"ARTEMIS..." Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Napahinga ako ng maluwag dahil ito ay si Binibining Eliya! "...at Janus. Pinapabalik kayo ng punong mangagamot sa klinika para malapatan muli ng gamot ang inyong mga sugat," nakangiting patuloy nito. Tumayo naman agad ako habang si Janus ay kumakain pa rin. Hindi ko na pinatapos na kagatin ni Janus ang kinakain niyang chicken at hinila na papalayo roon. As a result, the five burst out laughing, especially the twins. "Artemis at pinsan, magpagaling kayo ha!" si Kriselle. "Lalo na si Janus, gagaling talaga 'yan dahil makakasama niya na naman si Artemi—" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Paris dahil lumabas na agad ako sa Cantina. Tanging mga halakhak na lamang nila ang aking naririnig. That guy is quite loud. What if Stalwart hears it?! "Ang sarap pa naman ng kain ko oh!" reklamo ni Janus habang sinunsundan namin si Binbining Eliya papuntang klinika. Napapatingin naman ako sa likod dahil baka sinusundan na ako ni Stalw
"BALITA ko'y nasangkot ka sa isang gulo noong unang araw sa Aethelmagia," ani Stalwart habang nagluluto ng lunch namin dito sa kusina. In fairness, marunong talaga magluto ang lalaki. Baka kay Lola Athena at Aling Maria niya ito natutunan."Gulo agad? Hindi ba pwedeng slight misunderstanding lang? Exaggerated ka masyado."I am just sitting pretty while he is cooking my request, which is tinola. Tutulong sana ako kaso ayaw niya, magiging abala lang daw ako. I knew it. May hinanakit pa rin ang lalaking ito sa akin.Ilang sandali pa ay nilapag niya na ang pagkain. He grinned. "Kain na, 'wag kang mag-alala dahil masarap akong magluto."Napataas naman ako ang kilay dahil doon. Yabang talaga. Well, let's see. Tinikman ko ang luto niya at hindi nga maitatanggi na masarap talaga ito. Kasinglevel ng luto ni Lola Athena.Napatigil ako dahil nakatingin siya sa akin."Anong tingin-tingin mo riyan?""Masarap ba?" curious niyang tanong.I gulped. "Oo, pwede na." Nahihiyang tugon ko at pinagpatulo
SI STALWART...Tumayo siya at humarap sa akin. Nakasuksok sa bulsa ang kanyang mga kamay. "Hindi ba't sabi ko sa'yo ay 'wag kang lumabas," seryoso at may diing ani Stalwart sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso dahil sa nerbyos at kaba."Ano kasi... May nangyari kasi sa labas tapos nadamay ako kaya kailangan kong sumama papuntang Konseho pero 'wag kang mag-aalala, okay na iyon at naayos na," paliwanag ko at mas lalong kumunut ang kanyang noo.He frowned. "Anong nangyari para lumabas ka kahit delikado?" muling tanong niya. He didn't seem convinced by what I said. That's the truth!"Ano, may lalaki kasi na sinisipa at sinisigawan ang isang bata sa labas tapos syempre hindi ko kayang tiisin ang ganoon kaya sumabat ako sa kanila kaya natigil ang pananakit sa bata. That's it."Because his questions were so intense, I found myself shaking. It turned out to be even more nerve-racking than Arabella questioning at Konseho."Imposible." Komento niya na nagpataas ng aking kilay."Ano ang
DUMATING na ang kanilang kalesa sa tapat ng bahay. Hudyat na ito para sila ay umuwi."Bago kami umuwi, hihingi sana ako ng pabor sa iyo, Artemis," bulong sa akin ni Moiselle."Ano 'yon?""Pwede bang ikaw ang aking maging mata kay Sir Stalwart? Natatakot ako kasi para sa kanya. Dahil sa alam na ni Kriselle ang tirahan niya, maaaring padalhan niya si Sir Stalwart nang kung anu-anong regalo para mapaibig niya ito." Wika ni Kriselle. Nagulat ako nang sinabunutan siya ni Kriselle at hinila papalayo sa akin."Huwag mong pakinggan ang mga pinagsasabi ng babaeng ito. Sinungaling!" singhal ni Kriselle.Then Janus, who was now feeling a little tired, threw his arms over them, and the twins stopped fighting. "Magpaalam na kayo kay Artemis, aalis na tayo!" aniya at napangiwi ang dalawa. Wala na silang nagawa kundi sumunod.Kriselle smiled. "Paalam, Artemis! Bukas kita tayo ulit! Este sa Aethelmagia!" she exclaimed then hugged me tightly.Lumapit naman ng bahagya sa akin si Moiselle. "Yung sinabi
"DAPAT sinabi ko muna sa kanya na makikipagkita ako kay Paris," malungkot na ani Kriselle habang kumakain ng snacks dito sa Cantina. Hindi namin kasama si Moiselle ngayon, nasa kwarto siya at natutulog. Mamayang hapon ang unang araw namin sa asignaturang Mantra. I am excited and nervous at the same time."Sa katunayan, pinabayaan niya lang ako sa lahat ng ginagawa ko sa buhay pero iba kapag si Paris na ang usapan. Simula noon kasi, gusto niya na ito. Baka nga ay mahal na niya si Paris," patuloy na aniya habang ningunguya ang sandwich."Kelan 'yan nagsimulang paghanga niya kay Paris?" Sa tanong kong iyon ay kinuwento niya ang lahat nang nalalaman niya.Kriselle let out a deep breath. "Magkaibigan talaga silang dalawa dati. Yung tipong mas malapit pa sila sa isa't isa kaysa sa aming dalawa na magkapatid. Mula primarya hanggang sekondarya. Naging matalik silang magkaibigan. Nagbago ito nang nagkagusto si Moiselle sa isang guro namin noong nasa Sekondarya kami. Nakakagulat pero totoo iyo
MABILIS na bumalik kami ni Janus sa aming room dahil may pasok kami sa Mantra. Tatlong oras ang asignaturang ito at baka nakabalik na ang aming Maestra. At hindi nga ako nagkakamali, ilang minuto pa lang ng pagdating namin ay sumunod na ito."Isang magandang hapon sa inyong lahat, bagong Magians!" Bungad ng bagong Maestra namin upang mapahiyaw ang lahat kong kaklase. A pigtail haired-woman, maybe around mid 30's who's wearing a red long sleeved-jacket on top and black fitted knee-length skirt.Napanguso ito. "Ang hina naman! Isa pa!" sigaw nito para mas lakasan nga ng mga kaklase ko ang kanilang hiyaw. W-What's happening?"Iyan ang gusto mo, mala-bakunawa kung sumigaw," biro niya upang matawa ang lahat.Umupo siya sa harap ng mesa. "Pasensya na kung medyo natagalan ang aming pagpulong pero huwag kayong mabahala dahil naririto na ako!" she growled.This Maestra looks high."Kriselle! Nasaan na ang inyong mga papel?" nakangiting tanong niya at binigay naman agad ito ni Kriselle. Paisa-
DAHIL hindi pa tapos ang fermentation ng ginawa naming unang hakbang sa likidong lakas, may pinagawa muna sa amin ni Maestra Haykey. Hindi makakasimula ng sunod na hakbang hangga't hindi pa tapos ang una dahil on the spot itong ihahalo.Napakunut-noo ang lahat dahil ang activity niya ay maglilinis muna kami sa hardin. Of course, autumn is nearly over, the leaves have already withered.Kaming mga girls ay tamang walis lang at ang mga boys naman ay ang naka-assign sa pagtipon ng mga dahon at basura. Napatingin naman ako sa lagusan at nakitang may mga nakabantay pa ring mga Valkier sa paligid. Mukhang hindi pa rin kami ligtas sa mga brujo't bruja sa hindi malamang dahilan."Mukhang makakasabay ako sa inyo sa pangalawang hakbang," maligayang sambit ni Moiselle sa amin. Tinuturuan at tinutulangan siya sa likidong lakas ng isang mag-aaral sa Segundar."Buti naman, para tulungan mo na ako! Para hindi na kayo mag-away ni Artemis," asar ni Kriselle sa amin."Nagka-Paris lang, marunong ka na m
"ANG AKING patakaran ay walang upuan, walang usapan, at higit sa lahat, walang tulugan sa loob ng dalawang oras ng klase. Naiintindihan ninyo ba?" patuloy ni Maestra upang sumang-ayon sa kanya ang lahat. Ang unang araw ng Mga Salita ng Salamangka at si Maestra Markisha ang aming guro. Even though the idea of standing for two hours is exhausting, Segundars assure us that Maestra Markisha's activities will keep you amazed and interested.Ayon sa kanya, ang Mga Salitang Salamangka ay ang mga salitang ginagamit at sinasambit upang manipulahin ang mga bagay-bagay, may buhay man o wala. Maituturing din itong isang artipisyal na mahika. May pinakita siyang mga imahe gamit mula sa kanyang kamay, maihahalintulad ito sa isang hologram."Ang Mga Salitang Salamangka ay maituturing na pinakamalakas na artipisyal na mahika. Ito'y maisasakatuparan ng isang tao sa pamamagitan ng konsentrasyon, matalas na pag-iisip at kaunting bahid ng natural na mahika. Sa loob ng dalawang buwan, sampung mga salitang