Phantom Lover

Phantom Lover

last updateLast Updated : 2022-05-29
By:  missyue  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
20Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Dala ng pangungulila ay laging dinadalangin ni Ino Salve na makita man lang ang mga magulang kahit kaluluwa nalang ang mga ito. Tila dininig naman ang panalangin niya nang makakita siya ng kaluluwa, ngunit ni sa hinagap ay hindi niya kailanman ginustong makakita ng iba bukod sa mga magulang niya, mas lalo pa at sundan siya. Doon na nagsimulang magulo ang buhay ni Ino Salve ngunit imbes na matakot dito ay iba ang naramdaman niya lalo na ng mapagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Unti-unting umusbong ang kakaibang damdaming alam niyang imposibleng mangyari. Sinubukan niya iyong pigilin pero hanggat nagkakasama sila ay lalong lumalalim ang damdamin niya para rito. Ngunit mapipigilan pa kaya niya ang damdamin kapag nalaman niyang parehas sila ng nararamdaman? May patutunguhan kaya ang damdamin sa pagitan ng isang tao at ng isang multo?

View More

Latest chapter

Free Preview

Lover 1

"Ino, nasaan ka ba? Tulungan mo nga ako dito! Andaming customer dito hindi ka man lang tumulong!?"Mula sa kusina ay dinig na dinig ko ang pagbubunganga ni tita Hilde sa labas. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapairap sa hangin. Halos kadarating ko lang mula sa eskwelahan nang utusan agad niya akong maghugas dito tapos ngayon ay hahanapin niya ako. Ni hindi na nga ako nakapagpalit ng damit dahil dito na ako dumiretcho. Napahugot nalang ako ng buntong hininga. Wala yatang araw na hindi ako binungangaan ni tita. Kung sabagay, maliit pa lamang ako ay ganoon na siya kabungangera. Ano pa nga ba ang aasahan ko?"Andyan na po!" Sagot ko. Kailangan kong sumagot kung hindi ay lalo niya akong pagagalitan pag hindi niya ako narinig.Mabait naman si tita Hilde. Sa totoo lang ay siya pa nga ang nag-volunteer na kupkupin ako noong mamatay ang mga magulang ko. Wala kasing ma

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
20 Chapters

Lover 1

"Ino, nasaan ka ba? Tulungan mo nga ako dito! Andaming customer dito hindi ka man lang tumulong!?"  Mula sa kusina ay dinig na dinig ko ang pagbubunganga ni tita Hilde sa labas. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapairap sa hangin. Halos kadarating ko lang mula sa eskwelahan nang utusan agad niya akong maghugas dito tapos ngayon ay hahanapin niya ako. Ni hindi na nga ako nakapagpalit ng damit dahil dito na ako dumiretcho. Napahugot nalang ako ng buntong hininga. Wala yatang araw na hindi ako binungangaan ni tita. Kung sabagay, maliit pa lamang ako ay ganoon na siya kabungangera. Ano pa nga ba ang aasahan ko?    "Andyan na po!" Sagot ko. Kailangan kong sumagot kung hindi ay lalo niya akong pagagalitan pag hindi niya ako narinig.  Mabait naman si tita Hilde. Sa totoo lang ay siya pa nga ang nag-volunteer na kupkupin ako noong mamatay ang mga magulang ko. Wala kasing ma
Read more

Lover 2

 Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako habang naglalakad papunta sa sizzlingan ni tita. Galing akong eskwelahan at halos kakatapos lamang ng klase ko. Dapat nga ay hindi na ako papasok ngayong araw dahil sinabihan na ako ni tita na tumao muna sa tindahan pero nagpumilit pa din ako. Kahapon pa kasi nilalagnat si tita mula ng makauwi kami. Siguro ay nasobrahan ng pagod dahil sa dami ng customer kagabi. Biyernes din kasi kahapon, at kapag ganoong araw ay laging dagsa ang tao. Payday kasi ng mga empleyado.   Halos lakad-takbo na ako makarating lang sa bus station. Kay ate Carin ko lang kasi ibinilin ang tindahan. Siya ang pinakamatagal na tauhan ni tita at isa sa mga tagaluto duon at siya rin ang mas pinagkakatiwalaan ni tita sa tindahan sa mga ganitong pagkakataon. Mas matanda siya ng ilang taon sa akin. Nang dumating ako sa munting kainan na iyon noon ay isa na siyang tindera duon. Maliit lang ang sizzlingan na iyon dati. Kung tutuusin ng
Read more

Lover 3

Pabagsak kong isinara ang pinto nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay. Wala na akong pakialam kung marinig man ni tita Hilde iyon o magalit siya, ang mahalaga ay nasa loob na ako ng bahay. May mga poon si tita ng mga santo kaya siguradong hindi na ako susundan noon dito.   Halos hindi ako magkandatuto kanina sa kung ano ang gagawin nang makita ko ang multong yun. Basta tumakbo nalang ako ng tumakbo. Hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakauwi basta ang alam ko lang, hindi na ako masusundan noon dito dahil bawal ang masamang espiritu dito. May mga poong magtataboy sa kanila. Hindi man kasing laki ng tao basta ang mahalaga, may bantay ang bahay namin sa mga ganoong bagay. Sana lang.  “Ikaw na ba yan, Ino Salve?” Narinig kong sigaw ng tita ko mula sa kwarto niya. Hindi naman na ako nag-abalang sumagot sa halip ay lumakad ako palapit sa tinted na bintana at unti-unting hinahawi ang makapal
Read more

Lover 4

"Uhm…"Wala sa loob na hinila ko ang kumot nang makaramdam ako ng matinding lamig na nanunuot sa buto ko. Wala naman kaming aircon pero ang lamig, sobra. Nakapikit na hinagilap ko ang kumot. Nang maabot ko iyon at maisaklob sa katawan ay saka ko iminulat ang mga mata ko. Kalahati lang iyon dahil antok na antok pa talaga ako. Medyo mabigat pa ang talukap dahil siguro sa kakaiyak ko din kagabi. Kung bakit ba naman kusang bumukas ang mga mata ko at natuon sa kulay puting bagay na tila ba nangingibabaw sa paligid na siyang bumungad sa harapan ko. Napatitig pa ako doon saglit dahil naglo-loading pa ang utak ko sa kung anong bagay ba sa kwarto ko ang pwedeng magliwanag na kulay puti. Medyo nangingibabaw pa ang kulay noon kaya't nakakasiguro akong may kadiliman pa rin sa labas.At dahil sa kalahating tulog at kalahating gising pa ang utak ko ay binalewala ko na lamang iyon at bumalik na sa pagtulog. Muli akong hinila ng antok ngunit bago pa man ako makabalik sa pagtulog ay nakaramdam ulit a
Read more

Lover 5

"Ino! Ino Salve!""Ay, kamote!" Napahawak pa ako sa dibdib sa sobrang gulat ng marinig ko ang pangalan ko. Agad naman akong napatingin kay Merlin na mukhang kanina pa naiinis dahil sa kunot na kunot nitong noo. Si Merlin ang isa sa mga bestfriend kong hindi ko malaman kung paano ko naging bestfriend. May pagkataklesa kasi siyang taglay, prangka, to the point na nakakasakit na siya, na parang balewala naman sa kanya, wala rin kasing preno ang bunganga niya. Basta gusto nyang sabihin ay sasabihin niya. Mga bagay na ayoko sa isang tao. Kaya nga hindi ko malaman kung paano ko siya naging kaibigan, basta ang alam ko lang isang araw magkasama na kami. And the rest is history, ika nga."Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Naiwan ba utak mo sa classroom?" Naiinis na sermon sa akin nito. Hindi ko naman kasi namalayang nagsasalita pala siya. Isa pa ay hindi ko kasi maiwasang hindi isipin ang gwapong multo na iyon. Hindi rin ako mapakali kakaisip na baka nasa tabi
Read more

Lover 6

"What?!" Mabilis pa sa alas kwatrong umusog si Jade kay Clint. "Wala naman," anas ko ng makita ang pagpa-panic sa mukha ni Jade. "Pero ang sabi nya ay babalik daw sya.""Oh my ghad!?" Muling napatakip si Jade ng bibig."So, lalake ba sya o babae?" Pagbabalik ni Merlin sa usapan."Lalaki-""Oh my ghad, Ino. Kailangan nating maitaboy yan, baka kung ano gawin nyan sayo lalo na pag tulog ka na. Baka mamaya gawan ka nalang nun ng masama. Just like those on the movies, yung pinagsasamantalahan nung multo yung tao," nahihindik na litanya ni Jade. Maya-maya ay tila wala sa loob na niyakap ang sarili na tila ba ini-imagine ang nangyari. Lalo tuloy akong kinilabutan sa sinabi niya. Na-i-imagine ko na rin tuloy yung eksena. "Magtigil ka nga, Jade," sita ni Merlin dito na siyang pumutol sa pag-iisip ko. "Kung ano-ano kasi pinapanood mo kaya kung ano-ano pumapasok sa isip mo. Tinatakot mo lang lalo si Ino, eh. Mas mabuti pa, maghanap nalang tayo ng espiritista na makakatulong kay Ino bago pa bum
Read more

Lover 7

Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata ko ng imulat ko iyon. Susubukan ko sanang itabing ang braso ko sa liwanag ngunit natigil ako ng makaramdam ng sakit mula duon."Agh," mahinang daing ko. Noon ko tuluyang naimulat ang mga mata. Ramdam ko na parang may makirot na pagtusok mula sa kamay ko.Puting dingding, mga kurtina at salaming bintana na nilalagusan na ng mainit na sikat ng araw ang una kong nabistahan. Puno ng pagtatakang inilibot ko ang tingin sa paligid. Walang tao sa maliit na kwarto. May mahabang sofa sa di kalayuan ng kama at maliit na coffee table. Nang lingunin ko ang gilid ko ay natagpuan ko ang dextrose na siyang nakakonekta sa kamay ko kung saan ako nakaramdam ng sakit. Parang noon lang nag-sink in sa akin na nasa ospital pala ako. "Mabuti naman at gising ka na." Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paggapang ng kilabot nang matagpuan ko sa may gawi ng pinto ang multong pilit kong iniiwasan."A-Anon
Read more

Lover 8

I was taken aback at his stance actually. Unang-una, masyado siyang malapit, hindi ako makahinga. Pangalawa, nakaka-mesmerize ang mga mata niya. At pangatlo, wala na akong kawala sa paghingi niya ng tulong. Hindi na ako pwedeng tumanggi sa pagkakataong ito dahil may utang na loob ako sa kanya. "L-Lumayo ka nga!" Singhal ko sa kaniya. Naiilang kasi ako. He even looks intimidating right this very moment. Gusto ko sana siyang itulak pero siguradong tatagos lang ang kamay ko."Haha! Does this perimeter bother you?" Nang-iinis pa niyang saad. Kumikinang naman sa kalokohan ang mga mata niya. Naiinis ko naman sinalubong ang mga mata niya. "Syempre hindi. Nakakatakot ka kasi," pagdadahilan ko nalang para mapagtakpan ang pagkailang ko.Tumawa siyang muli. "Paano naman ako magiging nakakatakot, aber? Do you think I have that disgusting wrecked face? You better check your eyes habang nandito ka sa ospital.""Siguro nga dapat na akong magpatingin sa mga mata. Nakikita kasi kita," naiinis kong b
Read more

Lover 9

"Seriously, Ino?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Cai. Nahilot ko nalang ang sentido ko. Sa pagkakatanda ko ay sinabi ko na sa kanila na huwag ng ituloy ang paghahanap ng espiritista pero mukhang masyadong pursigido ang mga kaibigan ko na tulungan akong makakawala kay Cai. Panibagong buntong hininga na naman ang pinakawalan ko. Kung hindi siguro ako naaawa kay Cai ay baka pina-espiritista ko na nga siya."Jade, hindi ba napag-usapan na natin yan?" Nahahapong sabi ko dito."Pero Ino-""Thank you sa concern, Jade. Pero mas kailangan ko ng impormasyon ngayon," putol ko dito. "Ibababa ko na to nasa kalsada ako ngayon, eh. Sige na. Bye."Isinuksok kong muli sa bulsa ang cellphone ko saka hinarap ang masamang tingin ni Cai."Stop it, Cai. I already told them to stop. Hindi mo kailangang magalit dahil wala na akong balak na ipa-espiritista ka. Okay?" Dire-diretchong anas ko dito bago nagsimula ulit maglakad. Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Cai at iniwan itong nakatayo doon.Hindi
Read more

Lover 10

"One mocha latte for the beautiful lady?" Untag ni Caden ng makalapit sa akin. Hawak nito ang isang brown na tray na may laman na dalawang tasang latte at dalawang platito ng tig-isang slice ng cake. Nag-aya kasi siyang kumain sa isang kilalang fast food chain. Mas masarap daw kasing mag-usap habang kumakain. Sumama naman ako dahil baka mapakinabangan ko ang mga impormasyong sasabihin niya. Bahagya pa akong nailang sa pagkakasabi niya pero hindi ko nalang iyon pinansin. Kunwari ay hindi ko naintindihan. Hindi ko alam kung nagiging judgemental lang ba ako o sadyang nakakapanibago ang ikinikilos ni Caden. Though, hindi naman kami close pero iyong mga kilos niya kasi ay parang pinapahiwatig niya na may gusto siya sakin. Agad ko namang iniwaksi ang bagay na iyon. Hindi pwedeng magkailangan kami ni Caden dahil marami pa akong kailangang malaman mula sa kanya. Aminado naman ako na gwapo si Caden pero hindi naman ako interesado doon. "Ah- di ka na sana nag-abala, Caden," nahihiyang bungad
Read more
DMCA.com Protection Status