Share

Chaper 5

“Pagpasensiyahan mo na, hijo, itong anak ko. Minsan kasi may pagkamasungit. Hindi siya mahilig mag-asikaso ng iba lalo na hindi niya kilala. Hindi ko nasabi kanina na ikaw ang nagpaluto kasi naman nagmamadali ako ihanda ang mga iyon,” paliwanag nito.

Blangko ang tinging ipinukol nito sa kaniya. “Okay lang po. Nagugutom na po talaga ako,” saad nito.

“Ay, sige, kain ka na.” Binigyan ito ng plato ng tiyang niya.

“Sabayan niyo na po ako. Masiyado pong marami ito para sa akin.” At iniabot nito plato sa tiya niya.

“Naku, hijo, mamaya na kami. Ang dami mong ipinaluto ikaw lang pala ang kakain. Akala ko marami kang kasama,” palatak ng tiyang niya.

“Nag-iisa lang po ako kaya samahan niyo na akong kumain,” pamimilit nito.

“Sigurado ka ba, hijo?” paninigurado ng tiyahin ni Isabel. Tumalikod na siya at ayaw niyang makita ang mapanuring tingin nito.

“Isabella, saan ka pupunta? Sabayan na natin siya sa pagkain,” sambit ng tiya niya.

Napahinto siya sa paglakad. “Busog pa po ako at—”

Pinutol ng lalaki ang iba pa niyang sasabihin.

“Sit here!” seryosong sambit nito.

Napaawang ang mga labi niya. Parang amo lang niya ito kung makapag-utos.

Sumimangot siya.

“Anak, halika na at nagugutom na ang bisita natin. Sabayan na natin siya,” yaya ng kaniyang tiya.

Bumalik siya at umupo sa harap ng lalaki. Masayang nagkwentuhan ang mga ito habang kumakain.

“Masarap lahat ng pagkain na niluto niyo,” anito habang umiinom ng buko juice.

“Naku, itong anak ko ang nagluto niyan lahat. Sabi ko nga pwede na siyang mag-asawa,” biro ng tiyang niya.

Napaubo siya at muntik ng mabulunan sa kinakain niyang pusit. Inabot ng lalaki ang buko juice na iniinom nito sa kaniya.

Napatingin siya rito.

“Are you okay? Here, drink it!”

Nabubulunan na talaga siya kaya mabilis niyang inabot ang buko juice na hawak nito at ininom iyon. Medyo nawala ang sakit ng lalamunam niya.

“Ano ba ang nangyari sa iyo bata ka. Kanina ka pa nakatingin sa kinakain mo nabulunan ka pa.” Tumayo ang Tiya Alice niya at kumuha tubig sa loob.

“Feeling better?” tanong ng lalaki. Kahit seryoso ito ay halata namang nag-alala.

Tumango lang siya.

“No thank you from you again?” Biglang nag-iba ang mood nito.

Nainis siya. Bakit kapag ang tiyang niya ang kausap nito, marunong itong mag-Tagalog?

“Salamat!” Inirapan niya ito at ibinalik ang juice nito. Wala siyang narinig na tugon dito, dahil walang sabi-sabi nitong ininom ang juice gamit ang straw na ginamit niya.

Napalaki ang mga mata niya.

“No, Mister. Nainuman ko na po ’yan. Palitan na lang natin ng bago.” Sabay agaw niya pero mabilis itong umiwas.

“Uminom ka rin dito kaya patas na tayo,” saad nito na tumayo. Tatayo na rin sana siya pero biglang dumating ang Tiyang Alice niya.

“Okay ka na ba, anak? Ito ang tubig uminom ka uli.” Iniabot nito ang baso na may tubig sa kaniya.

Mabilis niyang kinuha iyon. Bigla kasi siyang nauhaw.

Nakakahiya! Bakit kasi uminom siya roon? Dapat pinalitan na lang niya.

“Hijo, baka gusto mo rin ng tubig?” Tumingin ang tiya niya rito.

Tumango lang ito at mabilis naubos ang isang basong tubig.

“Maraming salamat po sa masarap na pananghalian, lalo na po sa buko juice na ito.” Itinaas pa nito ang hawak na parang nang-aasar sa kaniya.

Dahil abala ang tiyang niya sa paglilinis ng hapag kainan, hindi ito napansin. Pinandilatan niya ito ng mga mata.

Lumapit ito at bumulong, “Next time, when you are seducing the tourist, do it better.”

Napaangat ang mukha niya. Nakita niyang inilabas nito ang wallet. Sa inis, tumalikod na siya at dinala ang mga plato sa kusina.

Lalo siyang nairita sa lalaking iyon. Sana huwag na itong bumalik doon.

“Salamat din, hijo, at nagustuhan mo ang niluto namain. Sa uulitin,” narinig niyang paalam ng Tiya Alice niya.

“Naku! Wala ng uulit! Magpaluto na lang siya sa iba. Akala mo kung sinong gwapo,” gigil niyang sambit nang makapasok sa kusina. “Sa dami ng problema ko, isasama ko pa ba siya!” Ibinagsak niya ang mga pinggan sa lamesa. Medyo nabigla pa siya sa lakas ng pagkabagsak niyon.

“Anak, okay ka lang dyan?” sigaw ng Tiya alice niya.

Napahawak siya sa dibdib niya saka sumagot

“Ah. . . opo! May ipis lang po akong nakita!” Ipis na ang gandang tirisin ng mukha.

Sumilip siya bahagya sa labas. Nakita niya kung paanong nakangisi sa kaniya ang hudyong lalaki.

Nang-aasar pa! Lalo siyang napasimagot at inirapan ito.

Simula ng malas na Lunes!

**

Nakasandal si Skye sa kaniyang upuan habang nakatanaw sa bintana ng kaniyang opisina. Muling nagbalik sa isip niya ang nangyari sa Isla Vermuda kung siya nag-unwind. Hindi maitatanggi na maganda ang lugar at perfect na location para sa proyekto na gusto ng ama. Nakikita rin naman niya na malaki ang maitutulong niyon sa bayan nila.

Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang maalalaang babaeng taga-isla.

“Isabella. . .” aniya sa sarili.

Mailap ito at parang wala siyang dating dito. Halata ring iniiwasan siya nito lalo na noong inisin niya ito.

Pero kahit ganoon, pansin niyang maganda ang babae. Maganda, ngunit may pagkasuplada. At halata rin ang pagkainosente rito. Beautiful, innocent, yet fierce. Babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakaka-encounter. Babaeng alam niyang matitipuhan niya.

Kaya isipin pa lang ang babae, lalo na ang magandang hubog ng katawan nito, buhay na buhay agad ang dugo niya sa katawan. Lalo na ang—

Natigil siya sa pag-iisip nang makarinig ng katok sa pinto.

“Come in!” Mabilis siyang humarap sa table niya. Pumasok si Arthur sa loob.

“Sir long time no see,” sambit nito at ibinaba ang mga papeles sa table niya.

Kapag gusto niya mapag-isa, kahit si Arthur ay walang alam doon.

Tumingin siya rito at ngumiti.

“Ayusin mo lahat ng mga papeles na dapat pirmahan at lahat schedules ko ay tatapusin natin this week. Mag-t-turn over ako ng mga gawain kay Gab. Siya muna ang mag-m-manage dito,” aniya sabay kuha sa mga papeles. Alam naman nito na tinanggap na niya ang pagtakbo bilang mayor ng bayan nila.

“Sure ka na ba, Sir, sa desisyon mo?” Umupo ito sa harap niya.

“I have no choice. Three years lang naman. Mabilis lang ang panahon,” sagot niya. “But I’m still here to check on everything,” dugtong niya.

Tumango ito. “Oo nga pala, Sir, Miss Yumi called me. Baka raw pwede kayong lumabas ngayong lunch to discuss the plan regarding sa proposal na tinanggap ninyo,” sabi nito.

“Siguro si Gab na ang kausapin niya regarding that. I already accept her proposal and the project will be handled by Gab. So, better she settled to him.”

Tumango ulit ito. “And lastly, tonight at seven, may meeting tayo kay Mr. Ching,” anito.

Siya naman ang tumango.

Maghapon siyng nakatutok sa trabaho. Nawala saglit ang isip niya sa babaeng nakita nya sa isla. After ng meeting niya kay Mr. Ching, pinauwi na niya si Arthur. Tinawagan niya ang kaibigan niya para magkita sila sa bar.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status