Home / Fantasy / Into the Wishing Well / Chapter 5: Curiosity killed the Cat

Share

Chapter 5: Curiosity killed the Cat

NAPATINGIN ako sa buong paligid. Puro kulay puti ang aking nakikita. Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako for real?!

"Mising..."

Lumingon ako sa aking kanang gilid kung saan mula ang tawag. Napaatras ako sa sobrang gulat dahil iyon ay si Stalwart.

"Anong nangyari? At nasaan ako?"

Napatingin ako sa paligid. Nakahiga ako ngayon sa kama ng isang makalumang clinic. I sighed when I realized I wasn't dead yet.

"Nandito ka sa isa sa mga kwarto ng Paggamutan ng Konseho. Nahimatay ka habang nag-uusap tayo kanina. Sabi ng manggagamot, dulot ito ng sobrang pagod. Pahinga, pagkain ng mga masustansyang pagkain at isang likidong gamot ang mga ibinilin niya sa'yo," seryosong wika nito sabay tingin sa isang maliit na bote at isang bowl ng pagkain sa katabing maliit na mesa. Napatingin din ako sa itsura niya. He's now wearing a neat coat with a white polo underneath. His hands are in his pockets, and his hair is a little messy, but overall, he looks good, I guess.

Natauhan ako nang tumikhim siya. Kanina ko pa pala siya tinitignan.

"Halos tatlong oras kang natulog at kanina ko pa naririnig ang pagtunog ng iyong tiyan. Kailangan mo nang kumain." Sambit nito at sabay abot ng bowl sa akin. Kinuha niya ang upuan at umupo sa aking gilid.

My eyes widened. "3 hours akong natulog?! And what's this? Porridge?"

"Oo. Isa 'yan sa mga karaniwang pagkain dito sa Salamanca. Kadalasan pinapakain sa may sakit. Kung kaya't ubusin mo 'yan." Aniya upang mapa-rolled eyes ako.

"Kasalanan mo kung bakit ako nahimatay. Naglakad tayo ng pagkahaba-haba kahit pwede naman pala magkalesa." I pouted.

"Ako'y naging bulagsak at ipinagsawalang-bahala ang iyong kalagayan. Mukhang hindi lang ang iyong mental ang nagulat, pati na rin ang pisikal. P-Paumanhin. Hindi na iyon mauulit." Sincere na wika niya at napaiwas ng tingin pagkatapos.

The first time I have met him I always feel being aggravated, humiliated and outbest but now... I feel being taking care of and understood by him.

Dahil hindi ko alam ang itutugon ko sa sinabi niya ay walang pakundangan kong kinain ang porridge na parang gutom na lion. He was right, I was very hungry. It's like I haven't eaten in weeks.

"Yung pag-uusap pala natin. Sa bahay ko na lamang natin iyon ipagpatuloy. Mas ligtas." Sambit niya upang mabulunan ako sa aking kinakain. What in the world did he just say? Bahay niya?!

Ang lalaki naman ay mabilis na kumuha ng tubig at binigay ito sa akin. Habang umiinom ay hindi ko mapigilan na panlakihan siya ng mata. Nang natapos ay bumalik na naman ang inis ko sa kanya. "Kaya nga pumunta tayo rito sa Konseho mo dahil sabi mo ay ligtas dito tapos ngayon sa bahay mo na dahil mas ligtas? I have sacrificed my debut celebration for this! Are you scheming something?!"

Tumayo siya. "Oo, meron akong binabalak." Diretsong sagot niya upang balutin ng takot ang aking katawan. Sumabay pa ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang lumapit siya sa akin at may kung ano'ng ilalabas sa kanyang kanang bulsa.

Either he's holding a gun or knife. Screaming is only my chance to distract and get away from him!

Hindi ko ito naituloy nang maramdaman ko ang malambot na pagpunas niya sa bibig ko gamit ang puting panyo. "Aking binabalak ay ang ligtas kang maiuwi sa Pangaea. Napagtanto ko na hindi ka ligtas sa lugar na ito. Ang kaligtasan mo ang prayoridad ko ngayon sa Salamanca."

Tila'y napako ang tingin ko sa kanya at napahawak sa aking dibdib, niraramdam ang puso kong ngayon ay mahinahon na. 

"Kailangan na nating umalis dito. May naghihintay na sa atin na kalesa sa labas." Walang kamalay-malay na patuloy niya at inayos ang tindig. Nahihiya naman akong tumango pabalik. Umupo sa kama at nagsuot na ng sandals.

His words touch my heart again but I'm no fool! Words can be deceiving. I still can't trust this guy. I just have to go with the flow once more.

"Buhat o pasan. Pili ka," biglaang tanong niya.

"Ha?"

"Bubuhatin kita paharap o ipapasan sa aking likod?"

Awtomatikong namula ang aking pisngi sa tanong niyang iyon. What is he thinking? Goodness gracious!

"W-Why are you asking me that question?! A-Are you out of your mind?"

"Ang hindi paglakad ay pahinga. Kung kaya't bubuhatin kita para hindi ka mapagod. Bilis, pumili ka na."

Napaatras ako sa sinabi niya. I am internally screaming!

Tumikhim ako at matapang na tumayo sa harap niya. "A-Ano ang akala mo sa akin, mahinang nilalang? I-I don't need your help. I-I can handle myself!" buwelta ko, napatango-tango naman siya.

"Sige, sinabi mo e. Halika na." Mabilis na sagot niya at lumabas na sa kwarto. Napanganga ako sa sobrang gulat dahil doon.

Darn. Ang bilis kausap. Hindi man lang nagpumilit?

Kung kanina ay gumamit kami ng kahoy na elevator, ngayon ay hagdang pababa kung saan walang dumadaan na tao. Paliwanag niya'y mas hindi kapansin-pansin dumaan dito. Lulusot din ang mga pasilyong ito sa likod ng Konseho kung saan naghihintay raw ang kalesa. According to him, every household here in Lowlands has its own rented carriage and coachman. In short, parang private service vehicle lang ang peg.

Tahimik ko siyang sinusundan habang napapatingin sa mga nadadaanang paintings. I will give a huge salute to the artist. These are all well-drawn paintings! Iba't ibang lugar ng kalikasan. May nakita akong napakalawak na disyerto, mayroon naman na mga bahay na yari sa bakal, isang village na pinalilibutan ng mga malalaking puno, isa ring malawak na karagatan na may mga makalumang barko at ang kalye ng Lowlands na nadaanan namin kanina. Mukhang ang mga nakaguhit ay ang mga rehiyon dito ng Salamanca.

When we were already outside, my stomach suddenly rumbled. I'm hungry again. I just ignored it and looked around. Mukhang magdadapit-hapon na rito.

"Baliktad ba ang oras dito?"

Napalingon siya sa akin. "Oo, kung gabi roon, umaga na rito. Kalahating araw ang lamang ng Salamanca sa mundo ninyo, " sagot niya. Nasa harap na kami ng isang kalesa at may kutsero sa harapan nito.

"Maaga ka ngayon, Sir Stalwart. Minsan lang ito mangyari ah," wika ng lalaking kutsero. Medyo mataba ito, mayroong mahabang balbas, kayumanggi ang kulay ng kanyang balat at kirat ang isa nitong mata.

"May mga pangyayari kasi na hindi ko inaasahan kaya ganoon, Mang Raldo." He replied then looked at me. Inirapan ko na lang siya upang ngumisi ang lalaki pabalik.

"Si Artemis pala, Manong. Artemis. Si Mang Raldo, ang aking kutsero," pagpapakilala ni Stawart. Nakangiti ito at nilagay ang sumbrero sa kanyang dibdib bilang paggalang. I didn't know how they greeted each other so I just gave him a fake smile.

"Kay gandang pangyayari. Kasintahan mo ba siya Asul?" dire-diretsong tanong ni Mang Raldo upang mapalingon kami sa gulat.

"Hindi niya po ako kasintahan," diretso kong sagot with matching chin up. Napakamot na lang sa ulo si Mang Raldo.

"Ah alam ko na! Magkaibigan?" nakangiting tanong ulit nito.

I forwned. "Lalong hindi po!" 

Tinignan ko naman ang reaksyon ni Stalwart at sobrang hindi makapaniwala ito. Dahil sa tinulungan mo ako rito, friends na agad tayo? It's a no, no.

Tumawa si Mang Raldo. "Ah alam ko na, mag-asawa kayo!" dagdag ni Mang Raldo upang mapanganga ako. Hindi nga kami magkaibigan at magkasintahan, mag-asawa pa kaya?!

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Stalwart. "Lalong hindi po kami mag-asawa," malamig na wika niya saka agad pumasok sa loob. In short, nagwalk out ang lalaki.

Tumawa naman ng bonggang bongga si Mang Raldo. "Pumasok ka na iha, nasaktan lang iyon dahil itinanggi siya ng kanyang minamahal." Mas lalo akong naguguluhan sa mga sinasabi ni Mang Raldo kaya pumasok na rin ako sa loob. Naabutan kong nakaupo sa kaliwa si Stalwart kaya umupo ako sa kanan. Ngayon'y magkaharap na kami at nagsimula nang umandar ang kalesa.

"Mapagkakatiwalaan si Mang Raldo, ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya ng tungkol sa'yo," sambit ni Stalwart out of nowhere, napatango-tango naman ako.

"Saka 'wag mo nang intindihin ang mga sinasabi ni Mang Raldo, sadyang siya'y makuwela at palabiro," dagdag niya habang nakatingin pa rin sa may bintana.

"Okay lang naman. At least, masaya. Hindi tulad ng iba riyan..." mahinang parinig sa aking sarili. At this time, I should have been preparing what I would be wearing long gowns, spend time with closest relatives and friends, and celebrate my birthday with them. Nonetheless, here I am, in a strange world. Another dream has broken. There is really no chance for my dream to come true.

"Ako ba ang pinaparinggan mo?" biglaang tanong ni Stalwart.

I snorted. "Feeling mo rin 'no. Sarili ko pinaparinggan ko, akala mo ikaw na naman."

Biglang napangiti ito habang nakatingin sa bintana. Nasilayan ko ang kanyang ngiti sa unang pagkakataon. Yung masasabi mong tunay. Then his teeth. Ang ganda ng mga ngipin niya. Mapapasana all ka na lang talaga.

"Bakit mo pa ako tinititigan? May tanong ka ba?"

Natigilan ako sa pag-appreciate ng mga ngipin niya. Nataranta ako kaya tumango na lamang, "Ano... Ipagpatuloy na kaya natin yung pag-uusap natin kanina. You know, about this place and everything..." 

My forehead had begun to sweat. Why does it suddenly get warm here?

He let out a deep sigh. "Sa bahay ko na lang nga, maraming tao ang nasa paligid, mahirap na." 

Wala akong nagawa at inirapan siya.

Binalik ko ang aking tingin sa may bintana. Napadaan kami sa isang parang shop kung saan may mahabang pila ng tao.

"Ano'ng meron doon? Bakit ang daming tao?"

"Ang lugar na iyon ay ang Kamiseta, ang pinakasikat na paggawaan ng damit sa buong Salamanca," sambit niya habang papalayong pinapanood ang mga taong pahirapan bumili ng mga damit.

"Maaaring sa makalawa'y kasama ka na sa mga taong nariyan upang bumili ng mga kasuotan." Dagdag niya. Napakunut-noo naman ako roon.

"No need. Ang dami kong damit sa bahay. Branded pa—" hindi ko natapos nang tumigil na ang kalesa sa pag-andar at agad namang lumabas ang lalaki na parang hindi ko siya kinakausap! Attitude rin talaga 'no.

Padabog akong lumabas at tinignan ang buong paligid. It's really like the old streets during the regency era. Houses were built in bricks and whole covered with painted

plaster. And here is his pastel-colored house, simple yet the elegance is still there.

Nagbow siya kay Mang Raldo kaya ginaya ko na rin. Natawa na lang silang dalawa sa ginawa ko.

I frowned. "Bakit kayo tumawa Mang Raldo sa ginawa ko? May hindi ba akong ala—" hindi ko na natapos ang aking tanong kay Mang Raldo dahil hinawakan ni Stalwart ang aking siko at pinapasok na sa loob.

"Bitiwan mo nga ako..." mahinang angal ko sa kanya at natatawang umalis na si Mang Raldo habang dala ang kalesa. Napansin ko na lamang na pinagtitinginan kami ng mga dumadaan.

"Tumahimik ka na riyan, ang daldal mo. Kinukuha na natin ang atensyon ng ibang tao." Naiinis na bulong ng lalaki sa akin. Ako? Madaldal?!

Nang nakapasok na kami, biglang niluwa ang isang babaeng nakapang women's tuxedo na siyang agad niyakap ang lalaki. Nagulat kami pareho. W-What's happening?

Yung babae—sobrang higpit ng yakap niya kay Stalwart tapos feel na feel pa niya! Tumagal ito ng kalahating minuto. Napaatras naman ako dahil sa nasisilayan.

Gross! Matagal pa ba 'yan?

"Salamat naman ay buhay ka. Akala ko kung napaano ka na. Buti na lang nakauwi ka ng ligtas, Asul," nag-aalalang saad ng babae.

"Sobra ka namang nag-alala sa akin, Arabella. Maaari mo na akong bitawan dahil may tao sa likod natin." Natatawang tugon ni Stalwart. W-What? Masaya pa ang lalaki? Tapos kinikilig pa?

Mabait sa ibang girls pero masungit pagdating sa akin.

Binitawan naman niya si Stalwart at hinarap ako. Nagbago ang tingin ng babae nang makita ako. She looks now emotionless tapos sinusuri ako gamit ng kanyang mga tingin. What in the world?

How dare she?

Mas maganda at mas matangkad ako sayo ng three inches para tignan mo ako from head to toe!

Nilahad niya ang kanyang kamay para makipagshake-hands.

"Maligayang pagdating sa Salamanca, Artemis. Ako nga pala si Arabella Thanatus," seryosong aniya. Oh, this is the Arabella he mentioned before. Her girlfriend, perhaps? Well, bagay sila. Attitude and arrogance, same.

But wait—paano niya ako nakilala at nalaman ang aking pangalan?

I flashed her a fake smile and just stared at her empty hand.

Taas noo ko siyang hindi pinansin. "Stalwart, nagugutom ulit ako. May pagkain ba rito?" wika ko habang papasok sa loob. Naiwan naman silang nakatulala sa akin.

Hindi ko alam pero naiinis na nga ako sa pagiging masungit ni Stalwart, dumagdag pa ang feeling mas maganda sa akin nitong Arabella.

"Ano? Hindi pa tayo kakain?" nakangiting tanong ko sa kanila habang nakahawak sa pintuan. Pumasok naman si Stalwart at hinila. Nakangiti ang lalaki. What in the world he is smiling like that?

"Anong ngiti-ngiti mo riyan ha?!"

Lumingon naman siya sa akin. "Grabe ka naman magselos, asawa ko. Diyan ka lang, magluluto lang ako."

W-What? Me? His asawa?!

Tuloy-tuloy naman siya sa paglalakad papuntang kusina habang ako ay naiwan sa living room na hindi makapaniwala. Imbes magalit, napahawak ako sa aking dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may karerang nangyayari sa loob. Napasabunot naman ako sa sarili.

Darn. Asawa his face!

"ANG SALAMANCA, ang gitnang parte ng mundo kung saan namumuhay ang mga Salamangkero at Salamangkera. Ang iyong tito, lolo at lola ay tatlong halimbawa. Tanging ang iyong ina lang ang taga-lupa sa pamilya kung kaya't wala siyang alam tungkol dito. Batas iyon dito sa Salamanca na wala ni-isang taga lupa ang makakaalam sa mundong ito at sa mga taong naninirahan. Parehas na normal na tao ang mga magulang mo kaya inaasahan na katulad ka rin nila ngunit mukhang hindi iyon ang nangyari." Paliwanag ni Stalwart habang kumakain kami ng dinner. At katabi ko ang feeling mas maganda sa akin na si Arabella na isa rin palang Valkierie dito sa Salamanca. Valkierie naman ang tawag sa mga babaeng Valkier.

She temporarily let me borrow her tea gown and it makes me gross. Nonetheless, I don't have any choice!

"Isang patunay nito ang mapunta rito sa pamamagitang ng isang makapangyarihang lagusan, ang wishing well ng ancestral house."

Napatingin ako sa kawalan. All my life I did not believe in these kind of things. I don't even believe in ghosts because I've never seen one. Now, it's more than a ghost, it's extraordinary yet real. Just dropped my clip and fell into the wishing well then I suddenly discovered the world of Salamanca. Then lahat ng mga kakaibang bagay na nararamdaman ko tungkol kay Aling Maria at Lola Athena ay nasagot na.

"Alam kong nabibigla ka pa sa mga nalalaman at nangyayari kaya 'pag binuksan ulit ng Salamanca ang mga lagusan, agad ka naming ibabalik kay Lola Tinay." Natauhan ako nang nagsalita yung Arabella. Ni-set aside ko na muna ang inis ko sa kanya dahil 'di pa rin ako makapaniwala. Silang dalawa lamang ni Stalwart ang makakatulong sa akin dito dahil isang linggo pa ako makakabalik sa amin.

Pagkatapos kumain ay naririto na ako sa pansamantala kong kwarto. Nalaman ko namang mag bestfriend si Stalwart at Arabella, hindi magjowa. Kaya pala parehas akong naiinis sa kanilang dalawa. Attitude and arrogance, same.

Narinig kong bumukas ang pintuan at niluwa nito si Stalwart.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. Magpahinga ka na. Mahimatay ka na naman niyan." Sermon nito, sabay sandal sa pintuan.

"Hindi ako makakatulog sa lagay na 'to. My birthday's landslide. The celebration didn't happen as well as discovered Lola Tinay and Ate Maria know all about this. May balak bang sabihin sa akin ni Lola ang lahat ng ito?"

"Naniniwala ako na sasabihin niya ito sa'yo, karapatan mo na malaman ang totoo mong pagkatao. Ngunit mukhang ikaw mismo ang gumawa ng paraan at inunahan mo siya."

"Nabanggit mo kanina na isang Salamangkero si Tito Apollo, so nandito rin ba siya sa Salamanca? Tsaka kung ito ang totoong tahanan nina Lola Tinay, bakit nandoon sila sa Earth?"

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin. Last time na nakita ko si Tito Apollo, ang kuya ni Mom, ay noong libing ni Lolo Adolfo.

"Hindi ko alam ang sagot sa iyong mga tanong. Si Lola Tinay lamang ang makakasagot sa mga 'yan." Seryosong sagot habang nakatingin sa bintana.

Smell something fishy. I still can't trust him. He's also hiding something from me.

Magtatanong pa sana ako tungkol doon nang may inilahad siyang parihabang kahon. Natameme ako. A gift?

"Alam kung medyo huli na ito ngunit maligayang kaarawan ulit, Mising..."

Nanghina ang buong sistema ko dahil doon. Kung kanina ay sobrang bilis ng tibok, ngayon ay parang tumigil ito. We were not close and we treated each other badly so why is he giving me a present?!

Dahan-dahan siyang lumapit at binigay ito sa akin. Kinuha ko at walang kurap akong nakatingin sa kahon. Nanginginig na binuksan ko ito at nakita ang isang puting belo. Naningkit bigla ang aking mata.

"Belo? Magsisimba ba tayo?"

Bahagyang nataranta ito. "Kinakailangan mo iyan suotin dito sa Salamanca para 'di ka mapansin ng mga tao rito." Seryosong baling nito sa akin. 

Napanguso naman ako. "I guess I don't have a choice. I am pretty so hindi na maiwasan na mapansin ako. Bakit ayaw mo akong makilala dito sa Salamanca?"

"Ayaw mo? Bagong bili ko 'yan. Sige ibigay ko na lang sa iba. Kay Arabella ko na lang ibi—" Animo'y kukunin niya yung kahon pero nilayo ko ito.

"Walang bawian! Regalo mo 'to sa akin eh!"

"Eh bakit nga parang ayaw mo?!" medyo may diin na tanong niya sa akin.

"Wala naman akong sinabi na ayaw ko ah! Ang akin, ay akin!"

He grinned. "Kukunin din pala. Kung anu-ano pa ang sinabi. Pakipot..." pabulong na wika nito ngunit malinaw ko itong narinig

"Excuse me! Hindi ako pakipot! Tsaka—" hindi ko natapos ang pagsasalita ko nang pumasok si Arabella.

Look who's making a scene here.

"Dumating na si Tweety dala ang sulat mula kay Lola Tinay." Nawala ang inis ko sa kanya nang ibinigay niya sa akin ang sulat. Dahan-dahan ko itong binuklat at binasa.

Apo, salamat naman ay ligtas ka. Buti na lang nakita ka ni Stalwart diyan sa Salamanca. Nag-aalala kami ng sobra, Mising. Patawarin mo ako dahil hindi naging maganda ang iyong kaarawan tulad ng pinangako ko sa'yo. Alam kong iingatan at aalagaan ka riyan ni Stalwart at Arabella. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat 'pag nakabalik ka na rito. Mag-iingat ka Apo, mahal na mahal ka namin. Tandaan mo riyan.

-Lola Tinay

"Pwedeng iwanan niyo muna ako?"

Agad naman silang sumunod at sinaraduhan ang pinto ng kwarto.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na umiyak. Naiiyak ako lahat ng nangyayari at sa pinapakitang pagmamahal ni Lola Tinay sa akin. She really loves me so much!

AWTOMATIKONG nagising ako nang may narinig akong kaluskos sa kwarto. Dahan-dahan akong bumangon at halos mahulog ako sa kama dahil may lumulutang na grey cat sa harap ko! Sisigaw sana ako ngunit biglang nagpacute ito sa akin na siyang nagpalambot ng aking puso. Its round eyes getting big and twinkles at the same time! Hindi ko na rin mapigilang mapangiti dahil nagsimulang tumalon-talon ito sa ere at nilibot ang kwarto!

So cute!

Tumayo ko at akmang kukunin ang pusa ngunit mabilis itong lumabas ng kwarto. Hinabol ko ito hanggang sa katabing kwarto. Napangisi ako nang pumasok ang pusa sa malaking cabinet.

Nilapitan ko at unti-unting binuksan. Namilog ang aking mata dahil wala ang pusa roon. Napatingin ako sa ibaba at may nakitang square na pintuan sa cabinet. Binuksan ko ito at napaatras sa sobrang pagkabigla sa nadiskubre. There is a secret passage here?!

Without hesitation, pumasok ako roon at inaakalang may hagdan ngunit wala pala upang dirediretso akong nahulog. Napahawak ako sa aking pwet, ang sakit!

I slowly stand up and looked around. "Miming, where are you?"

Nakita ko sa gilid ang switch ng ilaw. Nang pinailawan ko, nagulat ako na isa rin pala itong kwarto. Nakita ko ang pusa na nakatulog sa mesa. But what really caught my attention was seeing the entire wall filled with photos and newspapers. I take one and read what is written on it.

"Disyembre 12, 2008. Buong pamilya ng Persalez, pinatalsik sa Salamanca. Adolfo Persalez, ang Punong Armada, pinatawan ng kamatayan." Napahawak ako sa aking bibig.

Kinuha ko ang ibang dyaryo.

Si Adolfo, napatunayan na siya ang pumatay sa asawa ng prinsipe na si Mutya Susanna. Ito'y binigyang patunay nang masaksihan ng anak ng Mutya ang pangyayayri. Pinatawan ng kamatayan si Adolfo at pinatalsik ang kanyang buong pamilya rito sa Salamanca habambuhay.

My head hurts all of a sudden. Nalilito ako. Namatay si Lolo dahil sa cancer, bakit sinabi rito na pinatawan siya ng kamatayan?! Mas tinignan ko ang buong dingding. Parang yung napapanood ko sa mga action movies kung saan dinidikit ang mga litrato at ebidensya. Isang imbestigasyon. Anong ibig sabihin nito, Stalwart?

Napatingin ako sa mesa kung saan may litrato. A photo of Lola Athena and Lolo Adolfo hugging a little boy. They are so happy in the photo. My head hurt once more. I held onto my senses.

Hindi ako nagkakamali. Si Stalwart ang bata.

Bumaling ulit ako sa dyaryo. Lies. Namatay si Lolo dahil sa cancer.

Naramdaman kong may tao sa aking likod. Lumingon ako at naabutang ang gulat na gulat na si Stalwart. Pinakita ko sa kanya ang dyaryo. Akmang kukunin niya ito pero mabilis kong inilagay ito sa aking likod.

"Anong ibig sabihin nito ah?! Anong... Pinatalsik? Pinatawan ng kamatayan si Lolo? Hindi ito totoo. He died because of cancer. How dare you make stories about Lolo?!" I shouted as my tears welled in my eyes.

He relaxed and deeply sighed.

"Bago sagutin ang iyong tanong, bakit ka naririto? Tama ba ang pagpasaok sa hindi mo kwarto at pakikialam sa gamit ng iba?!" he seriously shouted back. 

"Wala akong pakialam sa mga sermon mo! I know we're in a different world but this is no joke. Just answer me. Anong kahibangan ang laman ng dyaryong ito?!"

Hinarap niya ako at tumingin sa akin ng diretso. "Hindi iyan isang kahibangan, isa 'yang katotohanan na buong buhay kong pinagluluksa."

Tears are now falling from my eyes. Don't say anymore, please.

Napatingin siya sa ibaba. "Alam kong nagtataka ka kung bakit mag-isa lamang ako rito sa bahay. Hindi lang ako ang nakatira rito noon. Ito ang bahay nina Lola Tinay at Lolo Ompong. Totoo ang nabasa mo maliban sa pagpatay ni Lolo sa mutya." 

His persistent and strong image disappears. He is now filled with sorrow and grievance. Wala ni-isang luha. Wala ni-isang hikbi. Gayumpanan, kitang-kita ang pagdadalamhati ng kanyang puso.

"H-Hindi ko man lang naipagtanggol sina Lolo O-Ompong, Lola Tinay at Tatay Pollo mula sa mga bintang nila noon. Ako'y musmos na walang kalaban-laban. Tanging bibig lang ang aking nagamit pero walang napala iyon. Natuloy ang pagpataw ng kamatayan kay Lolo at pagpapatalsik ng buong Persalez sa Salamanca. Dapat nga'y kasama ako noon ngunit pinilit kong hindi sa kanila sumama at nagmakaawa sa mga nakatataas dahil gusto kong mag aral sa Aethelmagia at maging isang Valkier para maimbestigahan ang kaso ni Lolo paglaki ko. K-Kahit sobrang sakit iyon sa parte ni Lola Tinay, ginawa ko iyon dahil hindi ako papayag na hindi malinis ang kanilang pangalan saka ipataw ang kamatayan sa totoong salarin."

"Maraming sa lahat, Stalwart. Hayaan mong tulungan kita sa iyong nais. Para magawa ko iyon, gagampanan ko ang pagiging isang Salamangkera."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status