Home / Fantasy / Into the Wishing Well / Chapter 23: Declaring War

Share

Chapter 23: Declaring War

Author: KameyLeonard
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

KAHIT papano'y maluwag akong huminga dahil hindi iyon si Stalwart. Lumabas na ako roon baka nakakaistorbo lang ako sa manggagamot.

In no time, I could see the man I had been looking for for a long time in afar. Ang kanyang grayish blue eyes ay diretsong nakatingin sa akin.

Kusang gumalaw ang aking paa patungo sa kanya. Napabuga ako ng hininga nang makita na wala siyang sugat.

Goodness gracious. That's a relief. He's fine, I guess.

"Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong niya. Napatingin ako sa kanyang itsura. Magulo na ang buhok, medyo maalikabok na ang kanyang mukha at binabalot na siyang pawis ngunit, bakit ang pogi niya pa rin?

"Ano...kasi nabalitaan kong may nangyaring p-paglusob ng mga b-brujo't bruja, n-nandito ako p-para k-kumustahin k-kita, k-kung o-okay ka lang." I looked away after saying that. My heart beats faster once more.

Ngunit, nabigla ako nang ngumiti siya ng kaunti at sinagot ako. "Ayos lang ako, sila ang hindi," aniya habang nakatingin sa paligid. Abala ang laha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Into the Wishing Well   Chapter 24: What My Dream

    LUMAPIT ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nagtataka naman ako sa nangyayari dahil nasisilayan ko rin sa 'di kalayuan ay si Mom. Nakangiti silang dalawa ni Lola Athena.Hinarap ako ni Dad. "I'm so happy to see you, and miss you so much, anak! B-Bakit parang hindi ka masaya?" tanong niya sa akin, medyo paos ito ngunit malalim kung magsalita.Napailing naman ako. "No, D-Dad. I'm just...s-surprised. Nice to see you again, Dad. It's been a while."Lumapit naman si Mom at hinalikan ako sa pisngi na siyang ikinagulat ko. "I'm sorry anak..." Sa isang iglap ay magkayakap na kaming tatlo na para bang bumabalik ang lahat sa dati, na ilang taon ko ring hinintay. They did something wrong to me. Yet I don't know what to say or where to begin with. Naghanda ng bonggang merienda si Lola Athena rito sa dining room. Lahat ng favorite ko, ni Mom at Dad na pastries ay naririto. Nasa unahan si Lola Athena nakaupo, sa kanang gilid niya si Ate Maria which is katabi ko at kaharap namin sila Mom and

  • Into the Wishing Well   Chapter 25: Super Special Package

    PINAGPATULOY ulit yung last scene ni Prinsipe Maxilion at Fauna sa kusina ng kaharian kung saan narinig niyang kumakanta na kasing pareho ng boses ng babaeng lumigtas sa kanya sa gubat."Sobrang pangit ko ba para agad mong makalimutan? O 'di kaya sobrang hindi ako ganoon kahalaga para hindi mo na maalala?" malungkot na tanong ni Fauna sa Prinsipe na ngayon ay nabibigla sa mga nangyayari.Namilog ang kanyang mga mata. "I-Ikaw iyon, F-Fauna. I-Kaw!" hindi makapaniwalang saad ng Prinsipe. Lumuhod siya sa harap ni Fauna na nagpahiyaw sa lahat."F-Fauna, patawad dahil dahil kinalimutan kita, patawad dahil hindi kita naalala, at patawad dahil ngayon lang kita nakita," mga sinabi ng Prinsipe upang maiyak si Fauna. They kept looking at each other while there was a sweet music on the background.Natigil ito nang may kalabog na umalingawngaw sa paligid. Nasaksihan ito ni Hermelina na ngayon ay matatalim ang mga tingin sa dalawa."Anong ibig sabihin nito?!" sigaw ni Hermelina sa dalawa. Tumayo a

  • Into the Wishing Well   Chapter 26: False Accusations

    MINULAT ko ang aking mata nang tumama na ang init at sinag ng araw sa aking mukha. Umaga na pala. Napalingon-lingon ako sa paligid, narito ako sa aking kwarto at tinignan ko ang aking itsura.What in the world?Tanging ang kumot na lang ang tumatakip sa katawan kong suot lamang ay panty at bra!"What the hell?!" sigaw ko na nag-alingawngaw sa buong bahay. Nagkalat ang aking tea gown malapit sa pintuan. Pinulupot ko ang kumot sa aking katawan at dali-daling tumungo roon kaso may biglang bumukas ang pinto para mauntog ang aking ulo at matumba sa sahig."Artemis?! Anong nangyari—" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang makita ang itsura ko, napatingin ako sa aking sarili at napasigaw ako dahil naalis yung kumot sa katawan kong bra't panty lang ang suot. Awtomatikong tumalikod si Stalwart sa harap ko, agad ko naman binalik ang kumot sa aking katawan."Get out!" naiiritang sigaw ko sa kanya na agad niyang sinunodI let out a deep breath to calm myself. Bakit ganito lang ang suot

  • Into the Wishing Well   Chapter 27: Daydreaming

    PUMASOK na ako sa klinika, binuksan ko ang unang kurtina at nakitang nagpapahinga si Janus. Umupo ako sa upuan na katabi ng kanyang kama."Janus..."He has a black eye in his left eye and a lump on his forehead. His right fist was bandaged and his uniform was a bit torn. Unti-unting minulat niya ang kanyang mata at ngumiti agad nang makita ako. "A-Artemis, nariyan ka pala, ang pangit ko na ba?" natatawang tanong niya para hampasin ko ang kanyang binti. Napa-aray naman siya dahil doon."Nagbibiro lang ako, kaya huwag mo na akong hampasin dahil mas lalong sasakit!" he mumbled.Nagsimula naman akong maluha-luha dahil doon.Napayuko ako sa sobrang guilt. "P-Patawad, Janus. Dahil sa akin, nag-away kayo at nagkagulo. Napagtanto ko na may mga bagay na hindi dapat pilitin kung hindi pa talaga pwede. Alam kong nag-aaway kayo pero pinilit ko pa ring kumain kayo sa isang mesa. Hindi ko man lang inintindi ang nararamdaman mo.""H-Huwag mong sisihin ang sarili mo. Desisyon kong magalit at desisyo

  • Into the Wishing Well   Chapter 28: Shone like Diamonds

    "DALA-DALA na ba ninyo ang pinadala kong mga sangkap sa paggawa ng likidong ganda?" Tumango naman ang lahat at mariing nakikinig kay Maestra Haykey tungkol sa paggawa ng likidong ganda. Nanatili lang akong nakatingin sa kuwaderno ni Janus. Medyo matamlay ang umaga ko, bukod sa wala akong kapartner ngayon, yung tungkol kay Jandel at sa aming dalawa ni Stalwart. Isama mo pa yung pag-uusap naming tatlo noong isang gabi tungkol sa pag-ibig. Since then, the ideas have kept me up at night and keep me from falling asleep. May nakita akong isang papel na nakaipit sa kuwaderno ni Janus. Isa na naman itong sulat. Patawad dahil mag-isa kang gagawa ng likido. Hindi kita masasamahan sa loob ng dalawang linggo dahil sa parusang natanggap ko ngunit huwag kang mag-aalala dahil palagi kitang gagabayan at tutulungan, nakatingin lang ako sa paligid. Napatingin naman ako sa paligid pero wala naman e. Aking pinagpatuloy ang pagbabasa ng sulat. Biro lang, dyok lang. Hahaha. Alam kong kaya mo 'yan Arte

  • Into the Wishing Well   Chapter 29: It's you, Stalwart

    HINDI ako nagdalawang isip na sampalin siya at hindi naman siya nagulat doon."Buong akala ni Kriselle, nagbago ka na at gusto mo siya ngunit si Moiselle pa rin pala ang mahal mo! Paano mo nagawang paglaruin ang damdamin ng kambal?!""Isang malaking palabas lang ang panliligaw ko kay Krisell—" hindi ko na siya pinatapos dahil tinulak ko siya ng malakas!Nabitawan ko na ang payong pati na rin ang dala kong balot. Wala na akong pakialam dahil ang tanging gusto ko lamang ay saktan ang lalaking 'to!Lahat ng inis sa katawan ko ay mukhang mailalabas ko ngayong araw."Isa kang napakalaking gago! Nararapat kang mamatay sa sobrang lamig!"Susuntukin ko sana siya nang may pumigil sa aking kamay.Napalingon ako sa humawak sa aking kamay, si Stalwart!"Anong nangyayari rito?!" nagtatakang tanong niya pero hindi ko ito pinansin at mabilis na binawi ang aking kamay.Lumapit muli ako kay Paris ngayon at hinayaan niya akong suntukin siya ng malakas sa mukha. My hand hurts but I don't care anymore be

  • Into the Wishing Well   Chapter 30: Dangerously Unleashed

    WHEN SATURDAY came in, everyone went home. Nasa paligid pa rin ang mga Valkier ng Konseho at Armada ng Kaharian dahil wala pa ring balita kung anong nangyayari sa gyera ng Salamanca at Valhalla. The war zone is located in the most remote corner of Soliver, near to the very first Valhalla region. Both sides are on standby and it is not yet known who will attack first. On the other hand, there is a possibility that the two worlds will first engage in negotiations or arbitral discussions. To confirm if the war can still be avoided or not.Meanwhile, babalik na naman ako sa Earth sa pamamagitan ulit ni Maestro Estefanio na nagsermon muna sa akin bago ako umalis tungkol sa pagduwelo ni Janus at Jandel last week. Medyo stressed na naman ang lolo mo dahil doon.Nang nakauwi na ako, inasikaso ko ang aking pag-enroll sa isang college rito. Hindi ko alam pero habang naglilibot ako sa paaralang iyon at nakikita ang mga kapwang estudyante na excited makapag-enroll, I suddenly lost interest in goi

  • Into the Wishing Well   Chapter 31: Spring Season

    THE SUN was setting. Everyone has gone home from their jobs and is heading to Kalye-Aliwan to prepare to welcome Spring. Meanwhile, our carriage has stopped and we are here in front of the Konseho. I smiled at the twins who were now sitting on a bench outside.Ilang sandali pa, pumasok na kami ni Ginang Ponty kasama ang dalawang Valkier na hawak-hawak ang magnanakaw na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Napakayuko naman akong pumasok sa Konseho dahil baka makita ako ni Arabella o mas malala pa ay ni Stalwart.Pinapunta muna kami sa Paggamutan ng Konseho para i-gamot ang sugat na tinamo ni Ginang Ponty. Maliit lang daw sa akin kaya nilinisan na lang nila ito. Nang natapos ay diretso agad kami sa isang silid-interogasyon. Humiwalay naman sa amin ang isang Valkier na nakahawak sa magnanakaw. Mukhang ilalagay na niya ito sa kulungan. Habang ang isang Valkier naman ay sinamahan kami rito sa silid-interogasyon at pinaupo sa isang mahabang upuan.Nagsimula naman ang interrogation sa ami

Pinakabagong kabanata

  • Into the Wishing Well   Note

    "Wishing is not even enough to make our dreams into reality. If you don't do anything to make it happen, the wish will just be a bunch of words." - Artemis Velasquez This novel is dedicated to my younger self, who adored fantasy works to the extent that she wanted to create her own. You did it; you crafted your own world and completed your first book after four years. Thank you self for not giving up, and to my readers who support me all the way and love my characters. I appreciate you all! This is also for you guys! (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡ See you in the second part of the Into Duology, "Into the Forbidden World"!

  • Into the Wishing Well   Epilogue

    MARAHAN kong binaba ang diary ni Stalwart at nagsimulang maglakad palabas sabay hawak sa aking puso. Napaluhod ako, dahan-dahang isinandal ang ulo sa balon at hindi ko na napigilan ang pagbuhos muli ng aking mga luha. "Wishing well, 'pag humiling ba ako ulit sa'yo, matutupad mo ba ulit 'yon? Pwede bang pumunta si Stalwart kahit ngayong araw lang? Kasi ang lungkot ko, kasi masakit, kasi... gusto ko lang naman matupad ang wish ko—to be genuinely happy with him. It's not difficult, isn't it?" I'm still not used to it. I've been with him since I entered Salamanca, and even though he's been gone for two years, it still so painful. Halos humagulhol at guluhin ang buhok dahil sa sakit na nararamdaman. Sa dahilang iyon ay 'di sinasadyang matanggal sa aking ulo ang binigay niyang belo at ito'y mahulog. Mabilis kong sinalo ito ngunit sabay din nito ang pagkahulog ko sa balon. Naramdaman ko na ang sobrang lamig na tubig, sobrang dilim na lugar at sobrang lungkot na pakiramdam. Hinayaan ko lan

  • Into the Wishing Well   Chapter 70: Battle of Olympia

    WARNING: LONG CHAPTER AHEAD"Ang Ginoo ng Aethelmagia ay si... ang Prinsipe ng Salamanca—Janus Wrikleson!" anunsyo ng host na si Maestra Gemira. Dumagundong ang malakas na hiyawan at sigawan ng lahat dito sa Quadrado. Lalo na ang nasa unahang kambal na hindi na maawat ni Jandel sa kakatalon at kakatili. Kahit kaming mga ibang kalahok ay ganoon din habang ako lang yata ang nakangiti ng malapad. I just smiled, it's so obvious that Janus will win. Not because of his lineage but his presence and appearance. Parang mga kuko lang niya ang mga kalaban mula sa Segundar at Trercer. "Ngayon naman ay ang mga nagagandahang Mutya!" sigaw ni Maestra Gemira upang umabante kaming tatlong kababaihan. Wala silang runner ups dito, isa lang ang nanalo bilang Ginoo at Mutya. Binalot muli ng ingay ang paligid. Ang dalawa kong kalaban mula sa higher levels ay nakangiti pero halatang peke. Alam kong kinakabahan na sila sa akin. They're beginning to acknowledge me as their greatest adversary. "Ang Mutya

  • Into the Wishing Well   Chapter 69: Fulfilling Our Promises

    SUHAYAG: Isusulat at ipapahayag ang Katotohanan sa mga taga SalamancaPagpatay sa Pang limang Komandante ng Valhalla—daan sa katotohanan, hustisya at kapayapaan!Maraming kaganapan noong nakaraang linggo—muling pag-atake ng mga brujo't bruja sa Lowlands sa kabila ng kanilang pangako na hindi na gagambala sa Salamanca kailanman, paglabas ng sinaunang nilalang na Bakeneko, at ang kakaibang itim na mahika na bumalot sa buong Kaharian. Ito ay pakana ng isang espiya at mamalarang mula sa Valhalla, ang panglimang Komandante ng Valhalla na si Florentin na nagbabalat-kayong personal na kasambahay ni Mutya Mercedes sa bilang Ponty Renti sa loob ng ilang dekada. Siya rin ang nagpasimuno sa biglaang atake ng mga brujo't bruja sa Kaharian at ang pumatay sa yumaong Pangalawang Mutya na si Mutya Susanna noong Disyembre Dalawang libo't walo. Isang patunay na inosente ang dating Punong Armada na si Adolfo Persalez at ang pamilya nito. Hindi ko na tinapos basahin ang buong laman ng diyaryo ng Suh

  • Into the Wishing Well   Chapter 68: Invading the Kingdom of Salamanca Part 3

    KUSANG GUMALAW paitaas ang aking mga kamay upang nagsiliparan ang mga nilalang sa ere. Kita sa kanyang mukha ang pagkagulat ngunit napalitan din ito ng isang sarkastikong reaksyon."Hindi ko inaakalang may natitira ka pang lakas, Binibini. Gusto man na makipaglaro pa sa iyo subalit... nagmamadali ako. Hindi dapat ako nag-aaksaya ng panahon dito," aniya sabay paglabas ng napakaraming itim na mahika. Bukod sa nasisira ang mga nadadaanan nito tulad ng mga halaman at bulaklak saka mga brujo at bruja, sobrang lawak din nito upang wala na akong kawala.It's the same attack she did earlier. "Paalam, Binibining Artemis Velasquez!"Muli siyang tumalikod at naglakad papalayo. I should be worrying or do something but my body got stiff as well as my mind seemed blank and thoughtless.Except for killing her.I closed my eyes and opened them, sending her a cold sensation. As a result, all the power she release simply vanished. Nawala ng parang bula. Kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon para lapi

  • Into the Wishing Well   Chapter 67: Invading the Kingdom of Salamanca Part 2

    NAUNAHAN KAMI ni Ponty nang gumawa siya ng harang na nakapalibot sa sarili at may itim na usok ang lumabas sa kanyang mga kamay. Unti-unting namilog ang aming mata dahil ang mga usok na ito ay nagkakaroon ng hugis at kalauna'y anyo. "Mapalad kayong apat dahil masasaksihan ninyo ang tatlong pinakamalakas at pinakamaliksi na Brujo at Bruja ng Valhalla!"My eyes couldn't follow. Everyone is now in chaos. Agresibong inatake ng mga bagong labas na nilalang ang tatlong kasama kong lalaki. Bagama't itim din ang kanilang suot na kapa ngunit kakaiba ang mga itsura nito. Hindi nakakadiri at nakakatakot ang kanilang mukha ngunit ang pagkakaiba nito ay wala silang bibig. Ang kanilang mahahabang kamay at paa ay korteng espada na sobrang talas ang dulo na kanilang ginagamit ngayon sa pakikipaglaban. Sobrang liksi at lakas din ang bawat hampas upang mahirapan ang tatlo na gamitin ang kanilang mahika at tanging magawa ay umilag o umiwas na lamang. Nang makita kong nasisiyahan si Ponty sa nakikita,

  • Into the Wishing Well   Chapter 66: Invading the Kingdom of Salamanca Part 1

    NANG BUMALIK na ang lahat sa dati, katahimikan ang naghari sa buong hardin. Tila'y tumigil ang aming buong sistema nang nadiskubre na namin ang espiya sa Kaharian. Buong akala ni Stalwart ay simpleng tagapagsilbi lamang ito ng Mutya ng Salamanca, buong akala ni Ate Maria at Lola Tinay ay bukod sa pagiging tagapagsilbi ay suki lamang ito noon sa Kamiseta, buong akala ni Jandel ay isa ito sa mga tumayong ina sa loob ng Kaharian, at higit sa lahat, buong akala ni Janus ay ito ay matapat at may malasakit na nanilbihan ito sa kanilang pamilya sa loob ng maraming dekada. Puro akala, ngayon ay hindi na makapaniwala.Siya pa naman ang unang taong nakadiskubre ng aking kapangyarihan. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko. She has taken more advantage when she witness my natural magic last time. "Nawala ang mahika ko! Ibalik mo ito!" galit na aniya at sinampal ako ulit pero ganoon pa rin, wala pa ring epekto. I was a little confused because I couldn't understand him as he was yelling at me to

  • Into the Wishing Well   Chapter 65: The Spy

    SA PAMAMAGITAN ng isang palakpak, napatigil niya ang kumosyon sa ancestral house. Sabay sabay na bumagsak sa sahig ang lahat ng lumulutang at nagwawalang kalat saka mga gamit. Napangiti kami sa isa't isa dahil nagawa naming makaalis doon."M-Mas malala pala ang ganoong pangyayari kaysa makipaglaban sa mga halimaw. Hindi mo alam kung makakabalik ka pa sa iyong tunay na kalawakan o hindi na," masayang wika niya habang magkahawak aming mga kamay. Mas hinigpitan ko ito saka ngumiti, "Oo nga! Nagulat ako na isa kang corporate person doon. Bongga. Gano'n pala ang other self mo sa ibang universe!"Hindi man maintindihan ngunit tumango-tango na lamang ito. That was actually a one time opportunity to see Janus living in my realm. Working as a corporate person suits him well. He'd be one of the most popular bachelors in town!Narinig naman namin ang mga papalapit at nag-aalala na sina Lola Tinay, Ate Maria, saka Stalwart. "Maraming salamat at ligtas kayo! Naniniwala talaga ako na kaya mo ta

  • Into the Wishing Well   Chapter 64: The Handsome Young man, Janus.

    "MAESTRA TINAY?"Tumango ako.His eyes widened. "Maestra Athena Fuertemente Persalez?!"I chuckled then nodded again. Mentioning Lola Tinay's full name touches my heart. Napaatras at napalingon-lingon siya sa paligid sa sobrang hindi makapaniwala."Sasali raw siya sa ating alyansa. Matagal na raw siyang nanahimik. Oras na para bumalik ang pinakamagaling na mangagamot na tumapak sa Salamanca," I smiled. As a result, a series of tears fell in Janus's eyes. Those tears filled with longing and happiness at the same time. "H-Hindi siya galit sa akin?" halos pumipiyok na tanong niya. "Hindi 'no! Kailanman ay hindi iyon nagalit sa iyo. P-Pero nainis siya ng kaunti kay Lolo Ompong..."Mabilis niya akong nilapitan, "B-Bakit kay Maestro?"I grinned. "Nainis siya sa kanyang asawa dahil hindi man lang daw nito binanggit ang totoong pangalan ni Boljak!"Hindi naman niya mapigilan na tumawa habang umiiyak. It is a tradition in Salamanca to introduce new members of the Kingdom when they reach

DMCA.com Protection Status