"DAPAT sinabi ko muna sa kanya na makikipagkita ako kay Paris," malungkot na ani Kriselle habang kumakain ng snacks dito sa Cantina. Hindi namin kasama si Moiselle ngayon, nasa kwarto siya at natutulog. Mamayang hapon ang unang araw namin sa asignaturang Mantra. I am excited and nervous at the same time."Sa katunayan, pinabayaan niya lang ako sa lahat ng ginagawa ko sa buhay pero iba kapag si Paris na ang usapan. Simula noon kasi, gusto niya na ito. Baka nga ay mahal na niya si Paris," patuloy na aniya habang ningunguya ang sandwich."Kelan 'yan nagsimulang paghanga niya kay Paris?" Sa tanong kong iyon ay kinuwento niya ang lahat nang nalalaman niya.Kriselle let out a deep breath. "Magkaibigan talaga silang dalawa dati. Yung tipong mas malapit pa sila sa isa't isa kaysa sa aming dalawa na magkapatid. Mula primarya hanggang sekondarya. Naging matalik silang magkaibigan. Nagbago ito nang nagkagusto si Moiselle sa isang guro namin noong nasa Sekondarya kami. Nakakagulat pero totoo iyo
MABILIS na bumalik kami ni Janus sa aming room dahil may pasok kami sa Mantra. Tatlong oras ang asignaturang ito at baka nakabalik na ang aming Maestra. At hindi nga ako nagkakamali, ilang minuto pa lang ng pagdating namin ay sumunod na ito."Isang magandang hapon sa inyong lahat, bagong Magians!" Bungad ng bagong Maestra namin upang mapahiyaw ang lahat kong kaklase. A pigtail haired-woman, maybe around mid 30's who's wearing a red long sleeved-jacket on top and black fitted knee-length skirt.Napanguso ito. "Ang hina naman! Isa pa!" sigaw nito para mas lakasan nga ng mga kaklase ko ang kanilang hiyaw. W-What's happening?"Iyan ang gusto mo, mala-bakunawa kung sumigaw," biro niya upang matawa ang lahat.Umupo siya sa harap ng mesa. "Pasensya na kung medyo natagalan ang aming pagpulong pero huwag kayong mabahala dahil naririto na ako!" she growled.This Maestra looks high."Kriselle! Nasaan na ang inyong mga papel?" nakangiting tanong niya at binigay naman agad ito ni Kriselle. Paisa-
DAHIL hindi pa tapos ang fermentation ng ginawa naming unang hakbang sa likidong lakas, may pinagawa muna sa amin ni Maestra Haykey. Hindi makakasimula ng sunod na hakbang hangga't hindi pa tapos ang una dahil on the spot itong ihahalo.Napakunut-noo ang lahat dahil ang activity niya ay maglilinis muna kami sa hardin. Of course, autumn is nearly over, the leaves have already withered.Kaming mga girls ay tamang walis lang at ang mga boys naman ay ang naka-assign sa pagtipon ng mga dahon at basura. Napatingin naman ako sa lagusan at nakitang may mga nakabantay pa ring mga Valkier sa paligid. Mukhang hindi pa rin kami ligtas sa mga brujo't bruja sa hindi malamang dahilan."Mukhang makakasabay ako sa inyo sa pangalawang hakbang," maligayang sambit ni Moiselle sa amin. Tinuturuan at tinutulangan siya sa likidong lakas ng isang mag-aaral sa Segundar."Buti naman, para tulungan mo na ako! Para hindi na kayo mag-away ni Artemis," asar ni Kriselle sa amin."Nagka-Paris lang, marunong ka na m
"ANG AKING patakaran ay walang upuan, walang usapan, at higit sa lahat, walang tulugan sa loob ng dalawang oras ng klase. Naiintindihan ninyo ba?" patuloy ni Maestra upang sumang-ayon sa kanya ang lahat. Ang unang araw ng Mga Salita ng Salamangka at si Maestra Markisha ang aming guro. Even though the idea of standing for two hours is exhausting, Segundars assure us that Maestra Markisha's activities will keep you amazed and interested.Ayon sa kanya, ang Mga Salitang Salamangka ay ang mga salitang ginagamit at sinasambit upang manipulahin ang mga bagay-bagay, may buhay man o wala. Maituturing din itong isang artipisyal na mahika. May pinakita siyang mga imahe gamit mula sa kanyang kamay, maihahalintulad ito sa isang hologram."Ang Mga Salitang Salamangka ay maituturing na pinakamalakas na artipisyal na mahika. Ito'y maisasakatuparan ng isang tao sa pamamagitan ng konsentrasyon, matalas na pag-iisip at kaunting bahid ng natural na mahika. Sa loob ng dalawang buwan, sampung mga salitang
NAGISING ako dahil sa ingay, minulat ko ang aking mata at nakitang nag-aasikaso na ang dalawa sa pagpasok. Umaga na pala. Tinatamad naman akong bumangon. Masakit ang aking ulo at kaunting nanginginig."Napahaba yata ang tulog mo, Artemis," simpleng wika ni Kriselle habang sumusuot ng uniform.I pouted. "Napapahaba talaga ang tulog ko kapag malamig ang panahon."Nakatingin ako kay Moiselle, nagsusuklay ito ng kanyang buhok at walang reaksyon naman siya kung tumingin.Umupo naman si Kriselle sa kama ko. "Hintayin na kita, sabay na tayong pumasok,," nakangiting aniya at napailing ako. "Maliligo pa lang ako at paniguradong mahuhuli ako sa klase. Sabay na lang kayo ni Moiselle."Sa isang iglap, nagbitawan sila ng mga matatalim na tingin sa isa't isa."Sumunod ka na lang Artemis," ani Moiselle at tumango ako."Tara na Kriselle," malamig na dagdag niya kay Kriselle. Walang nagawa ito kundi sumama sa kanyang kapatid. Nang nakalabas na silang dalawa, napangiti ako at nagwish na sana'y makapag-
KAHIT papano'y maluwag akong huminga dahil hindi iyon si Stalwart. Lumabas na ako roon baka nakakaistorbo lang ako sa manggagamot.In no time, I could see the man I had been looking for for a long time in afar. Ang kanyang grayish blue eyes ay diretsong nakatingin sa akin.Kusang gumalaw ang aking paa patungo sa kanya. Napabuga ako ng hininga nang makita na wala siyang sugat.Goodness gracious. That's a relief. He's fine, I guess."Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong niya. Napatingin ako sa kanyang itsura. Magulo na ang buhok, medyo maalikabok na ang kanyang mukha at binabalot na siyang pawis ngunit, bakit ang pogi niya pa rin?"Ano...kasi nabalitaan kong may nangyaring p-paglusob ng mga b-brujo't bruja, n-nandito ako p-para k-kumustahin k-kita, k-kung o-okay ka lang." I looked away after saying that. My heart beats faster once more.Ngunit, nabigla ako nang ngumiti siya ng kaunti at sinagot ako. "Ayos lang ako, sila ang hindi," aniya habang nakatingin sa paligid. Abala ang laha
LUMAPIT ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nagtataka naman ako sa nangyayari dahil nasisilayan ko rin sa 'di kalayuan ay si Mom. Nakangiti silang dalawa ni Lola Athena.Hinarap ako ni Dad. "I'm so happy to see you, and miss you so much, anak! B-Bakit parang hindi ka masaya?" tanong niya sa akin, medyo paos ito ngunit malalim kung magsalita.Napailing naman ako. "No, D-Dad. I'm just...s-surprised. Nice to see you again, Dad. It's been a while."Lumapit naman si Mom at hinalikan ako sa pisngi na siyang ikinagulat ko. "I'm sorry anak..." Sa isang iglap ay magkayakap na kaming tatlo na para bang bumabalik ang lahat sa dati, na ilang taon ko ring hinintay. They did something wrong to me. Yet I don't know what to say or where to begin with. Naghanda ng bonggang merienda si Lola Athena rito sa dining room. Lahat ng favorite ko, ni Mom at Dad na pastries ay naririto. Nasa unahan si Lola Athena nakaupo, sa kanang gilid niya si Ate Maria which is katabi ko at kaharap namin sila Mom and
PINAGPATULOY ulit yung last scene ni Prinsipe Maxilion at Fauna sa kusina ng kaharian kung saan narinig niyang kumakanta na kasing pareho ng boses ng babaeng lumigtas sa kanya sa gubat."Sobrang pangit ko ba para agad mong makalimutan? O 'di kaya sobrang hindi ako ganoon kahalaga para hindi mo na maalala?" malungkot na tanong ni Fauna sa Prinsipe na ngayon ay nabibigla sa mga nangyayari.Namilog ang kanyang mga mata. "I-Ikaw iyon, F-Fauna. I-Kaw!" hindi makapaniwalang saad ng Prinsipe. Lumuhod siya sa harap ni Fauna na nagpahiyaw sa lahat."F-Fauna, patawad dahil dahil kinalimutan kita, patawad dahil hindi kita naalala, at patawad dahil ngayon lang kita nakita," mga sinabi ng Prinsipe upang maiyak si Fauna. They kept looking at each other while there was a sweet music on the background.Natigil ito nang may kalabog na umalingawngaw sa paligid. Nasaksihan ito ni Hermelina na ngayon ay matatalim ang mga tingin sa dalawa."Anong ibig sabihin nito?!" sigaw ni Hermelina sa dalawa. Tumayo a