MABILIS kong binaba ang cellphone at kumaripas ng takbo palabas sabay hawak sa aking puso. Napaluhod ako, dahan-dahang isinandal ang ulo sa balon at hindi ko na napigilan ang pagbuhos muli ng aking mga luha. "Wishing well, 'pag humiling ba ako sa'yo, matutupad mo ba 'yon? Pwede bang pumunta sina Mom at Dad kahit ngayong araw lang? Kasi ang lungkot ko, kasi masakit, kasi... gusto ko lang naman matupad ang wish ko—to be genuinely happy. It's not difficult, isn't it?" Wala akong natanggap na tugon o kahit mga maliliit na liwanag mula sa balon na siyang nagdulot sa akin ng lungkot at pagkadismaya. I'm really used to it. They have been like this ever since but why is it still painful? Halos napangiwi at napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang sakit na nararamdaman. Sa dahilang iyon ay 'di sinasadyang masagi ang favorite hairclip at ito'y mahulog. Mabilis kong sinalo ito ngunit sabay din nito ang pagkahulog ko sa balon. Naramdaman ko na ang sobrang lamig na tubig, sobrang dilim na
"No smartphones, blocked credit cards and without your car. You can still breathe and vacation there without those." Saad ni Mom, hindi ko naman mapigilang mainis at tumigin sa bintana. We are riding in our family car heading to somewhere I don't know."Throwing me away from the city seems not enough. You two also want to get rid of me." Sa pagkakasabi kong iyon ay naramdaman kong umayos ng upo si Mom at hinarap ako."This is not getting rid of you, this is giving you a lesson, Artemis! Palagi kang nagpapasaway and worse is, it causes so much damage to our company right now. Coming home late and drunk in front of our investors and partners. This puts me and your Dad in a difficult situation!" she grimaced.Nagsimula namang uminit ang aking mata, "To make it short, I'm such a disgrace to our family. What do you think was the reason I was drunk that time?? I am so lonely, Mom! You two failed to attend my graduation. Wasn't becoming the batch Valedictorian enough reason to leave your off
AS SOON as I felt the sunlight from the window, I instantly opened my eyes. Slowly sat down on the bed, starts to stretch my upper body, and looked around.Lahat ng furniture ay halatang ginawa at ginamit pa ng mga ninuno namin noong 1900's. This will be my room for the upcoming months anyway. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Napataas ako ng kilay dahil 7 am pa lang ng umaga pero rinig na rinig na busy agad ang mga tao rito sa hacienda.Lumapit ako sa terrace ng aking kwarto at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang paraiso este isang napakagandang hardin. Sakto lang ang laki ng lugar, pinalilibutan ng mga puno, at nakatanim ang iba't ibang halaman at mga bulaklak. Sabayan mo pa ng magandang panahon. Gusto kong kuhanan ng picture ang nakikita ko ngayon kaso wala nga pala akong phone kaya walang nagawa kundi ngumuso sa inis."Kay ganda ng panahon ngayon ngunit ang iyong mukha ay parang makulimlim na?"Nakita kong humihigop ng kape sa ibabang gilid si Lola Ath
TUMAYO ito at inayos ang kanyang sarili. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Ako si Stalwart Augsburg, inyong lingkod, magandang binibini." Sa oras na ito ay umiinit na ang aking pisngi. Mula sa kanyang itsura hanggang sa pananalita ay napakaguwapo.Napailing-iling naman ako. Hindi ko ito kilala at bakit siya nandito sa hacienda? Baka modus lang ang pagpuri niya sa'kin at yung ano...yung kaguwapuhan niya! It's just a random guy and a stranger in your backyard!Nakalahad pa rin ang kamay nito sa akin. Imbes na makipag-shake hands, tinapik ko ito nang napakalakas at hindi nagdalawang isip na lumayo sa kanya.Darn. What did I just do?Napahawak siya sa kanyang kamay. "Bakit mo ginawa iyon, Binibini? Sinagot ko lamang ang iyong tanong." As he said that, his eyes became dimmer. Napahawak naman ako sa aking bibig sa sobrang hiya.Magsosorry na sana ako at tatanungin kung ano ang ginagawa niya rito pero muli siyang nagsalita. "Ganyan ba ang iyong pagpapasalamat? Pagkatapos kong gamutin ang iy
SIMPLE kong pinagmasdan ang kapaligiran upang awtomatikong mapanganga sa sobrang mangha. Surrounded by lush trees, the whole area is covered with white flowers, many birds chirping and the weather is so clear.Napatingin ako sa aking kasuotan at napangiti dahil ito pa rin ang bigay sa akin ni Lola, isang white boat neck gown.Hindi ko mapigilang umikot-ikot sa sobrang ganda ng lugar. Mas lalo akong namangha nang nagsimulang lumakas ang ihip ng hangin at nagsiliparan ang mga puting petals. Sumasayaw ang mga ito sa ere na para bang sinasabayan ang aking galaw. Napahiyaw ako sa sobrang saya, kahit papano ay naibsan ang aking lungkot.Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng pagod sa kakaikot at kakaindak. Itinaas ang dalawang kamay at binagsak sa damuhan ang aking katawan. Parang nagslow-motion ang lahat kung kaya't napangiti ako ng malapad at ipinikit ang mata.Sa aking pagbagsak, napawi ang aking ngiti dahil parang nakatama ako sa kahoy—hindi ito kahoy!Darn. Tila'y nabuhusan ako ng ma
NAPATINGIN ako sa buong paligid. Puro kulay puti ang aking nakikita. Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako for real?!"Mising..."Lumingon ako sa aking kanang gilid kung saan mula ang tawag. Napaatras ako sa sobrang gulat dahil iyon ay si Stalwart."Anong nangyari? At nasaan ako?"Napatingin ako sa paligid. Nakahiga ako ngayon sa kama ng isang makalumang clinic. I sighed when I realized I wasn't dead yet."Nandito ka sa isa sa mga kwarto ng Paggamutan ng Konseho. Nahimatay ka habang nag-uusap tayo kanina. Sabi ng manggagamot, dulot ito ng sobrang pagod. Pahinga, pagkain ng mga masustansyang pagkain at isang likidong gamot ang mga ibinilin niya sa'yo," seryosong wika nito sabay tingin sa isang maliit na bote at isang bowl ng pagkain sa katabing maliit na mesa. Napatingin din ako sa itsura niya. He's now wearing a neat coat with a white polo underneath. His hands are in his pockets, and his hair is a little messy, but overall, he looks good, I guess.Natauhan ako nang tumikhim siya. Ka
"MARAMING sa lahat, Stalwart. Hayaan mong tulungan kita sa iyong nais. Para magawa ko iyon, gagampanan ko ang pagiging isang Salamangkera.""Girl! Pinagtsitsismisan ka na ng mga waitress dito. look!" ani Steph sabay turo sa mga waitress na nagkukumupulan sa gilid ng bar. Natigil sila sa pagkukuwentuhan at inayos ang mga sarili nang makita akong tumingin sa kanila. Napangisi na lamang ako. What a bunch of monkeys in here!We are all girls and I am the only one who is a minor at that time. I still got in, you know, connections.Lumagok lang ako nang lumagok ng alak. Sumingit naman si Cheska na halatang lasing na. I can say it kasi halos hubaran na niya ang kanyang skirt at idisplay. Pang attract daw sa boys dito. Kung wala yata kami rito, baka hubo't hubad ito every inuman session. "Halosh very day kah na rawsh sa var nila! Farang wala ka rawsh na pamily! Baka madishgrasya ka rawsh! Sino daw magproprotects sayow?" sigaw nito at napahiga na lang bigla sa sofa.I gave my kainuman friends
DALAWANG araw na ang nakalipas mula noong eksena namin sa harap ng Aethelmagia. Nag-uusap pa naman kami pero tungkol lamang kung kakain na o matutulog na ako. Sobrang awkward! Ayaw ko naman mag-open tungkol doon. Hindi ko alam pero hindi ako ready sa mga malalaman ko.Tamang tingin lang ako sa bintana para makita kung ano ang nangyayari sa labas. As usual, 1900's ang setting. Normal naman silang tignan, wala naman silang dalang wand or something different to determine that they are Salamangkeros and Salamangkeras. They are just like me.Napalingon ako sa kumatok. Si Stalwart."Bukas 'yan..." wika ko at niluwa ng pinto ay si Stalwart na may mga dalang libro."Alam kong walang radyo o kaya telebisyon rito kaya heto...mga libro na maaari mong basahin para 'di ka mabagot o mainip," simpleng aniya at nilapag ang mga ito sa side table. i noticed he had grown eye bags. The man seems to be staying up late and he only went to Konseho once, due to the fact he was watching over me."Paano masas