Pabagsak kong isinara ang pinto nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay. Wala na akong pakialam kung marinig man ni tita Hilde iyon o magalit siya, ang mahalaga ay nasa loob na ako ng bahay. May mga poon si tita ng mga santo kaya siguradong hindi na ako susundan noon dito.
Halos hindi ako magkandatuto kanina sa kung ano ang gagawin nang makita ko ang multong yun. Basta tumakbo nalang ako ng tumakbo. Hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakauwi basta ang alam ko lang, hindi na ako masusundan noon dito dahil bawal ang masamang espiritu dito. May mga poong magtataboy sa kanila. Hindi man kasing laki ng tao basta ang mahalaga, may bantay ang bahay namin sa mga ganoong bagay. Sana lang.
“Ikaw na ba yan, Ino Salve?” Narinig kong sigaw ng tita ko mula sa kwarto niya. Hindi naman na ako nag-abalang sumagot sa halip ay lumakad ako palapit sa tinted na bintana at unti-unting hinahawi ang makapal na kurtina noon habang walang patid ang pagdadasal ko. Pero sa totoo lang ay kanina pa talaga walang patid ang panalangin ko. Halo-halo na rin ang nararamdaman ko na parang gusto ko ng magngangalngal.
Oo, aaminin ko na nananalangin ako noon na sana makakita ako ng mga bagay na hindi basta-basta nakikita ng mata pero noon lamang iyon noong panahong miss na miss ko na ang nga magulang ko. At kung gusto ko mang makakita hanggang sa ngayon, mga magulang ko lang iyon at hindi iyong kung sino-sino lang sa tabi-tabi at pagala-gala.
Dahan-dahan kong hinawi ang kurtina at saka unti-unting sumilip sa labas. Naramdaman ko ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na nakayanan pang i-contain ang takot na nararamdaman nang makita ko ang bagay na iyon na nakatayo sa mismong harap ko at diretchong nakatingin sa akin. Para akong itinulos na noon sa kinatatayuan at tuluyan ng hindi nakagalaw. Wala na yatang mas ilalaki ang mga mata ko habang gumagapang ang matinding kilabot sa kaibuturan ko. Napapahikbi pa ako habang hindi ko maialis ang tingin duon.
"Anong bang sinisilip mo diyan?"
Literal na lumuwa ang mga mata ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko nang magpakawala ng isang mahaba at malakas na sigaw. "Ahhhh!"
Wala na akong pakialam kung napaupo na ako o sumadlak man ang pwet ko sa tiles na lapag dahil sa pangangatog ng tuhod. Basta mailabas lang ang lahat ng nararamdaman ko. Noon ko na din ibinuhos ang mala-ulang luha na kanina lang ay parang ambon na paunti-unti sa pagbagsak.
"Hoy! Hoy! Hoy! Ino Salve! Hoy!"
Hindi ko na alam ang mga nangyayari ngunit isang malutong at nakakabinging sampal ang siyang nagpabalik sa akin sa huwisyo. Napahawak agad ako sa pisngi ng makaramdam ako ng pamamanhid noon kasabay ng matinis na tunog na umalingawngaw sa tainga ko. Pakiramdam ko ay mangangamatis ang pisngi ko bukas dahil ramdam na ramdam ko ang init ng palad ni tita Hilde doon na akala mo ay naiwan ang kamay niya. Malakas ang kutob kong maglalatay iyon. Biniyayaan kasi ako ng maputing balat kaya kahit konting hampas lang ay naglalatay na.
"Anong nangyari?" Natatarantang tanong ni ate Erza na siyang bukod tanging naging kasambahay ni tita mula ng mapalaki ang bahay. Halos kasing edad na rin siya ni tita kaya parang ganoon na rin ang turing ko sa kanya. Sumusugod siyang lumapit sa amin at nang makita ako ay agad akong dinaluhan sa lapag. Magaan pang hinaplos ni ate Erza ang nasaktan kong pisngi.
"Ano ba kasalanan ate at sinampal mo?" Nang-uusig na baling nito kay tita. Ako naman ay hindi maialis ang tingin sa bintanang iyon kahit hilam na hilam na ang mga mata ko sa luha. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan na tila naramdaman naman ni ate Erza.
"Ewan ko ba sa batang iyan. Naabutan kong nakasilip sa bintana habang namumutla at umiiyak. Abe, akala mo nakakita ng multo at bigla nalang nagsisigaw ng nilapitan ko," narinig kong paliwanag ni tita.
"Baka naman ate…" ani ng katabi ko saka ako pilit ipinaharap sa kaniya. Hindi ko naman magawang maibaling sa kanya ang tingin dahil natatakot ako na baka bigla nalang dumungaw iyon sa bintana. "Ino! Ino!"
Para akong wala sa sarili at hindi magawang lumingon. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni ate ang magkabilang pisngi ko at ipinaharap sa kanya. Kitang-kita ko ang pag-aalala at takot na rumehistro sa mukha niya.
"M-May nakita ka ba? Ha?" Nag-aalangang tanong niya na tila ba alam na niya ang isasagot ko ngunit naghihintay pa rin siya ng kasiguraduhan.
Nag-aalangan pa ako sa pagsagot dahil ayaw sumunod ang katawan ko at isa pa ay hindi ko alam kung maniniwala ba sila sa akin pero kalaunan ay sinubukan ko pa rin at unti-unting tumango. Agad na rumehistro ang panghihilakbot sa mukha niya. Hindi rin siya agad na nakasagot at natigilan saka tumingin din sa bintanang tinitignan ko kanina.
Narinig kong umingos si tita Hilde sa amin. "Tsk! Ano ba yang pinagsasabi niyo? Hindi totoo ang multo!" Singhal ni tita sa amin.
Hindi pa man din kami nakakasagot ay biglang lumakad si tita patungo sa pinto. Naalarma ako sa balak niyang gawin kaya mabilis ako tumayo kahit nanlalambot pa ang mga tuhod ko para pigilan siya. Halos magkandarapa ako para mapigilan lang siya kahit alam kong hindi siya magpapapigil.
"Tita, wag!" Pasigaw kong pigil dito pero bago pa man ako makalapit ay nagawa na niyang buksan ang pinto. Parang malalaglag yata ang puso ko sa pinaghalo-halong takot at pag-aalala sa maaaring mangyayari kay tita oras na makasalubong niya ang multong iyon.
Hindi ko din siya naabutan dahil dire-diretcho siyang lumabas habang palinga-linga. Ako naman ay napasalampak nalang sa malamig na sahig at nakatulala sa bukas na pinto. Nahihindik na inaabangan ang malakas na pagsigaw ni tita habang nakatulala sa pintong nilabasan niya. Lumipas ang ilang minuto ay wala man lang akong ingay na narinig. Pakiramdam ko ay nag-slow motion ang paligid at kasabay kong nag-aabang duon si ate Erza.
Kulang nalang ay mapasigaw ako sa gulat ng muli ng biglang sumungaw sa pinto ang ulo ni tita na tila ba sinasadya kaming takutin. Saka siya iniihit ng tawang pumasok ulit sa loob at isinara na ang pinto.
"Hahaha! Kung nakita niyo lang ang mga itsura nyo," anitong napapahawak pa siya sa tiyan habang maluha-luha katatawa na akala mo ay wala ng bukas. "Para kayong mga tanga. Wala namang kung ano sa labas, e. Mga tinatakot nyo lang sarili nyo. Mabuti pa magpahinga ka na Ino Salve at baka pagod ka lang."
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa may bintana. Nagdadalawang-isip pa ako kung sisilip ba ako doon para masiguro ang sinasabi ni tita o hindi nalang dahil baka hindi lang talaga niya nakikita. Hindi na rin ako nag-abalang sumagot pa kay tita sa halip ay sinubukan ko nalang tumayo kahit ramdam ko pa rin ang panginginig ng tuhod at kalamnan ko. Agad naman akong inalalayan ni ate Erza. Siguro ay naramdaman niyang nanginginig pa rin ako. Para namang naka-glue ang mga mata ko sa bintana na kahit gusto ko ng ibaling sa iba ay hindi ko maialis dahil sa takot. Takot na baka bigla nalang iyong hawiin at sumilip.
"Hoy, Ino Salve!?"
Nagulantang na napalingon ako kay tita Hilde nang bigla siyang sumigaw. Ang kaninang tila wala ng bukas na pagtawa ni tita ngayon ay napalitan na ng galit at inis na hindi ko malaman kung bakit. Saka ko lang nakumpirma ang dahilan nang muli siyang magsalita.
"Ano bang nangyayari sa iyo, Ino Salve?" Singhal pa muli nito. Hindi naman ako makakibo kaya nakatingin nalang ako sa kanya. "Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka man lang sumasagot! Erza, ipanik mo na nga iyang si Ino Salve ng makapagpahinga na. Mukha ng napapraning sa kung anong di naman nakikita," naiiritang dagdag nito saka tumalikod na at nagtungo sa sariling kwarto.
"Halika na, Ino," yakag ni ate Erza nang tuluyan ng mawala si tita sa paningin namin. Tumango naman ako at agad niyang inakay paakyat ngunit habang papalayo kami ay hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa bintana.
Pagkapanik ay agad na binuksan ni ate ang ilaw sa kulay pink kong kwarto. Nang maliwanagan ang paligid ay agad akong ipinasok ni ate saka iniupo sa kama kong nakukulayan din ng pink. Hindi kalakihan ang kwarto ko pero punong-puno iyon ng mga dekorasyon ng mga paborito kong anime figurines at iba't ibang mga fiction books. Sinadya ko talaga iyon para sana pampaalis ng stress at bad vibes sa mga nararanasan ko sa araw-araw pero mukha yatang hindi iyon eepekto sa pagkakataong ito. Laking luwag ng loob ko nang manatili si ate Erza sa tabi ko nang makatapos akong makabihis at mahiga.
"Totoo bang may nakita ka kanina, Ino?" untag ni ate Erza habang umaayos ng higa sa tabi ko. Bagay na lagi niyang ginagawa mula pa noon sa tuwing natatakot ako kaya madaling napapanatag ang kalooban ko. Kung bakit ngayon ay hindi pa rin ako mapakali na parang may nakamasid sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang ilibot ang tingin. Mukha namang napansin agad iyon ni ate. Malakas din kasing makiramdam ito ng mga bagay-bagay.
"Nararamdaman mo pa rin ba?" Tumango naman ako. "Wala na iyun. Ipanatag mo na ang loob mo. May poon tayo dito hindi ka na nun masusundan dito sa loob. Gusto ko sanang tanungin ang tungkol sa nakita mo kaso ay bukas nalang. Pag medyo kalmado ka na."
"Nakakakita ka ba ate?" Baling ko sa kanya. Hindi ko na masyadong in-elaborate kung ano man ang tinitukoy ko dahil natatakot pa din ako. Isa pa ay nakakasiguro naman akong gets na sya ang gusto kong ipahiwatig.
"Ay, oo naman. Iyon ngang namatay kong lola, nakita ko pa bago ilibing, e," tila balewalang kwento nito na parang hindi man lang makitaan ng takot.
"Hindi ka takot?"
"Hindi na. Sa dami ba naman ng nakikita ko, di yata matakot pa ako. Haha."
She was always been this jolly and strong. Namangha naman ako sa lakas ng loob niya. Kung sana lang ay ganoon din ako. Pero kung tutuusin ay ngayon palang naman ako nakakita, kumpara sa kanya na ilang beses na kaya hindi na rin maiaalis sa akin na matakot ng sobra. Lalo na ng sundan pa ako.
"N-Na-experience mo na ba, ate, n-na sundan?" Nag-aalangang tanong ko pa sa kanya. Ayoko sanang tanungin iyon para bukas nalang namin mapag-usapan kaso nga lang ay bigla nalang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na napigilan. Napalitan naman ng kaseryosohan ang itsura ni ate. Hinarap pa niya ako kaya agad akong kinabahan na para bang gusto niyang ipahiwatig na masama ang mangyayari kung ganoon.
"Sinundan ka ba?" Kunot-noong tanong pa niya sa akin.
Napatango naman ako. "Nakita ko yun sa may Balite street tapos bigla akong tumakbo. Pagsakay ko ng bus nakita ko din yun kaya humahangos ako kanina ng dumating," kwento ko habang nangingilid na naman ang luha.
"Nakita mo ba yun kanina nung sabi ni ate Hilde na nakasilip ka sa bintana?"
Tumango ako ulit at noon na nalaglag ang mga luha ko. "P-pagsilip ko, n-nakatayo siya s-sa harap ko t-tapos n-nakatingin sa akin ng d-diretcho," nangangatal na kwento ko sa kanya habang na-i-imagine ko ulit ang nangyari kanina. Naramdaman ko namang hinihimas ni ate ang likod ko.
"Wag mo munang isipin iyon. Magpahinga ka na muna at bukas nalang natin pag-usapan. Dito nalang din ako matutulog para mapanatag ka," pag-aalo niya sa akin. Bahagya naman humupa ang mga luha ko. Pero hindi talaga mapakali ang isip ko.
"Pero talaga bang sumusunod ang mga multo?"
"Ee, sa pagkakaalam ko, sumusunod lang sila kapag gusto nilang humingi ng tulong," anito na siyang ikinalaki ng mga mata ko.
Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko sa takot habang naiisip iyon. Humihingi ng tulong? Kung ganoon ay hindi ako tatantanan noon hanggat hindi ko siya natutulungan? At hanggat hindi ko siya tinutulungan ay hindi rin siya matatahimik.
"Uhm…"Wala sa loob na hinila ko ang kumot nang makaramdam ako ng matinding lamig na nanunuot sa buto ko. Wala naman kaming aircon pero ang lamig, sobra. Nakapikit na hinagilap ko ang kumot. Nang maabot ko iyon at maisaklob sa katawan ay saka ko iminulat ang mga mata ko. Kalahati lang iyon dahil antok na antok pa talaga ako. Medyo mabigat pa ang talukap dahil siguro sa kakaiyak ko din kagabi. Kung bakit ba naman kusang bumukas ang mga mata ko at natuon sa kulay puting bagay na tila ba nangingibabaw sa paligid na siyang bumungad sa harapan ko. Napatitig pa ako doon saglit dahil naglo-loading pa ang utak ko sa kung anong bagay ba sa kwarto ko ang pwedeng magliwanag na kulay puti. Medyo nangingibabaw pa ang kulay noon kaya't nakakasiguro akong may kadiliman pa rin sa labas.At dahil sa kalahating tulog at kalahating gising pa ang utak ko ay binalewala ko na lamang iyon at bumalik na sa pagtulog. Muli akong hinila ng antok ngunit bago pa man ako makabalik sa pagtulog ay nakaramdam ulit a
"Ino! Ino Salve!""Ay, kamote!" Napahawak pa ako sa dibdib sa sobrang gulat ng marinig ko ang pangalan ko. Agad naman akong napatingin kay Merlin na mukhang kanina pa naiinis dahil sa kunot na kunot nitong noo. Si Merlin ang isa sa mga bestfriend kong hindi ko malaman kung paano ko naging bestfriend. May pagkataklesa kasi siyang taglay, prangka, to the point na nakakasakit na siya, na parang balewala naman sa kanya, wala rin kasing preno ang bunganga niya. Basta gusto nyang sabihin ay sasabihin niya. Mga bagay na ayoko sa isang tao. Kaya nga hindi ko malaman kung paano ko siya naging kaibigan, basta ang alam ko lang isang araw magkasama na kami. And the rest is history, ika nga."Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Naiwan ba utak mo sa classroom?" Naiinis na sermon sa akin nito. Hindi ko naman kasi namalayang nagsasalita pala siya. Isa pa ay hindi ko kasi maiwasang hindi isipin ang gwapong multo na iyon. Hindi rin ako mapakali kakaisip na baka nasa tabi
"What?!" Mabilis pa sa alas kwatrong umusog si Jade kay Clint. "Wala naman," anas ko ng makita ang pagpa-panic sa mukha ni Jade. "Pero ang sabi nya ay babalik daw sya.""Oh my ghad!?" Muling napatakip si Jade ng bibig."So, lalake ba sya o babae?" Pagbabalik ni Merlin sa usapan."Lalaki-""Oh my ghad, Ino. Kailangan nating maitaboy yan, baka kung ano gawin nyan sayo lalo na pag tulog ka na. Baka mamaya gawan ka nalang nun ng masama. Just like those on the movies, yung pinagsasamantalahan nung multo yung tao," nahihindik na litanya ni Jade. Maya-maya ay tila wala sa loob na niyakap ang sarili na tila ba ini-imagine ang nangyari. Lalo tuloy akong kinilabutan sa sinabi niya. Na-i-imagine ko na rin tuloy yung eksena. "Magtigil ka nga, Jade," sita ni Merlin dito na siyang pumutol sa pag-iisip ko. "Kung ano-ano kasi pinapanood mo kaya kung ano-ano pumapasok sa isip mo. Tinatakot mo lang lalo si Ino, eh. Mas mabuti pa, maghanap nalang tayo ng espiritista na makakatulong kay Ino bago pa bum
Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata ko ng imulat ko iyon. Susubukan ko sanang itabing ang braso ko sa liwanag ngunit natigil ako ng makaramdam ng sakit mula duon."Agh," mahinang daing ko. Noon ko tuluyang naimulat ang mga mata. Ramdam ko na parang may makirot na pagtusok mula sa kamay ko.Puting dingding, mga kurtina at salaming bintana na nilalagusan na ng mainit na sikat ng araw ang una kong nabistahan. Puno ng pagtatakang inilibot ko ang tingin sa paligid. Walang tao sa maliit na kwarto. May mahabang sofa sa di kalayuan ng kama at maliit na coffee table. Nang lingunin ko ang gilid ko ay natagpuan ko ang dextrose na siyang nakakonekta sa kamay ko kung saan ako nakaramdam ng sakit. Parang noon lang nag-sink in sa akin na nasa ospital pala ako. "Mabuti naman at gising ka na." Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paggapang ng kilabot nang matagpuan ko sa may gawi ng pinto ang multong pilit kong iniiwasan."A-Anon
I was taken aback at his stance actually. Unang-una, masyado siyang malapit, hindi ako makahinga. Pangalawa, nakaka-mesmerize ang mga mata niya. At pangatlo, wala na akong kawala sa paghingi niya ng tulong. Hindi na ako pwedeng tumanggi sa pagkakataong ito dahil may utang na loob ako sa kanya. "L-Lumayo ka nga!" Singhal ko sa kaniya. Naiilang kasi ako. He even looks intimidating right this very moment. Gusto ko sana siyang itulak pero siguradong tatagos lang ang kamay ko."Haha! Does this perimeter bother you?" Nang-iinis pa niyang saad. Kumikinang naman sa kalokohan ang mga mata niya. Naiinis ko naman sinalubong ang mga mata niya. "Syempre hindi. Nakakatakot ka kasi," pagdadahilan ko nalang para mapagtakpan ang pagkailang ko.Tumawa siyang muli. "Paano naman ako magiging nakakatakot, aber? Do you think I have that disgusting wrecked face? You better check your eyes habang nandito ka sa ospital.""Siguro nga dapat na akong magpatingin sa mga mata. Nakikita kasi kita," naiinis kong b
"Seriously, Ino?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Cai. Nahilot ko nalang ang sentido ko. Sa pagkakatanda ko ay sinabi ko na sa kanila na huwag ng ituloy ang paghahanap ng espiritista pero mukhang masyadong pursigido ang mga kaibigan ko na tulungan akong makakawala kay Cai. Panibagong buntong hininga na naman ang pinakawalan ko. Kung hindi siguro ako naaawa kay Cai ay baka pina-espiritista ko na nga siya."Jade, hindi ba napag-usapan na natin yan?" Nahahapong sabi ko dito."Pero Ino-""Thank you sa concern, Jade. Pero mas kailangan ko ng impormasyon ngayon," putol ko dito. "Ibababa ko na to nasa kalsada ako ngayon, eh. Sige na. Bye."Isinuksok kong muli sa bulsa ang cellphone ko saka hinarap ang masamang tingin ni Cai."Stop it, Cai. I already told them to stop. Hindi mo kailangang magalit dahil wala na akong balak na ipa-espiritista ka. Okay?" Dire-diretchong anas ko dito bago nagsimula ulit maglakad. Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Cai at iniwan itong nakatayo doon.Hindi
"One mocha latte for the beautiful lady?" Untag ni Caden ng makalapit sa akin. Hawak nito ang isang brown na tray na may laman na dalawang tasang latte at dalawang platito ng tig-isang slice ng cake. Nag-aya kasi siyang kumain sa isang kilalang fast food chain. Mas masarap daw kasing mag-usap habang kumakain. Sumama naman ako dahil baka mapakinabangan ko ang mga impormasyong sasabihin niya. Bahagya pa akong nailang sa pagkakasabi niya pero hindi ko nalang iyon pinansin. Kunwari ay hindi ko naintindihan. Hindi ko alam kung nagiging judgemental lang ba ako o sadyang nakakapanibago ang ikinikilos ni Caden. Though, hindi naman kami close pero iyong mga kilos niya kasi ay parang pinapahiwatig niya na may gusto siya sakin. Agad ko namang iniwaksi ang bagay na iyon. Hindi pwedeng magkailangan kami ni Caden dahil marami pa akong kailangang malaman mula sa kanya. Aminado naman ako na gwapo si Caden pero hindi naman ako interesado doon. "Ah- di ka na sana nag-abala, Caden," nahihiyang bungad
"Ang sabi ni Caden, kapag daw yung spirit, nagcross over death, that's when he'll be able to regain his memories," paliwanag ko kay Cai. Nakatitig lang naman ito sa akin na para bang nag-iisip. "D'you mean, mamamatay palang ako kaya wala akong maalala?" Nakataas ang kilay na tanong nya. Napangiwi naman ako sa naging reaction niya. "Maybe? Malay mo, in coma ka lang. Kaso…""Kaso ano?"Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nag-aalangan kasi akong sabihin sa kaniya dahil baka ikagalit na naman niya. "What, Ino?""Kung astral body ka lang, intact pa rin ang memory mo, yun ang sabi ni Caden.""So what am I then?" Tanong nito na hindi ko naman agad nasagot. Sa totoo lang kasi ay naguluhan din ako sa mga sinabi ni Caden. Lalo tuloy nagkabuhol-buhol ang mga bagay-bagay sa utak ko kaya ngayon hindi ko na alam kung ano ang uunahin. "Seriously, Ino. Inaya ka lang talaga ng Caden na yun para makadate."Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napakunot-noo. "At bakit naman niya yun gagawin, aber?"Nagki
Nangilabot ako sa gawi ng pagtawag sakin ni Cai. Nang balingan ko ito ay nanigas na rin yata ako sa kinatatayuan ko pagkakita ko sa madilim nitong anyo. Mukhang nangangahulugan na naman ito ng panibagong giyera sa pagitan namin. Nagwawala naman ang dibdib ko na animo ay may nauna na roong pagrarambulan. Tanda ko noon na ganitong-ganito ang reaksyon nya noong nagpumilit akong pumunta sa game nila Caden. Wala sa loob na napatitig ako sa mga mata ni Cai. Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang ingay na ginagawa ng dibdib ko. Gusto kong bawiin ang tingin dito pero hindi ko magawa. Para kasing may kung ano sa mga mata nito na hindi ko maiwasang hindi titigan. Isa pa ay ang gawi ng tingin ni Cai na para bang may gusto itong iparating. “Ino, are you alright?” Nag-aalalang boses ni Apollo ang siyang nagpabaling sakin dito mula sa pagkakatitig kay Cai.“A-ah, o-okay lang ako, Apollo,” hindi magkandatutong sagot ko dito ng mapagtanto ang nangyari
"Seriously, Ino? Skipping classes because of that?" Naiiritang bungad ni Merlin sakin pagkaupo sa tabi ko kasabay din noong ang pagbagsak nito ng ilang papeles sa kandungan ko. Sa totoo lang ay nagulat ako sa biglang pagsasalita nya. Masyado kasi akong okupado ng pagsusuyod sa mga librong hiniram ko sa library kanina. Hindi naman talaga sa nag-skip ako ng klase, nagkataon lang talaga na na-late ako ng pasok kanina dahil natanghali ako ng gising. Kaya imbes na pumasok ng late at mapagalitan ay naisipan ko nalang na manghiram ng libro sa library at dito magbasa sa leisure park ng school na malapit sa soccer field. Tahimik kasi dito kanina. Umingay lang ng magsidating ang mga soccer players at mga fans nila. Natamad naman akong lumipat ng ibang lugar kaya minabuti ko nalang na dumito. Medyo mapuno kasi itong lugar at naka-bermuda grass pa kaya masarap magpalipas ng oras at sumalampak sa damuhan. Isa pa ay pagkakataon ko na rin ito para mapahinga dahil wala akong kabuntot na bantay. Nag
"Ano?!"Kulang nalang ay takpan ko ang magkabilang tenga ko sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nila Merlin at Jade. Mabuti nalang at nandito kami sa cafeteria ng school at wala sa library kung hindi ay baka napalayas na naman kami. Kung bakit kasi sabay pa ang dalawang ito kung mag-react at sumigaw. Mainam nalang din at wala si Clint kung hindi ay magkakatatlo pa sila."Nababaliw ka na ba, Ino?" Singhal ni Merlin sakin. "Hindi ka pa nga tapos sa isa, dinalawa mo pa ang tutulungan mo!""Huwag kang sumigaw, Merlin. Katabi mo lang ako. Isa pa pinagtitinginan na tuloy tayo," mahinang saway ko dito. Hindi lang din naman kasi dahil sa pinagtitinginan kami kaya ko ito sinasaway kundi dahil naroon din si Cai sa likod ko. Ayaw nya kasing pumayag na maiwan nalang sa bahay kaya hanggang dito sa school ay kasama sya. Pati tuloy panenermon sakin ng tatlong ito ay naririnig nya. Kung di ko pa alam ay nagbubunyi na ito dahil hindi lang ako sa kanya nakatanggap ng sermon."Hindi ba komplikado yun, Ino
Isang irap ang iginawad ko kay Cai ng makalabas ako ng banyo. Nadatnan ko itong prenteng nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang may makahulugang ngisi sa labi. Ayoko pa nga sanang lumabas dahil naiilang ako sa mga ikinikilos nito pero wala na akong magawa. Alangan naman kasing hindi na ako lumabas ng banyo o kaya naman ay paalisin ko ito, baka lalo lang syang makahalata sa nararamdaman ko.Matapos irapan si Cai ay pinilit kong huwag na itong pansinin. Hindi lang dahil sa naiinis ako dito, kundi dahil palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko sa mga titig nya. At lalo pang nagwawala iyon kapag lumalapit sya. Naalala ko tuloy nang tawagin ako nitong babe kanina. Mabilis pa sa alas-kwatro na nag-react ang puso ko sa isiping iyon. Humugot ako ng malalim na hininga saka binalingan ang bata.Nakita ko ito na nakatayo, di kalayuan sa may kama at nakatingin kay Cai. Muntik ko pa nga itong hindi makilala dahil maayos na ang itsura nito. Presentable na ang suot nitong damit at hindi
Kampante akong nagbababad sa bathtub at pilit kinakalma ang utak para hindi mag-isip ng kung ano-ano nang makaramdam ako ng kakaibang lamig na gumagapang mula sa kamay patungo sa braso kong nakadantay sa gilid ng bathtub. Nanuloy iyon sa batok ko na siyang magpatindig sa balahibo ko roon at maging sa buhok ko. Noon ako biglang napamulat at napaayos ng upo. Nabuhay ang takot sa dibdib ko dahil sa naramdaman kong iyon. Alam kong hindi si Cai iyon dahil hindi ako kinikilabutan at natatakot ng ganito kung siya iyon. Alerto kong inilibot ang mata habang kumakabog ng malakas ang dibdib. Ganito iyong naramdaman ko kanina ng masalubong ko ang mga galang multo na iyon. Hindi kaya nasundan na naman ako? Huwag naman sana.Halos lumuwa ang mata ko sa nerbyos ng biglang magpatay-sindi ang ilaw sa banyo. Iba na ang pakiramdam ko sa paligid at hindi nalang din mga balahibo ko sa braso ang nagsisitayuan, kundi maging sa buong katawan na."C-Cai, nandyan ka ba?" Pilit kong pinakakalma ang sarili sa k
Unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng nakakakilabot na lamig sa paligid na para bang senyales na umalis na ang mga ito. Gusto ko sanang alamin at tignan kung ganoon nga ang nangyayari pero ayokong idilat ang mga mata ko. Baka kasi katulad ito noong nasa horror film na kunwari nawala na ang mga multo tapos kapag binuksan ng bida ang mga mata nya ay biglang lalabas ang mga ito sa mismong harapan nito.Lalo akong nanginig sa isiping iyon, isama pa ang mga itsura ng mga multong iyon. Bigla ay parang gusto kong maiyak muli. Kung sana ay nandito si Cai para tulungan ako. O kung tutulungan kaya ako nito kung kasama ko siya? Sa kabila ng hindi namin pagkakaintindihan nagawa ko pa talaga siyang tawagin.Nasa ganoon akong kaisipan nang muling gumapang ang lamig sa balat ko. Hindi iyong lamig na katulad ng kanina, kundi iyong lamig na kilala na ng sistema ko. Unang nag-react ang puso ko bago ko pa nagawang imulat ang mga mata ko. Naroon sa harap ko at nakatayo ang lalaking kanina lang ay p
Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Hindi na din ako dumaan sa sizzlingan dahil siguradong hindi naman ako mapapakinabangan doon saka baka magsasara na si tita Hilde pagdating ko doon. Agad akong dumiretcho sa banyo at mabilis na naligo habang abala ang utak ko sa pagbabalik-tanaw sa nangyari sa maghapon. Parang may VTR sa utak ko na kusang nagre-replay ng mga nangyari. Naupo ako sa harap ng vanity table ko pagkayari kong maligo saka nagsuklay ng buhok. Nakatitig lang ako sa salamin habang pakiramdam ko ay hapong-hapo ako.Wala rin ako sa mood at hindi ko alam kung bakit. Nanalo naman sila Caden, kung bakit parang ang bigat ng nararamdaman ko. Dahil kaya sa ipinakita ni Cai kanina?Speaking of Cai, hindi ko na siya nakita mula pa kanina ng bigla siyang mawala sa game. Ayokong isipin na baka kung saan na siya nakarating. Ayokong mag-alala sa kanya dahil may kasalanan pa siya sakin. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Kahit naman gaano ako kagalit sa bruhong multo na iyon ay hindi ko pa ri
Mabilis akong umagapay kay Merlin. Hindi naman nagtagal ay narating na namin ang kinauupuan nila Jade. Excitement was written all over her face as she cheered for the team. Bago pa kami makasampa sa ikatlong row ng bleachers kung nasaan sila Jade ay biglang naghiyawan ang mga tao, lalo na sa gawi ng upuan namin, kasabay ng pagtunog ng buzzer na senyales ng break. Nagsipag tayuan pa ang iba na animo ay nagbubunyi na para sa Red Griffinth kaya’t napalingon kami doon ni Merlin. Noon ko nakita si Caden na nakakalambitin sa ring. Nang tignan ko ang score ay lumamang ng two points ang Griffinth na sumakto para sa pagtatapos ng first half. Marahil ay dahil iyon sa dunk ni Caden. Nang bumaba ito ay agad na sinalubong ng mga ka-teammates saka pinag-aakbayan bago pumunta sa upuan nito na malapit sa kinauupuan namin. Sakto sa paghupa ng hiwayan ang pag-upo namin sa bleachers. “Bakit ang tagal mo?” sita sa akin Jade.“Nagkaproblema lang pero okay na,” sagot ko dito. “Patas lang laban?”“Magalin
“May problema ba, Ino?” nagtatakang tanong ni Merlin habang nagbabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa harapan. “Don’t tell us-”“No!” maagap kong putol kay Merlin bago pa makapag-isip ng isasabad ang dalawang nasa gilid ko. “Ahm, ano- mauna na kayo, may aayusin lang ako.”“Go, guys. Bago pa tayo maubusan ng mauupuan,” anas ko nang walang tuminag sa kanila. Hindi naman nagtagal ay napilitan na silang lumakad. Hinintay ko muna silang makalayo bago ko binalingan si Cai. Saglit din akong nagpalingap sa paligid para makita ko kung may nakatingin sa amin or most likely, sa akin. “Cai, sinabi ko naman na yung dahilan di ba?” halos pabulong na sabi ko. Kailangan kong hinaan ang boses ko dahil baka makatawag ako ng atensyon, isipin pa nila na nababaliw na ako. Matagal din akong tinitigan nito bago nagsalitang muli. Gusto kong haplusin ang braso ko sa lamig na nanunuot sa laman ko pero hindi ko ginawa. Pinanatili ko lang kay Cai ang tingin ko at nakipagsukatan dito. Hanggang ngayon ay h