ito nang biglang nagsalita siya.

"Binibini, nagdurugo na ang iyong paa. Masyadong malalim na ang sugat nito. Sandali, may likidong gamot ako rito."

May kinuha siya sa kanyang bulsa. Isa itong maliit na bote at pinahid ang laman nito sa aking paa.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may karerang nagaganap sa loob at ang aking tiyan ay nakararamdam ng mga kiliti. Hindi ba dapat sinipa ko na ang stranger na ito pero bakit hindi ko magawa?

Tumayo ito at inayos ang kanyang sarili. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Ako si Stalwart Augsburg, inyong lingkod, magandang binibini."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status