Home / Fantasy / Into the Wishing Well / Chapter 6: The Aethelmagia

Share

Chapter 6: The Aethelmagia

"MARAMING sa lahat, Stalwart. Hayaan mong tulungan kita sa iyong nais. Para magawa ko iyon, gagampanan ko ang pagiging isang Salamangkera."

"Girl! Pinagtsitsismisan ka na ng mga waitress dito. look!" ani Steph sabay turo sa mga waitress na nagkukumupulan sa gilid ng bar. Natigil sila sa pagkukuwentuhan at inayos ang mga sarili nang makita akong tumingin sa kanila. Napangisi na lamang ako. What a bunch of monkeys in here!

We are all girls and I am the only one who is a minor at that time. I still got in, you know, connections.

Lumagok lang ako nang lumagok ng alak. Sumingit naman si Cheska na halatang lasing na. I can say it kasi halos hubaran na niya ang kanyang skirt at idisplay. Pang attract daw sa boys dito. Kung wala yata kami rito, baka hubo't hubad ito every inuman session. "Halosh very day kah na rawsh sa var nila! Farang wala ka rawsh na pamily! Baka madishgrasya ka rawsh! Sino daw magproprotects sayow?" sigaw nito at napahiga na lang bigla sa sofa.

I gave my kainuman friends a fake smile. "Let them be. Medyo accurate naman. Pero at least I help them with their kabuhayan by going here!" tawa ko upang matawa rin ang lahat. Pagkatapos ng ilang tower at bucket na naubos, we decided to go home. Lahat na kami lasing at baka kung anu-ano pa ang gawin namin doon. Ang dami pa namang mga fuckboys at predators sa bar na 'yon.

Paisa-isa nang nagpapaalam na ang mga friends ko. Either may susundo sa kanilang jowa nila or magulang. Ang ending, mag-isa na ako rito sa labas ng bar. Halos humiga na sa sahig habang naghihintay ng taxi.

"Legit naman talagang I don't have a home. Can't even attend my graduation, protect pa kaya?No need to remind me!" tawa ko na halos umaagaw ng atensyon sa mga dumadaan.

"We're so sorry about the incovenience."

Napalingon naman ako sa aking gilid. Medyo blur na ang eyesight ko pero I can still describe the guy. His hair is somehow in a clean cut, wearing a white polo shirt and brown trousers and ngipin niya nakabrace. Wow, clean boy effect!

"Hi, I am the manager of this bar. I eavesdropped on your conversation earlier about our waitresses gossiping about you and I feel so sorry about that. We'll make sure to take action and won't let this happen again."

Tumayo ako at nagbow sa kanya na parang disney princess. "It's okay. Immune na ako sa mga gano'n. Thank you for speaking."

"Thank you too for visiting our bar often. Be safe and I hope you will find your home soon."

Biglang uminit ang aking mga mata sa sinabi ng manager. Patuloy pa niya, "Once you find them, I know that you will both protect each other for a lifetime. Have a great night!"

That night made me realize na I'll make sure to protect my home at all cost. Padalos-dalos man ang aking desisyon pero ito ang sa tingin kong nararapat. Gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan ng aking pamilya.

"Hindi. Hindi mo kailangan madamay. Kailangan ko na talagang iuwi ka sa Pangaea. Ayaw kong magdesisyon ka na maaari mong ikapahamak sa huli," buwelta ni Stalwart at akmang lalabas na ng kwarto pero pinigilan ko siya.

"Ilang linggo pa lang kami na magkasama ni Lola Athena pero puro pag-aalaga at pagmamahal ang binigay niya sa akin. Nang malaman ko ang mga bagay na ito, hindi ko aakalain na may lungkot at poot siyang dinadala. Kaya gusto kong mapawi iyon at malinis na rin ang pangalan ng aming pamilya." 

"Bukod sa pinagbabawal na tumapak ang mga Persalez dito sa Salamanca, hindi mo alam kung paano umikot ang mundo rito. Ayaw kong mag-alala pa lalo sa'yo si Lola Tinay. Sobrang masasaktan iyon kapag napahamak ka."

"That is why I need your help in order for me to help you back. I will make sure to be useful to you. 'Di ba? Sabi mo na isa akong Salamangkera?"

"May karapatan kang malaman iyon pero inalisan ka na ng pribilehiyo na tumapak dito sa Salamanca. Kamatayan ang kapalit kung sino man ang lalabag nito." He replied. I took a deep breath and thought about how to convince him.

"E di magpapanggap ako. Maaari naman akong maging isang Salamangkera na hindi nila nalalaman na isa akong Persalez. Tapos malaya kong tulungan ka sa kaso nila Lola at Lolo."

Napahawak naman siya sa kanyang sentido. "Paano kung hindi magtagumpay ang pagpapanggap mo? Hindi lang ikaw ang mapaparusahan kundi ang buong pamilya mo!" 

"Kaya nga tutulungan mo ako para maachieve ko 'yon! Hindi pwedeng ikaw lang ang gumalaw. Apo rin ako ni Lola Tinay!"

"Ang kulit-kulit mo! Ayaw kong may madamay ang ibang tao sa pag-iimbestiga ko. Ayaw kitang mapahamak!" sigaw nito na umalingawngaw sa buong bahay. Natigilan naman ako dahil doon. Sa lakas ng kanyang sigaw ay nagdulot ito sa akin ng kaba at takot. Marami akong gustong sabihin pero ni-isang boses sa aking bibig ay walang lumalabas.

Nanatili kaming ganoon ng mahigit sampung segundo. Natigil ito nang huminga siya ng malalim. "Kumain na tayo, nakahanda na ang almusal sa baba," huling sambit nito at lumabas na ng kwarto.

Napahawak naman ako sa aking dibdib, heto na naman yung sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Why is he so worried about me suddenly?

TODAY we are going to buy what I will wear for a week here in Salamanca. Arabella should have been the one to buy for me but she had a mission to complete, so apart from Stalwart not knowing anything about women's clothes and Arabella being his only female friend knew about me, he couldn't do anything but bring me along and accompany me in Kamiseta. 

Medyo risky na lumabas ako sa public kaya tamang cover raw ako ng belo na ibinigay niya para hindi ako mapansin ng iba at 'di makilala bilang isang Persalez. As if naman may nametag ako na nagsasabing 'Hey I am a Persalez, everyone!'

Napatingin naman ako sa mga dinadaanan namin. Lahat nang nakikita ko ay makaluma. Kung ang Lowlands na ang sentro ng Salamanca, paano pa kaya yung ibang lugar? Baka more on trees, palayan o hindi kaya mga kalabaw na ang makikita?

Ilang sandali, inalis ko muna ang aking tingin sa bintana at bumaling kay Stalwart. Wala kaming kibuan hanggang ngayon dahil sa alitan namin kaninang umaga. Since I'm not used to such things, I'll just pretend like nothing happened.

"H-Hindi lang pala yung dyaryo k-kundi pati na rin yung family picture namin na kasama ka ang nakita ko roon sa secret room ni Lolo and Lola."

"Alam mo naman na isa akong ampon ng inyong pamilya kaya ganoon," masungit na wika nito habang nakatingin sa bintana.

"I-I mean, nandoon din ako sa picture so it means magkakilala na ba tayo before?"

Tumango lamang ito sa aking tanong. Ahh okay? K. dot?

How dare he? I'm just pissed off because it seems like he doesn't want to talk to me or he's bored talking to me! Ako nga yung sinigawan at pinigilan niya na maging Salamangkera pero bakit parang siya pa ang galit? 

Bago kami nakarating sa Kamiseta, tinanong ko siya ng kung anu-ano. Kung sa kanya ba yung grey cat na lumilipad. Sabi niya, oo, ngunit madalas daw iyon maglakwatsa kaya medyo nagulat siya nang nagpakita agad ito sa akin. Tapos bakit hindi na lang paliparin yung kalesa ngayon? Since lumilipad lang naman ito, right? Ang sabi niya ay pinapalipad lang kung nagmamadali or emergency talaga.

His answers are getting shorter. He is mad, obviously. I should be mad too but I can't.

Ngayon ay nandito na kami sa Kamiseta habang nakasuot ang belo. Sandamakmak dito ang mga tea gowns, long gowns, tuxedo, at mga karaniwang damit ng mga taga Salamanca. Parang pumasok ako sa isang malaking boutique shop noong unang panahon.

"Ginoong Stalwart!" tawag ng isang matabang babae, na tantsa ko ay nasa mid 40's na. Kita naman sa kanyang kaliwang ibabang pisingi ang isang guhit na peklat.

"Aling Karlita! Masaya akong makita kang muli." Masayang tugon ni Stalwart. Sa isang iglap, nagbago ang timpla ng mukha ng lalaki nang makita ang ale. Hindi ko alam kung nakikipagplastikan siya or bipolar.

Nagbigay galang siya at dahil hindi ko na naman alam ang aking gagawin, I gave them a fake smile.

"Ako rin iho, mukhang mas nagiging magandang lalaki tayo riyan ah," puri ni Aling Karlita kay Stalwart. Hindi ko naman mapigilan pagsalubungin ang aking kilay dahil doon.

Una, si Lola, ngayon si Aling Karlita. Mukhang ang mga admirers ni Stalwart ay mga momshie na.

He chuckled.  "Si Aling Karlita talaga, hindi pa rin nagbabago. Makwela pa rin kayo."

Pa-humble ang lalaki. Here we are again. Fooling ourselves.

Tumingin naman sa akin si Aling Karlita. "Sino itong napakagandang dilag? Tila'y ayaw niyang ipakita ang kanyang maaliwalas na mukha. Maaari mo ba akong ipakilala?" nakangiting tanong ni Aling Karlita sa akin. Mas hinigpitan ko ang aking belo dahil doon.

"Aling Karlita, ito ay si Artemis. Artemis, ito naman si Aling Karlita, isa sa mga tindera rito sa Kamiseta." Pagpapakilala ni Stalwart. Nagbigay galang sa akin si Aling Karlita kung paano magbow ang mga babae noong unang panahon kaya ginaya ko rin siya pabalik.

"Maaari niyo ba siyang tulungang maghanap ng magandang kasuotan?" diretsong tanong ni Stalwart. I totally get him. Pinapabilis niya ang conversation namin kay Aling Karlita para hindi na ito magtanong kung anu-ano tungkol sa akin.

"Oo naman. Maliit na bagay lamang iyon iho. Halika, Binibining Artemis."

Hinila na ako sa second floor kung saan nakalagay ang mga pambabaeng damit. It is said that men are not allowed to set foot here because it is considered audacious here in Salamanca. Kaya ay naiwan sa baba si Stalwart. Tumango na lamang ito sa akin bago ako pumunta sa itaas. Tumango rin ako bilang tugon. I don't know what the meaning is but whatever.

Puro papuri ang aking natatanggap mula kay Aling Karlita nang ipasukat niya sa akin ang mga damit dito. Sobrang bagay raw ng mga ito sa akin sabayan pa raw ng aking magandang mukha. Magsasalita sana ako kaso ngumiti na lamang ako dahil baka may masabi akong ikakapahamak ko. 

After two hours, we ended up looking for and measuring clothes. Nagpaalam muna si Aling Karlita dahil kailangan siya sa ibaba. Umupo muna ako rito malapit sa may bintana. Namilog ang aking mata nang biglang umihip ang malakas na hangin at nilipad ang aking belo!

Hinabol ko naman ito hanggang napunta ito sa kabilang terrace ng second floor. Nahawakan ko ito pero may may nauna nang umapak na siyang pumigil na hindi ito liparin ng tuluyan. Dahan-dahan akong napatingala at nakita ang isang guwapong lalaki.

He is genuinely smiling at me while we're in an awkward position. Looking up at a man while I am crouching down with legs open! I got myself up immediately. He didn't see anything because my gown is long but still so embarrassing!

Pinulot at binigay niya sa akin ang belo. Sa tingin ko ay ka-edad ko lamang ang lalaking ito. Matangakad, meztiso at hindi maitatangging pogi ito. He was wearing a maroon three piece suit and his hair very neat. Looks like a classic haircut for men. Pero mas pogi si Stalwart.

But what brings him here? Are guys not permitted in this place?

"Bihira sa isang magandang dilag na tumakbong nakasuot ng mahabang bistida. Isang nakakabighaning pangyayari," puri nito kaya agad ko naman na sinuot ang belo at inayos ang aking tayo dahil baka mahalata niya na hindi ako taga rito.

Where are you, yabang?

I slightly smiled. "Salamat ho G-Ginoo. Mauuna na ako." 

Tinalikuran ko agad siya at dali-daling lumakad pabalik para hindi niya ako masundan. Sa sobrang taranta ay may nabangga ako. Si Aling Karlita. I sighed. I felt relieved!

"Oh Artemis? Ayos ka lang?" pag-alala nito sa akin. Napahinga muli ako ng malalim. "Okay—este ayos lang po ako. Nasaan na po si Stalwart?"

"Iyon nga, hinahanap ka na dahil nabili niya na yung mga damit mo," sagot nito, agad naman akong bumaba at naabutan siyang nagsusukat ng isang itim na coat.

Napalunok ako ng ilang beses dahil sobrang bagay nito sa kanya! Animo'y nagulat naman siya nang makita ako. He immediately returned the suit and approached me. "Halika na Artemis, mukhang dumarami na ang tao kaya kailangan na nating umalis. Nabili ko na rin yung mga napili mong damit." I gave him a nod and went after him. 

Aling Karlita is now standing outside, awaiting us. Did she notice something unusual about me?

"Maraming Salamat po, Aling Karlita." Sabay na wika namin ni Stalwart upang mapatingin kami sa isa't isa. Napaiwas na lamang kami ng tingin at natawa naman sa amin si Aling Karlita dahil doon.

"Walang anuman, iho at iha. Bumalik kayo ulit dito kapag hindi na kayo nagmamadali ha para makapagkwentuhan naman tayo," natatawang sambit ni Aling Karlita. Dumating naman si Mang Raldo.

"Sige ho mauuna na po kami. Paalam!" nagmamadaling sambit ni Stalwart. Agad naman akong sumakay dahil medyo dumarami na nga ang mga tao. Before our carriage started, I looked at the shop again. My eyes widened when I saw the man earlier. It was seriously looking straight at me so I immediately closed the door which surprised Stalwart.

"Dahan-dahan naman. Masisira mo ang pinto." Pagalit na singhal nito. Here we go again, galit mode na naman ang lalaki. Magsasalita na sana ako tungkol kay Aling Karlita ngunit inunahan na niya ako. "Huwag kang mag-alala, ako na bahala sa kanya magpaliwanag. Ligtas ang iyong pagkakilanlan sa kanya," aniya upang sumang-ayon na lamang ako.

Bigla ko naman naalala ang sinukat niyang coat. "Bakit hindi mo binili yung sinukat mo kanina?" pag-iiba ko sa usapan.

"Yung kanina? Sinukat ko lamang iyon, wala akong balak bumili ng ganoon," simpleng sagot niya sa akin. Napairap na lamang ako dahil pa-humble talaga e.

"Bakit mo naitanong?" curious niyang tanong.

I shrugged. "Wala. Bagay kasi sa'yo. Sayang naman." Tumingin naman ako sa bintana dahil medyo awkward yung sinabi ko.

"Gusto mong suotin ko iyon?"

"Hindi. Nagsabi lang ako na bagay sa'yo. Assuming din."

He lauughed. "Bakit sinabi mong sayang?" tanong niya at medyo nilapitan ako. Bigla naman akong napaatras dahil doon. What in the world?

"Binabawi ko na! Kaya layuan mo ako!" sa sinabi kong iyon ay biglang nagbago yung reaksyon niya, mula sa natatawa, biglang naging seryoso. Goodness gracious. Nasaktan siya sa sinabi ko?

Umayos naman siya ng pagkakaupo at humarap muli sa bintana.

I snorted. "You are so OA! Lumapit ka kasi, ang awkward kaya," mahinang sabi ko sa kanya. Hindi naman niya pinansin iyon.

"Wow. Snob lang ak—" hindi ko natapos ang aking sinasabi nang tumigil ang kalesa.

"Sir Stalwart, nakasarado ang tarangkahan ng Lowlands," biglaang anunsyo ni Mang Raldo mula sa labas. Agad naman na lumabas si Stalwart.

"Diyan ka lang Artemis," aniya at tuluyang umalis ng kalesa. Tumingin naman ako sa bintana at nakitang maraming tao sa labas. Parang may nangyayaring kaguluhan sa unahan.

"Isang pag-atake na naman mula sa kadiliman kaya pansamantalang isinarado ang tarangkahan. Hindi ba sila titigil?" rinig kong wika ng isang babae sa kasama niya.

"Balita ko'y may hinahanap ang hari nila rito sa Salamanca. Hindi pa rin natutukoy ng Konseho kung ano ito." Tugon ng kasama nito. I jumped in shock when the door suddenly opened. What the hell!

"Mang Raldo, tayo'y humayo na. Sa isang ruta na lang tayo dadaan." Utos ni Stalwart at pumasok sa kalesa at nagpatuloy na ang aming biyahe.

"Nakakagulat ka naman! Mukhang ikaw ang makakasira sa pinto!" reklamo ko habang umandar na ang aming kalesa pabalik. Napangisi lamang ito at bahagyang sumandal sa upuan.

"May narinig ako kanina sa labas na nag-uusap. Sabi nila ay isang pag-atake mula sa kadiliman?"

Napatingin naman siya sa akin at bahagyang nagulat ngunit agad naman niya akong sinagot. "Isa ka rin palang chismosa, Artemis." 

Agad ko naman siyang hinampas sa hita sa sobrang inis. As a result, his brows narrowed.

"Isang kapangahasan ang iyong ginawa sa isang Valkier na tulad ko?!" galit na wika nito. Bigla kong naalala yung una naming pagkikita. Nang hinampas ko ang kanyang kamay para makipag-shake hands. For the nth time, you deserve it, yabang!

"E di hulihin mo ako. Ikulong mo. Ano?!" hamon ko sa kanya. Medyo napatayo na ako sa harap niya. Humagalpak naman ako sa tawa nang napaatras siyang bahagya. I sat down and held my stomach from laughing so hard.

"Isang Valkier whatever takot sa isang tulad ko?!" 

Napawi ang ngiti sa labi ko nang niyakap niya ang kanyang sarili. Does he think I am going to harass him? I am offended!

Umuusok naman ang ilong ko sa sobrang inis.  "Assuming, feeling!" 

Siya naman yung natatawa ngayon.

"Gross! Eew! Over my sexy body!"

Mas tumawa siya dahil doon. Nakakainis ang tawa niya. Nakakapikon saka nakakainsulto.

Napatingin naman ako sa isang gusali sa labas. All my annoyance melted away. It is encircled by soaring gates, orange-leaved trees, and a big fountain in the center with varied colored water.

"Manong Raldo! Sandali ho!" sigaw ko kay Mang Raldo. Natigil naman ang kalesa sa pag-andar at agad akong lumabas.

"Saan ka pupu—" hindi ko na pinaringgan si Stalwart sa pagtawag sa akin.

Ngayon ay nasa harapan ko na ang isang gusali na siyang kumuha ng aking atensyon. Unknown to me, but my feet suddenly stepped in its own direction. I'm not sure why, but I was overjoyed.

Mas napanganga ako nang makakita akong ng mga kasing-edad ko na lumabas mula roon.

"Aethelmagia?" tanong ko sa aking sarili. Ito ba ang lugar para ako ay maging isang ganap na Salamangkera?

"Artemis!" 

Natauhan ako dahil sa tawag sa akin mula sa likod. Napalingon ako at si Stalwart iyon. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Lumapit agad ito sa akin habang hawak-hawak ang aking belo.

Magtatanong na sana ako nang dahan-dahan niyang sinuot sa akin ang belo at sobrang lapit namin sa isa't isa. Kasabay ng pagbagsak ng mga kahel na dahon at katamtamang lakas ng hangin, diretso niya akong tinignan.

"Kusang dinala ka ng iyong paa kung saan ka dapat nabibilang. Kahit sino, kahit ako'y hindi ko kayang pigilan ang iyong kapalaran. Ngunit hindi ito ang tamang panahon, Artemis. Maaari ka maging Salamangkera balang araw ngunit 'pag natapos na ang lahat, 'pag naayos ko na ang lahat, hahayaan kita sa mga gagawin mo, sa gusto mo. Hindi sa ayaw kong may tumulong sa akin, ayaw kong may madamay na ibang tao sa laban ko. Ayaw kitang madamay." Sincere na wika ni Stalwart sa akin.

"Magiging pabigat ba ako sa nais mo? Gano'n? Kaya ayaw mo akong madamay?"

"Kahit kailan, hindi 'yan pumasok sa isip ko. Kailanma'y hindi ka naging pabigat sa akin." Tugon niya at nagsimula naman siyang maglakad pabalik sa kalesa.

"So bakit? Bakit pinipigilan mo ako? Bakit sobra kang mag-alala sa akin? Bakit?!"

Napatigil siya sa paglalakad nang sumigaw ako. Humarap itong nakayuko.

"Ayaw kong maulit ang kaganapan na nagdulot sa akin ng sobrang lungkot at pangamba. Ayaw kong mapahamak ang ibang tao nang dahil sa akin..."

Nagsimula namang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa mga salitang binitawan niya. Mas lalo itong bumilis nang humarap siya sa akin. Ang kanyang mata ay puno ng sinseridad at pag-aalala.

"Kahit ako na lang ang mahirapan. Titiisin ko ang lahat ng sakit basta't 'wag mo lang iyon maranasan. 'Wag lang ikaw, Mising."

That specific moment made me remove all of my suspicions and doubts from him. On top of that, my heart continues to beat rapidly.

Who are you, Stalwart Augsburg? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status