Share

Chapter 87

Pagkatapos magluto ay inayos na ni Isabella ang lamesa bago naligo. Suot niya ang isang maluwag na T-shirt at hating hita na cotton made shorts. Nagsuklay siya ng buhok at ginising ang tiya niya.

“Tiya, kakain na po.”

Bumangon ito. “Sige, anak. Aayusin ko lang muna ang higaan. Susunod ako.”

“Sige po at ipagtitimpla kita ng gatas mo.”

“Salamat.”

Dumeretso siya sa kusina at nagtimpla ng gatas, saka iyon inilapag sa mesa. Uupo na sana siya nang makarinig ng katok sa pinto.

Napakunot ang noo niya.

Ang aga yatang makipag-tsismisan ni Carl?

Pagbukas niya, natulala siya sa nakita.

“P’wede ba kitang makausap?” Malungkot at malumay ang pagsasalita ng kaniyang kaharap.

Matagal niya itong tinitigan. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.

Ano na naman sasabihin sa kaniya ng ina ni Skye at napasugod nagg maaga sa bahay nila?

Pero nanaig pa rin ang paggalang niya rito.

“Please, hija. I need your help now— for my son.”

Napakagat siya sa labi. May nangyari ba sa lalaki?

Kahit alanganin ay pinapasok
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status