Home / Fantasy / Into the Wishing Well / Chapter 3: Wishes aren't Real

Share

Chapter 3: Wishes aren't Real

TUMAYO ito at inayos ang kanyang sarili. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Ako si Stalwart Augsburg, inyong lingkod, magandang binibini." 

Sa oras na ito ay umiinit na ang aking pisngi. Mula sa kanyang itsura hanggang sa pananalita ay napakaguwapo.

Napailing-iling naman ako. Hindi ko ito kilala at bakit siya nandito sa hacienda? Baka modus lang ang pagpuri niya sa'kin at yung ano...yung kaguwapuhan niya! It's just a random guy and a stranger in your backyard!

Nakalahad pa rin ang kamay nito sa akin. Imbes na makipag-shake hands, tinapik ko ito nang napakalakas at hindi nagdalawang isip na lumayo sa kanya.

Darn. What did I just do?

Napahawak siya sa kanyang kamay. "Bakit mo ginawa iyon, Binibini? Sinagot ko lamang ang iyong tanong." As he said that, his eyes became dimmer. Napahawak naman ako sa aking bibig sa sobrang hiya.

Magsosorry na sana ako at tatanungin kung ano ang ginagawa niya rito pero muli siyang nagsalita. "Ganyan ba ang iyong pagpapasalamat? Pagkatapos kong gamutin ang iyong paa?"

In no time, I was stunned in disbelief. Nagbago bigla ang tingin ko sa kanya. Behind his gentle demeanor and handsome face, he sounds arrogant and thinks highly of himself. I didn't ask for help in the first place!

"Sino ba kasi nagsabi sa iyo na gamutin mo ang sugat ko, Ginoo?" sarkastikong buwelta ko sa kanya. Naging seryoso naman ang mukha niya dahil doon.

"May magsabi man o wala, tutulong ako sa mga taong nangangailangan. Gayumpaman, ayon sa iyong pananalita at kilos, may napagtanto ako. Hindi lahat ng taong tinulungan mo ay magpapasalamat sa iyo, marahil ikaw pa ang magmumukhang masama dahil simula't sapul hindi naman sila humingi ng tulong," sungit nito na siyang nagpamilog ng aking mata sa inis.

"So ano ang pinapalabas mo? That I am ungrateful and prickly—" hindi ko na natapos ang pagsasalita nang ni-snob niya lang ako at nagsimulang maglakad papasok ng bahay.

Mabilis ko siyang inunahan at hinarang sa daan. Napatigil naman siya dahil doon sabay taas ng kanyang kaliwang kilay habang ako naman ay nakatingala sa kanya. Our height difference is screaming!

"Kinakausap pa kita, 'wag kang bastos! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino ka at ano ang ginagawa mo sa bahay namin?"

"Ako ay nagpakilala na kanina, Binibini. Hindi mo ba narinig? S-St-al-wart! Saka ano ang ginagawa ko rito sa bahay niyo? Na siyang bahay ko rin?"

"What? What do you mean na bahay mo rin?!" nakapamewang kong tanong sa kanya, hindi naman niya ako sinagot nang may tumawag sa loob ng bahay.

"Iho??"

Napalingon kami sa nagsalita, sina Lola Athena at Ate Maria! Agad haman akong lumapit at nagtago sa likod nila.

"Do you know that man, Lola? Nabigla na lang ako nang may mga maliliit na lights sa well tapos biglang sumulpot ang lalaking 'yan!" naiinis na usal ko kay Lola Athena ngunit ngumiti at nilagpasan lang ako nito at napanganga ako dahil niyakap pa niya si yabang—what the hell?!

"Ilang buwan na rin ang nakalipas nang huli kong masilayan ang iyong kaguwapuhan, iho." Naiiyak na ani Lola Tinay sa lalaki. Napahawak ako sa aking noo dahil sa nangyayari.

Sinabayan pa ito ni Ate Maria. "Ganap ka na talagang Ginoo, Asul! Mukhang maraming kababaihan ang nagkakandarapa sa'yo." Magiliw na aniya na nakapagkunut ng noo ko dahil ang lalaki naman ay pa-humble pa. Tawa-tawa lang habang pinupuri siya. Magsasalita na sana ako nang biglang tumikhim ito.

What in the world did he just do? He intentionally interrupts me!

"Ako'y nabahala at nag-alala nang 'di kayo sumasagot sa aking sulat no'ng nakaraang linggo kung kaya't bumisita na ako rito. Baka napano na kayo pero ngayon ay masaya akong makita kayong masigla at ligtas," nag-aalalang aniya kay Lola at Ate Maria. What does he mean na sulat? Letter na dinadala ng mga kartero? So old!

"Sensya na, Asul. Naging busy lang kami at hindi napansin ang iyong sulat." Wika ni Ate Maria.

"Naging busy? Saan at bakit?" tanong nito sa kanila.

Namilog ang aking mata nang bigla naman akong hinila ni Lola Tinay at hinarap sa lalaki. Tumaas ang aking balahibo dahil ang lapit niya sa akin. "Magbebert day na kasi itong si Mising at pinaghahandaan namin ang party niya." Sa sinabing iyon ni Lola Tinay ay napakunut-noo ito.

"Si Artemis nga pala, Asul! Matapos ng halos isang dekada ay muli siyang magbabakasyon dito." Pagpapakilala sa akin ni Ate Maria sa lalaki. I automatically lifted my chin, gave him an emotionless look and raised both eyebrows.

Ngunit, sa isang iglap, bahagyang napaatras ito at natulala sa akin. Halos tatlong talampakan ang layo namin sa isa't isa na siyang dahilan na makita ko ng malapitan ang kanyang mga mata.

Those were grayish-blue eyes. It's beautiful.

Napaiwas na ako ng tingin dahil bukod sa nakatulala siya sa akin, yung mga mata niya. It was not just beautiful but also alluring at the same time. Damn, those eyes!

"Kung ganyan makatingin sa akin ang isang guwapong ginoo, kanina pa yata ako nalusaw!" natatawang biro ni Lola Tinay sa amin na siyang nagpataas ng kilay ko. 

Me? Malulusaw sa mga tinginan ng isang mayabang? Never!

Magsasalita na sana ako nang muling tumikhim ang lalaki at nag-ayos ng kanyang tindig. "Hindi ko akalain na ito na pala si Artemis. Ito ang patunay sa katagang... ang tao ay parang panahon din, nagbabago."

Lahat ng inis sa katawan ko ay mukhang mailalabas ko na ngayong araw!

"Excuse me? What did you just say?"

"May problema ka ba sa pandinig, binibini? Palagi mong gustong ulitin ko ang aking mga sinasabi."

"Hindi ka lang pala mayabang at masungit, pilosopo ka rin! Makapagsalita ka sa akin as if you know me well!"

"Bakit palagi mo ako tinataasan ng boses? Maaari ka naman na magsalita ng katamtaman, hindi yung panigaw. Sana no'ng kanina pa lang ay nagkaintindihan na tayo agad."

"What?! Sinigawan kita? Kelan?!"

"Kanina at ngayon."

"W-Well, you deserve it! I don't trust strangers especially if they just popped up from nowhere then touched my foot without my permission. Masisisi mo ba ako?!"

"May punto ka, binibini. Hinawakan ko ang iyong paa nang walang permiso ngunit ang sugat nito ay masyado nang malalim, kailangan na itong gamutin. Baka magka-inpeksyon pa kung papatagalin pa. Sanay ka pa naman na walang tsinelas." Nguso niya sa paa ko. Napatingin naman ako roon at namilog ang aking mga mata. Wala nga akong tsinelas!

"I don't need your help in the first place! Hindi lahat ng tao ay kailangan ng tulong mo!"

"Maraming salamat sa pagpapaalala na hindi nga talaga lahat ng tao ay magiging masaya 'pag tinulungan. Lalo na sa mga kagaya mong..."

"Ano?! Kagaya kong ano?? Sige, ituloy mo!"

"Ayoko. Masasaktan ka lang 'pag sinabi ko."

"No! Say it, now! Para magkaalaman na—"

Naramdaman ko ang isang kamay na mahigpit na hinawakan ang aking damit. "Jusko Maryosep! Ano ang mga pinagsasabi niyo?" nalilitong wika sa amin ni Lola Athena upang matigil ang aming sagutan. Hawak-hawak din niya ang kwelo ni yabang este yung Stalwart!

"Parang nanonood lang ako ng live no'ng Face to Face ni Amy Perez. Sandali, kukuha ako ng mga pinggan." Akmang pupuntang kusina si Ate Maria ngunit pinanlakihan siya ng mata ni Lola Athena at pinagalitan.

"Ano ba ang nangyari para maging ganito ang inyong unang tagpo? Nakikita ko sa inyong dalawa si Tisay at Pollo kung mag-away!" ani Lola Tinay at napailing-iling. Tinutukoy niya ang kanyang nakakatandang anak at kuya ni Mom na si Tito Apollo na never ko pang nakikita in person.

Isang matalas na tingin ang bigayan namin sa isa't isa. Para bang may nagsasalpukang kuryente ang mga mata at mayroong kumukulog na ulap sa aming ulo. Pabalik-balik naman ang tingin sa amin ni Lola Tinay at Ate Maria at halatang naguguluhan sa nangyayari.

Habang kumakain ng pananghalian, magkatabi kami nang walang pansinan at tinginan. Kaharap namin sina Lola Athena at Ate Maria, pinakilala siya sa akin. Siya si Stalwart Augsburg, ampon ni Lola Tinay at tinuturing na rin bilang kanyang apo. Bata pa lamang daw ito nang iniwan ng tunay na magulang. Sina Lola Athena at ang namayapa kong Lolo na si Lolo Adolfo ang nagpalaki at tumayong magulang sa lalaki. In short, nakatira rin talaga sa hacienda ang lalaking ito.

"Ayos lang ba na bigla kang umalis sa iyong trabaho? Mag-aanim na buwan ka palang doon, iho." Paalala ni Lola Athena sa lalaki. Okay, he's working na pala. Sabagay, halos 4 years ang lamang nito sa akin.

"Oo nga, Asul. Hindi ka ba papagalitan ng mga nakakataas? Unang trabaho mo ito," wika naman ni Ate Maria. Asul daw ang palayaw ng lalaki dahil sa mga mata nito.

"Huwag kayong mag-alala dahil bago ako pumunta rito ay nagsabi ako kay Arabella at siya na raw bahala sa pinuno." Sagot ni Stalwart at sumang-ayon naman ang dalawa samantala ako'y napataas ng kilay.

Who's Arabella and pinuno? What's a pinuno? I mean, I know its meaning but we are in modern times! Saan ba siya nagwowork? Sa katipunan laban sa mga espanyol?

"Siya nga pala, magbebertday na si Mising sa bente otso at magkakaroon ng malaking piging, iho! Pumunta ka ha," ngiti sa amin ni Lola. Namilog ang aking mata. There is no way I will invite this guy!

"Tanungin mo muna ang celebrant kung gusto niyang pumunta si Asul!" natatawang sambit ni Ate Maria. Napatingin ako sa lalaki, kumakain lang ito na para bang walang naririnig. Napakayabang at ang sungit talaga. Hindi kita iinvite!

Ngunit, napatingin ako kay Lola, masaya itong nakatingin sa aming dalawa. Napabuntong hininga ako. "Oo naman, Lola. kahit hindi pa siya nagsosorry sa akin. I am not that bad." Parining ko at tumawa ng bonggang bongga ang dalawa habang ang katabi ko ay natigil sa pagkain at kunut-noong humarap sa akin. Hindi ko naman mapigilang ngumisi.

"Magsorry ka kay Artemis dahil hinawakan mo bigla ang kanyang paa ng walang permiso at ang pagiging masungit sa kanya!" asar ni Ate Maria sa kanya. Pinipigil ko ang pagngiti ng malapad. I love you na talaga Ate Maria!

Bumuga ito ng hininga. "Paumanhin. Hindi na iyon mauulit." 

Napangisi naman ako sa pagsorry niya. You lose now, yabang!

"Ikaw rin, Artemis!" halos matumba ako sa sigaw na iyon ni Ate Maria.

"Hindi ba't nakakagulat at nakakainis kapag sinisigawan ka? Magsorry ka rin sa kanya."

I really hate how the tables have turned. Pinatong niya ang kanyang kaliwang siko sa mesa, nakatungkod ang kamay sa leeg at nakangisi sa akin.

What a handsome jerk!

Napaiwas ako ng tingin at napanguso. "S-Sorry..."

Malakas na nagpalakpakan sina Lola Athena at Ate Maria na siyang nagpadagdag sa inis ko. I have never faked an apology before. Saying those words is for them, not for you, Mr. Augsburg!

HALOS mangiyak-iyak ang dalawa pagakatapos ng tanghalian dahil umalis din ang lalaki. Medyo busy raw siya birthday ko pero susubukan niyang maka-attend pa rin. Natawa ako ng kaunti dahil doon. Feeling special siya. Napilitan na nga lang ako na imbitahan siya, for the sake of Lola Tinay.

"Mising!" tawag ni Lola Athena mula sa garden. Maglilinis pala kami sa garden for my debut. Though sa living room talaga ang main event pero sa garden kasi magaganap ang 18 roses. I requested for it. I really want to have my first dance with Dad in a beautiful place.

Habang tumutulong sa kanilang dalawa, napatingin ako sa may dulong parte ng garden kung saan naroroon ang punong acacia at namilog ang aking mata nang makita ang bagay sa likod nito. Naalala ko ang nangyari kanina. Mabilis kong nilapitan ito ngunit agad naman akong umatras. Aside sa biglaang pagsulpot ni Stalwart, may nakita akong maliliit na liwanag doon kaninang umaga.

"L-Lola, this is my second time to see this well. Is it haunted?" sigaw ko dahil medyo malayo-layo na sila mula sa kinatatayuan ko.

Awtomatikong napalingon sina Ate Maria at Lola Athena sa akin. They are now look terrified all of a sudden.

Nang wala akong tugon na nakuha, lumapit na ako sa kanila, "I-Is there something wrong, Lola and Ate? Kanina kasi may mga liwanag akong nakita galing doo—"

"Liwanag?" mabilis na tanong ni Ate Maria.

Lumakas bigla ang ihip ng hangin na siyang nagpataas ng balahibo ko. "O-Opo,mga maliliit na liwanag. Kanina bago ko mameet si Stalwart. M-May mumu ba diyan?"

Nabitawan naman ni Ate Maria ang hawak na kalaykay. Mabilis naman akong nilapitan ni Lola at inakbayan. "Baka guni-guni mo lang iyon, apo. Huwag kang mag-alala, walang multo o kababalaghan sa wishing well." Ngiti nito na siyang nagpabilog muli ng aking mga mata sa gulat.

"W-Wishing well?"

"Oo, apo. Hindi lang 'yan isang balon kundi isang wishing well!" Masayang aniya sabay taas ng kamay. Napanganga naman ako dahil doon.

"Sabi ng aming itay noon, tinutupad daw ng balon na ito ang kanyang mga hiling kaya simula no'n ay tinatawag na namin iyon na isang wishing well," nakangiting sagot niya upang mapaisip-isip naman ako.

"Pero Lola...halos araw-araw na akong nagtatanim sa garden pero bakit ngayon ko lang 'yon nakita?"

Lumingon sa akin si Lola at binigyan niya lang ako ng isang ngiti sabay kibit-balikat para mas lalo akong maguluhan. Wala na akong nagawa at pinagpatuloy muli ang pag-aayos. Habang nag-aasikaso, pa-sikreto akong tumingin kay Lola Athena at Ate Maria. I really don't want to think bad about them but... they are hiding something from me.

Kalauna'y dumating na rin ang event team at nilagay ang mga designs and decorations. Magdadapit-hapon nang natapos ito and my jaw literally dropped when seeing the result. It is now like an enchanted forest! Assorted flowers and stems encircled the area, while sky lanterns made of plastic were hanging overhead and wrapped in garlands that lit up the entire garden.They look so lovely when the winds blow. What a majestic view!

Sa 'di malamang dahilan ay napatingin ako sa madalim na parte ng garden kung saan ang punong acacia. Alam ko sa aking sarili na hindi iyon isang guni-guni o malikmata. May kung ano sa well na 'yon.

TAMA nga sila, kapag may hinihintay kang isang bagay, mas bumabagal pa lalo ang oras. It really prolongs your agony. A day before my big day. Though I am really done reminding my relatives and friends from Manila, Ate Maria makes sure that we're completely polished for the party but I still feel restless about it and the things that happened lately also bother me. The wishing well, mysterious lights there, and an arrogant guy just popped from somewhere. These thoughts really cracking my head so I decided to see that well once again. Normal naman siyang tignan at walang pagbabago.

"Is this a real wishing well? If I'm going to wish for something right now, are you going to grant it?" tanong ko at marahang hinaplos ang balon. Napabuntong hininga ako dahil wishes are not even real in the first place. Wishing is not enough to make our dreams into reality. If you don't do anything to make it happen, the wish will just be a bunch of words.

"Oo naman, hangga't naniniwala ka, mangyayari't mangyayari iyon. Hindi naman agaran pero balang araw." 

Halos matumba ako sa gulat dahil sa nagsalita, si Ate Maria habang may hawak na mga gulay. Mukhang gulay na naman ang dinner namin later.

"May point ka naman Ate Maria pero you have to do something to make it happen, 'di ba?"

"Tama ka rin naman. Ngunit, may mga hiling na hindi mo kailangan gawan ng paraan para matupad. Kusa itong mangyayari dahil nakatadhana na ito sa'yo. Ang malaking tanong na lang ay kung kailan ito mangyayari. Kung mangyayari ba agad o matagal pa. Maaaring mamaya o bukas. Hindi natin alam." Seryosong usal ni Ate Maria. Napalunok ako ng isang beses dahil medyo madiin ang pagkakasabi niya ng salitang bukas. May ipinapahiwatig ba siya? Tatanong ko sana pero mabilis din itong bumalik sa bahay.

Pilit ko man kalimutan ang mga salita ni Ate Maria ngunit hindi ito maalis sa aking utak. I'm stressing myself na tuloy!

Pagkatapos ng aming dinner at paghugas ng mga pinggan, biglang tinawag ako ni Lola at pinapunta sa kanyang kwarto. Naririto na ako ngayon at kaharap siya. Ito ang unang pagkakataon na makita siyang napakaseryoso.

"May sasabihin ako sa'yo. Makinig kang mabuti." Aniya sabay pakita ng isang bagay na nagpamilog sa aking mga mata.

"Sarili man ay maligaw o pagkakilanlan ay matunaw. Ang iyong kapangyarihan ay sumasalamin sa totoong ikaw..."

"W-What is this, Lola? And what did you say?"

Unti-unting napangiti ng malapad si Lola Athena. Naguguluhan man sa nangyayari pero I just go with the flow. Sinira niya ang balot ng pinakita niya sa akin kanina. Literal akong napa-wow nang makita ang laman. Isang mamahalin at napakagandang white boat neck gown!

"Regalo ko sa'yo, apo. Ito ang sinuot ko noong nag-dise-otso rin ako. Hindi man ito kasing garbo ng mga susuotin mo sa iyong debut, gusto kong suotin mo rin ito sa araw na iyon, kahit saglit lang," natatawang wika ni Lola habang kumakamot ng ulo.

Awtomatikong napangiti ako.

"Sukatin mo, dali!" excited na patuloy niya na agad kong sinunod. Paglabas ko mula sa banyo ng kanyang kwarto, nakahanda na roon ang kanyang full body mirror. Tears welled up in my eyes as I see myself. It suits me very well!

I sobbed. "N-Nagiging iyakin na ako lately dahil sainyo, Lola. You are always giving me reasons to cry!"

"Dahil 'yan sa tuwa ah," biro niya upang matawa ako at 'di sinadyang tapikin ang kanyang balikat. "Oo naman Lola, sa tuwa—" hindi ko na naituloy nang hinampas niya rin ako pabalik at natumba sa sahig.

Darn. Because of my emotions, I can't control my actions. Lola mo 'yan hindi kainuman.

Napakagat ako ng labi habang nakatingala sa kanya. Binigyan ko siya ng isang peace sign ngunit napailing-iling siya.

"Gusto mo ng away, pwes, pagbibigyan kita!" asar niya at kumuha ng unan upang malakas na hampasin ito sa akin. Mabilis akong tumayo at tumakbo papalabas ng kanyang kwarto. Namilog ang aking mata nang hinahabol pa rin niya ako hanggang sa living rooom. Natatawa ako sa itsura ni Lola ngayon, ang matandang-naka-daster-na-tumatakbo-at-may-dalang-unan-kung-akala-mo-ay-bata-pa!

Nakasalubong namin ang nag-aalalang Ate Maria at tinanong kung ano ang nangyayari ngunit hinampas din siya ng unan ni Lola. Hindi ko na mapigilan na matawa ng bonggang bongga at hinila si Ate Maria papalayo kay Lola. Ayon, naghabulan kaming tatlo sa buong hacienda kahit maghahating-gabi na.

I wish the joy I'm experiencing now would last longer. I'm wishing!

Naisipan ni Lola Athena at Ate Maria na magluto ng makakain namin pagkatapos ng paghahabulan kanina. Bumalik muna ako sa aking kwarto para magpalit. Ayaw kong madumihan ang first gift na natanggap ko. For keeps!

Saktong pagpasok ko ay nagliwanag ang hiniram kong de-keypad na cellphone ni Lola na nasa kama. Kunut-noo naman akong kinuha ito dahil sino ang mag tetext sa ganitong oras kay Lola.

Binuksan ko ito at kinabahan nang makita ang pangalan ni Mom. Napatingin ako sa aking pinto at nagdadalawang isip kung ibibigay muna ito kay Lola or basahin ko na.

"I am calling because I want to invite you two to my birthday party."

"Birthday party?"

"Y-Yes. Lola Tinay and Ate Maria prepared a debut celebration for me. I hope you can com—"

"O-Of course, anak, we will come! We will make sure of it."

Huminga ako ng malalim, napangiti at dahan-dahang binasa ang message.

Ma, can you tell Artemis na me and her dad can't attend tomorrow? There is a sudden emergency sa company and we have to fix it right away. Just tell her that we will give back her cards and phone as a gift. I know she will love it.

Awtomatikong bumagsak ang mga luha sa aking mata sa sobrang hindi makapaniwala. Mabilis kong tinawagan si Mom ngunit hindi siya sumasagot. Inulit ko ng ilang beses ngunit wala pa rin. Hindi ko naman mapigil ang pagbuhos ng mga luha.

Sa ika-pitong subok ko ay finally sinagot din ito ni Mom.

"Yes, Mama? Why are you calling at this time? Is this because of my message earlier? We're busy at the momen—"

"Shut up, Mom. This is Artemis."

Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang line. "A-Anak, sinabi na ba sa'yo ng Lola mo? I will say it now anyway. I am so sorry because we can't make it tomorrow. Me and your dad—"

"Tomorrow will be your daughter's debut and it is a requirement for her parents to attend. Just choose one, Mom. Your work or me?"

"You can't make us choose, Artemis! Both are important—"

"You two already did! I'll give you another chance. Just choose one, Mom."

Parang natigil ang pagtibok ng puso ko sa katahimikan sa kabilang linya. Tanging ang kanyang paghinga na lamang ang aking naririnig.

"I guess that's the answer."

Mabilis kong binaba ang cellphone at kumaripas ng takbo palabas sabay hawak sa aking puso. Napaluhod ako, dahan-dahang isinandal ang ulo sa balon at hindi ko na napigilan ang pagbuhos muli ng aking mga luha.

"Wishing well, 'pag humiling ba ako sa'yo, matutupad mo ba 'yon? Pwede bang pumunta sina Mom at Dad kahit ngayong araw lang? Kasi ang lungkot ko, kasi masakit, kasi... gusto ko lang naman matupad ang wish ko—to be genuinely happy. It's not difficult, isn't it?"

Wala akong natanggap na tugon o kahit mga maliliit na liwanag mula sa balon na siyang nagdulot sa akin ng lungkot at pagkadismaya.

I'm really used to it. They are like this ever since but why is it still painful?

Halos napangiwi at napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang sakit na nararamdaman. Sa dahilang iyon ay 'di sinasadyang masagi ang favorite hairclip at ito'y mahulog. Mabilis kong sinalo ito ngunit nanlaki ang aking mata dahil sabay din nito ang pagkahulog ko sa balon. Naramdaman ko na ang sobrang lamig na tubig, sobrang dilim na lugar at sobrang lungkot na pakiramdam. Pinilit kong lumangoy paitaas pero patuloy rin akong lumulubog na para bang hinihila ako pababa.

Unti-unting nanghihina at nawawalan na ng hininga. All of my life's memories are flooding back in my mind on a sudden. Mula pagkabata hanggang ngayong 18 na ako.

Is this the end for me? Is this the sign that I really have no chance to live happily?

Suddenly, everything went white.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status