Pagpasok niya sa loob namangha siya sa nakitang silid. Para kasi iyong ipinasadya sa kaniya. Ngayon lang siya naka-experience ng ganoon kagandang silid na sa mga magazines ng mga hotel niya lang nakikita. Mabilis niyang ibinaba ang mga gamit sa tabi ng sofa at inikot ang paningin. Kulay light pink ang loob niyon, may isang malaking kama sa gilid at isang cabinet. Binuksan niya ang pinto na nakita niya, at mas lalo siyang namangha sa nakita roon. Napakalinis ng banyo na kompleto sa gamit mula sa towel at mga gamit pambabae.Bigla siyang napaatras nang bahagya. Naisip niya na baka mali siya ng napasukang silid. Humakbang siya palabas at muling dinampot ang mga gamit, pero natilihan siya dahil ang hawak niyang susi ay tugma sa silid na iyon.Baka mali lang ang susi na naibigay sa kaniya!Binuksan niyang muli ang pinto at lumabas.“Isabella? Bakit po kayo lumabas at saan ninyo dadalhin ang mga gamit ninyo?” anang tinig mula sa labas ng gate. Napalingon siya roon. Isang matandang babae
Mabilis na dumaan ang tatlong araw. Maayos na ang gagamitin niyang gamit at uniform. Kadarating lang nila ni Carl mula sa malapit na shopping mall, bumili sila ng mga kailangan nila. Sumaglit ito sa kwarto niya saka nagpaalam dahil mag-aayos din ito ng mga binili. Nakaupo siya sa kama at isa-isang inilabas ang mga pinamili niyang notebooks, bags, shoes at uniforms. Tumayo siya at mabilis na nilabhan ang mga damit para matuyo at maplantsa na rin.Tatlong araw na lang at papasok na siya, sa sobrang kilig ay hindi niya maiwasang mapangiti. Binalikan niya ang mga gamit na nakalagay sa kama. Inisa-isa niyang ilagay sa bag ang mga notebook at inilagay sa shoe rack ang shoes at sandals na nabili niya.“Thank you, Lord!”Masaya siya ngunit naalala niya ang tiya. Paano kaya siya ma-c-contact nito? Wala nga pala siyang cell phone at maging ito rin. Binuksan niya ang wallet niya. May tira pa naman sa naipon niya kaya bukas, magpapasama siya kay Carl para bumili.Subalit, naisip niyang sayang a
Hatinggabi na nang maihatid siya ng binata sa dorm. Tahimik na ang paligid at walang ibang tao sa labas kun’di ang mga gwardiya na nasa hindi kalayuan ng school na malapit sa dorm. Mula sa gate ay may naka-assign din na isang gwardiya roon, kaya naman panatag ang loob niya kahit gabihin sila ni Carl kapag may raket sila.“Did you enjoy the night?” narinig niya nang bubuksan na nito ang pintuan ng sasakyan. Yakap niya ang malaking teddy bear na nakuha nila sa games.“Opo. Salamat po sa pagpasyal sa akin dito kahit sobrang busy mo,” matipid na wika niya.“Maliit na bagay. Hayaan mo lagi kitang ipapasyal sa buong bayan para mapamilyar mo na din.” Tinanggal nito ang seatbelt at lumabas saka siya pinagbuksan ng binata.“Dapat hindi ka na bumaba. Kaya ko na ito. Baka may makakakilala sa iyo dito.” Luminga siya sa paligid pero hinila siya nito papasok ng gate.“It’s late in the evening, walang makakakita sa atin,” wika nito saka kinuha ang susi na hawak niya at binuksan ang pinto ng dorm.“S
First day of school, pagpasok nila ni Carl sa gate ay parang nakalutang siya sa saya habang nakahawak siya sa braso nito. Magkaklase sila ng kaibigan dahil pareho ang kanilang kursong kinuha.Nang makarating sila sa loob ng classroom, nakita niya ang mga kaeskwela nila na kaniya-kaniyang kwentuhan habang wala pa ang professor nila. Silang dalawa ni Carl ay tahimik na nakaupo sa kabilang sulok at paminsan-minsan ay nagkakatinginan.“Hey! Isabelle, right?” tanong ng isa sa tatlong babaeng pumasok. Ito ang babaeng nakilala niya noong unang dating niya sa dorm.“Oo. Juliet, ’di ba?” nakangiting wika niya.“Magklase pala tayo. Meet my two friends, Jenna at Lezlie,” masiglang wika nito. “Guys, meet, Isabelle.”Nakita niyang tumikwas ang kilay ng mga ito. Pinamulagatan naman ito ng mata ni Juliet kaya napilitang makipagkamay sa kaniya.“Masaya ako na makilala kayo. Kaibigan ko nga pala, si Carl.”Muling tumaas kilay ng dalawa pwera kay Juliet.“Saan mo ba nakilala ang mga iyan? Bakit mukhang
Mula sa sasakyan ay natanaw ni Skye ang paglabas ng dalaga sa eskwelahan nito. Madalas niya iyong gawin simula nang maging busy siya sa opisina. Ito ang naging pahinga niya bago umuwi ng bahay. Dalawang linggo na rin iyon simula nang mag-dinner sila sa dorm nito. Halos araw-araw din niyang pinadadalhan ng bulaklak at pagkain ang babae pero pakiramdam niya, mahina pa rin ang kaniyang karisma. Hindi kasi iyon naepekto rito.Napabuntonghininga siya. Maraming babae ang naghahangad sa kaniya, pero hindi niya alam kung bakit kahit nahalikan na niya ang babae ay hindi pa rin niya napapasok ang puso nito. Tumingin siya sa side mirror ng sasakyan para suriin ang sariling mukha. Maayos naman iyon.Ano kayang magandang gawin para mas mapalapit ang puso ng dalaga sa kaniya? Gusto niyang lumabas ng sasakyan at sabayan ito pauwi pero alam niyang magagalit ito. Napatingin siya sa suot na damit. Baka nga lalong mag-alangan ang dalaga sa kaniya kaya nagdesisyon na lang siyang umuwi. Tinawagan niya a
“Isabella, lumabas ka na. Ikaw rin, baka biglang magbago ang isip ni Mayor, layasan ka!” malakas na sigaw ng kaibigan. “Ako na ang bahala dito. Binigyan mo na ako ng duplicate, ’di ba? Pagkatapos kong kumain sisiguraduhin kong naka-lock na ito.” May panunuksong ngumiti nito. Inirapan lang niya ang kaibigan saka kinuha ang maliit na paper bag sa cabinet. “Babalik agad ako. Hintayin mo ako dito.”“Sus! Kahit tagalan mo pa. Hindi ako mag-aalala kasi nasa mabuting kamay ka ni Papa Skye. Go!” Tumayo na ito at itinulak siya palabas. Hindi pa ito nakontento at inihatid siya hanggang sa gate. Halos hindi niya maihakbang ang mga paa nang masilayan niya ang preskong mukha ng binata. Nakababa ang bintana ng sasakyan nito. Napaka-cool nitong tingnan sa simpleng polo shirt na suot at naka-sunglasses pa. Bagong ahit ito.Napatingin siya sa mapula nitong mga labi na tila hindi man lang nasasayaran ng sigarilyo. Napakagat siya sa pang-ibabang labi dahil ayaw niyang mapansin nito ang mapanuri niyang
Pagkatapos kumain kasama ang mga kaibigan ng binata, pumunta sila sa field kung nasaan ang golf area.Habang kumukuha ng mga gamit ang mga ito, naiwan sa tabi niya si Irene at Diana.“Isabella, iba din ang tama sa iyo ni Mayor,” ani Diana sa kaniya.Mukhang mabait ang dalawa at mukhang magkakasundo agad sila.“Oo nga! Mabuti naman at may seryoso na siyang babaeng iniharap sa atin. Kapag nagkakasayahang katulad nito, siya lang ang out of place lagi. Pero maraming gustong sumama sa kaniya,” nakangiting wika ni Irene.Napakagat labi siya sa narinig.“Ah—”Hindi na niya iyon naituloy nang sumabat ang binata.“Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo?” Nakangiti ito at iniabot sa kaniya ang hawak na golf clubs.Tumawa lang ang dalawa at kinuha ang dala ng nobyo ng mga ito. Mukhang sanay na sanay ang mga ito.Lumingon siya sa binata.“I’ll teach you how, come on,” wika nito.Sabay-sabay silang pumwesto sa di kalayuan. Sa simula laging shot ang bola ng lima, tanging siya lang ang lagpas at u
Masakit ang ulo ni Isabella kinabukasan. Inaantok pa rin siya kaya hinagilap niya si Blue sa tabi niya. Nakailang ulit na iniunat niya ang mga braso pero wala ito.“Blue. . .”Pinilit niyang iminulat ang mga mata, pero napamulagat siya dahil wala siya sa sariling kwarto. Tuluyan na siyang napabalikwas nang mahimasmasan at maalala ang nangyari kagabi.Nakapangtulog na siya. Wala na ang suot niya nang nagdaang gabi. Napatayo siya at mabilis na pumunta sa banyo para ma-check ang sarili. Pero parang wala naman nagbago kun’di ang nakapreskong pajama at maluwang na damit na suot.Nataranta siya. Alam niyang ang binata ang kasama niya sa loob. Tinanaw niya ang kabilang kama. Maayos na nakatupi ang mga gamit doon. Alam niya rin na nagsuka siya pero wala na ang bakas niyon at preskong air freshener ang naaamoy niya.“Nakakahiya ka, Isabella! Ano ka ngayon? Iniwan ka na! Mukhang turn off na sa iyo! Imbis na kilalanin mo siya, ikaw ang nagpakitang gilas sa kaniya!” kausap niya ang sarili sa sal