Pagkatapos magluto ay inayos na ni Isabella ang lamesa bago naligo. Suot niya ang isang maluwag na T-shirt at hating hita na cotton made shorts. Nagsuklay siya ng buhok at ginising ang tiya niya.“Tiya, kakain na po.”Bumangon ito. “Sige, anak. Aayusin ko lang muna ang higaan. Susunod ako.”“Sige po at ipagtitimpla kita ng gatas mo.”“Salamat.”Dumeretso siya sa kusina at nagtimpla ng gatas, saka iyon inilapag sa mesa. Uupo na sana siya nang makarinig ng katok sa pinto.Napakunot ang noo niya.Ang aga yatang makipag-tsismisan ni Carl?Pagbukas niya, natulala siya sa nakita.“P’wede ba kitang makausap?” Malungkot at malumay ang pagsasalita ng kaniyang kaharap.Matagal niya itong tinitigan. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ano na naman sasabihin sa kaniya ng ina ni Skye at napasugod nagg maaga sa bahay nila?Pero nanaig pa rin ang paggalang niya rito.“Please, hija. I need your help now— for my son.”Napakagat siya sa labi. May nangyari ba sa lalaki?Kahit alanganin ay pinapasok
Nagising si Isabella na pagod na pagod. Halos naubos ang lakas niya dahil hindi siya tigilan ni Skye. Mag-aalas dos na ng hapon pero tulog na tulog pa rin ito dahil sa pagod, puyat at sa pag-inom. Pero ang tanong, saan nga ba ito kumuha ng lakas kanina?Tinanggal niya ang kamay nito na nakayakap sa kaniya at inilagay ang isang unan sa tabi nito. Napakagat siya sa labi dahil sa sakit ng balakang niya, dumadag pa ang sakit ng katawan at hapdi ng mga iniwang marka ng lalaki sa kaniya. Isa-isa niyang pinulot ang damit niya pero hindi niya makita ang underwear niya. Humakbang siya papunta sa banyo at nagsimulang maligo. Kailangang makapagpahinga para makauwi na. Halos thirty minutes siya sa loob ng banyo. Kita niya ang ginawa ng binata sa kaniya. Hanggang hita ang red marks niya kaya napailing na lang siya. Sinulit talaga nito ang lahat.Nakatapis siya ng tuwalya nang lumabas. Binuksan niya ang cabinet ng lalaki para kumuha ng underwear nito roon. Iyon na lang muna ang isusuot niya. Nak
Nakatingin si Skye sa babaeng mahal na mahal niya, habang nagdadasal at nag-aalay ng bulaklak sa puntod ng mga magulang nito. Isinama siya nito para na rin humingi ng basbas.“Tay, Nay, salamat sa gabay . . . Salamat at dinala ninyo dito sa isla ang taong makakasama ko at magbibigay sa akin ng labis na kaligayahan. Nagalit man ako sa mga alon dahil sa pagkawala ninyo, pero ibinalik nitong muli ang tiwala ko. Mahal ko kayo at lagi pa rin kayong nasa puso ko. Alam kong masaya na kayo kasama ang apo ninyo,” ani Isabella.Napangiti siya at lumapit sa puntod.“Hayaan po ninyo, gagawa kami nang marami para mas masaya rito sa isla kasama ni Tiya Alice.”Nakita niya ang pag-irap ng dalaga sa kaniya.“Hindi ikaw ang kinakausap ko, bakit sumasabat ka?” Naramdaman niya ang pinong kurot nito. Hinuli niya ang mga kamay nito, bago ito kinabig at niyakap nang mahigpit. “Totoo ang sinasabi ko, babe,” nakangiti pa ring wika niya.Isang mabining hangin ang dumampi sa kanilang mga balat. Sabay silang
After a month, Isabella decided to resign from her job. Kasama niya sa pag-aayos ng papel niya si Skye. Hindi na siya tinantanan nito na gawin iyon dahil ayaw na nitong lumayo pa siya sa isla. Doon sila bubuo ng masayang pamilya at pamamahalaan ang negosyo ng lalaki.She chased her goal and dream even in a short time, but she was happy with it. Now is the time to give what her heart really wants. To live with the man she loved the most.Nakatitig siya ngayon sa lalaking naghihintay sa kaniya sa unahan ng altar, kasama ang mga magulang nito at ang paring magkakasal sa kanila. Napakagwapo nito sa suot na blue suit with black pants at makintab na black shoes. Halata rito na hindi mapakali habang naghihintay sa kaniya.Iniikot niya ang paningin sa paligid. Mula sa resort hanggang sa dulong bahagi ng dalampasigan ay may nakaayos na sariwang mga bulaklak. Isang mahabang red carpet din ang nakalatag sa labas ng resort papuntang reception. Tila isang royalties ang dadalo sa pag-iisang dibdib
Inihatid sila ng mga tauhan ng asawa papunta sa bahay nila. Hindi pa man sila pumapasok sa kanilang silid, nagsimula na si Skye. Wala itong sinayang na sandali. Nagawa nitong tanggalin nang mabilis suot nilang dalawa. Walang saplot silang dalawa nang buhatin siya nito sa loob ng banyo.Binuksan nito ang hot shower at itinapat siya roon. Napakagat-labi siya nang tumapat ito sa kaniya at biglang pumiglas ang nasa pagitan ng mga hita nito.Marahan nitong hinaplos ang leeg niya gamit ang sabon habang pinaliliguan siya. Halos mapuno ng bula ang katawan niya dahil sa paulit-ulit nitong paghaplos, na tila ba sinasaulo bawat sulok niyon. Napasinghap siya nang bigla nitong hawakan ang dibdib niya.“Ah! Skye . . . !”Sinamba ng asawa niya ang katawan niya. Pababa at pataas ang labi nito sa katawan niya.“This beautiful creation never failed to amaze me,” anito bago siya siniil ng halik. Labas-masok ang dila nito sa bibig niya na tila nag-aaya na gayahin niya ang ginagawa nito. Pinag-aralan niya
Inayos ni Isabella ang lahat ng pagkain sa mesa. Naroon sila sa gitna ng dagat kung saan tanaw ang resort at bahay nila. Gawain nilang mag-anak iyon tuwing weekend bilang bonding nila. Sakay sila ng private yatch na bagong bili nila.“Dad, did you buy that fishing boat?” narinig niyang tanong ni Cloud kay Skye.“Yes, son. It’s a gift to the fisherman here who supplies us the freshest seafoods in our restaurant,” nakangiting sagot ni Skye sa anak.“Really?! Can I go with you Dad?”Nawiwili na ang anak nila na laging kasama ang kaniyang asawa. Kaya sa murang edad nito, marunong na ito sa mag-surfing; na madalas ay nakaalalay pa rin si Skye. Nasa walong taon na ang panganay nilang si Cloud at marami na ring hilig gawin.“Dad? How can I handle this thing?” Mula sa isang tabi ay kinuha ni Raine at Stormie, ang kambal nilang babae na limang taon gulang na, ang fishing rod.“Come here. Kuya Cloud will show you how to use that fishing tool.”Nag-unahan ang dalawa na lumapit sa kuya ng mga ito
Nakamasid si Isabella sa malawak na karagatan habang nasa bintana siya ng maliit na kubo ng Tiya Alice niya. Kagigising lang niya nang oras na iyon at gawain na niya iyon tuwing umaga.Nakatira siya sa isang isla na kung tawagin ay Isla Vermuda. Ganoon ang itinawag dito dahil sabi nila, kahawig daw ito ng Bermuda Triangle na matatagpuan sa western part ng North Atlantic Ocean. Pero kabaligtaran sa mga nangyayari dito, maganda ang isla nila. Mapayapa at masayang namumuhay ang mga tao roon. Para bang sinadya na magkaroon sila roon ng sariling mundo, dahil wala na halos magnais pa na umalis sa lugar iyon— at isa na siya roon. Simula nang mamatay ang tatay at nanay niya ang Tiya Alice na niya ang kumupkop sa kaniya. Kapatid ito ng tatay niya. Mabait ito at isang matandang dalaga. Sampung taong gulang lang siya nang bawian ng buhay ang mga magulang niya dahil sa paglubog ng bangka pagtawid sa isla. Nagdala ang mga ito ng mga aning prutas at gulay sa karatig bayan at pagbalik ay isang masam
Skye Fetalvero, a breathtakingly handsome man, panganay na anak ng mayor sa kanilang bayan. A person with a specified level of skill in business matters, kaya walang lugar sa kaniya ang serious relationship. Kung nagpakita ang isang babae ng motibo sa kaniya, sino ba siya para tumnggi? Palay na ang lumalapit sa kaniya, so, why not?Sa edad na tatlumpu’t lima marami na ring dumaan, na sa tamang salita ay come and go relationship. Pero ni isa wala ay siyang sineryoso. It was all just for fun. Pampalipas oras. Ayaw niya sa babaeng marami ang arte at demanding. Mabilis magbago mood niya kapag nakakaharap ang ganoong style ng babae. Sa ngayon, wala muna siyang panahon sa ganitong bisyo. Busy siyang magpatakbo ng kanilang negosyo. Sila ang may-ari ng isang sikat na hotel at beaches sa kanilang bayan. May mga branches sila sa loob at labas ng bansa. Sa dami ng gagawin, kulang na lang ay tumira siya sa office.Silang tatlong magkakapatid ang nag-m-manage ng mga iyon dahil busy ang ama sa puli