A WEEK has passed. And, tonight, I'll return to Salamanca to begin studying in Aethelmagia. Everything I need is ready. Nakasuot na ako ng uniform ng Aethelmagia, may dalang makalumang brown case kung saan nakalagay ang aking mga libro, notebook saka mga lapis, tapos may dala pa akong isang maleta na nilalaman ang aking mga damit na pang Salamanca at syempre hindi ko makakalimutan yung mga skin care products ko 'no. I can't sleep without those."Mising, ang Aethelmagia ay parang kolehiyo. Kaya'y parang panibagong yugto na rin ito ng buhay mo," nakangiting ani Lola.Ang mangyayari, kapag magsisimula na ang pasukan dito sa Pangaea or Earth, mukhang ipagsasabay ko ang buhay Aethelmagia at buhay kolehiyo. But how? Napailing-iling ako. Hindi ko muna ito isipin dahil mas importante ang pagpasok ko sa Aethelmagia.Ate Maria smiled. "Ano handa ka na ba Mising? Siguro'y naghihintay na sa kabila si Maestro Estefanio." "Si Ate Maria, nagmamadali. Ayaw mo na ba akong makasama?" Biro ko, niyakap
"KAYO ang mga bagong Primer, unang baitang ng Aethelmagia. Ang mga kaninang ibang estudyante ay sila ang mga Segundar, ang pangalawang baitang. At Trercer, pangatlong baitang.""Iwanan niyo lamang riyan ang inyong mga gamit, ang mga tagapagsilbi na ang bahala riyan." Patuloy niya. May limang kababaihan ang kumuha ng mga kagamitan namin. Paki-ingatan po yung mga skin care products ko diyan or else hell will break loose."Ating lilibutin ang buong Aethelmagia ng matiwasay. Tumaas ng kamay kapag mayroong katanungan. Naintindihan ba?" she instructed then everyone nodded. Ilang sandali pa ay bumukas na ang tarangkahan.Bumaling ako sa paligid. Isa itong malawak na hall na mayroong malalaking chandelier sa itaas, may mga mahahabang mesa at upuan, at may mga malaking tela na nakasabit sa gilid kung saan nakaukit ang logo ng Aethelmagia.Huminto naman si Maestra Markisha sa gitna. "Ito ang bulwagan. Dito tumitipon ang lahat ng Magians kapag may mga kaganapan tulad ng patimpalak, pagsusulit, s
"SIYA si Ginang Ameria, ang gagabay sainyong mga kababaihan patungo sa inyong mga silid. Si Ginoong Falco naman ang sa mga kalalakihan. Dito na magtatapos ang inyong paglilibot. Muli, maligayang pagdating sa Aethelmagia, Magians!" paalam sa amin ni Maestra Markisha. Nagpalakpakan at walang sawang pinasalamatan si Maestra rito sa bulwagan dahil doon.Mag-aalas sais na ng gabi habang umaakyat na ang lahat patungong ikatlong palapag. Ang mga lalaki ay sumunod kay Ginoong Falco, kami naman ay kay Ginang Ameria na tantya ko ay mid 40s na. Kulot ito at nakasuot ng red and fitted tea gown.The twins are still with me, as is typical. They haven't talked since earlier at lake of Burks. I think it's because of that Paris. I frowned. He's not that much pogi to fight with. Wake up, girls!As we were just walking through the hallways when we noticed a door ahead. Isang lugar kung saan ay puro kwarto ang makikita. Tumigil si Ginang Ameria sa gitna ng daan."Ito ay ang Tagpuan ng mga kababaihan ng
"MAGANDANG Binibini, maaari ka bang magpakilala? Tulad ng ginawa nila kanina." Nakangiting wika sa akin ng Maestra nang dumating ako. Nasa laboratoryo kami ngayon at napangiti ako dahil kaklase ko ang kambal, kasama na rin si Janus.I slightly smiled. "Magandang umaga, ako nga pala si Artemis Puertez mula sa Windorf!""Nagagalak akong makilala ka, Artemis. Ako nga rin pala si Maestra Haykey Clowshak mula sa Farayah. Ang inyong magiging guro mo sa asignaturang Likido."Si Maestra Haykey, nakasuot ng pulang coat na itim ang mga butones at pencil cut sa pambaba. Nasa mid 30's na raw ito, short-haired chubby, kayumanggi ang kulay ng balat, hindi katangkaran dahil hanggang balikat ko lamang siya, at bilugan ang mukha."Kanina'y humanap sila ng kapareha, Artemis. Dahil parehas kayo huling dumating ni Janus, kayo na ang magkapareha sa aking asignatura. Tumabi ka na sa kanya." Naghiyawan bigla ang mga kaklase ko sa hindi malamang dahilan. Yung tipong lang twenty kaming estudyante rito pero y
"MISING..."Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha."Stalwart..."Instead of dealing with me or disciplining me like he used to, his expression unexpectedly changed. Mula sa nag-aalalang itsura, ngayon ay naging seryoso na."Binibini, pumunta na agad kayo sa Biblio. Hindi na kayo ligtas dito. Bilis!" may diing utos niya sa amin.Nagpapanggap ba siyang hindi niya ako kilala?Tinulungan ko naman na tumayo si Janus at nagsimula na kaming maglakad patungo sa ikalawang palapag. Hindi ko napigilan ang aking sarili na muling tumingin sa ibaba. May mga dumating na galing sa Konseho, kasama na roon si Stalwart na ngayon ay nakikipaglaban na sila sa mga brujo't bruja."Artemis..." Narinig kong usal ni Janus. Namilog ang aking mata dahil naging kulay violet ang itsura at balat ni Janus. "Janus?! Anong nangyayare?!""...may l-lason yung p-pana..." Naghihingalong tugon niya at nagulat ako nang natumba siya. Napasigaw naman ako ng tulong na nag-alingawngaw sa buong palapag. Janus' eyes s
"ARTEMIS..." Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Napahinga ako ng maluwag dahil ito ay si Binibining Eliya! "...at Janus. Pinapabalik kayo ng punong mangagamot sa klinika para malapatan muli ng gamot ang inyong mga sugat," nakangiting patuloy nito. Tumayo naman agad ako habang si Janus ay kumakain pa rin. Hindi ko na pinatapos na kagatin ni Janus ang kinakain niyang chicken at hinila na papalayo roon. As a result, the five burst out laughing, especially the twins. "Artemis at pinsan, magpagaling kayo ha!" si Kriselle. "Lalo na si Janus, gagaling talaga 'yan dahil makakasama niya na naman si Artemi—" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Paris dahil lumabas na agad ako sa Cantina. Tanging mga halakhak na lamang nila ang aking naririnig. That guy is quite loud. What if Stalwart hears it?! "Ang sarap pa naman ng kain ko oh!" reklamo ni Janus habang sinunsundan namin si Binbining Eliya papuntang klinika. Napapatingin naman ako sa likod dahil baka sinusundan na ako ni Stalw
"BALITA ko'y nasangkot ka sa isang gulo noong unang araw sa Aethelmagia," ani Stalwart habang nagluluto ng lunch namin dito sa kusina. In fairness, marunong talaga magluto ang lalaki. Baka kay Lola Athena at Aling Maria niya ito natutunan."Gulo agad? Hindi ba pwedeng slight misunderstanding lang? Exaggerated ka masyado."I am just sitting pretty while he is cooking my request, which is tinola. Tutulong sana ako kaso ayaw niya, magiging abala lang daw ako. I knew it. May hinanakit pa rin ang lalaking ito sa akin.Ilang sandali pa ay nilapag niya na ang pagkain. He grinned. "Kain na, 'wag kang mag-alala dahil masarap akong magluto."Napataas naman ako ang kilay dahil doon. Yabang talaga. Well, let's see. Tinikman ko ang luto niya at hindi nga maitatanggi na masarap talaga ito. Kasinglevel ng luto ni Lola Athena.Napatigil ako dahil nakatingin siya sa akin."Anong tingin-tingin mo riyan?""Masarap ba?" curious niyang tanong.I gulped. "Oo, pwede na." Nahihiyang tugon ko at pinagpatulo
SI STALWART...Tumayo siya at humarap sa akin. Nakasuksok sa bulsa ang kanyang mga kamay. "Hindi ba't sabi ko sa'yo ay 'wag kang lumabas," seryoso at may diing ani Stalwart sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso dahil sa nerbyos at kaba."Ano kasi... May nangyari kasi sa labas tapos nadamay ako kaya kailangan kong sumama papuntang Konseho pero 'wag kang mag-aalala, okay na iyon at naayos na," paliwanag ko at mas lalong kumunut ang kanyang noo.He frowned. "Anong nangyari para lumabas ka kahit delikado?" muling tanong niya. He didn't seem convinced by what I said. That's the truth!"Ano, may lalaki kasi na sinisipa at sinisigawan ang isang bata sa labas tapos syempre hindi ko kayang tiisin ang ganoon kaya sumabat ako sa kanila kaya natigil ang pananakit sa bata. That's it."Because his questions were so intense, I found myself shaking. It turned out to be even more nerve-racking than Arabella questioning at Konseho."Imposible." Komento niya na nagpataas ng aking kilay."Ano ang