Kinabukasan, tanghali na siyang nagising dahil hindi siya pinatulog kakaisip sa anak ni Mayor Sergio. Bakit kasi sa dami ng puwedeng makilala ang ganoong klase pa ng lalaki ang nakaharap niya. Inayos niya ang higaan bago bumaba. Sumulyap siya sa kwarto ng Tiyang Alice niya. Wala na ito roon at sigurado siyang nagtitinda na ito ng isda. Tahimik siyang bumaba. Tumingin siya sa orasan. Pasado alas-onse na ng umaga.Nagulat siya. Ganoon ba kahaba ang naitulog niya? Bakit? Dahil ba napagod siya sa event kahapon?Napailing siya. Pagbaba niya ay may niluto ng pagkain ang tiyang niya. Umupo siya sa mesa at nagsimulang kumain. Bigla na naman niyang naisip ang nangyari kahapon. Pilit niyang iwinaksi iyon sa isip at nag-concentrate sa kaniyang pagkain.“Utang na loob, lubayan mo na ako!” bulong niya sabay higop ng kape .“My Queen Isabella, ang pinagpala sa lahat ng babae!” bungad ng kaibigan niyang siy Carl sa bintana. Naibuga niya ang iniinom na kape sa gulat.“Ano ba! Bakit bigla-bigla ka n
Kinabukasan, nakahanda na ang lahat. Marami rin ang mga ang nagbabaka-sakaling makakuha ng iskolar. Nakita niyang puno ng tao ang barangay hall nila. Pumirma muna siya sa papel kasabay si Carl saka humanap ng upuan. Pinapunta sila sa high school na katabi lang ng barangay hall. Pagdating doon ay nagderetso siya sa room kung saan mag-e-exam. Nakita niya roon si Betsay.“Andito pala ang feeling maganda!” narinig niyang wika nito.Hindi niya ito pinansin at nagderetso na lang sa unahan. Inayos niya ang kaniyang mga gagamitin at naupo na. Magkaiba ang room nila ni Carl at sa danami-rami ng tao na puwede niyang makasama ay si Betsay pa. Ramdam na ramdam niya ang init ng dugo nito sa kaniya.“Isabella, ’di ba? Sa tingin mo makakakuha ka ng iskolar?” tanong ni Betsay na lumapit pa talaga sa kaniya.Medyo inis siya rito pero ayaw niyang masira ang araw niya at ang gusto niya lang ay mag-concentrate sa gagawing pagsusulit.“Good luck sa exam,” aniya rito.Umismid ito sa kaniya at sinipa ang upu
Paglabas nila ni Carl nahagip ng mga mata niya ang binata. Kausap nito ang babae kanina at mukhang seryosong nag-uusap ang dalawa. Nainis siya at pabastang hinila ang kaibigan.“Aray naman, Isabella!” tili nito na parang kinakatay.“OA, ah! Dito na tayo dumaan kasi hindi maganda ang nakita ko. Mayroong may dugong kabayo sa harapan!”Umingos ito. “Sus! Nagseselos ka lang kamo dahil may kausap na magandang babae ang prince charming mo! Malay mo, bussiness lang pala ang pinag-usapan nila,” panunukso nito.Hindi siya sumagot. Wala na, malas na talaga ang buong araw niya. Lumakad siya palayo sa kaibigan. Bakit nga ba siya nagpapaapekto sa mga nasa paligid niya? Wala naman dapat siyang pakialam sa mga ginagawa ng lalaki. Sino ba ito? At sino ba siya? Wala naman, hindi ba?“My Queen!” habol na tawag ni Carl sa kaniya.Hindi niya ito pinansin. Deretso lang ang lakad niya hanggang makauwi siya sa bahay nila. Walang nagawa si Carl kun’di ang umuwi na rin. Parang napagod siya bigla. Mabilis
Nagising siya na tanging ingay lang ng mga alon ang kaniyang naririnig. Tumingin siya sa orasan sa dingding ngunit wala ito sa nakasanayan niyang lugar. Naalala niya na wala pala siya sa kaniyang kwarto.Siguro nakaalis na ang lalaki. Tahimik na kasi ang paligid at mataas na ang sinag ng araw sa labas. Uminat na itinaas niya ang mga kamay saka ipinusod lang pataas ang buhok. Bakit kaya hindi siya ginising ng tiya niya? Saka, halos hindi niya naramdaman ang pagbangon nito kanina.Inayos niya ang higaan bago tuluyang lumabas saka dumeretso sa kusina, dahil malapit ito sa kwarto at isa pa, nakasanayan na niya iyon para mag-tootbrush. Nararamdaman pa niya ang antok dahil hindi naman siya nakatulog nang maayos kagabi, dahil lamang ng isip niya ang binata. Umupo muna siya sa upuang kawayan at saka itinaas ang mga paa sa isang silya sa harap niya, at saka pumikit ulit.“Are you still sleepy?” anang tinig mula sa salas.May tao ba roon?Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at inayos ang upo,
Simula nang umalis ang binata sa isla, wala na siyang balita mula rito. Natapos na rin ang termino ng kaniyang ama. Ginanap ang halalan at ang lalaki ang nanalo.Iyon siguro ang dahilan kaya napakaabala nito. Saka, sino ba siya para pagtuunan nito ng pansin at oras? Isa lang siyang babaeng taga-isla na nakilala nito at sandaling pinag-ukulan ng pansin. Wala naman ng bago roon. Baka talagang panandalian lang para sa lalaki ang lahat.Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga gamit dahil lilisanin niya nang saglit ang lugar nila para sa pangarap. Yes! Nakuha siya bilang isang iskolar kasama ang kaibigang si Carl. Nakuha nila ang full scholarship with free board and lodging. Pagkain na lang ang problema nila sa araw-araw. Iniisip nila na mag-working student sila kung papayag sa ganoong sitwasyon ang kanilang tutuluyang bahay, dahil balita niya ay strict ang mga ito lalo pa at nasa loob ito ng school.Apat na taon niyang bubunuin ang sarili sa pag-aral at iyon naman ang plano niya.May kumatok
Mas lalong ipinaramdam ng batang mayor ang presensya nito habang nakayakap sa kaniya.“Mayor Skye—” Pero naputol iyon ng sakupin nito ang mga labi niya.“I miss you so much. . .” bulong nito. “Sorry for being busy.” Saka muli nitong sinakop ang mga labi niya. Mapangas iyon pero nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kaniyang kamalayan. Pakiramdam niya nawala ang takot niya sa paligid kahit alam niyang nasa gitna sila ng dagat patawid ng isla. “Skye. . .” malayang banggit niya sa pangalan ng lalaking ninanais din ng puso niya. Kahit sa unang pagkakataon ay nabihag na nito ang kaniyang puso. “That’s it, My Isabella! I can’t wait for this day. I felt an extraordinary feeling with you. I miss you,” ang sinabi nito na nagbigay daan para bumigay ang pader na gusto niyang iharang sa damdamin niya para sa batang mayor.“Mayor Skye. . .” Isang mahinang boses mula sa labas ang kanilang narinig. Bigla siyang natauhan sa ginagawa nila. Tumigil ang binata at tinakpan nang marahan ang labi niya.“Do
Pagpasok niya sa loob namangha siya sa nakitang silid. Para kasi iyong ipinasadya sa kaniya. Ngayon lang siya naka-experience ng ganoon kagandang silid na sa mga magazines ng mga hotel niya lang nakikita. Mabilis niyang ibinaba ang mga gamit sa tabi ng sofa at inikot ang paningin. Kulay light pink ang loob niyon, may isang malaking kama sa gilid at isang cabinet. Binuksan niya ang pinto na nakita niya, at mas lalo siyang namangha sa nakita roon. Napakalinis ng banyo na kompleto sa gamit mula sa towel at mga gamit pambabae.Bigla siyang napaatras nang bahagya. Naisip niya na baka mali siya ng napasukang silid. Humakbang siya palabas at muling dinampot ang mga gamit, pero natilihan siya dahil ang hawak niyang susi ay tugma sa silid na iyon.Baka mali lang ang susi na naibigay sa kaniya!Binuksan niyang muli ang pinto at lumabas.“Isabella? Bakit po kayo lumabas at saan ninyo dadalhin ang mga gamit ninyo?” anang tinig mula sa labas ng gate. Napalingon siya roon. Isang matandang babae
Mabilis na dumaan ang tatlong araw. Maayos na ang gagamitin niyang gamit at uniform. Kadarating lang nila ni Carl mula sa malapit na shopping mall, bumili sila ng mga kailangan nila. Sumaglit ito sa kwarto niya saka nagpaalam dahil mag-aayos din ito ng mga binili. Nakaupo siya sa kama at isa-isang inilabas ang mga pinamili niyang notebooks, bags, shoes at uniforms. Tumayo siya at mabilis na nilabhan ang mga damit para matuyo at maplantsa na rin.Tatlong araw na lang at papasok na siya, sa sobrang kilig ay hindi niya maiwasang mapangiti. Binalikan niya ang mga gamit na nakalagay sa kama. Inisa-isa niyang ilagay sa bag ang mga notebook at inilagay sa shoe rack ang shoes at sandals na nabili niya.“Thank you, Lord!”Masaya siya ngunit naalala niya ang tiya. Paano kaya siya ma-c-contact nito? Wala nga pala siyang cell phone at maging ito rin. Binuksan niya ang wallet niya. May tira pa naman sa naipon niya kaya bukas, magpapasama siya kay Carl para bumili.Subalit, naisip niyang sayang a