Share

Chaper 2

Skye Fetalvero, a breathtakingly handsome man, panganay na anak ng mayor sa kanilang bayan. A person with a specified level of skill in business matters, kaya walang lugar sa kaniya ang serious relationship. Kung nagpakita ang isang babae ng motibo sa kaniya, sino ba siya para tumnggi? Palay na ang lumalapit sa kaniya, so, why not?

Sa edad na tatlumpu’t lima marami na ring dumaan, na sa tamang salita ay come and go relationship. Pero ni isa wala ay siyang sineryoso. It was all just for fun. Pampalipas oras. Ayaw niya sa babaeng marami ang arte at demanding. Mabilis magbago mood niya kapag nakakaharap ang ganoong style ng babae.

Sa ngayon, wala muna siyang panahon sa ganitong bisyo. Busy siyang magpatakbo ng kanilang negosyo. Sila ang may-ari ng isang sikat na hotel at beaches sa kanilang bayan. May mga branches sila sa loob at labas ng bansa. Sa dami ng gagawin, kulang na lang ay tumira siya sa office.

Silang tatlong magkakapatid ang nag-m-manage ng mga iyon dahil busy ang ama sa pulitika. May isa silang project na gustong ayusin at kung maging matagumpay sila, mas makatutulong ito sa bayan nila. Makalilikha iyon ng trabaho para sa mga tao roon.

Noong isang linggo, nakatanggap siya ng tawag mula sa ama. Matatapos na raw ang termino nito pero gusto pa ring gumawa ng isang proyekto na mapakikinabangan ng bayan nila. Ito ang naisip ng ama niya na maging trademark ng mga Fetalvero bago tuluyang lisanin ang mundo ng pulitika. At magagawa lang ito kung siya ang magiging mayor.

Hindi siya sang-ayon sa plano ng ama, ayaw niyang sumabak sa politics. Masaya na siya sa kung anong mayroon sa buhay. At oo, sa kanilang magkakapatid, siya lang ang graduate ng Bachelor of Political Science kaya siya ang kinukulit ng ama.

Napasugod siya sa mansion para pag-usapan ito. Desido na ang ama na siya ang patakbuhing mayor sa darating na halalan sa ayaw at gusto niya. Alam niya na malakas ang laban nila dahil kilala ang ama niya bilang mabuting tao at walang kaaway. Malaking puntos ’yon para manalo siya.

Pagbukas niya ng pintuan, nakahain na ang mga pagkain sa lamesa. Kompleto silang lahat. Mistulang reunion nila sa gabing iyon. Nakatingin lahat sila sa kaniya. Siya ang unang bumati sa ina niya.

“Hi, Mommy! How are you?” Humalik siya sa pisngi nito. “Hi, Daddy, mga kapatid at sa magaganda kung mga hipag,” dugtong niya.

Ngumiti lang ang mga ito. Buntis na si Elise, asawa ni Gab, sumunod sa kaniya, at si Kathy naman ay kabuwan na ngayon. Asawa ito ni Bernard, bunso nila. Sa ngayon, siya muna ang nakatutok sa pag-m-manage ng negosyo nila habang ang mga kapatid niya ay nakaalalay sa mga asawa nila.

“I’m still okay. How about you? Naikwento nga pala ng kapatid mo na binuburo mo ang iyong sarili sa offfice.” Inilapit ng kaniyang ina ang pinggan sa kaniya.

“Maraming trabahong dapat matapos, Mommy,” simpleng sagot niya. Hinila niya ang upuan para umupo sa tabi ng ina at nagsimulang kumain.

“Ito kasing dalawa na ito, halos sabay pa na nag-leave. Wala tuloy akong katulong para mag-manage ng ibang mga branches.’ mahaba niyang tugon sa ina at tumingi sa dalawa. Ngumiti ang mga ito.

“Mag-asawa ka na kasi para alam mo ang feeling.” Kumindat si Bernard sa kaniya.

“Tsk! Not my prioty this time, Bernard.” Sinabayan pa niya iyon ng kibit-balikat.

“Naku, sabi ko nga sa mga iyan na sila na muna ang mag-manage ng mga negosyo natin kapag ikaw na nakaupong mayor. Tutulong din ako sa pag-m-manage,” sabat ng ama niya.

Naibaba niya ang kutsara sa pinggan nang malakas at humarap sa ama.

“Dad, what can I do for that bull***t plan! I don’t want politics and—”

“Yeah, I know. But I want to help Isla Vermuda to become a tourist spot in the near future, Skye!” matigas na sambit nito.

Ano ba’ng mayroon sa isla na iyon at mukhang mahalaga sa ama niya? Sa isip niya. Napatayo siya sa kinauupuan.

“Excuse me. I’m done!” Naglakad na siya pabalik sa kwarto niya.

“Skye, kinakusap ka pa ng ama mo!” habol ng Mommy niya.

Tumigil siya at lumingon. “I’m tired, Dad and Mom. Mauna na ako sa inyong magpahinga. Pag-iisipan ko muna ang plano mo, Dad. Give me a little break to think about it! Excuse me.” Dumeretso siya sa taas.

Napabuntonghininga mommy niya.

“Hayaan niyo, Dad. Kakausapin ko si Skye regarding diyan sa plano mo. For now, let’s eat,” narinig pa niyang wika ni Gab bago mai-lock ang pinto.

Napailing siya. Pagsarado niya sa kwarto mabilis siyang pumasok banyo para maligo. Paglabas niya ay naidlip lang siya nang kaunti at kinuha ang laptop. Tinapos niya ang mga urgent files para i-send sa secretary niya. Nakita niyang pasado alas-onse na ng gabi. Kinuha niya cell phone niya at nag-dial ng number doon.

“Arthur, please check the file. Nai-send ko na sa email mo. Print that then bring it tomorrow for signing!” mainit ang ulo niyang sabi rito. Si Arthur ang pinagkakatiwalaan niyang tao. Almost three years na ito sa opisina niya simula nang sisantihin niya ang secretary niya. Lantaran kasi ang pagkagusto nito sa kaniya.

Noong una masaya siya dahil okay lang sa kaniya kahit walang label ang relasyon nila. Pero ilang buwan lang ang lumipas, naging demanding ito. Kaya sa inis niya tinanggal na niya ito nang tuluyan. Ayaw na niya ng babaeng secretary.

“Hello, Sir. Are you there?” saad ni Arthur kabilang liniya. Bigla nagbalik sa kasalukuyan isip niya.

“Ah, yes, Arthur. Please print that and bring here tomorrow, then cancel all my transactions starting Monday until next week,” aniya.

“Sure, Sir. Dalhin ko ito bukas. How about Ms. Yumi? Will I also cancel it?” tanong ni Arthur.

Nakailang cancel na ito at pinipilit siya ng babae na bigyan ng chance ang business proposal nito na i-merge ang hotel nila sa restaurant na itatayo nito. At malapit lang ito kung saan nakatayo ang hotel nila. Mas darami ang mga guest nila at magiging pabor iyon sa negosyo niya. May sarili ang mga itong catering, pero kung gagamitin nila sa mga beaches niya na malapit lang din sa hotel, mas pabor sa kaniya.

“Let’s re-schedule that tomorrow evening instead of morning, Arthur,” aniya.

“Noted. Anything else, Sir?” tanong nito sa boses na antok na antok pa.

“Nothing. See you tomorrow and sorry, nagising pa kita nang ganitong oras.”

Narinig niya ang mahinang tawa nito.

“Sanay na ako, Sir,” anito.

Maya-maya, nagpaalam na siya. Sinarado niya ang laptop niya at muling humiga sa kama. Hindi na siya makatulog ulit.

Bigla siyang bumangon sa kama at kumuha ng alak. Dumeretso siya sa balkonahe. Naka-pajama siya at walang damit na pang-itaas.

Nilagok niya ang whiskey sabay hithit ng sigarilyo. Ngayon lang siya ulit tumikim nito. Pakiramdam niya, sa kaniya lahat nakaatang ang mga responsibilidad.

Nakasandal siya sa pader at tinanaw ang pinakamalayong isla. Pagkatapos ng meeting niya kay Yumi bukas, gusto niya mag-unwind muna. ’Yong walang nakakikilala sa kaniya. Iyong sarili muna niya ang iisipin niya. Sa loob nang maraming taon, sa pamamalagi niya sa loob opisina ngayon lang siya nakaramdam ng matinding pagod.

**

SEACOAST HOTEL

Nakatanaw si Skye sa bintana ng sasakyan niya. Isa ang hotel na iyon sa ipinagmamalaking nagawa nilang magkakapatid. Ito ang unang hotel na pinatayo nila nang mag-start sila sa negosyo. Isang sikat na hotel iyon sa syudad ng Mindoro.

Pagbaba niya sa sasakyan, nakaabang na ang mga bodyguard niya. Dito niya pina-book ang schedule niya kay Yumi.

Nakita niya agad ang babae at agad lumapit sa kaniya. Sa ayos nito ngayon, halos ilabas na nito ang katawan sa harap niya.

Ngumiti siya at nagbeso rito.

“Hi, Skye! I thought you were going to cancel my appointment again.” May halong tampo ang tinig nito at humalik sa pisngi niya. Inalalayan niya ito pabalik sa upuan. “Thank you,” mahinang sabi nito at humawak sa binti niya at umayos ito ng upo.

“I think this is the right time to discuss your business proposal,” aniya.

“Yes. But before that, let’s eat.” Nilagyan nito ng pagkain ang pinggan niya.

Kumunot ang noo niya. Hindi niya pinansin ang mga ikinikilos nito. Kung tutuusin, maganda ito, makinis at mabilis madala sa kama. Pero walang dating sa kaniya.

Nang sasakinan nito ng kanin ang plato niya ay pinigilan niya ito. “Stop it, Yumi. Let’s talk about business, or else, I’ll leave!” mariing sabi niya.

Biglang nawala ang flirting nitong kilos. Inilahad nito ang mga detalye ng proposal nito. Umabot din nang halos isang oras ang discussion nila. Sa huli, nag-agree siya pero pipili siya sa mga itatayo niyang hotel kung saan ilalagay ang restaurant nito.

“Thank you, Skye, for the opportunity na makasama ka sa business ko.” At hinaplos nito braso niya.

Deep breath lang ang pinakawalan niya. Ang totoo, gusto niya lang itong pagbigyan dahil sa kagustuhan din ng ama niya. Ang ama nito ay isa ring kilalang personalidad sa pulitika at kasa-kasama ng ama niya. Nakilala niya ang mag-ama noong victory party ng daddy niya three years ago. Simula noon tinutukso na siya ng kaibigan ng ama niya na ligawan ito. Naiiling lang na tinawanan niya ang mga ito.

“Shall we go?” Humawak ito sa braso niya.

“Sure. But I have one client to meet up tonight. Mauna ka na, Yumi.” Ngumiti siya rito.

Bigla itong sumimangot. May tinawagan ito at humarap sa kaniya.

Nabigla siya sa biglang kinilos nito nang bigla siyang halikan at humawak sa batok niya. Sa inis niya, ginantihan niya ito ng mapusok na halik. Narinig niya ang click ng camera, saka niya biglang inilayo ang sarili rito.

“Bye, Skye. Thank you for wonderful the night.” Mapungay ang mata na nakangiti ito sa kaniya. Bago pa siya sumagot ay lumayo na ito.

Imbis na lumabas ng hotel, mabilis siyang sumakay ng elavator at pumasok sa executive suite. Doon siya dumederetso kapag pagod na siya at kapag walang balak matulog sa mansion. Mabilis siyang naligo at tinawagan ang kaibigan niya.

“Kumpadre!” sagot nang nasa kabilang liniya.

“Kumpadre ka dyan! Samahan mo ako, magkita tayo sa bar at paalis na ako,” aniya.

“Sure! See you in a bit, kumpadre!”

Ibinaba na niya ang telepono kahit nagsasalit pa ito. Nakikita niya ang reaksyon nito habang nagmumura.

Napangiti at mabilis kinuha ang susi ng sasakyan saka lumabas ng hotel. Ang totoo, wala na siyang kliyente pagkatapos nila mag-usap ni Yumi. Iniiwasan lang niya ang babae dahil sa lantarang pagpapakita nito ng motibo sa kaniya.

Pagdating niya sa bar, natanaw niya kaibigan niya na saktong papasok na rin sa bar.

“Bro, long time no see, ah! Kailan ba ang huling pagkikita natin?” Sabay tapik nito sa balikat niya.

“Umorder ka na muna bago ka magdaldal, bro!” Sigaw niya rito. Sobrang ingay sa loob kaya kumuha siya ng VIP room.

“So, what’s your problem at nagyaya ka rito ngayon?” tanong nito habang dala-dala ang alak.

“I already accept Yumi's business proposal,” maikling sagot niya.

“Si Yumi na patay na patay sa iyo, bro?!” Tumawa ito nabg malakas.

“Ga*o! Anong nakakatawa sa sinabi ko!” sambit niya.

“So, paano na iyan? Lagi ka niyang kukulitin.”

“Tingnan natin! Si Gab na ang bahala sa kaniya. Anyway, ang main problem ko dito is gusto ni Daddy na iwan ko muna sa mga kapatid ko ang pag-m-manage ng business namin. Pinatatakbo niya ako bilang mayor dito sa syudad.” Kumuha siya ng isang beer at nilagok iyon nang deretso.

Kumunot ang noo ng kaibigan niya.

“Why not, bro? That’s not a problem. Mas exciting iyan, mas magagamit mo na ang pinag-aralan mo. And besides, three years lang yun. Pabigyan mo na ang Daddy mo lalo na kung may maganda naman siyang plano,” mahabang paliwanag nito.

Muli niyang nilagok ang alak na nasa harapan niya. Marami pa silang napagkwentuhang magkaibigan. Isang desisyon ang nabuo sa isip niya pero sasabihin niya ito pagkatapos niyang mag-unwind. Gusto muna niyang mapag-isa— malayo sa lahat.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmaine Malakas Manalastas
so hot Skye!!!!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status