Home / Romance / ISLAND GIRL / Chapter 1

Share

ISLAND GIRL
ISLAND GIRL
Author: Tin Gonzales

Chapter 1

Author: Tin Gonzales
last update Huling Na-update: 2022-11-29 16:06:32

Nakamasid si Isabella sa malawak na karagatan habang nasa bintana siya ng maliit na kubo ng Tiya Alice niya. Kagigising lang niya nang oras na iyon at gawain na niya iyon tuwing umaga.

Nakatira siya sa isang isla na kung tawagin ay Isla Vermuda. Ganoon ang itinawag dito dahil sabi nila, kahawig daw ito ng Bermuda Triangle na matatagpuan sa western part ng North Atlantic Ocean. Pero kabaligtaran sa mga nangyayari dito, maganda ang isla nila. Mapayapa at masayang namumuhay ang mga tao roon. Para bang sinadya na magkaroon sila roon ng sariling mundo, dahil wala na halos magnais pa na umalis sa lugar iyon— at isa na siya roon.

Simula nang mamatay ang tatay at nanay niya ang Tiya Alice na niya ang kumupkop sa kaniya. Kapatid ito ng tatay niya. Mabait ito at isang matandang dalaga. Sampung taong gulang lang siya nang bawian ng buhay ang mga magulang niya dahil sa paglubog ng bangka pagtawid sa isla. Nagdala ang mga ito ng mga aning prutas at gulay sa karatig bayan at pagbalik ay isang masamang panahon ang sumalubong sa bangka na sinasakyan ng mga ito. Sa kasamaang palad, kasama ang mga ito sa hindi nakaligtas. Simula noon takot na siyang bumaba sa dalampasigan para sumakay ng bangka.

Ang Isla Vermuda ay isang malayong baryo na matagpuan sa dulong bahagi ng Mindoro at madalang marating ng mga tao. Kaya kahit ang may mga katungkulan ay hindi ito agad mapasyalan dahil halos isa’t kalahating oras ang gugulin bago marating ang isla. Kaya naman halos lahat ng kabataan doon ay hindi man lang nasisilayan ang ganda ng kanilang syudad, at ngangarap umalis ng lugar na iyon para makapag-aral kahit sa hindi sikat na kolehiyo.

Sa baryo nila hanggang high school lang ang mayroon at masaya na ang mga kabataan doon na makatapos sila ng pag-aral. Masaya na sila sa ganoong sitwasyon. Sino ba ang gugustuhing lumipat ng syudad para ipagpatuloy ang pag-aaral sa katulad nilang sa dagat lang kumukuha ng makakain? Ang kinikita nila roon ay sapat lang para makaraos sa araw-araw. Kaya pagkatapos ng high school, karamihan sa mga kabataan ay nag-aasawa na dahil alam nilang hanggang doon na lang sila.

“Isabella, anak!” sigaw ng Tiya Alice niya.

Oo, anak ang tawag nito sa kaniya. Iyon ay simula nang kupkupin siya nito. Ibinigay nito sa kaniya ang pagmamahal na ibinigay ng tatay at nanay niya noon. Halos apat na taon na siya simula nang magtapos ng high school. Sa kasalukuyan, bente anyos na siya at isa sa pangarap niya ay makaalis sa isla nila para makapag-aral sa kolehiyo.

“Isabella!” muling tawag ng Tiya Alice niya.

Napatayo siya sa kinauupuan niya. “And’yan na po, Tiya Alice!” sagot niya.

“Naku na bata ka! Gising ka na pala pero hindi ka pa nakapag-aayos ng hapag kainan. Halika ka na at sumabay ka ng kumain sa akin. Samahan mo rin pala ako mamaya sa may bulungan at mag-aangkat tayo isda,” sabi nito habang nag-aayos ng pagkain sa maliit na mesa.

Ito ang gusto niya sa Tiya Alice niya, maalaga ito at mahal na mahal siya. Pagkatapos kumain, iniligpit niya ang mga pinggan at hinugasan iyon. Naligo na siya at kinuha ang timba na lalagyan nila ng mga isda. Ganito sila araw-araw ng tiya niya. Sabado at Linggo ang tangi nilang pahinga.

Pagdating nila sa bulungan; isang lugar kung saan ibinabagsak ang mga nahuhuling isda, ay marami ng tao at may kaunti ring turista. Hindi na iyon bago. May mga mangilan-ngilan talagang turista na dumarayo sa lugar nila dahil sa lakas ng alon sa ibang parte ng tabing dagat. May mga dalang surfing board ang mga ito na madalas ay dinidiskubre pa ang mga baybayin nila.

Walang mga hotel ang mga beaches doon. Nagpapaluto lang ang mga ito sa bahay-bahay at sa dala-dalang tent kumakain. Sa loob ng ilang taon niya roon, mabibilang lang niya ang mga turistang nagpaluto sa kanila. Nagbibigay naman ang mga ito ng tip lalo na kapag talagang nagustuhan ang luto nila.

Lahat ng mga kinikita nila ay kanilang iniipon para makapag-aral siya sa syudad. Tourism ang kursong gusto niyang kunin dahil gusto niyang ipagmalaki sa ibang lugar ang katangiang ganda ng isla nila. Naniniwala kasi siyang malaki ang posibilidad na maging isa sa tourist spot iyon na puwedeng ikaunlad ng isla nila. Subalit alam niyang matagal-tagal na pag-iipon pa ang gagawin nila bago mangyari ang mga nais niya.

“Ganda, andito na pala kayo ng tiya mo. Ito na ang isda na order niyo. Mabuti na lang at maaga kayo, gusto kasing bilhin ito ng isang turista,” ani Aling Berta. Suki na sila nito kaya alam nito ang ibibigay sa kanila.

“Naku, Berta, muntik na nga kaming tanghaliin dahil napasarap ang tulog namin,” tugon ng tiya niya at inabot ang bayad dito.

“Naku, kahit mahal niyang bibilhin iyan ay talagang sa inyo ko ibibigay ang mga isda, Alice, at baka magalit ang maganda mong anak-anakan.” Ngumiti si Aling Berta sa kaniya. Nahiya naman siya sa sinabi nito.

Maganda naman nga siya. Maputi siya kahit nasa tabi sila ng dagat. Maamo ang mukha niya na may mga matang nagungusap at tenernuhan nang may kahabaang pilik. Manipis ang kaniyang mga labi na binagayan ng maliit at may katangusang ilong. Sa taas niyang limang talampakan at limang pulgada ay masasabi niyang bagay sa kaniya ang kursong gusto niya.

“Aling Berta, nambobola na naman po kayo. Kami po ay aalis na para maibenta na ito.” Gumanto siya ng ngiti rito.

“Naku, Isabella, kung kasing-edad mo lang ang anak kong lalaki, paligawan na kita sa kaniya. Kaso, desisais pa lang iyon.” Seryoso ito at natawa.

“Naku, Berta, ewan ko ba sa batang ito. Ang mga kasabayan niya ay nagsipag-asawahan na— siya ni nobyo wala pa,” pagbibida ng tiya niya.

“Tiya Alice, ’di ba mag-aaral pa ako?” Napakamot siya sa ulo.

“Oo, anak. Kaso, baka matagalan pa ’yun. Pero susuportahan ko ’yang plano mo. Halika na nga at baka wala ng bumili ng isda natin,” yaya nito. Nagpaalam na sila kay Aling Berta.

**

Sabado ng umaga, habang nagsasampay ng mga nilabahan niyang damit, malayo pa lang ay naririnig na niya ang sigaw ni Carl na kapag gabi ay nagiging si Carla. Best friend na nasobrahan sa kaingayan.

“My dear queen! Queen Isabella of Vermuda Island!” malakas na sigaw nito na halos mangkandadapa sa pagtakbo. Isang taon din kasi silang hindi nagpangiti nito dahil nagtrabaho ito sa syudad.

Ibinalik niya ang damit sa batya at sinalubong ito ng yakap. Sobrang na-miss niya ang kaibigan.

“Carl, kailan ka pa dumating?” tuwang-tuwang tanong niya, pero itinulak siya nito. Napaawang ang mga labi niya.

“Eww, my wueen! This is Carla kahit umaga o gabi pa ’yan, noh!” ingos nito sabay halukipkip.

Natawa siya nang malakas. Umirap naman ito sa kniya.

“Hoy, Carla, tumigil-tigil ka nga sa my queen na ’yan! Naaalibadbaran ako,” saway niya rito. “Siya nga pala, parang dati kapag umaga Carl ang gusto mong itawag ko sa ’yo. Bakit ngayon Carla na kahit ang maliwanag pa?” Sinabunutan niya ito.

“Ouch! Tama na my Queen Isabella,” maarteng sagot nito.

“Lalo kang masaktan sa akin kapag hindi ka tumigil sa my queen mo Carl!” banta niya na parang capslock ang pangalan nito at hinila ulit ito sa buhok. Mabilis itong umiwas.

“Oo na, Isabel,” nakatikwas ang ngusong wika nito. Ito ang paboritong tawag nito sa kaniya kapag naiinis. “Na-miss talaga kitang bruha ka!” Niyakap siya nito.

Kinurot niya ito sa tagiliran. “Carl, ah, ’wag mo akong ini-English-English, ah. Lumayo ka lang ang dami ng pagbabago sa ’yo,” aniya.

“Ganun talaga, Isabel my loves. Hayaan mo kapag nakaipon ako, libre ko na pamasahe mo pagluwas,” anito.

“Naku, huwag na. Malapit na rin akong makaipon.”

Napalukso ito sa tuwa.

“Sabay na tayong mag-aral, Isabel. Malapit na rin akong makapag-ipon. Tapos, habang nag-aral tayo, mag-working student tayo, my loves.” Sinabayan nito iyon ng pag-akbay sa kaniya.

“Oo ba! Promise mo yan, ah. Ililibot mo ako sa syudad kapag andun na tayo,” saad niya.

“Oo naman! Akong bahala sa ’yo. At ito pa Isabel, ’di ba tapos na ang termino sa pagka-mayor ni Mayor Sergio Fetalvero? Ang papalit sa kaniya ay ang anak niyang si Skye Fetalvero. Panganay siya sa magkakapatid,” kwento nito.

“Oh, eh, ano namang kinalaman natin ’dun?” salubong ang mga kilay na tanong niya.

“Balita ko bibisita iyon dito at iaayos ang mga school at iba pang mga pwedeng gawin sa lugar natin. Syempre, ako ang inatasan nilang mag-ayos ng stage kaya sasamahan mo ako. Sayang din ang tip na ibibigay ng baranggay. Ikaw ang side kick ko at dagdag ipon iyon, ’di ba?

Napaisip siya. Siguro dahil huling termino na ng mayor ay mabibigay ito ng mga proyekto roon. Ito ay para na rin siguro maalala ito ng mga tao.

“Isabel, ano? Go ka na ba?” Tinapik nito ang balikat niya.

“Aray! Ang sakit, ah,” reklamo niya at sumimangot. Hindi naman nagtagal iyon at ngumiti siya rito. “Oo na. Paalam lang ako kay Tiyang Alice. Kailan ba ’yun?”

“Sa isang linggo pa naman. Huwag kang mag-alala, kasama ang Tiyang Alice ni Nanay, sila ang magluluto ng pagkain ng mga bisita,” sabi pa nito.

Tumango siya.

“Balita ko, sakay sila ng yate at madaming kasama. Isa na roon ang yummy nitong anak na papalit dito,” tili nito.

“Asa ka naman! Baka may asawa o girlfriend na ’yun sa syudad.” Tinawanan niya ito. “At isa pa, ’wag kang maniwala sa tsismis Carla.”

“Echuchera ka talaga, Isabel. Basag trip ka talaga kahit kailan!” asar na sambit nito.

“Sorry na. Pinaaalalahanan ko lang ikaw dahil baka masaktan ka ulit. Natatandaan mo ba noong pumunta ’yung isang congressman dito? Sabi mo yummy din, tapos nang dumating dito, matanda na at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa sa kasungitan!” paalala niya.

Humalukipkip ito. “Sabagay. . . Sabi nga nila kung istrikto si Mayor, mas masungit at istrikto raw ang anak. Saka, baka nga may asawa na ’yon. Napaka-seryoso din daw. Narinig ko pa na may ipagagawa raw hotel dito at gagawing isang resort,” anito sa malungkot mukha. Ang kaninang masaya ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

“Oh, ’di ba? Hayaan mo silang gawin ang gusto nila, basta para iyon sa ikauunlad ng isla natin,” saad niya.

“Iyon na nga. Kaso, ang hotel na itatayo ay dito mismo sa lugar natin. Tatanggalin nila ang mga bahay natin dito. Iyon ’ata pag-uusapan sa isang linggo,” malungkot na tugon nito.

Napanganga siya. Paano na kung paalisin sila roon? Saan sila titira ng Tiyang Alice niya at ng mga tao sa baryo nila?

Hindi ako papayag! Sa dulong isla na lang sila magtayo at huwag dito! Sigaw niya sa isip.

Matapos sila magkumustahan at magkwentuhan ni Carl nagpasiya na itong umuwi.

Kinagabihan ay hindi siya nakatulog sa kaiisip sa balita ng kaibigan niya.

Ano kaya ang mangyayari sa kanila?

Kaugnay na kabanata

  • ISLAND GIRL   Chaper 2

    Skye Fetalvero, a breathtakingly handsome man, panganay na anak ng mayor sa kanilang bayan. A person with a specified level of skill in business matters, kaya walang lugar sa kaniya ang serious relationship. Kung nagpakita ang isang babae ng motibo sa kaniya, sino ba siya para tumnggi? Palay na ang lumalapit sa kaniya, so, why not?Sa edad na tatlumpu’t lima marami na ring dumaan, na sa tamang salita ay come and go relationship. Pero ni isa wala ay siyang sineryoso. It was all just for fun. Pampalipas oras. Ayaw niya sa babaeng marami ang arte at demanding. Mabilis magbago mood niya kapag nakakaharap ang ganoong style ng babae. Sa ngayon, wala muna siyang panahon sa ganitong bisyo. Busy siyang magpatakbo ng kanilang negosyo. Sila ang may-ari ng isang sikat na hotel at beaches sa kanilang bayan. May mga branches sila sa loob at labas ng bansa. Sa dami ng gagawin, kulang na lang ay tumira siya sa office.Silang tatlong magkakapatid ang nag-m-manage ng mga iyon dahil busy ang ama sa puli

    Huling Na-update : 2022-11-29
  • ISLAND GIRL   Chapter 3

    Araw ng Linggo. Nagluluto si Isabella ng pagkain sa maliit na kusina nila ng Tiya Alice niya.“Isabella, pupunta muna ako kay Berta. Mauna ka na kumain, baka matagalan ako doon,” anito habang nag-aayos ng mga dadalhin. Naglista rin ito ng mga isda na tinda nila bukas.“Sige po, tyang,” sagot niya habang nagpiprito ng isda. “Hindi ka po ba magbabaon ng pagkain? Baka po magutom kayo,” dugtong niya.“Naku, huwag na, anak. Siguradong may pagkain din doon,” sagot nitoHinatid niya ito ng tanaw palabas ng bakuran. Pagkatapos kumain ay naglinis siya ng bahay at nagpakain ng alaga nilang baboy. Pagkatapos noon ay umupo siya sa kawayan nilang upuan. Hinahampas-hampas ng hangin ang buhok niya. Nakatitig siya sa dagat. Naisip niya kung kakayanin kaya niyang matawid ang lugar na ito gamit ang bangka, dahil sa takot na mangyari ang nangyari sa magulang niya. Matagal na panahon na rin siyang hindi naliligo sa dagat. Ni ayaw niyang lumapit dito. Naalala niya ang panahong kasama niya ang tatay at nana

    Huling Na-update : 2022-11-29
  • ISLAND GIRL   Chapter 4

    Lunes, maagang silang umalis ng bahay ng Tiyang Alice niya para kumuha ng panindang isda. As usual, ingay ng mga tao sa bulungan. Pero iba ang umagang iyon. Lahat ng tao ay nakatingin sa may gilid niya. At parang sinisilihan sa pwet ang mga kababaihan sa kilig. Kahit si Aling Berta ay nagpapa-cute din. Napailing na lang siya sa itsura nito. napangiti sa ikinikilos nito. Iniabot niya rito ang batya para ilagay mga nakalistang isda ng Tiyang Alice niya. Hindi nito siya pinansin bagkos ay ang nasa tabi niya.“Oy, pogi! Dayo ka lang dito? Anong gusto mo sa paninda ko? Pili ka na at ipaluto mo na lang. Maraming magagaling magluto dito!” Sabay abot ng maliit na lagayan dito. Nilingon ang tinutukoy ni Aling Berta. Napakunot abg noo niya at inisip kung saan nakita ang lalaki. Bigla siyang kinabahan at mabilis na tumibok ang puso niya. Nakasuot ito ng maong na pantalon na sadyang nilagyan yata ng hiwa sa mga hita at binti saka nakasando ng puti. Naka-bota rin ito at nakatingin sa gawi ng ma

    Huling Na-update : 2022-11-29
  • ISLAND GIRL   Chaper 5

    “Pagpasensiyahan mo na, hijo, itong anak ko. Minsan kasi may pagkamasungit. Hindi siya mahilig mag-asikaso ng iba lalo na hindi niya kilala. Hindi ko nasabi kanina na ikaw ang nagpaluto kasi naman nagmamadali ako ihanda ang mga iyon,” paliwanag nito. Blangko ang tinging ipinukol nito sa kaniya. “Okay lang po. Nagugutom na po talaga ako,” saad nito.“Ay, sige, kain ka na.” Binigyan ito ng plato ng tiyang niya.“Sabayan niyo na po ako. Masiyado pong marami ito para sa akin.” At iniabot nito plato sa tiya niya.“Naku, hijo, mamaya na kami. Ang dami mong ipinaluto ikaw lang pala ang kakain. Akala ko marami kang kasama,” palatak ng tiyang niya. “Nag-iisa lang po ako kaya samahan niyo na akong kumain,” pamimilit nito.“Sigurado ka ba, hijo?” paninigurado ng tiyahin ni Isabel. Tumalikod na siya at ayaw niyang makita ang mapanuring tingin nito.“Isabella, saan ka pupunta? Sabayan na natin siya sa pagkain,” sambit ng tiya niya. Napahinto siya sa paglakad. “Busog pa po ako at—” Pinutol ng la

    Huling Na-update : 2022-11-29
  • ISLAND GIRL   Chapter 6

    Dumating ang yate na sinasakyan ng kasalukuyang mayor nila. Nagkagulo ang mga tao at kababaihan. Bulong-bulungan na gwapo raw ang anak nito.Ipinagpatuloy lang ni Isabella ang pag-aayos ng mga lamesa at pagkain. Natanaw niya si Carl na tapos ng mag-decorate sa stage at inaayos na ang mga upuan. Tinawag siya nito.“Isabel, nakita mo na ba ang anak ni Mayor Fetalvero?”Umiling siya. “Hindi pero hayaan mo na siya sa mga babae dito. Mukhang masaya sila.” Itinuro niya ang mga nag-uumpukang mga kakabaihan sa dulo. Hinila siya nito. “Halika ka! Huwag kang KJ!” sigaw nito kasi malakas masyado ang tugtog mula sa sound system. Halos madapa siya sa paghila nito. Nakasuot pa naman siya two-inch sandals at yellow dress na hating hita at may curve ito sa may dibdib. Natandaan niya noong huling suot niya ang ganoong kasuotan noong may kasayahan sa kabilang baryo. Muntik na sila mapaaway ni Carl nang panahon na iyon dahil sa lalaking pilit siyang isinasayaw pero ayaw niya. Kaya naman on the rescue a

    Huling Na-update : 2022-12-07
  • ISLAND GIRL   Chapter 7

    “Last time when I see you, kinakausap mo din ang sarili mo sa may dalampasigan. Are you okay?” tanong ng lalaki sa kaniya. Hindi pa rin gumagalaw si Isabella. Para siyang hihimatayin sa oras na iyon. Ano bang isasagot niya rito? Dahil kahit yata ang sarili niyang isip ay ayaw gumana. At sa lakas ng kabog ng dibdib niya, wala na siyang ibang napansing tao sa paligid. Nakatitig lang siya sa lalaki at nakaawang ang mga labi.“Maybe a fly will land inside your mouth, babe, kapag pinanatili mo iyang nakabukas,” bulong nito sa kaniya sabay kuha ng buko juice na hawak niya. Biglang nawala ang kabog dibdib niya. Napalitan iyon ng inis. May pagkabastos talaga ang lalaki. Kaya ayaw niya itong makaharap. Lumingon siya rito nang magsalita itong muli. “Look at your dress. Are you planning to seduce the mayor?” Nakatingin ito sa dibdib niya.Lalo siyang nainis. Nag-init ang tainga at mukha niya.Humarap siya rito. At bago siya magsalita, muli itong lumapit sa kaniya.“Why don’t you try to seduce

    Huling Na-update : 2022-12-10
  • ISLAND GIRL   Chapter 8

    Kinabukasan, tanghali na siyang nagising dahil hindi siya pinatulog kakaisip sa anak ni Mayor Sergio. Bakit kasi sa dami ng puwedeng makilala ang ganoong klase pa ng lalaki ang nakaharap niya. Inayos niya ang higaan bago bumaba. Sumulyap siya sa kwarto ng Tiyang Alice niya. Wala na ito roon at sigurado siyang nagtitinda na ito ng isda. Tahimik siyang bumaba. Tumingin siya sa orasan. Pasado alas-onse na ng umaga.Nagulat siya. Ganoon ba kahaba ang naitulog niya? Bakit? Dahil ba napagod siya sa event kahapon?Napailing siya. Pagbaba niya ay may niluto ng pagkain ang tiyang niya. Umupo siya sa mesa at nagsimulang kumain. Bigla na naman niyang naisip ang nangyari kahapon. Pilit niyang iwinaksi iyon sa isip at nag-concentrate sa kaniyang pagkain.“Utang na loob, lubayan mo na ako!” bulong niya sabay higop ng kape .“My Queen Isabella, ang pinagpala sa lahat ng babae!” bungad ng kaibigan niyang siy Carl sa bintana. Naibuga niya ang iniinom na kape sa gulat.“Ano ba! Bakit bigla-bigla ka n

    Huling Na-update : 2023-02-14
  • ISLAND GIRL   Chapter 9

    Kinabukasan, nakahanda na ang lahat. Marami rin ang mga ang nagbabaka-sakaling makakuha ng iskolar. Nakita niyang puno ng tao ang barangay hall nila. Pumirma muna siya sa papel kasabay si Carl saka humanap ng upuan. Pinapunta sila sa high school na katabi lang ng barangay hall. Pagdating doon ay nagderetso siya sa room kung saan mag-e-exam. Nakita niya roon si Betsay.“Andito pala ang feeling maganda!” narinig niyang wika nito.Hindi niya ito pinansin at nagderetso na lang sa unahan. Inayos niya ang kaniyang mga gagamitin at naupo na. Magkaiba ang room nila ni Carl at sa danami-rami ng tao na puwede niyang makasama ay si Betsay pa. Ramdam na ramdam niya ang init ng dugo nito sa kaniya.“Isabella, ’di ba? Sa tingin mo makakakuha ka ng iskolar?” tanong ni Betsay na lumapit pa talaga sa kaniya.Medyo inis siya rito pero ayaw niyang masira ang araw niya at ang gusto niya lang ay mag-concentrate sa gagawing pagsusulit.“Good luck sa exam,” aniya rito.Umismid ito sa kaniya at sinipa ang upu

    Huling Na-update : 2023-03-08

Pinakabagong kabanata

  • ISLAND GIRL   SPECIAL CHAPTER 2

    Inayos ni Isabella ang lahat ng pagkain sa mesa. Naroon sila sa gitna ng dagat kung saan tanaw ang resort at bahay nila. Gawain nilang mag-anak iyon tuwing weekend bilang bonding nila. Sakay sila ng private yatch na bagong bili nila.“Dad, did you buy that fishing boat?” narinig niyang tanong ni Cloud kay Skye.“Yes, son. It’s a gift to the fisherman here who supplies us the freshest seafoods in our restaurant,” nakangiting sagot ni Skye sa anak.“Really?! Can I go with you Dad?”Nawiwili na ang anak nila na laging kasama ang kaniyang asawa. Kaya sa murang edad nito, marunong na ito sa mag-surfing; na madalas ay nakaalalay pa rin si Skye. Nasa walong taon na ang panganay nilang si Cloud at marami na ring hilig gawin.“Dad? How can I handle this thing?” Mula sa isang tabi ay kinuha ni Raine at Stormie, ang kambal nilang babae na limang taon gulang na, ang fishing rod.“Come here. Kuya Cloud will show you how to use that fishing tool.”Nag-unahan ang dalawa na lumapit sa kuya ng mga ito

  • ISLAND GIRL   SPECIAL CHAPTER 1

    Inihatid sila ng mga tauhan ng asawa papunta sa bahay nila. Hindi pa man sila pumapasok sa kanilang silid, nagsimula na si Skye. Wala itong sinayang na sandali. Nagawa nitong tanggalin nang mabilis suot nilang dalawa. Walang saplot silang dalawa nang buhatin siya nito sa loob ng banyo.Binuksan nito ang hot shower at itinapat siya roon. Napakagat-labi siya nang tumapat ito sa kaniya at biglang pumiglas ang nasa pagitan ng mga hita nito.Marahan nitong hinaplos ang leeg niya gamit ang sabon habang pinaliliguan siya. Halos mapuno ng bula ang katawan niya dahil sa paulit-ulit nitong paghaplos, na tila ba sinasaulo bawat sulok niyon. Napasinghap siya nang bigla nitong hawakan ang dibdib niya.“Ah! Skye . . . !”Sinamba ng asawa niya ang katawan niya. Pababa at pataas ang labi nito sa katawan niya.“This beautiful creation never failed to amaze me,” anito bago siya siniil ng halik. Labas-masok ang dila nito sa bibig niya na tila nag-aaya na gayahin niya ang ginagawa nito. Pinag-aralan niya

  • ISLAND GIRL   Chapter 90

    After a month, Isabella decided to resign from her job. Kasama niya sa pag-aayos ng papel niya si Skye. Hindi na siya tinantanan nito na gawin iyon dahil ayaw na nitong lumayo pa siya sa isla. Doon sila bubuo ng masayang pamilya at pamamahalaan ang negosyo ng lalaki.She chased her goal and dream even in a short time, but she was happy with it. Now is the time to give what her heart really wants. To live with the man she loved the most.Nakatitig siya ngayon sa lalaking naghihintay sa kaniya sa unahan ng altar, kasama ang mga magulang nito at ang paring magkakasal sa kanila. Napakagwapo nito sa suot na blue suit with black pants at makintab na black shoes. Halata rito na hindi mapakali habang naghihintay sa kaniya.Iniikot niya ang paningin sa paligid. Mula sa resort hanggang sa dulong bahagi ng dalampasigan ay may nakaayos na sariwang mga bulaklak. Isang mahabang red carpet din ang nakalatag sa labas ng resort papuntang reception. Tila isang royalties ang dadalo sa pag-iisang dibdib

  • ISLAND GIRL   Chapter 89

    Nakatingin si Skye sa babaeng mahal na mahal niya, habang nagdadasal at nag-aalay ng bulaklak sa puntod ng mga magulang nito. Isinama siya nito para na rin humingi ng basbas.“Tay, Nay, salamat sa gabay . . . Salamat at dinala ninyo dito sa isla ang taong makakasama ko at magbibigay sa akin ng labis na kaligayahan. Nagalit man ako sa mga alon dahil sa pagkawala ninyo, pero ibinalik nitong muli ang tiwala ko. Mahal ko kayo at lagi pa rin kayong nasa puso ko. Alam kong masaya na kayo kasama ang apo ninyo,” ani Isabella.Napangiti siya at lumapit sa puntod.“Hayaan po ninyo, gagawa kami nang marami para mas masaya rito sa isla kasama ni Tiya Alice.”Nakita niya ang pag-irap ng dalaga sa kaniya.“Hindi ikaw ang kinakausap ko, bakit sumasabat ka?” Naramdaman niya ang pinong kurot nito. Hinuli niya ang mga kamay nito, bago ito kinabig at niyakap nang mahigpit. “Totoo ang sinasabi ko, babe,” nakangiti pa ring wika niya.Isang mabining hangin ang dumampi sa kanilang mga balat. Sabay silang

  • ISLAND GIRL   Chapter 88

    Nagising si Isabella na pagod na pagod. Halos naubos ang lakas niya dahil hindi siya tigilan ni Skye. Mag-aalas dos na ng hapon pero tulog na tulog pa rin ito dahil sa pagod, puyat at sa pag-inom. Pero ang tanong, saan nga ba ito kumuha ng lakas kanina?Tinanggal niya ang kamay nito na nakayakap sa kaniya at inilagay ang isang unan sa tabi nito. Napakagat siya sa labi dahil sa sakit ng balakang niya, dumadag pa ang sakit ng katawan at hapdi ng mga iniwang marka ng lalaki sa kaniya. Isa-isa niyang pinulot ang damit niya pero hindi niya makita ang underwear niya. Humakbang siya papunta sa banyo at nagsimulang maligo. Kailangang makapagpahinga para makauwi na. Halos thirty minutes siya sa loob ng banyo. Kita niya ang ginawa ng binata sa kaniya. Hanggang hita ang red marks niya kaya napailing na lang siya. Sinulit talaga nito ang lahat.Nakatapis siya ng tuwalya nang lumabas. Binuksan niya ang cabinet ng lalaki para kumuha ng underwear nito roon. Iyon na lang muna ang isusuot niya. Nak

  • ISLAND GIRL   Chapter 87

    Pagkatapos magluto ay inayos na ni Isabella ang lamesa bago naligo. Suot niya ang isang maluwag na T-shirt at hating hita na cotton made shorts. Nagsuklay siya ng buhok at ginising ang tiya niya.“Tiya, kakain na po.”Bumangon ito. “Sige, anak. Aayusin ko lang muna ang higaan. Susunod ako.”“Sige po at ipagtitimpla kita ng gatas mo.”“Salamat.”Dumeretso siya sa kusina at nagtimpla ng gatas, saka iyon inilapag sa mesa. Uupo na sana siya nang makarinig ng katok sa pinto.Napakunot ang noo niya.Ang aga yatang makipag-tsismisan ni Carl?Pagbukas niya, natulala siya sa nakita.“P’wede ba kitang makausap?” Malungkot at malumay ang pagsasalita ng kaniyang kaharap.Matagal niya itong tinitigan. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ano na naman sasabihin sa kaniya ng ina ni Skye at napasugod nagg maaga sa bahay nila?Pero nanaig pa rin ang paggalang niya rito.“Please, hija. I need your help now— for my son.”Napakagat siya sa labi. May nangyari ba sa lalaki?Kahit alanganin ay pinapasok

  • ISLAND GIRL   Chapter 86

    Mabilis na lumipas ang mga araw. Naroon siya ngayon sa entablado para tanggapin ang pagkilala sa kaniya at kay Carl, kasama ng iba pang naging iskolar ng mga Fetalvero, bilang kauna-unahang nakatapos at may matagumpay na trabaho sa iba’t ibang kompanya. Pero sa lahat, sa kaniya nakatuon ang atensyon dahil siya ang nakakuha ng mataas na karangalan bilang isang cum laude, kahit hindi siya sa magandang paaralan ng high school nakapagtapos.They got a gift, cash, and certificates.“Congratulations to all of you! Our reception will be at the hotel. Everyone is invited to come,” wika ni Skye na nakatingin sa kaniya.Kahit anong iwas niya, patuloy pa rin ito. Hindi ba nalalaman ni Yumi ang ginagawa nito? Sabagay, baka nasa siyudad iyon dahil simula nang dumating siya, hindi niya ito nakita kahit isang beses.Narinig niya ang palakpakan ng mga tao. Pagbaba niya ng stage, nakaabang ang tiya niya at sinabitan siya ng garland.“Masaya ako, anak. Lalo na ang papa at mama mo.”“Salamat po.” Yumaka

  • ISLAND GIRL   Chapter 85

    Dumeretso si Skye sa opisina pagkahatid kay Dr. Thomas. Medyo nag-init ang ulo niya sa uri ng tingin nito kay Isabella. Kahit sino naman mapapalingon sa dalaga dahil sa ganda nito, at mas lalo itong gumanda nang manirahan sa Manila. Lingid sa kaalaman niya na may nanliligaw rito na kasamahan ni Nick. Kaya sinabihan niya ang kaibigan na ilipat ito ng ibang route na hindi kasama si Isabella.Hinawakan niya ang isang frame na may picture ni Isabella; kung saan kuha iyon sa yate ni Carl, with a glimpse of shinning moon above. Niyakap niya iyon at nilingon ang isang solo picture sa harap ng mesa niya.“Ayokong biglain ka pero hindi ko mapigil ang sarili ko kapag nakikita kita, Isabella.”Umupo siya sa upuan niya at papikit na sumandal doon. Naalala niya ito nang sunduin ng kaniyang bodyguard, nag-check out na rin siya sa condo na iyon at nakasunod sa mga ito. Pagdating sa pantalan saka siya sumakay nang makapasok na ang mga tao at siya rin ang huling bumaba. Natatawa siya sa sarili nang

  • ISLAND GIRL   Chapter 84

    Tinagalan ni Isabella ang paghuhugas ng mga plato, kahit paulit-ulit at halos maubos na ang sabon sa lagayan.Bakit kasi ang tagal umalis ng lalaking iyon?Naroon at parang seryoso ang pinag-uusapan ng tatlo. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pa nitong makipagkuwentuhan, akala mo naman close pa rin sila ng tiya niya at ni Carl. “Isabella, hindi ka pa tapos diyan, anak?” mahinang tawag ng tiya niya.Muli siyang hindi mapakali.“Tapos na po. Magbabanyo lang po ako.”Wala na siyang narinig ulit dito. Halos kalahating oras siya sa loob dahil ayaw niyang harapin ang lalaki. Kapag sinabi ng doctor na puwede na silang umuwi, aalis na agad sila roon.Isang mahinang katok ang narinig niya.“Isabella, natulog ka na ba diyan?” Boses iyon ni Carl.Mabilis niyang binuksan ang pinto. Umalis na kaya ang lalaki? Sa isip niya.“Yes, umalis na siya dahil sa tagal mo.” Hunalukipkip ito.“Carl . . .” Pinandilatan niya ito ng mga mata.“Maligo ka na at babalik din siya. Nagkaroon lang ng problem

DMCA.com Protection Status