Home / Fantasy / Into the Wishing Well / Chapter 1: Queen's Resentment

Share

Chapter 1: Queen's Resentment

"No smartphones, blocked credit cards and without your car. You can still breathe and vacation there without those." Saad ni Mom, hindi ko naman mapigilang mainis at tumigin sa bintana. We are riding in our family car heading to somewhere I don't know.

"Throwing me away from the city seems not enough. You two also want to get rid of me." Sa pagkakasabi kong iyon ay naramdaman kong umayos ng upo si Mom at hinarap ako.

"This is not getting rid of you, this is giving you a lesson, Artemis! Palagi kang nagpapasaway and worse is, it causes so much damage to our company right now. Coming home late and drunk in front of our investors and partners. This puts me and your Dad in a difficult situation!" she grimaced.

Nagsimula namang uminit ang aking mata, "To make it short, I'm such a disgrace to our family. What do you think was the reason I was drunk that time?? I am so lonely, Mom! You two failed to attend my graduation. Wasn't becoming the batch Valedictorian enough reason to leave your office for once?!"

Bahagya siyang natigilan at kalauna'y nalungkot. Akmang may sasabihin pa sana siya pero 'di niya ito tinuloy at bumuntong hininga.

A small tear fell in my left eye. I slowly wipe it and moved away from her. Malungkot namang napatingin sa amin sa rearview mirror si Kuya Alfredo, ang family driver, pero ilang sandali ay binalik din niya ang tingin sa daan.

At doon nagsimula ang walang imik naming biyahe.

People have always viewed me as having a wonderful life because they have thought of me as a girl who has it all. Having beauty along with intelligence and wealth. Kaya ang lahat ng nasa school ay itinuturing akong parang isang campus queen. Little did everyone know, their queen is just a simple girl who is begging to feel familial love.

Sa tingin ko ay nagsimula ang lahat nang 8 or 9 years old palang ako.

"Saan ka na naman galing ha?! Uminom ka na naman ba kasama ng babae mo?!" sigaw ni Mom kay Dad na bagong dating. Namumula na ang mukha, pagewang-gewang kung maglakad at gusot na ang suot nito.

"Hoy Aphrodite! Huwag mo akong sinisigawan sa harap ng anak natin ah! Kung hindi--" buwelta rin ni Dad na halata na ngang lasing dahil sa boses niya.

Tinulak ng malakas ni Mom si Dad, "Kung hindi, ano?! Ano ang gagawin mo, ha?! You don't want your child to see how irresponsible her father is, do you?!" sigaw ni Mom na siyang dahilan para sampalin siya ng malakas ni Dad. I began sobbing loudly since Mom was so hurt from the pain.

"Artemis, go to your room, now!"

My parents just started to fight in front of me and all of a sudden, they inexplicably devoted themselves to work from that day on. Living under the same roof but barely see each other and missed most of the important events of my life.

Habang papalapit sa legal age, I started to be a rebellious one. I tried inappropriate and unusual things as a minor including drinking and clubbing in order to catch their attention. Ngunit kabaliktaran ang nangyari. Here we are, being punished by sending me away from city life, removing all of my needs and restraining me to have a grand debut.

"Artemis, wake up. Nandito na tayo."

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa buong biyahe at ngayon ay mukhang dapit-hapon na. Nasa labas na si Mom at ang aking mga gamit.

Nang mahimashimasan ay padabog akong lumabas sa kotse dahil mukhang magsisimula na rito ang kalbaryo ko ngunit napawi ang lahat ng aking hinanakit at poot nang makita ang paligid. Halatang nasa probinsya kami dahil sa pinaliligiran ang buong lugar ng puno at halaman at nasa harap kami ng isang makaluma ngunit napakalawak at napakagandang bahay. A huge ancestral house.

Inakbayan naman ako ni Mom na para bang hindi kami nagbangayan kanina, "Welcome to Hacienda de Fuertemente, Artemis!" ngiti ni Mom upang mamilog ang aking mga mata.

Naririto kami sa balwarte ng mga Fuertemente, sa lugar kung saan naninirahan ang aking Lola.

Without knowing the exact reason, may kung ano'ng tuwa at ligaya akong naramdaman.

PAGPASOK namin ay mas namilog ang aking mata dahil sa sobrang ganda ng loob nito. Parang pumasok ako sa isang kaharian noong unang panahon. The furniture looks like have been used by kings and queens, the walls are covered with portraits of our ancestors, and the chandelier, which is large, dazzling, and very attractive, suddenly draws my attention. Napatulala ako roon na para bang may naalala.

"Tisay, ikaw ba 'yan?!"

Napalingon naman kami sa nagsalita sa unahan. Isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ni Mom. Morena, bilugan ang mata, matangos ang ilong, may mahabang buhok na kulay brown at may nunal sa gilid ng kanyang labi.

Napatingin ako kay Mom, dahan-dahang sumilay sa labi nito ang isang malapad na ngiti at mabilis na tumakbo sa direksyon ng babae. Mahigpit at masaya nilang niyakap ang isa't isa na siyang ikinagulat ko.

This is new... Mom doesn't smile like that. It's so genuine.

Hinarap ni Mom ang babae. "Ang ganda mo pa rin! Parang hindi ka tumanda, Ate Maria!" masiglang sambit ni Mom at natawa naman ang babae dahil doon.

"At ikaw rin, Tisay! Medyo nagmature ka ha pero mas lalong gumanda at pumuti," buwelta nito at bahagyang kinilig si Mom. I couldn't agree more from what she said. I already accepted the fact that Mom is prettier than me. A mestiza, her hair is long and black wavy, her face is round, small and delicate, gifted with upturned eyes and has a beautiful smile. Makes her look lovely and feminine. Her name really suits her which is the Greek Goddess, Aphrodite.

Lumingon naman sa akin ang babae at biglang namilog ang mga mata. Hindi ko alam kung dahil sa gulat or namamangha.

Well, Mom is prettier than me, yes, but I am undeniably gorgeous din kaya. My features are different from my Mom's. I am mestiza as well however my face is a square one, does have siren eyes which makes me appear intimidating, hair is being dyed blonde and my smile is somehow seductive. If my mother and I were twins, she would be the innocent one and I would be the evil sister.

"Si A-Artemis na ba 'yan, Tisay?!" tanong ng babae at nakangiting tumango si Mom. Parang naulit lang ang nangyari kanina nang tumakbo rin ang babae papalapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Gulat na gulat ako sa nangyayari.

I am not a hugger. I do not like hugs!

Nahalata naman ng babae na hindi ako komportable kaya mabilis niya akong hinarap. Napakunut-noo naman ako dahil halos mangiyak-iyak siya sa akin. W-What's happening?

"Sensya na, Artemis! M-Masyado lang akong nagagalak na makita kang muli. A-Ang liit mo pa noon. Ngayon ay mas matangkad ka na sa akin! Sabayan mo pa ng sobrang ganda!" naiiyak na puri nito. Noon? So it means na-meet ko na siya dati?

Awkward naman akong napangiti sa sinabi niya. "T-Thank you po," wika ko at dahan-dahang pumiglas mula sa kanya. Ngumiti naman ang babae sa akin ng napakalapad.

She smiled. "Matagal na rin ang huli niyong pagbisita kung kaya't hindi mo na ako naaalala. Tawagin mo na lang ako bilang Ate Maria. Isa ako sa mga ampon ni Lola Tinay."

Nahihiya namang ako kumaway sa kanya pabalik. "H-Hello, Ate Maria."

Wait-Mom is Tisay and Lola Athena is Tinay, right?

"M-Maria, kakain na ba t-tayo?"

Napalingon naman kaming tatlo sa itaas kung saan may matandang nakatayo sa hagdang patungo sa second floor. Nakasuot ito ng polka dots na daster at mayroong pink na headband sa ulo. It can be noticed that her skin is already wrinkled, her hair is turning white but her figure can still stands up straight.

"Mama!" narinig kong tawag ni Mom sa matanda at dali-daling pinuntahan.

Mukhang siya na nga si Lola Athena.

Kanina pa mixed emotions ang nararamdaman ko. Nalungkot, namangha, natuwa, nagulat, naguguluhan at ngayon naman ay bigla naman akong natakot. Walang emosyon kasi kung tumingin ang matanda sa amin.

Imbes na salubungin niya si Mom, nakatingin ito sa akin ng mabuti. Napalunok naman ako dahil doon. Kinakabahan ako sa mga tingin niya. She looks serious right now.

Sa isang iglap, bigla itong ngumiti at tinawag ako sa isang palayaw na ngayon ko lang narinig.

"Mising, aking apo!"

Nakatingala at nakanganga ako sa sobrang hindi makapaniwala.

What in the world that is my nickname?!

I was about to question and point out the 'Mising' thing to Lola Athena, imbes na salabungin niya ang umaakyat na si Mom, bumaba ito at dahan-dahan na lumapit sa amin. Bahagyang napaatras ako dahil pareho sila ng reaksyon ngayon ni Ate Maria, naluluha silang makita ako.

"Sobrang namimiss na kita, apo. Sa wakas ay napabisita ka," She sobs and hugs me tightly. If I had previously felt nervous in their presence, I now felt relieved. Yung sobrang pangungulila at pananabik nila ay ramdam na ramdam ko.

Hinarap niya ako, "Ang laki-laki na ng apo namin. Yung tipong sobrang tagal na hindi ka namin nakapiling ay dilaw na pala ang iyong buhok." She cried which makes us laughed.

Nasa likod na namin si Mom na para bang naiiyak sa nakikita. Sumingit siya, "Even me, Mama, I did not recognize her with the blon-" Hindi na pinatapos ni Lola Athena si Mom at pinalo ito sa braso.

"Bakit ngayon lang sumagi sa isipan mo na dalhin dito si Mising? Kung hindi pa nag-request ang anak mo na magbakasyon dito, mukhang wala kang balak, Aphrodite!" sermon ni Lola kay Mom upang awtomatikong mapakunut-noo ako.

A rebellious daughter recently humiliated herself and considered a shame to her family, and was punished by her parents by sending her away to a place she had no idea. Tapos in the end, she requested pala for all of this. Ako pa pala nag-request na magbakasyon dito?!

"I am really sorry, Mama. We really like to visit every summer again but lately we're so busy over the years-" Nahihiyang sagot ni Mom pero pinalo siya ulit ni Lola Athena.

"Busy mo ang mukha mo! Halos isang dekada kayong busy na mag-asawa?! Tigilan mo nga ako, Tisay!" singhal ni Lola Athena. Halatang nahihiya si Mom sa pagsermon ng nanay niya at bahagyang napatingin sa akin. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataong iyon at ipinakitang naguguluhan ako sa nangyayari.

Binigyan naman ako ni Mom ng isang tingin na I-will-explain-it-everything-to-you-later.

You better have a good explanation, Mom. Or else, hell will break loose.

Nagpatuloy pa nga ang mag-ina sa pag-argue sa harap namin. Yung pinapagalitan ng nanay niya yung anak niya, ang anak naman ay hindi mapigilang hindi sumagot at bumwelta pabalik. Natatawa sa gilid si Ate Maria habang ako ay nakangiti. Isang mapait na ngiti.

Ilang sandali pa, nagpaalam sila na maghahanda ng dinner para sa amin. Nang nakaalis na ang dalawa sa living room, mabilis kong nilapitan si Mom, "Explain, everything, Mom."

She sighed, "Your Dad is really planning to send you to U.S. as part of your punishment but I strongly disapprove. It's too far and who knows what will happen to you there-"

Pinandilatan ko siya ng mata, "Oh thanks for the concern, Mom." Sarkastikong singit ko.

Halatang nainis siya at naningkit ang mga mata. "You don't know how we fight over this. We were so humiliated and becomes the talk of the town. Your father is so disappointed in you, Artemis. Turns to the point h-he wants you out of his sight."

Mukhang hindi niya sinasadyang sabihin iyon at napaiwas ng tingin.

He wants you out of his sight. There is a pang in my heart.

"I-I suggested here instead. We both agreed. Then, I contacted your Lola. I didn't say that sending you here is a punishment but as a vacation. Matanda na ang lola mo. If she knows what is happening to us, well, she will be hurt and try to meddle. Never mention this to your Lola and Ate Maria."

Napahawak ako sa aking ulo, "You two...fooling everyone and always want to have a good image! Just do what Dad wants, send me to US then!"

"No, Artemis. You will stay here. This place is more peaceful and w-will be good for you, I swear."

NANATILI akong nakapikit at sinusubukang i-process ang lahat ng nangyayari.

"Huwag kang mag-alala, Tisay. Mag-eenjoy rito sa Artemis. Ma-experience niya ang mga bagay na hindi niya mararanasan sa Manila." Sambit ni Ate Maria.

"Exactly. Kung hindi lang talaga ako busy sa company with Roger, I will stay here definitely-by the way, hindi pa rin talaga kumukupas ang galing mo sa pagluto, Ate Maria. This is all delicious!" rinig kong pag-iiba ng usapan ni Mom at napahalakhak si Ate Maria dahil doon.

"At ikaw ay hindi pa rin kumukupas sa pagiging bolera mo, Tisay. Ano ka ba? Si Ate Maria mo ito!" natatawang ani Ate Maria at naramdaman na nagbibiruan na silang dalawang magkapatid. Ako, si Mom, Ate Maria at Lola Athena ay naririto na sa hapag-kainan. We are eating and reminiscing about their past at the same time.

"Hindi mo pa naigagalaw ang iyong pagkain. Ayos ka lang ba, apo? May problema ba?" biglaang tanong ni Lola upang matigil ang harutan ng dalawa. Minulat ko ang mga mata at naabutan silang tatlo na nag-aalala sa akin.

Napalingon ako kay Lola, napakaamo ng mukha nito at malambing ang boses. "Masyado ka na bang naiingayan sa nanay at Ate Maria mo, Mising?" muling tanong ni Lola Athena sa akin at umangal ang magkapatid doon. That Mising thing really cringes me but the way Lola put humor in her words makes me smile without hesitation.

I smiled. "I'm okay po, L-Lola. Medyo na-ooverwhelmed lang sa mga nangyayari. I just really don't expect some things here. I am not really supposed to be here. But overall, I'm good po."

Napalingon naman si Ate Maria at Lola Athena kay Mom dahil doon, na ngayon ay halatang kinakabahan.

"She means everything is new to her. Y-You know, how big our ancestral house is and how caring you and Ate Maria are to her. She really wants to be here obviously," sagot ni Mom na siyang bumasag na sa pasensya ko.

"Sinong nagsabi na gusto kong magbakasyon dito?" I snapped. Kay Mom lang akong diretsong nakatingin ngayon pero ramdam ko na nababahala na ang dalawa.

Ayaw ko nang makipagplastikan dito. I am done!

"Mama...and Ate Maria, everything's fine. Just eat, Artemis." Pag-iiba na naman ni Mom ng usapan.

Galit akong napatayo, "Everything is not fine. It is totally ruined. I am not here for vacation, Lola. I am here because I am the biggest shame they want to get rid of." Sa pagkakasabi kong iyon ay napasinghap sina Lola Athena at Ate Maria sa sobrang gulat.

Sa isang iglap, ang masiglang hapunan ay nagbago. Binabalot na ito ng galit at tensyon.

Tumayo na rin si Lola Athena, "Ano ang iyong sinasabi, Mising? Ano ang ibig niyang sabihin, Aphrodite?" seryosong tanong ni Lola kay Mom.

Imbes na sagutin ay mabilis na lumapit sa akin si Mom. "It seems pagod ang iyong apo sa biyahe. Kakausapin ko muna ang anak ko, Ma. Excuse us." Aniya at sabay hila sa akin. Narinig ko naman na tinatawag nila kaming dalawa pero walang pakialam si Mom. Mahigpit ang pagkakahawak nito at walang pakundangan na hinila ako paitaas. Napansin ko ay nasa second floor na kami ng bahay.

Binitawan niya na ako. "What's wrong with you? I already informed you to not mention this to them! Can you at least obey your parents just this time?" she grimaced.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. "Obey you?! You are lying on my behalf!"

"I am doing this for your end. Your lola will not be happy knowing what happened to you! Paano kung malaman niya na yung nag-iisang apo niya ay lasing at nag-amok sa harap ng maraming tao?!"

Darn. There is another pang in my heart for today. They feel so ashamed about me.

I grinned. "Iyan ba talaga ang rason? Or you don't want them to know how irresponsible parents you two are?"

Sa tanong kong iyon ay mabilis akong sinampal ni Mom. Parehas kaming nagulat sa isa't isa sa ginawa niyang iyon. Akmang lalapitan niya sana ako ngunit bahagya akong umatras.

Nagsisimula nang matipon ang mga luha sa gilid ng aking mata at napatingin sa sahig.

"I've been an outstanding student since Elementary, Mom. Y-You know that. I-I am always at the top and always excels in various fields. You also know that. However, 'pag awarding, bakas sa mukha ng lahat na nabibilib sa a-akin pero nagtataka rin at the same time. Bakit daw palagi si Yaya ang kasama ko, hindi ang p-parents ko? Of course, y-you did not know that."

"A-Artemis..."

"S-So I strive more! B-Baka kasi 'pag marami ang achievements and awards ko ay mapapansin niyo 'yon at samahan ako. Which is actually happened when I was in highschool. Tumatalon ang puso ko sa sobrang saya. Kasi finally, my Mom is with me and proud of me. Hindi mapawi ang ngiti ko sa labi na k-kasama k-kita M-Mom pumuntang school at hinihintay nating tawagin ang pangalan ko. Naiinip at naiinis na nga ako that time eh, kasi palaging huling tinatawag ang top 1. Kung pwedeng top 1 muna para makauwi na tayo agad." I laughed.

"Mas lumapad ang ngiti ko dahil malapit na akong tawagin. Top 3 na no'n. Kaso, biglang nag ring ang cellphone mo at sinabihan ako na may emergency sa company. Hinalikan mo ako sa noo, tinapik mo si Yaya at dali-daling lumabas." Patuloy ko habang 'di na maawat ang pagbagsak ng mga luha.

"S-Sayang, Mom. Muntik na eh. You are already there but it's just too slow to call me. So inisip ko na baka ngayong senior high ay sure na kasama ko kayong umakyat sa stage. I strive again and again. Being the batch Valedictorian is my goal. And that goal becomes a reality. Ako nga ang Valedictorian pero wala man lang ni-isa sainyo umattend ng graduation ko. Simula noon, I am always doubting and disappointing myself tuloy. Baka kulang pa ang mga ginagawa ko kung kaya't hindi kayo maka-attend. That is the time I went to clubs and started to drink. Kung gusto mo raw kasi makalimot, alak lang daw ang katapat niyan. Totoo nga naman, proven and tested, pero panandalian lamang pala iyon. Paggising mo, bumabalik pa rin ang lungkot at hinanakit. Kung kaya't halos araw-arawin ko. Nasaktuhan pa na may party pala sa bahay natin."

Marahan kong pinunasan ang mga luha, "I am r-really sorry, Mom and Dad, for ruining your party."

Inayos ko ang sarili at matapang na humarap kay Mom at nakitang umiiyak na rin ito. Ilang segundong kaming ganoon hanggang sa nagring ang cellphone niya. Tumalikod siya sa akin at normal na sinagot ang tawag na para bang walang nangyari.

I should be angry that she still picks up the phone or stops her on what she's doing right now but I genuinely smile at her back instead. I was able to vent the resentment I had harbored for so long.

That smile didn't fade as I found out there is someone who really listens to me. Not Mom, but Lola Athena, who is at the back.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at naabutan siyang maluha-luhang nakangiti sa akin. She casually hugs me and say some words I will never forget.

"Ang lakas mo, apo. Proud na proud ako sa'yo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status