Nagising siya na tanging ingay lang ng mga alon ang kaniyang naririnig. Tumingin siya sa orasan sa dingding ngunit wala ito sa nakasanayan niyang lugar. Naalala niya na wala pala siya sa kaniyang kwarto.Siguro nakaalis na ang lalaki. Tahimik na kasi ang paligid at mataas na ang sinag ng araw sa labas. Uminat na itinaas niya ang mga kamay saka ipinusod lang pataas ang buhok. Bakit kaya hindi siya ginising ng tiya niya? Saka, halos hindi niya naramdaman ang pagbangon nito kanina.Inayos niya ang higaan bago tuluyang lumabas saka dumeretso sa kusina, dahil malapit ito sa kwarto at isa pa, nakasanayan na niya iyon para mag-tootbrush. Nararamdaman pa niya ang antok dahil hindi naman siya nakatulog nang maayos kagabi, dahil lamang ng isip niya ang binata. Umupo muna siya sa upuang kawayan at saka itinaas ang mga paa sa isang silya sa harap niya, at saka pumikit ulit.“Are you still sleepy?” anang tinig mula sa salas.May tao ba roon?Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at inayos ang upo,
Simula nang umalis ang binata sa isla, wala na siyang balita mula rito. Natapos na rin ang termino ng kaniyang ama. Ginanap ang halalan at ang lalaki ang nanalo.Iyon siguro ang dahilan kaya napakaabala nito. Saka, sino ba siya para pagtuunan nito ng pansin at oras? Isa lang siyang babaeng taga-isla na nakilala nito at sandaling pinag-ukulan ng pansin. Wala naman ng bago roon. Baka talagang panandalian lang para sa lalaki ang lahat.Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga gamit dahil lilisanin niya nang saglit ang lugar nila para sa pangarap. Yes! Nakuha siya bilang isang iskolar kasama ang kaibigang si Carl. Nakuha nila ang full scholarship with free board and lodging. Pagkain na lang ang problema nila sa araw-araw. Iniisip nila na mag-working student sila kung papayag sa ganoong sitwasyon ang kanilang tutuluyang bahay, dahil balita niya ay strict ang mga ito lalo pa at nasa loob ito ng school.Apat na taon niyang bubunuin ang sarili sa pag-aral at iyon naman ang plano niya.May kumatok
Mas lalong ipinaramdam ng batang mayor ang presensya nito habang nakayakap sa kaniya.“Mayor Skye—” Pero naputol iyon ng sakupin nito ang mga labi niya.“I miss you so much. . .” bulong nito. “Sorry for being busy.” Saka muli nitong sinakop ang mga labi niya. Mapangas iyon pero nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kaniyang kamalayan. Pakiramdam niya nawala ang takot niya sa paligid kahit alam niyang nasa gitna sila ng dagat patawid ng isla. “Skye. . .” malayang banggit niya sa pangalan ng lalaking ninanais din ng puso niya. Kahit sa unang pagkakataon ay nabihag na nito ang kaniyang puso. “That’s it, My Isabella! I can’t wait for this day. I felt an extraordinary feeling with you. I miss you,” ang sinabi nito na nagbigay daan para bumigay ang pader na gusto niyang iharang sa damdamin niya para sa batang mayor.“Mayor Skye. . .” Isang mahinang boses mula sa labas ang kanilang narinig. Bigla siyang natauhan sa ginagawa nila. Tumigil ang binata at tinakpan nang marahan ang labi niya.“Do
Pagpasok niya sa loob namangha siya sa nakitang silid. Para kasi iyong ipinasadya sa kaniya. Ngayon lang siya naka-experience ng ganoon kagandang silid na sa mga magazines ng mga hotel niya lang nakikita. Mabilis niyang ibinaba ang mga gamit sa tabi ng sofa at inikot ang paningin. Kulay light pink ang loob niyon, may isang malaking kama sa gilid at isang cabinet. Binuksan niya ang pinto na nakita niya, at mas lalo siyang namangha sa nakita roon. Napakalinis ng banyo na kompleto sa gamit mula sa towel at mga gamit pambabae.Bigla siyang napaatras nang bahagya. Naisip niya na baka mali siya ng napasukang silid. Humakbang siya palabas at muling dinampot ang mga gamit, pero natilihan siya dahil ang hawak niyang susi ay tugma sa silid na iyon.Baka mali lang ang susi na naibigay sa kaniya!Binuksan niyang muli ang pinto at lumabas.“Isabella? Bakit po kayo lumabas at saan ninyo dadalhin ang mga gamit ninyo?” anang tinig mula sa labas ng gate. Napalingon siya roon. Isang matandang babae
Mabilis na dumaan ang tatlong araw. Maayos na ang gagamitin niyang gamit at uniform. Kadarating lang nila ni Carl mula sa malapit na shopping mall, bumili sila ng mga kailangan nila. Sumaglit ito sa kwarto niya saka nagpaalam dahil mag-aayos din ito ng mga binili. Nakaupo siya sa kama at isa-isang inilabas ang mga pinamili niyang notebooks, bags, shoes at uniforms. Tumayo siya at mabilis na nilabhan ang mga damit para matuyo at maplantsa na rin.Tatlong araw na lang at papasok na siya, sa sobrang kilig ay hindi niya maiwasang mapangiti. Binalikan niya ang mga gamit na nakalagay sa kama. Inisa-isa niyang ilagay sa bag ang mga notebook at inilagay sa shoe rack ang shoes at sandals na nabili niya.“Thank you, Lord!”Masaya siya ngunit naalala niya ang tiya. Paano kaya siya ma-c-contact nito? Wala nga pala siyang cell phone at maging ito rin. Binuksan niya ang wallet niya. May tira pa naman sa naipon niya kaya bukas, magpapasama siya kay Carl para bumili.Subalit, naisip niyang sayang a
Hatinggabi na nang maihatid siya ng binata sa dorm. Tahimik na ang paligid at walang ibang tao sa labas kun’di ang mga gwardiya na nasa hindi kalayuan ng school na malapit sa dorm. Mula sa gate ay may naka-assign din na isang gwardiya roon, kaya naman panatag ang loob niya kahit gabihin sila ni Carl kapag may raket sila.“Did you enjoy the night?” narinig niya nang bubuksan na nito ang pintuan ng sasakyan. Yakap niya ang malaking teddy bear na nakuha nila sa games.“Opo. Salamat po sa pagpasyal sa akin dito kahit sobrang busy mo,” matipid na wika niya.“Maliit na bagay. Hayaan mo lagi kitang ipapasyal sa buong bayan para mapamilyar mo na din.” Tinanggal nito ang seatbelt at lumabas saka siya pinagbuksan ng binata.“Dapat hindi ka na bumaba. Kaya ko na ito. Baka may makakakilala sa iyo dito.” Luminga siya sa paligid pero hinila siya nito papasok ng gate.“It’s late in the evening, walang makakakita sa atin,” wika nito saka kinuha ang susi na hawak niya at binuksan ang pinto ng dorm.“S
First day of school, pagpasok nila ni Carl sa gate ay parang nakalutang siya sa saya habang nakahawak siya sa braso nito. Magkaklase sila ng kaibigan dahil pareho ang kanilang kursong kinuha.Nang makarating sila sa loob ng classroom, nakita niya ang mga kaeskwela nila na kaniya-kaniyang kwentuhan habang wala pa ang professor nila. Silang dalawa ni Carl ay tahimik na nakaupo sa kabilang sulok at paminsan-minsan ay nagkakatinginan.“Hey! Isabelle, right?” tanong ng isa sa tatlong babaeng pumasok. Ito ang babaeng nakilala niya noong unang dating niya sa dorm.“Oo. Juliet, ’di ba?” nakangiting wika niya.“Magklase pala tayo. Meet my two friends, Jenna at Lezlie,” masiglang wika nito. “Guys, meet, Isabelle.”Nakita niyang tumikwas ang kilay ng mga ito. Pinamulagatan naman ito ng mata ni Juliet kaya napilitang makipagkamay sa kaniya.“Masaya ako na makilala kayo. Kaibigan ko nga pala, si Carl.”Muling tumaas kilay ng dalawa pwera kay Juliet.“Saan mo ba nakilala ang mga iyan? Bakit mukhang
Mula sa sasakyan ay natanaw ni Skye ang paglabas ng dalaga sa eskwelahan nito. Madalas niya iyong gawin simula nang maging busy siya sa opisina. Ito ang naging pahinga niya bago umuwi ng bahay. Dalawang linggo na rin iyon simula nang mag-dinner sila sa dorm nito. Halos araw-araw din niyang pinadadalhan ng bulaklak at pagkain ang babae pero pakiramdam niya, mahina pa rin ang kaniyang karisma. Hindi kasi iyon naepekto rito.Napabuntonghininga siya. Maraming babae ang naghahangad sa kaniya, pero hindi niya alam kung bakit kahit nahalikan na niya ang babae ay hindi pa rin niya napapasok ang puso nito. Tumingin siya sa side mirror ng sasakyan para suriin ang sariling mukha. Maayos naman iyon.Ano kayang magandang gawin para mas mapalapit ang puso ng dalaga sa kaniya? Gusto niyang lumabas ng sasakyan at sabayan ito pauwi pero alam niyang magagalit ito. Napatingin siya sa suot na damit. Baka nga lalong mag-alangan ang dalaga sa kaniya kaya nagdesisyon na lang siyang umuwi. Tinawagan niya a