Share

Lover 4

Author: missyue
last update Last Updated: 2022-04-28 17:46:26

"Uhm…"

Wala sa loob na hinila ko ang kumot nang makaramdam ako ng matinding lamig na nanunuot sa buto ko. Wala naman kaming aircon pero ang lamig, sobra.

Nakapikit na hinagilap ko ang kumot. Nang maabot ko iyon at maisaklob sa katawan ay saka ko iminulat ang mga mata ko. Kalahati lang iyon dahil antok na antok pa talaga ako. Medyo mabigat pa ang talukap dahil siguro sa kakaiyak ko din kagabi. Kung bakit ba naman kusang bumukas ang mga mata ko at natuon sa kulay puting bagay na tila ba nangingibabaw sa paligid na siyang bumungad sa harapan ko. Napatitig pa ako doon saglit dahil naglo-loading pa ang utak ko sa kung anong bagay ba sa kwarto ko ang pwedeng magliwanag na kulay puti. Medyo nangingibabaw pa ang kulay noon kaya't nakakasiguro akong may kadiliman pa rin sa labas.

At dahil sa kalahating tulog at kalahating gising pa ang utak ko ay binalewala ko na lamang iyon at bumalik na sa pagtulog. Muli akong hinila ng antok ngunit bago pa man ako makabalik sa pagtulog ay nakaramdam ulit ako ng nakakapangaligsig na lamig na siyang nagpamulat bigla sa mga mata ko.

Bagay na gusto ko agad pagsisihan dahil sa nakakasindak na tanawing bumungad sa akin. Agad na nagbalik sa utak ko ang ala-ala at takot ng nangyari kagabi. Para tuloy nakalimutan ko na rin yatang huminga at wala na akong nagawa pa kundi ang pumikit ng mariin habang nangingilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na sinubukan pang tignan ang bagay na iyon at sa halip ay mas pinili kong magdasal.

Agad kong naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko na pilit kong ikinilos para kapain at gisingin si ate Erza na inaasahan kong nasa tabi ko. Ngunit lalong tumindi ang takot at panginginig ko ng hindi ko makapa ang katabi ko.

"A-at-t-te," nangangatal ko pang tawag dito na hindi na din mapakali. "Huu, a-ate!" Kumabog ng malakas ang dibdib ko at napahikbi nalang sa kawalan ng pag-asang may kasama pa ako sa kwarto. Pumasok sa isip ko ang tumakbo palabas ng kwarto pero sa tingin ko sa estado ng katawan ko ay hindi ko kakayanin. Baka nga bumababa palang ako ng kama ay nasa harap ko na ang multong ito.

Kaya imbes na magtatakbo ay marahas ko nalang hinablot ang kumot at isinaklob sa katawan ko saka ako nagkayungkot na nagsumiksik sa headboard ng kama. Atubili ko pang dinapot ang mga unan ko saka ko ipinaligid sa akin.

"O-our fa-father i-i-in he-heaven, ho-holy-- Ahh!" Hindi ko na naituloy ang pagdadasal at napasigaw na ng tuluyan nang maramdaman kong lumundo ang kama. Napahagulgol akong lalo at mas nagsumiksik pa sa kinauupuan.

"Tulungan mo ako."

Napadilat bigla ang mga mata ko kasabay ng pagdaloy ng kilabot sa katawan ko pagkarinig sa baritonong boses na tila ba nag-e-echo sa paligid na nasisiguro kong galing sa multong iyon. "Ahh! Ayoko! Layuan mo ko, layuan mo ko!?" Mangiyak-ngiyak kong sigaw habang madiing tinatakpan ang tainga ko para hindi makarinig ng kahit ano.

"Kailangan ko ng tulong mo."

"Lalalala! Wala akong naririnig. Wala akong naririnig. Lalalalala!" Malakas kong sabi na tila ba nililibang ang sarili para walang marinig na kung ano man. "Hindi totoo ito. Hindi totoo ang nakita mo Ino Salve. Gumising ka sa katotohanan. Hindi siya totoo. Nananaginip ka lang. Imposible ang nakita mo," pangungumbinsi ko pa sa sarili ko.

"Totoo ako, Ino. At kailangan ko ng tulong mo!"

"Ahh! Huhu! Lord, wag naman pong ganito. Parents ko lang po ang gusto kong makita hindi kung sino-sinong galang multo." Siguro ay kung may makakakita sa akin ay aakalaing para akong baliw na nagngunguyngoy sa isang sulok at bubulong-bulong.

"Ahhh! Ahhhh!" Parang kulang nalang ay lumabas ang tonsils ko sa pagsigaw nang biglang mawala ang kumot na nakasaklob sa akin. "Wag kang lalapit! Layuan mo na ako masamang ispiritu. Wala akong maitutulong sayo!"

"Unang-una sa lahat, hindi ako masamang ispiritu. Pangalawa, I have no choice but to ask for help from you. And lastly, sa gwapo kong ito, I wonder kung sa akin ka ba talaga natatakot. Mas nakakatakot pa nga iyang mukha mo," anito na may iritasyon sa tinig.

Napamaang ako sa narinig at agad na tinubuan ng inis. Natabunan ng pagtataka at kuryosidad takot at pag-iyak ko na siyang nagpatigil sakin. Para kasing gusto kong ulinigin ulit ang sinabi nito o sadyang iniinsulto lang niya ako para harapin ko siya. Talaga bang tama ang pagkakarinig ko na nilait ng multong ito ang pagmumukha ko?

Unti-unti kong iminulat ang mga mata at dahan-dahang inangat ang tingin. Kasabay noon ay ang malakas na paglagabog ng dibdib ko na para bang isang gong na walang humpay na tinatambol. Iyon na lang ang tanging naririnig ko sa mga oras na ito at pagkatapos ay parang nag-slow motion na ang paligid lalo na ng makarating ang mata ko sa kung saan ito nakatayo. Napapalunok pa ako sa pinaghalong takot, kaba at antisipasyon habang umaangat ang tingin ko sa mukha ng multong iyon.

Sinadya kong kalahati lang ang pagkakadilat ng mga mata ko dahil ayokong makita ng buo ang mukha nito kung sakali mang niloloko lang ako ng multong ito. Sa pagkakaalam ko kasi ay kung ano ang itsura ng tao noong mamatay sila ay iyon din ang magiging itsura nila pag naging multo na. Paano nalang kung nasagasaan pala itong lalaking ito? Edi puro dugo ang mukha nya, much worst kung warak tapos puro dugo. Mariin kong naipikit ang mata ng may sumagi sa isip kong itsura ng multong nakita ko sa t.v.

"Oh, come on! As if I look that gross!" Tila nauubusan ng pasensyang reklamo nito.

Muli kong iminulat ang mata at ibinalik sa kung saan iyon nahinto kanina. Kung sabagay, ni wala ngang bahid ng dugo sa damit nito kaya baka hindi naman ganun ka-morbid ang itsura nito.

Tila nagkaroon ng kakaibang ritmo ang kalabog ng dibdib ko nang tuluyan kong mabistahan ang mukha nito. Napatulala pa ako saglit sa mga mata nitong diretchong nakatitig sa akin. Hindi nga nagsisinungaling ang g*go. Pero mukhang may pagka-antipako.

"Edi natulala ka pa ngayon?" Anitong bahagya pang nakataas ang kilay. Parang hindi lang pagka-antipatiko ang meron sa kanya, kapreskuhan din.

Well, may maipagmamayabang naman siya. Mukha pa nga siyang artistahin. Multo nga lang. Kasing itim ng uling ang buhok niya na medyo magulo pa. May kakapalan naman ang kilay na sa para sa akin ay malakas ang appeal. O sadyang mahilig lang talaga ako sa mga lalaking makakapal ang kilay? Para kasing malakas makagwapo iyon.

Kahit naman medyo transparent siya dahil nga isa siyang multo ay mukha pa rin siyang foreigner dahil may pagka abuhin ang mga mata niya. Matangos din ang ilong at manipis na may pagka-pinkish ang kulay. O talaga lang maputla siya? Matangkad din ito at maganda ang tindig. All in all, totoo ngang gwapo siya. Siguro ay may mayaman din itong multo na ito noong nabubuhay pa. Para kasing may pagka-finesse sya kumilos. Isa pa ay panay ang english. Multo nalang, english pa ng english, e.

"Cat got your tongue?" Anito na biglang sumulpot sa harapan ko. Bahagya pa itong yumuko na siyang ikinanlaki ng mata ko. Lalo ko rin tuloy natitigan ng malapitan ang mukha nito. Akala yata ng lalaking ito na porket gwapo siya ay hindi na siya nakakatakot. Aba, kahit na makalaglag panty ang kagwapuhan nya, multo pa rin siya.

"W-wag ka ngang lumapit sa akin," singhal ko dito saka mabilis na lumayo. Napapalunok pa ako habang nakatitig sa mga mata nito. Kung bakit parang hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Hinihipnotismo na yata niya ako.

"So, kailan tayo magsisimula?" Tanong ulit nito sabay upo sa gilid ng kama.

Umangat ng kusa ang kilay ko. "Saan? May sinabi ba akong tutulungan kita?"

"Wala kang choice. You have to help me or else I will stay beside you, whenever and wherever you go"

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko habang nagsi-sink in sa utak ko ang bawat salitang binibitawan niya. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko e. Baka pati sa banyo ay sundan pa niya ako. Nahindik ako nang ma-imagine ko iyon.

"Bakit ako?" Nanggigilalas na tanong ko dito. "Napakaraming dumadaan sa kalsada na'yon bakit sa akin ka pa sumama?"

"Cause I have no choice!" singhal din nito sa akin. Bigla namang lumamig sa paligid kaya nayakap ko ang sarili ko. "D'you think I'll follow you here if there's someone who's willing to help me?"

"E-edi lumapit ka sa mga espiritista o kung sino man dun sa labas, wag na ako please."

"No! You will help me whether you like it or not," pinal na salita nito saka tumayo.

"Ayoko!?" Madiing sigaw ko dito kasabay noon ay ang pabagsak na pagbukas ng pinto. Iniluwa naman noon ang humahangos na si ate Erza. Bahagya pang nanlalaki ang mga mata niya na para bang gulat na gulat. Iginala ko naman ang tingin sa paligid para hanapin ang multong iyon pero hindi ko na siya makita.

"That's final, Ino Salve," mahinang bulong ng lalaking iyon sa tainga ko. Nahigit ko naman ang hininga kasabay ng paggapang ng malamig na hangin mula sa batok ko pababa sa guluhod hanggang sa hita. Napailing naman ako saka bahagyang nayakap ang sarili.

"Ino," untag ni ate Erza na siyang ikinagulat ko dahil hindi ko napansin ang paglapit niya. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang braso saka tinitigan sa mata. "Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" Nag-aalalang tanong niya. Lumingap-lingap pa siya sa paligid. Iniisip siguro niya na nakita ko ulit ang bagay na iyon.

Well, hindi naman siya nagkakamali. Yun nga lang ay hindi na niya naabutan dahil kakaalis lang. Mukhang wala siyang balak magpakita sa mga kasama ko dito kundi sa akin lang. Malamang kasi na makita din siya ni ate Erza kung hindi siya aalis. Tutal ay nakakakita rin ng ganoon ang lalaki na iyon.

Napabuntong-hininga ako bago umiling kay ate. Nagdadalawang-isip ako kung dasabihin ko ba kay ate o saka nalang pag hindi na talaga namin siya napaalis. Ang sabi ni ate Erza ay tutulungan nya akong itaboy iyon.

Nagdududang tinitigan ako nito. "Talaga?"

Pero siguro mas maganda kung sasabihin ko na din. "Actually, kakaalis lang nya," nag-aalangang sagot ko sa di malamang kadahilanan.

"Bakit hindi ka sumigaw agad? Dapat pala hindi ako umalis agad sa tabi mo. Nag-ayos kasi ako sa kusina. "

"Okay lang ate, wala naman na sya. Pero babalik daw sya."

"Kailangan na nating makahanap agad ng espiritista," determinadong turan ni ate. Tumango naman ako. "Sige na. Matulog ka pa. Maaga pa. Dito nalang muna ko hanggang sa magliwanag. Nakapagluto naman na ako."

Tumango ako at sinamsam ang kumot kong nasa paanan na dahil hinila ng damuhong multo na iyon kanina. Inayos ko na rin ang mga unan saka nahiga. Naramdaman ko ang pag-ayos ni ate sa tabi ko. Ngayon ko lang din napansing madilim pa nga sa labas kaya agad akong tumingin sa alarm clock kong nakapatong sa bedside table. Mag-aalas tres palang pala.

Sana bago pa man bumalik ang gwapong multo na iyon ay nakahanap na si ate Erza ng espiritistang magtataboy doon.

Related chapters

  • Phantom Lover   Lover 5

    "Ino! Ino Salve!""Ay, kamote!" Napahawak pa ako sa dibdib sa sobrang gulat ng marinig ko ang pangalan ko. Agad naman akong napatingin kay Merlin na mukhang kanina pa naiinis dahil sa kunot na kunot nitong noo. Si Merlin ang isa sa mga bestfriend kong hindi ko malaman kung paano ko naging bestfriend. May pagkataklesa kasi siyang taglay, prangka, to the point na nakakasakit na siya, na parang balewala naman sa kanya, wala rin kasing preno ang bunganga niya. Basta gusto nyang sabihin ay sasabihin niya. Mga bagay na ayoko sa isang tao. Kaya nga hindi ko malaman kung paano ko siya naging kaibigan, basta ang alam ko lang isang araw magkasama na kami. And the rest is history, ika nga."Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Naiwan ba utak mo sa classroom?" Naiinis na sermon sa akin nito. Hindi ko naman kasi namalayang nagsasalita pala siya. Isa pa ay hindi ko kasi maiwasang hindi isipin ang gwapong multo na iyon. Hindi rin ako mapakali kakaisip na baka nasa tabi

    Last Updated : 2022-04-29
  • Phantom Lover   Lover 6

    "What?!" Mabilis pa sa alas kwatrong umusog si Jade kay Clint. "Wala naman," anas ko ng makita ang pagpa-panic sa mukha ni Jade. "Pero ang sabi nya ay babalik daw sya.""Oh my ghad!?" Muling napatakip si Jade ng bibig."So, lalake ba sya o babae?" Pagbabalik ni Merlin sa usapan."Lalaki-""Oh my ghad, Ino. Kailangan nating maitaboy yan, baka kung ano gawin nyan sayo lalo na pag tulog ka na. Baka mamaya gawan ka nalang nun ng masama. Just like those on the movies, yung pinagsasamantalahan nung multo yung tao," nahihindik na litanya ni Jade. Maya-maya ay tila wala sa loob na niyakap ang sarili na tila ba ini-imagine ang nangyari. Lalo tuloy akong kinilabutan sa sinabi niya. Na-i-imagine ko na rin tuloy yung eksena. "Magtigil ka nga, Jade," sita ni Merlin dito na siyang pumutol sa pag-iisip ko. "Kung ano-ano kasi pinapanood mo kaya kung ano-ano pumapasok sa isip mo. Tinatakot mo lang lalo si Ino, eh. Mas mabuti pa, maghanap nalang tayo ng espiritista na makakatulong kay Ino bago pa bum

    Last Updated : 2022-04-29
  • Phantom Lover   Lover 7

    Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata ko ng imulat ko iyon. Susubukan ko sanang itabing ang braso ko sa liwanag ngunit natigil ako ng makaramdam ng sakit mula duon."Agh," mahinang daing ko. Noon ko tuluyang naimulat ang mga mata. Ramdam ko na parang may makirot na pagtusok mula sa kamay ko.Puting dingding, mga kurtina at salaming bintana na nilalagusan na ng mainit na sikat ng araw ang una kong nabistahan. Puno ng pagtatakang inilibot ko ang tingin sa paligid. Walang tao sa maliit na kwarto. May mahabang sofa sa di kalayuan ng kama at maliit na coffee table. Nang lingunin ko ang gilid ko ay natagpuan ko ang dextrose na siyang nakakonekta sa kamay ko kung saan ako nakaramdam ng sakit. Parang noon lang nag-sink in sa akin na nasa ospital pala ako. "Mabuti naman at gising ka na." Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paggapang ng kilabot nang matagpuan ko sa may gawi ng pinto ang multong pilit kong iniiwasan."A-Anon

    Last Updated : 2022-04-29
  • Phantom Lover   Lover 8

    I was taken aback at his stance actually. Unang-una, masyado siyang malapit, hindi ako makahinga. Pangalawa, nakaka-mesmerize ang mga mata niya. At pangatlo, wala na akong kawala sa paghingi niya ng tulong. Hindi na ako pwedeng tumanggi sa pagkakataong ito dahil may utang na loob ako sa kanya. "L-Lumayo ka nga!" Singhal ko sa kaniya. Naiilang kasi ako. He even looks intimidating right this very moment. Gusto ko sana siyang itulak pero siguradong tatagos lang ang kamay ko."Haha! Does this perimeter bother you?" Nang-iinis pa niyang saad. Kumikinang naman sa kalokohan ang mga mata niya. Naiinis ko naman sinalubong ang mga mata niya. "Syempre hindi. Nakakatakot ka kasi," pagdadahilan ko nalang para mapagtakpan ang pagkailang ko.Tumawa siyang muli. "Paano naman ako magiging nakakatakot, aber? Do you think I have that disgusting wrecked face? You better check your eyes habang nandito ka sa ospital.""Siguro nga dapat na akong magpatingin sa mga mata. Nakikita kasi kita," naiinis kong b

    Last Updated : 2022-04-29
  • Phantom Lover   Lover 9

    "Seriously, Ino?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Cai. Nahilot ko nalang ang sentido ko. Sa pagkakatanda ko ay sinabi ko na sa kanila na huwag ng ituloy ang paghahanap ng espiritista pero mukhang masyadong pursigido ang mga kaibigan ko na tulungan akong makakawala kay Cai. Panibagong buntong hininga na naman ang pinakawalan ko. Kung hindi siguro ako naaawa kay Cai ay baka pina-espiritista ko na nga siya."Jade, hindi ba napag-usapan na natin yan?" Nahahapong sabi ko dito."Pero Ino-""Thank you sa concern, Jade. Pero mas kailangan ko ng impormasyon ngayon," putol ko dito. "Ibababa ko na to nasa kalsada ako ngayon, eh. Sige na. Bye."Isinuksok kong muli sa bulsa ang cellphone ko saka hinarap ang masamang tingin ni Cai."Stop it, Cai. I already told them to stop. Hindi mo kailangang magalit dahil wala na akong balak na ipa-espiritista ka. Okay?" Dire-diretchong anas ko dito bago nagsimula ulit maglakad. Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Cai at iniwan itong nakatayo doon.Hindi

    Last Updated : 2022-04-29
  • Phantom Lover   Lover 10

    "One mocha latte for the beautiful lady?" Untag ni Caden ng makalapit sa akin. Hawak nito ang isang brown na tray na may laman na dalawang tasang latte at dalawang platito ng tig-isang slice ng cake. Nag-aya kasi siyang kumain sa isang kilalang fast food chain. Mas masarap daw kasing mag-usap habang kumakain. Sumama naman ako dahil baka mapakinabangan ko ang mga impormasyong sasabihin niya. Bahagya pa akong nailang sa pagkakasabi niya pero hindi ko nalang iyon pinansin. Kunwari ay hindi ko naintindihan. Hindi ko alam kung nagiging judgemental lang ba ako o sadyang nakakapanibago ang ikinikilos ni Caden. Though, hindi naman kami close pero iyong mga kilos niya kasi ay parang pinapahiwatig niya na may gusto siya sakin. Agad ko namang iniwaksi ang bagay na iyon. Hindi pwedeng magkailangan kami ni Caden dahil marami pa akong kailangang malaman mula sa kanya. Aminado naman ako na gwapo si Caden pero hindi naman ako interesado doon. "Ah- di ka na sana nag-abala, Caden," nahihiyang bungad

    Last Updated : 2022-04-29
  • Phantom Lover   Lover 11

    "Ang sabi ni Caden, kapag daw yung spirit, nagcross over death, that's when he'll be able to regain his memories," paliwanag ko kay Cai. Nakatitig lang naman ito sa akin na para bang nag-iisip. "D'you mean, mamamatay palang ako kaya wala akong maalala?" Nakataas ang kilay na tanong nya. Napangiwi naman ako sa naging reaction niya. "Maybe? Malay mo, in coma ka lang. Kaso…""Kaso ano?"Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nag-aalangan kasi akong sabihin sa kaniya dahil baka ikagalit na naman niya. "What, Ino?""Kung astral body ka lang, intact pa rin ang memory mo, yun ang sabi ni Caden.""So what am I then?" Tanong nito na hindi ko naman agad nasagot. Sa totoo lang kasi ay naguluhan din ako sa mga sinabi ni Caden. Lalo tuloy nagkabuhol-buhol ang mga bagay-bagay sa utak ko kaya ngayon hindi ko na alam kung ano ang uunahin. "Seriously, Ino. Inaya ka lang talaga ng Caden na yun para makadate."Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napakunot-noo. "At bakit naman niya yun gagawin, aber?"Nagki

    Last Updated : 2022-04-29
  • Phantom Lover   Lover 12

    “May problema ba, Ino?” nagtatakang tanong ni Merlin habang nagbabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa harapan. “Don’t tell us-”“No!” maagap kong putol kay Merlin bago pa makapag-isip ng isasabad ang dalawang nasa gilid ko. “Ahm, ano- mauna na kayo, may aayusin lang ako.”“Go, guys. Bago pa tayo maubusan ng mauupuan,” anas ko nang walang tuminag sa kanila. Hindi naman nagtagal ay napilitan na silang lumakad. Hinintay ko muna silang makalayo bago ko binalingan si Cai. Saglit din akong nagpalingap sa paligid para makita ko kung may nakatingin sa amin or most likely, sa akin. “Cai, sinabi ko naman na yung dahilan di ba?” halos pabulong na sabi ko. Kailangan kong hinaan ang boses ko dahil baka makatawag ako ng atensyon, isipin pa nila na nababaliw na ako. Matagal din akong tinitigan nito bago nagsalitang muli. Gusto kong haplusin ang braso ko sa lamig na nanunuot sa laman ko pero hindi ko ginawa. Pinanatili ko lang kay Cai ang tingin ko at nakipagsukatan dito. Hanggang ngayon ay h

    Last Updated : 2022-04-29

Latest chapter

  • Phantom Lover   Lover 20

    Nangilabot ako sa gawi ng pagtawag sakin ni Cai. Nang balingan ko ito ay nanigas na rin yata ako sa kinatatayuan ko pagkakita ko sa madilim nitong anyo. Mukhang nangangahulugan na naman ito ng panibagong giyera sa pagitan namin. Nagwawala naman ang dibdib ko na animo ay may nauna na roong pagrarambulan. Tanda ko noon na ganitong-ganito ang reaksyon nya noong nagpumilit akong pumunta sa game nila Caden. Wala sa loob na napatitig ako sa mga mata ni Cai. Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang ingay na ginagawa ng dibdib ko. Gusto kong bawiin ang tingin dito pero hindi ko magawa. Para kasing may kung ano sa mga mata nito na hindi ko maiwasang hindi titigan. Isa pa ay ang gawi ng tingin ni Cai na para bang may gusto itong iparating. “Ino, are you alright?” Nag-aalalang boses ni Apollo ang siyang nagpabaling sakin dito mula sa pagkakatitig kay Cai.“A-ah, o-okay lang ako, Apollo,” hindi magkandatutong sagot ko dito ng mapagtanto ang nangyari

  • Phantom Lover   Lover 19

    "Seriously, Ino? Skipping classes because of that?" Naiiritang bungad ni Merlin sakin pagkaupo sa tabi ko kasabay din noong ang pagbagsak nito ng ilang papeles sa kandungan ko. Sa totoo lang ay nagulat ako sa biglang pagsasalita nya. Masyado kasi akong okupado ng pagsusuyod sa mga librong hiniram ko sa library kanina. Hindi naman talaga sa nag-skip ako ng klase, nagkataon lang talaga na na-late ako ng pasok kanina dahil natanghali ako ng gising. Kaya imbes na pumasok ng late at mapagalitan ay naisipan ko nalang na manghiram ng libro sa library at dito magbasa sa leisure park ng school na malapit sa soccer field. Tahimik kasi dito kanina. Umingay lang ng magsidating ang mga soccer players at mga fans nila. Natamad naman akong lumipat ng ibang lugar kaya minabuti ko nalang na dumito. Medyo mapuno kasi itong lugar at naka-bermuda grass pa kaya masarap magpalipas ng oras at sumalampak sa damuhan. Isa pa ay pagkakataon ko na rin ito para mapahinga dahil wala akong kabuntot na bantay. Nag

  • Phantom Lover   Lover 18

    "Ano?!"Kulang nalang ay takpan ko ang magkabilang tenga ko sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nila Merlin at Jade. Mabuti nalang at nandito kami sa cafeteria ng school at wala sa library kung hindi ay baka napalayas na naman kami. Kung bakit kasi sabay pa ang dalawang ito kung mag-react at sumigaw. Mainam nalang din at wala si Clint kung hindi ay magkakatatlo pa sila."Nababaliw ka na ba, Ino?" Singhal ni Merlin sakin. "Hindi ka pa nga tapos sa isa, dinalawa mo pa ang tutulungan mo!""Huwag kang sumigaw, Merlin. Katabi mo lang ako. Isa pa pinagtitinginan na tuloy tayo," mahinang saway ko dito. Hindi lang din naman kasi dahil sa pinagtitinginan kami kaya ko ito sinasaway kundi dahil naroon din si Cai sa likod ko. Ayaw nya kasing pumayag na maiwan nalang sa bahay kaya hanggang dito sa school ay kasama sya. Pati tuloy panenermon sakin ng tatlong ito ay naririnig nya. Kung di ko pa alam ay nagbubunyi na ito dahil hindi lang ako sa kanya nakatanggap ng sermon."Hindi ba komplikado yun, Ino

  • Phantom Lover   Lover 17

    Isang irap ang iginawad ko kay Cai ng makalabas ako ng banyo. Nadatnan ko itong prenteng nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang may makahulugang ngisi sa labi. Ayoko pa nga sanang lumabas dahil naiilang ako sa mga ikinikilos nito pero wala na akong magawa. Alangan naman kasing hindi na ako lumabas ng banyo o kaya naman ay paalisin ko ito, baka lalo lang syang makahalata sa nararamdaman ko.Matapos irapan si Cai ay pinilit kong huwag na itong pansinin. Hindi lang dahil sa naiinis ako dito, kundi dahil palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko sa mga titig nya. At lalo pang nagwawala iyon kapag lumalapit sya. Naalala ko tuloy nang tawagin ako nitong babe kanina. Mabilis pa sa alas-kwatro na nag-react ang puso ko sa isiping iyon. Humugot ako ng malalim na hininga saka binalingan ang bata.Nakita ko ito na nakatayo, di kalayuan sa may kama at nakatingin kay Cai. Muntik ko pa nga itong hindi makilala dahil maayos na ang itsura nito. Presentable na ang suot nitong damit at hindi

  • Phantom Lover   Lover 16

    Kampante akong nagbababad sa bathtub at pilit kinakalma ang utak para hindi mag-isip ng kung ano-ano nang makaramdam ako ng kakaibang lamig na gumagapang mula sa kamay patungo sa braso kong nakadantay sa gilid ng bathtub. Nanuloy iyon sa batok ko na siyang magpatindig sa balahibo ko roon at maging sa buhok ko. Noon ako biglang napamulat at napaayos ng upo. Nabuhay ang takot sa dibdib ko dahil sa naramdaman kong iyon. Alam kong hindi si Cai iyon dahil hindi ako kinikilabutan at natatakot ng ganito kung siya iyon. Alerto kong inilibot ang mata habang kumakabog ng malakas ang dibdib. Ganito iyong naramdaman ko kanina ng masalubong ko ang mga galang multo na iyon. Hindi kaya nasundan na naman ako? Huwag naman sana.Halos lumuwa ang mata ko sa nerbyos ng biglang magpatay-sindi ang ilaw sa banyo. Iba na ang pakiramdam ko sa paligid at hindi nalang din mga balahibo ko sa braso ang nagsisitayuan, kundi maging sa buong katawan na."C-Cai, nandyan ka ba?" Pilit kong pinakakalma ang sarili sa k

  • Phantom Lover   Lover 15

    Unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng nakakakilabot na lamig sa paligid na para bang senyales na umalis na ang mga ito. Gusto ko sanang alamin at tignan kung ganoon nga ang nangyayari pero ayokong idilat ang mga mata ko. Baka kasi katulad ito noong nasa horror film na kunwari nawala na ang mga multo tapos kapag binuksan ng bida ang mga mata nya ay biglang lalabas ang mga ito sa mismong harapan nito.Lalo akong nanginig sa isiping iyon, isama pa ang mga itsura ng mga multong iyon. Bigla ay parang gusto kong maiyak muli. Kung sana ay nandito si Cai para tulungan ako. O kung tutulungan kaya ako nito kung kasama ko siya? Sa kabila ng hindi namin pagkakaintindihan nagawa ko pa talaga siyang tawagin.Nasa ganoon akong kaisipan nang muling gumapang ang lamig sa balat ko. Hindi iyong lamig na katulad ng kanina, kundi iyong lamig na kilala na ng sistema ko. Unang nag-react ang puso ko bago ko pa nagawang imulat ang mga mata ko. Naroon sa harap ko at nakatayo ang lalaking kanina lang ay p

  • Phantom Lover   Lover 14

    Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Hindi na din ako dumaan sa sizzlingan dahil siguradong hindi naman ako mapapakinabangan doon saka baka magsasara na si tita Hilde pagdating ko doon. Agad akong dumiretcho sa banyo at mabilis na naligo habang abala ang utak ko sa pagbabalik-tanaw sa nangyari sa maghapon. Parang may VTR sa utak ko na kusang nagre-replay ng mga nangyari. Naupo ako sa harap ng vanity table ko pagkayari kong maligo saka nagsuklay ng buhok. Nakatitig lang ako sa salamin habang pakiramdam ko ay hapong-hapo ako.Wala rin ako sa mood at hindi ko alam kung bakit. Nanalo naman sila Caden, kung bakit parang ang bigat ng nararamdaman ko. Dahil kaya sa ipinakita ni Cai kanina?Speaking of Cai, hindi ko na siya nakita mula pa kanina ng bigla siyang mawala sa game. Ayokong isipin na baka kung saan na siya nakarating. Ayokong mag-alala sa kanya dahil may kasalanan pa siya sakin. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Kahit naman gaano ako kagalit sa bruhong multo na iyon ay hindi ko pa ri

  • Phantom Lover   Lover 13

    Mabilis akong umagapay kay Merlin. Hindi naman nagtagal ay narating na namin ang kinauupuan nila Jade. Excitement was written all over her face as she cheered for the team. Bago pa kami makasampa sa ikatlong row ng bleachers kung nasaan sila Jade ay biglang naghiyawan ang mga tao, lalo na sa gawi ng upuan namin, kasabay ng pagtunog ng buzzer na senyales ng break. Nagsipag tayuan pa ang iba na animo ay nagbubunyi na para sa Red Griffinth kaya’t napalingon kami doon ni Merlin. Noon ko nakita si Caden na nakakalambitin sa ring. Nang tignan ko ang score ay lumamang ng two points ang Griffinth na sumakto para sa pagtatapos ng first half. Marahil ay dahil iyon sa dunk ni Caden. Nang bumaba ito ay agad na sinalubong ng mga ka-teammates saka pinag-aakbayan bago pumunta sa upuan nito na malapit sa kinauupuan namin. Sakto sa paghupa ng hiwayan ang pag-upo namin sa bleachers. “Bakit ang tagal mo?” sita sa akin Jade.“Nagkaproblema lang pero okay na,” sagot ko dito. “Patas lang laban?”“Magalin

  • Phantom Lover   Lover 12

    “May problema ba, Ino?” nagtatakang tanong ni Merlin habang nagbabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa harapan. “Don’t tell us-”“No!” maagap kong putol kay Merlin bago pa makapag-isip ng isasabad ang dalawang nasa gilid ko. “Ahm, ano- mauna na kayo, may aayusin lang ako.”“Go, guys. Bago pa tayo maubusan ng mauupuan,” anas ko nang walang tuminag sa kanila. Hindi naman nagtagal ay napilitan na silang lumakad. Hinintay ko muna silang makalayo bago ko binalingan si Cai. Saglit din akong nagpalingap sa paligid para makita ko kung may nakatingin sa amin or most likely, sa akin. “Cai, sinabi ko naman na yung dahilan di ba?” halos pabulong na sabi ko. Kailangan kong hinaan ang boses ko dahil baka makatawag ako ng atensyon, isipin pa nila na nababaliw na ako. Matagal din akong tinitigan nito bago nagsalitang muli. Gusto kong haplusin ang braso ko sa lamig na nanunuot sa laman ko pero hindi ko ginawa. Pinanatili ko lang kay Cai ang tingin ko at nakipagsukatan dito. Hanggang ngayon ay h

DMCA.com Protection Status